EMILY POV
"Sorry Emily, I am not interested anymore. I used to be in a toxic relationship before. Jeffrey is not a nice guy, certified liar at manloloko. I was so stupid to give him more chances than he deserves. Ngayon, wala na talaga itong balikan. Nakaka trauma nang makipag relationship."
Wow talaga ba? Eh ano itong ginagawa n'ya? She is clearly flirting with my fiance. Sa kapal pa lang ng red lipstick nitong minatch pa n'ya sa red dress n'ya.
"Hayaan mo, naniniwala akong may karma ang mga taong manloloko. They don't deserve ang mga taong matitino. I swear, mayroong nag hihintay ng masama sa mga taong 'di makuntento!" pag paparinig ko sa kanilang dalawa ng fiance ko.
"Babe, please stop saying things like that!" pag aawat ng fiance ko.
"Why? Did I say something wrong? We are talking about her ex boyfriend!" sabi ko.
"Oh s'ya kita na lang tayo mamaya. I have to go to my stepdad at baka kanina pa n'ya ako hinahanap," pagpapaalam ni Lily na ang sama ng tingin sa akin kasi napaka clingy ko sa fiance ko.
When she left, I pointed at my boyfriend's face, "Hoy bakit mo ako iniwan kanina sa labas ha? Para kang walang kasama ha? You know na sobrang mahiyain akong babae and you seem don't care about me."
I thought he's going to apologize to me but I get a different answer from him.
"Alam mo, ilang taon na tayong magkasama ngunit ngayon ay 'di pa rin nawawala ang pagiging introvert mo. How many times do I have to go with you? Tao ka rin naman at tao lang din ang mga magiging kaharap mo? I can't understand why you are always like this. You are already 23 years old right? So bakit ayaw mo pa ring lumabas sa comfort zone mo?"
"It's not about that. It's about you leaving your girlfriend behind. Ganito ka na ba sa babaeng mapapangasawa mo ha? Dati 'di ka naman ganito ngunit ngayon, may importante pa sayo ang pakikipag usap kay Lily and you left alone!"
"Bakit ano sa tingin mo ha? Nakipag landian ba ako sa kaniya? Ikaw itong puro tamang hinala rito eh. Ako, I am doing this because I care for our future. So kung sa tingin mo ay iniwan kita kasi nakipag landian ako, you can leave me alone here. Ayaw kong masira ang gabi ko just because of this bullshit!"
"Ah so sa tingin mo ay gabi mo lang ang nasira ha? Ang self centered mo talagang tao eh ano? Sarili mo lang ang iniisip mo!"
"Stop it! Pwede ba, may tamang lugar sa pagtatalo nating dalawa? Don't you think na ito na nga yung pagkakataon na dapat marami akong pwedeng maging business partners. And what? Aartehan mo ako ng ganito?"
"Aba hanggang dito pa naman ay puro ka work? Sa dami ng mga business partners mo at you are also working at your office, 'di ka pa rin nakuntento ha?"
"Bakit alam mo kung saan ako galing 'di ba? Laki ako sa hirap at marami akong mga naranasan sa buhay ko. I don't even have the family na nagmamalasakit sa akin. I feel so alone noong wala pa akong pera. Basura ang tingin sa akin ng ibang tao. At ngayon na sobrang nag susumikap ako sa aking buhay at maraming mga opportunities na dumarating sa akin, 'di ko hahayaan na mawala ang mga bagay na pinag hirapan ko and I am not going to stop until the time comes na 'di na ako namomroblema sa pera. Akala ko ba ay suportado mo ako rito? Ay sabagay, you will be inheriting the business of your dad. 'Di mo pino problema ang pera and your parents before looked down to me."
"Pero ipinag laban kita, right? Pinag laban ko ang pag mamahalan nating dalawa. Okay, this is not making anymore sense and I feel like mas maganda siguro kung mag hwalay muna tayo ng landas ngayon kasi it is not going to be good if we stick together."
"Go ahead and leave!" he said without hesitation, "I will not stop you, mag taxi ka na lang din mamaya pag uwi mo kasi fo sure ay maglalasing ka lang din naman."
"Wow! Anong tingin mo sa akin party girl ha? Jan ka nga!"
Umalis na ako! I gritted my teeth in anger, I should not come here in the first place kung alam ko lang na magiging ganito ang sitwasyon. I am here again sa fountain, naka upo while sipping the remaining tequila in my glass. Not in a mood to start any conversation kasi baka may madamay pa sa pagiging bad trip ko!
Subalit mayroong mga dumating na lalaking naka coat at isa isa silang lumalapit sa amin. Simula na pala ang event sa loob. Pumasok kaming lahat at para kaming mga sardinas na nag sisiksikan sa isang lata. Pumunta si Ginoong Oliver sa stage at dito ay nagsimula itong mag salita.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Marahil ang karamihan sa inyo ay inaakala na idinaos natin ang halloween party but there is more than that. Aside from the fact na I love parties, gusto ko lang sanang sabihin sa inyo na ngayong araw ang pag aanunsyo ko na divorce na ako sa aking asawa."
Abot tainga ang sayang nadarama ni Ginoong Oliver. Nagulat ako sa balitang ito, how can he be so happy na wala na sila ng dati nitong asawa? Not until he speaks up again.
"I would also like to announce na tatakbo ako bilang isang Mayor ng ating lungsod!" Pagpapatuloy nito ng kanyang pananalita.
Madami pa itong mga sinabi subalit tungkol na ito sa kanyang negosyo at ibang mga bagay na. I am here alone at pangatlong tequila ko na ang iniinom ko. I am enjoying my own company at nagpapalipas sa oras. I am trying to find my fiance ngunit lahat ng tao ay halos mayroong mask sa mukha so it is hard for me to find him. But certainly, kausap ngayon nito ang malanding Lily na isa kong pekeng kaibigan. Mag enjoy lang s'ya ngayon ngunit darating ang time na makaka ganti rin ako sa kanya.