Kinakabahan na pumasok si Rossie sa kanilang secret room kung saan naroroon ang pink box na tinutukoy ni Kasper. Medyo may kabigatan iyon ngunit nagawa niyang mailapag sa sahig. Tumayo muna si Rossie at nagbibilang ng ilang segundo. Nakikipagtalo sa sariling isip kung ano sa tatlong bagay ang posibleng tanong nito. Una niyang naisip ay sexy lingerie, pangalawa at sapatos or sweets galing ng abroad. O kaya naman ay isang mamahaling bag. Huminga ng malalim si Rossie at ipinikit ang mata saka dahan-dahan niyang inaangat ang cover. Halos pigilan niya ang paghinga, ngunit ng magsimula siyang buksan ito ay mabilis na dumampi sa ilong niya ang halimuyak ng nakapakabangong amoy galing sa loob nito. Iminulat niya ang mga mata at nakita niya ang card sa ibabaw nito na may nakasulat na message.

