CHAPTER 9: Last

1177 Words
This happened last year nung nagtrabaho ako sa Batangas. March 2019 Papunta palang ng Nasugbu ay medyo masama na ang pakiramdam ko dahil sa ilang araw na byahe at trabaho. It was my last three days in Batangas kaya kahit papaano ay ganado parin ako. Ang hotel na tinulugan ko ay merong maliit na garden at kubo na pwede makapagrelax. Pagkatapos kong makapag check in ay nagpasya akong pumunta sa kubo at timing naman na walang tao kaya masosolo ko ito. Naagaw ang pansin ko nang isang hardenero na tutok na tutok sa kanyang trabaho. Nakaupo ito at nakatalikod kaya hindi ko makita kung ano ang kanyang ginagawa. Ang ipinagtataka ko ay hindi sya sa lupang parte naka upo kundi sa sementadong parte ng garden. Hindi naman siguro makakapagtanim sa semento diba? Sigurado akong hardenero ito dahil naka sombrero ito na katulad ng sa mga magsasaka at nakalong sleeve na pang itaas. May dulos na nakaipit sa short nito at may hawak itong brown na regadera. Habang pinagmamasdan ko ito, napansin kong napakarumi ng paa nito na para bang ibinaon sa lupa. Tumagilid ako ng bahagya para makita ko ang ginagawa nito pero natatakpan ito ng malaki nyang sombrero at tuhod. Siguro kung tatayo ito ay malaki itong tao.  Mga ilang minuto pa ang lumipas na nakaupo lang doon ang hardenero. Nagulat ako ng bahagya itong tumingin sa gilid at kitang kita ko pa kung paano ito ngumisi.  "Mam!" Nagulat ako nang sumulpot ang receptionist sa harap ko. "Mam! Ito po ang official receipt na hinihingi mo," nakangiting inabot nito sakin ang resibo. "Thank you!" gumanti ako ng ngiti dito. Pag-alis ng receptionist ay wala na ang hardenero kung saan ito nakaupo kanina. Inikot ko ang paningin ko pero hindi ko na ito nakita pa. Tumayo ako at nagpasyang ayusin nalang muna ang mga gamit ko sa kwarto. Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko ay kinuha ko sa bag ang mga gamit pang banyo. Pagbukas ko ng banyo ay nagulat ako kasi ang dumi dumi sa loob. Maraming mga d**o na nakakalat at may mga mud footprints pa. Mabilis kong pinuntahan ang receptionists. Pati ito ay nagulat sa nakita dahil SOP na daw nila na bago papasukin sa kwarto ang guests ay nililinis at chini-check muna nila ang buong kwarto. Humingi ito ng despensa at nagpapasok ng taga linis. Para sakin ay okay lang naman sana kung kaunting dumi lang na kaya kong linisin nalang kaso pati sa mga dingding ay may mga putik. Pagkatapos kong maghapunan ay pumwesto na ko sa kama at nanood ng TV para pampaantok at maaga pa akong gigising kinabukasan. Nagising ako dahil sa sama ng panaginip ko. Nakaupo daw ako sa kubo at tinitingnan ang hardenero habang nagtatanim. Sa una ay ayos lang pero unti unti na itong humaharap sakin. Kahit anong iwas kong tingnan ito ay hindi ko maigalaw ang ulo ko at hindi ko maipikit ang mga mata ko. Sinubukan kong tumayo o igalaw ang mga paa ko nang nakaharap na ito sakin. Hindi ko parin makita ang mukha nito dahil sa nakayuko ito. Nagsisigaw ako nang mabilis itong tumakbo papunta sa dereksyon ko. Tumayo ako at kumuha ng tubig para naman makalma ako kahit papaano. ___   ___ Pagkatapos kong magtrabaho ng araw na yun ay dumeretso na ko ng uwi sa hotel. Nang makita ko ang receptionist ay lakas loob akong nagtanong dito. "Excuse Miss, pwedeng magtanong? Nasaan na si kuyang hardenero? Yung nagtatanim dyan kahapon?" Tinuro ko kung saan banda ko unang nakita ang hardenero kahapon. "Sigurado po ba kayo Mam? Wala po kasi kaming hardenero Mam dito. Dalawang babae po ang katiwala namin dito, sila rin po ang naglilinis ng bawat kwarto." May halong