"Pangako"

1705 Words

CHAPTER 18 THIRD PERSON POV Hindi tumigil ang mundo nina Klara at Andreas sa gitna ng galit ng pamilya ng dalaga. Ngunit sa kabila ng lahat ng tensyon at sakit, mas pinili nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila. Isang gabi, nagkita ang dalawa sa isang lihim na lugar sa ilalim ng mga bituin—isang lugar kung saan pwede nilang kalimutan ang mga problema at maging sila lang. Ang damuhan ay basang-basa sa hamog, ngunit hindi iyon alintana ng dalawa. “Klara,” bungad ni Andreas habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga, “hindi ko alam kung paano kita mas mapoprotektahan sa sitwasyon na ‘to.” May lungkot sa boses niya, halatang ramdam niya ang bigat ng mga nangyayari. Umiling si Klara, pilit na nagpapakita ng tapang. “Hindi mo kailangang gawin ‘yon, Andreas. Basta’t magkasama tayo, kakayanin ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD