CHAPTER 13 Third Person POV Tahimik ang buong paligid habang nakaupo sina Andreas at Klara sa balcony ng isang magarang restaurant na overlooking ang city. Ang lamig ng hangin ay tila tumutugma sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa, ngunit ang maliliit na ngiti sa kanilang mga labi ang nagbibigay liwanag sa gabing iyon. "Andreas," basag ni Klara sa katahimikan. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin?" Nag-aalangan si Andreas sa una, halatang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Hinawakan niya ang baso ng wine, iniikot-ikot ito bago tumingin kay Klara. "Klara," panimula niya, seryoso ang tono. "Matagal na kitang gusto." Napatingin si Klara sa kanya, nagulat ngunit pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman. "Gusto? Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti si Andreas, tila

