CHAPTER 7 Klara POV Pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi, hindi ko maalis sa isip ko si Andreas. Ang mga titig niya, ang mga salita niya, at ang sandaling nagbago ang lahat para sa amin. Pilit kong iniiwasan ang kilig na nararamdaman ko, pero parang mas lalo lang itong tumitindi. Pagdating ko sa studio kinabukasan, ramdam ko agad ang kakaibang tensyon sa paligid. Tahimik ang mga kasamahan ko, pero ang mga sulyap nila sa akin ay puno ng tanong. Alam kong napansin nila ang pagbabago sa akin, pero wala akong balak ipaliwanag. “Klara, ang aga mo yata?” bati ni Nina habang inaayos ang kanyang sapatos. “Ah, oo. Gusto ko lang mag-practice nang maaga,” sagot ko, pilit na ngumiti. “Hmm,” tumango si Nina, pero halata ang pag-aalinlangan sa mukha niya. “Parang blooming ka ngayon, ha. Ano’ng s

