Sogod, Cebu
Ang trabaho ko nun ay from Danao to Camotes Island to Sogod. This happened two years ago.
Ang last destination ko nun ay Sogod, Cebu. Mga three nights and four days din akong nag stay dun.
It was my first time going in sa Sogod and hindi ko talaga inexpect na ang resort na tutulugan ko ay malayu pa sa kabihasnan at parang dulong dulo na.
At first excited ako cause I really love nature. Mas gusto kong mag stay sa mga lugar na maraming puno and fresh ang hangin.
Marami namang resort dun pero dun ko piniling magstay sa resort na may training venue na rin para hindi na ako mahirapang magbyahe pa araw-araw.
Gaya po ng nakasanayan ay hindi ko po babanggitin kung ano po ang pangalan ng resort for privacy purposes.
Pagpasok sa gate ay bubungad agad ang maliit na kubo ng namamahala. They were very welcoming and accomodatng. Isa siguro sa mga pinagpapasalamat ko doon ay ang kabaitan ng namamahala.
Mga 20 meters from the gate ang malapad na all purpose hall. Hindi naman ito kasing laki ng iniisip ninyo, siguro ay mga 50 ka tao ang pwedeng magkasya.
Sa dulo ay ang napakalinis na beach. Pero nung mga panahong nun ay maalon at ako lang naman mag-isa kaya hindi rin ako nakaligo.
Ang kanang bahagi ng resort ay napapalibutan ng matataas na mga coconut trees. Sa ambiance palang ay talagang ma rerelax kana.
Ang medyo nahirapan lang ako ay ang kwarto kung saan ako magse-stay kasi ang layu pa. Bali dadaan kapa ng all purpose hall at coconut trees bago mo marating ang kwarto.
May dalawang kwarto at nagkataun namang puro vacant kaya ako lang talaga ang naka check in.
Sa likod ng dalawang kwarto ay mga talahib na.
Pagpasok ko ng kwarto ay medyo na disappoint lang ako kasi first time kong nakapag stay sa isang resort na walang TV. Hindi naman sa maarte ako pero unusual lang lalo na at bago lang ako sa lugar. Mas nakakapanatag talaga pag may distractions.
Worst ay wala pang masyadong signal ang phone ko doon and wala pang tubig ang gripo. Pag maliligo ay kailangan mo pang tawagin ang namamahala para may mag-igib ng tubig.
Pag ayos ko ng mga damit at gamit ko ay umalis na ako papuntang mini market. Pag 5-6 PM kasi ay wala ng nagtitinda.
First night
Dahil sa hindi pa naman ako inaantok at walang magawa, kinuha ko nalang ang laptop ko nanood ng naka saved na movie.
Nung medyo inaantok na ako ay niligpit ko na ang laptop, pinatay ang ilaw at nahiga na.
Sa kanang bahagi ng kama ay ang bintana at sa kaliwang bahagi naman ang CR.
30 minutes na akong nakahiga ay hindi parin ako makatulog. Pa baling baling ako sa kanan at kaliwa.
Nakatagilid ako at nakaharap sa kanan ng naramdaman kong parang may umihip sa batok ko. Bigla akong napabalikwas at tiningnan kung ano yun.
Maliwanag ang bwan at makikita ko talaga kung may kasama man ako sa loob o wala.
Bumangon ako at nagpalingalinga.
Wala akong nakita kaya sinara ko nalang ang pinto ng CR at bumalik ako sa paghiga.
Nakakapagtaka lang dahil sa kung lamig lang yun mula sa aircon ay imposible talaga dahil nasa paanan ko banda ito hindi sa gilid.
Hinayaan ko nalang at nagdasal ulit para makatulog.
Kakatapos ko lang magdasal ng may maramdaman akong kamay sa likod ko. Unti-unti itong gumagapang papayakap sakin.
Lumakas ang t***k ng puso ko at pinawisan ako ng pagkalamiglamig.
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng kamay na nakapatong sa baywang ang braso ko.
Hindi ako nag dare na tumingin o gumalaw manlang. Natatakot ako sa posibleng makita ko.
Alam kong hindi ito tao kasi wala naman akong naramdamang may humiga katabi ko. Basta basta lang itong sumulpot.
Pumikit ako at nagdasal ng paulit-ulit.
Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na wala ng pumapatong na kamay sa gilid ko.
Dali-dali akong bumangon at binuksan ang ilaw.
Nung gabing yun ay madaling araw na akong nakatulog.
Dinagdagan pa ng takot ko ang katahimikan ng paligid.
Second night
Lahat ng mga nangyare ng first night ay hinayaan ko nalang at nag isip nalang ng mga positive thoughts.
Medyo busy na ako sa paggawa ng reports and additional materials para kinabukasan.
