Dahil sa insidente, tuluyang nakulong sina Sanmi, Jenny, Becca at Emman. Pinagbayad din sila ng malaking halaga dahil sa perwisyong dulot ng kanilang mga maling hangarin. At malaki ang naging epekto nito sa kanilang mga family business. Nilinis ni Mrs. Angela ang listahan ng mga tiwaling kaalyado at hindi mapagkakatiwalaan. Dahil hindi pa lubos na bihasa si Rossie sa pagpapatakbo ng Royal Hotel, siya pa rin ang namamahala dito hanggang sa nakasanayan na ng manugang ang pagpapatakbo ng negosyo. Si Rossie ang itinalagang successor ng pagiging CEO, 5 years from now, at may karapatan siyang mamahala at magdesisyon sa anumang naisin niya na makakabuti sa negosyo at ikabubuti ng Royal Hotel. Sumang-ayon naman ang pamilya ni Mrs. Angela dahil pag-aari naman niya ito at malawak ang kanilang bus

