Pagkalipas ng isang linggo, na-i-discharge na rin sa ospital si Kasper. Hindi na namamaga ang mukha nito ngunit hindi pa rin siya gaanong makakilos. Pinaubaya muna ang opisina sa mga trusted member qt kapag may mga importanteng kailangan pirmahan ay dinadaanan ito ni Rossie sa opis upang iuwi. Habang nagpapagaling ng tuluyan si Kasper, unti-unti naman itong nakaka-recover sa mga nakaraang insidente at hindi na niya gaanong naiisip iyon. Nakakapagsalita na rin siya ng diretso at nakakain na mag-isa. Si Rossie ay matiyaga na pinagsilbihan ang asawa kahit na hindi siya naaalala nito. Bukod tanging siya lamang at dahil dito, naging tahimik ang dating masiglang tahanan ng mga Dimitri. Mabuti na lamang at nariyan ang kambal na nakakapagbigay ng buhay sa mag-asawang halos hindi nag-uusap. Nagi