pagtataka ang tono ng pagsasalita nito. Nung makompirma kong wala talaga ay hinayaan ko nalang. Baka sa sobrang pagod at stress lang kaya namamalikmata na ko at nadala ko pa pati sa panaginip ko. Pangalawa at huling araw ko sa Batangas. Masaya akong nagtuturo at nagpapa activity sa mga participants ng bigla akong nakaramdam ng konting hilo. Tinapos ko lang ang pagbibigay ng instructions at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Lunch break ng tinawag ako ng isang participant. Siguro mga nasa 50's na ang edad nito. "Yes po Nay?" nakangiti kong bati dito. Umupo ako sa tabi nito. "Mam, isa po akong manggagamot sa lugar namin," panimula nito. "Huwag po kayong matatakot Mam ha? Kanina po pagpasok mo po dito sa training hall, meron po akong napansin na itim na anino na nasa likod mo po. Akala ko nung una ay sa ibang participants lang kasi marami kang kasabay pagpasok mo dito. Pero kahit san ka po pumunta ay nasa likod mo po ito kaya sigurado kong ikaw po ang sinusundan nito. Lalo na po Mam nung nasa gitna ka po at nagtuturo samin. May mga pagkakataon pong sinusunod nya ang bawat galaw mo," mahinang kwento nito. Bigla akong napalunok sa sinabi nito.  "Nasa likod ko po ba ngayun? Paano po ito mapapaalis Nay? Anong mga dapat kong gawin?" tanong ko dito. "Wala naman po ngayon Mam. Kanina habang nasa gitna ka po ay may lumitaw din po na kulay puting pigura. Babae ito Mam at medyo may katandaan na. Medyo may mga puti na po sa buhok nito at naka pusod ito. Sa naaalala ko po ay naka floral itong damit. Hindi ko na po matandaan ang pang ibabang suot nito. Pilit pong itinataboy ng babae ang itim na anino. Nawala po bigla ang anino ng tumabi na sayo ang babae," mahabang paliwanag nito habang nakangiti. "Siguro po Mam ay isa sa mga yumao ninyo ang babae," dagdag pa nito. "Salamat naman po at wala na pala ang puting anino. By the way Nay, kamusta po yung activity nyo?" pag-iwas kong tanong dito. "Nahirapan nga akong magsagot Mam, wala akong talent sa ganito ee, Hehehehe," sagot nito. Tinanguan ko ito at nginitian bago tumayo at mabilis na pumuntang banyo. Pagsara ko ng pinto ng banyo ay nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi takot ang nararamdaman ko ngayon kundi pangungulila. Ang babaeng tinitukoy nya at diniscribe ay ang MAMA ko! T-T Medyo may katandaan na ang mama ko kaya may mga parti na ng buhok nito ang pumuputi na. Mahilig itong magpusod ng buhok at ang paborito nitong suotin ay floral na damit.  3 days nalang ay death anniversary nya na. Tuwing maaalala ko ay parang pinipiga at dinudurog ang puso ko.  Kahit ngayon na sinusulat ko ito ay hindi ko parin mapigilang masaktan at umiyak. T-T Mahal na mahal talaga kami ng mama ko na kahit wala na sya ay pinaparamdam parin nya ang suporta nya samin. Hindi nya man kami maalagaan na physically pero hindi nya naman kami pinapabayaan spiritually. Alam kong si Mama yun. Nararamdaman ko sa puso ko na palagi lang syang nasa paligid. Simula nun ay wala nang nagpaparamdam pa sakin.  Ma, okay na kami dito. Pahinga kana dyan sa tabi ni God. Kaya na namin ang sarili namin, huwag kang mag-alala. Sana ay masaya kana kung nasaan kaman ngayon. Walang araw na hindi kita naaalala. Na mimiss na kita.  Mahal na mahal ka namin. ___   ___ OMG! =O= Nahirapan akong tapusin ang kwentong ito. Lalo na at isa ito sa mga mahahalagang alaala sakin. Feel na feel ko talaga ang parteng ito.  Thank you everyone for your support. Lovelots! Sana po ay suportahan nyo rin ang Amor Prohibido (Bawal na Pag-ibig).
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD