KABANATA 5

1017 Words
*EMILY POV* "Oh andito ka pala Jack? Para kang isang bula na nawawala na lang sa paningin ko at lilitaw na lang kapag trip mo. Yung totoo, ano ka ba talaga sa buhay ko Jack? Are you even aware na mayroon kang kasama rito ngayon ha?" "Emily, mayroon lang akong inasikaso but it does not mean na nakalimutan na kita. Nasa party tayo right now so please do not ruin your mood." "You should not give me reason to do so. Behave like a gentleman at pumirmi ka kung nasaan ka. In that way, you can assure na hindi masisira ang mood ko tonight." "Are you trying to say na wag akong makipag usap sa ibang mga tao rito?" "Well, not unless kung may plano kang lumandi." "Emily..." Magsasalita pa lang ako ng dumating si Mr. Oliver and he started meddling in our conversation. "Oh I have never though I'll be seeing you here, Mr. Jack? Ang akala ko ay mag isa lang ngayon si Emily that is why binabalik balikan ko ito." Nag shake hands silang dalawa but my boyfriend seem to hide my annoyance to him. I know him kapag nasasaktan ito at naiinsulto sa sinasabi ng ibang tao. And I think na hindi n'ya ito palalampasin. "Sorry, marami lang kasing mga potential business partners dito in the near future. Marami akong mga maiimbitahan para mapalago pa ang mga negosyo ko. Who knows kung ano pa ang mga itatayo kong mga negosyo in the near future?" Humigop ito ng wine at nagsalita, "Ang hirap sayo Jack, masyado kang busy sa future mo at sa mga negosyong itatayo mo pero nawawalan ka na ng oras sa girlfriend mong si Emily. Look at her, nakaka awa ang hitsura nito kanina na mag isa lang ito. You know that she is kind of introvert at nababagot sa ganito. She was saying to me na isa kang napaka sipag na lalaki at sobrang business minded mo. But nakalimutan mo kung sino ang tumulong sayo sa loob ng mahabang panahon- especially those times na isa ka lang baguhan sa pagnenegosyo mo." Natahimik ako sa pagtatanggol ni Mr. Oliver sa akin. He does not have to do it because I don't want to stir up a problem. But I have thought na tama lang ito upang magtanda si Jack. And I know na darating ang panahon na mapupunta na ito kay Lily. So kahit na ito na lang ang aral na makuha nito sa relasyon naming dalawa. "Mr. Oliver, maiba po tayo ng usapan. I would really like to congratulate you po for running as the Mayor of this city. Kahit na kalaban n'yo si Mr. De Leon, alam ko na kayo po ay mananalo. Sa dami ng mga taong humahanga sa inyo, it will be a landslide victory." "Ayaw ko pang magsalita ng hindi pa tapos. Mahigpit na katunggali rin si Mr. De Leon." "Ano po ba ang dahilan kung bakit n'yo po gustong tumakbong mayor?" tanong ko. I am just curious kung personal ba ang reason ng pag takbo nito. "Marami na akong naabot sa aking buhay at masasabi ko na malayo na ang narating ko sa buhay. I am done giving myself a life that I deserved. Panahon na para tumulong ako sa mga mahihirap nating mga kababayan. Marami rin akong mga plaporma na makakatulong sa mga maliliit na negosyo at mga trabaho. Malinis ang intensyon ko sa mga kababayan natin at sana ay makuha ko rin ang mga boto n'yo sa paparating na halanan." "Makaka asa po kayo na makukuha n'yo ang boto ko. At kung hindi pa po ito sapat, tutulong rin po ako sa pangangampanya n'yo. Kung kailangan ko pong mag ikot ikot sa mga bahay para lang makuha ko ang boto nila para sa inyo. Naniniwala po ako na panahon na para magkaroon ng pagbabago sa ating lugar at mangyayari lang ito kapag kayo na po ang naging bagong mayor." Hinawakan ni Mr. Oliver ang balikat ko at napatingin ng mabilis si Jack sa akin. May selos sa mga matatalim nitong tingin pero alam nitong wala akong kasalanan. At least alam nito ang pakiramdam ng pagseselos ko sa kanilang dalawa ni Lily. Kahit na tahimik lang ako, I know na may namamagitan sa dalawang ito. "Thank you, buti ka pa ay mayroong ganang sumuporta sa akin. But I do not think na may matatanggap din akong suporta sa anak kong si Lily. Although we are not really blood related pero tinuring ko ito na parang anak ko na rin." "That is not true po," pagtatanggol ni Jack, "I know na susuportahan po kayo ni Lily sa ambisyon n'yong maging isang Mayor ng ating syudad kasi nagkataon po na magkasama kaming dalawa kanina at nakita ko kung paano n'ya kayo tingnan, kung paano ito ngumiti habang pinapanood kayo sa stage as you declared your ambition to be the next mayor of this city." "Tama po s'ya dad! Of course I will not only vote for you pero tutulong ako sa iyong candidacy upang matiyak natin ang pagka panalo n'yo. If possible, magbibigay rin ako sa mga bahay na may kasamang cash upang kayo ang iboto ng mga tao." Ito ba ang kayang isipin ni Lily? Ang sirain ang sarili nitong ama at ipahiya ito? Wala ba s'yang tiwala na kaya nitong manalo sa isang malinis na eleksyon? She's got some stupid suggestion at pampasira lang ito sa mga magagandang hangarin ni Mr. Oliver para sa aming bayan. "Please Lily! Stop tarnishing my reputation para lang manalo ako. Do you really think I will go that far para lang maipanalo ang pagiging mayor ng lugar na ito? I have hoped that you could come up with a better strategy than that." He looks at her disappointedly and looked at me afterwards. "Mabuti pa itong si Emily, maganda ang hangarin n'ya para tulungan ako sa kampanya. Kung ganito ka positibo ang taong sasama sa akin sa kampanya, masisiguro ko na mapupunta sa akin ang lahat ng mga boto ng taong bayan at kapag ako na ang nanalo, papaunlarin ko ang lahat ng mga mamamayan ng ating lugar."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD