CHAPTER 17 Klara POV Pagkapasok ko sa aming bahay, naramdaman ko agad ang bigat ng atmosphere. Tahimik ang paligid, ngunit alam kong may mali. Ang mommy ko, na nakaupo sa sala, ay biglang tumayo nang makita akong pumasok. “Klara,” tawag niya sa akin, malamig ang boses. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang tuhod ko, pero ramdam ko ang tension. “Mommy…” sagot ko, pilit na iniiwasan ang kanyang tingin. Bago pa ako makapagsalita nang maayos, bumungad ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Pak! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napahawak ako sa pisngi ko habang tinitingnan siya, hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo?” galit na tanong niya. “Nakipag-date ka kay Andreas? Sinabi ko na sa’yo, Klara! Ayoko siyang makasama mo!” “Mommy, ano’ng problema kung makipag-date ako sa kanya?” tan