Nang matapos na ako ay nahiga na ako para naman makabawi ng tulog.
Hindi ko na pinatay ang ilaw para kahit papaano ay hindi ako matakot. Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ng mga christian songs. Ayos lang naman na malowbat ako, icharge ko nalang sa umaga.
Hindi narin ako tumagilid at pinuno ko ng unan ang gilid ko para walang may tumabi.
Mga 5 minuto na akong nakapikit pero alam ko na hindi pa ako tulog. Naramdaman ko na parang may gumagalaw sa paanan ko.
Minulat ko ang mga mata ko para tingnan. Nakita kong gumagalaw nga ang kumot ko. Sa isip ko ay siguro sa hangin o lamig na galing sa aircon kasi nga nasa paanan ko banda ito.
Pumikit na ako ulit pero parang may mali. Parang hindi lang hangin o dapo ng kumot ang nararamdaman ko sa paanan ko.
Minulat ko ulit ang aking mga mata. Titingnan ko sana kung ano yung gumagalaw sa paanan ko but I can't move.
Gusto kung igalaw mga paa ko pero wala, ayaw gumalaw. Siguro ay sa sobrang takot na nararamdaman ko kaya namanhid ang mga paa ko.
Sinubukan kung igalaw ang mga kamay ko and thankfully nagalaw ko naman.
Unti-unti kung hinawakan ang kumot at tiningnan kung ano ang gumagalaw sa ilalim nito.
Pagsilip ko ay may nakita akong MUKHA!
May gwapong lalaki sa ilalim ng kumot ko. Nakatingin ito sakin at nakangiti.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawala ang takot ko pero hindi parin gumagalaw ang mga paa ko?
Parang naging blangko lahat sa isip ko. Nasa magkabilang gilid ang mga kamay nito.
Unti-unting gumapang ito pa taas ng katawan ko habang nakatingin parin sakin.
Nangmalapit na ang mukha nito sa mukha ko ay dun lang ako natauhan. Napapikit ako at sumigaw.
Bigla naman akong napaupo at hingal na hingal.
Was that a dream? o totoong nangyare?
Gwapo ang lalaki pero hindi ko pa sya nakikita sa boong buhay ko.
Pero bakit ganon? Wala akong nararamdamang takot ngayon?
Dahil ba sa nakita ko ang mukha nya? Dahil ba sa hindi naman nakakatakot ang mukha?
Naisip ko bigla na siguro natatakot tayo sa mga multo kasi ang iiniisip natin kaagad ay ang nakakatakot nilang mga itsura. Yun bang maraming dugo sa katawan, basag ang bungo, pugot ang ulo, lumalabas ang organs at mapuputla.
Nabigla lang naman ako kasi gumagapang sya pa taas. Pero kung ganon din ka gwapo siguro ang magpapakita ay hindi rin kayo matatakot.
Bumalik na ko sa pagkakahiga at pinilit na makatulog.
Third and last night
Mga 5 PM ng sinundo ako ng kaopisina ko at niyayang doon nalang maghapunan sa opisina namin.
Mga 8 PM ay hinatid narin nila ako pabalik sa resort para makapagpahinga na.
Nung gabi na yun ay natutuwa talaga ako kasi last night ko na at bukas ay makakauwi na ko. Inayos ko narin ang mga damit at gamit ko para ready to go na bukas.
Tanda ko pa na after ko mag half bath ay nahiga na ko. Nilagay ko na sa uluhan ko ang phone ng biglang gumalaw ang kama.
Niyuyugyog ito. Una ay mahina lang, maya-maya pa ay palakas na ito ng palakas kaya bumangon na ako.
Tiningnan ko ang lamesa kung gumagalaw kasi baka may lindol. Delikado pa naman kasi nasa tabing dagat lang ako.
Pero hindi naman gumagalaw ang lamesa. Bumalik ako sa pagkakahiga at mga ilang saglit lang ay gumalaw ulit ito. Ngayon ay tiningnan q ulit ang lamesa kung gumagalaw. Pero steady lang ito at ang kama lang talaga ang nagalaw.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagtakip ng kumot. Nagdasal ako ng nagdasal hanggang sa tumigil ito. Sinabi ko nalang na, " Please, wala po akong ginagawang masama sa inyo. Gusto ko pong magpahinga."
Pagkasabi ko nun ay hindi na ito naulit pa.
Bago ako umalis ay tinanong ko muna ang namamahala kung anong oras sila natulog kagabi. Sinabi naman nilang mga pasado 10 PM na kaya tinanong ko sila kung lumindol ba kagabi.
Sabi nila ay wala naman daw silang naramdaman.
Pagkatapos ng insidenteng yun ay hindi na talaga ako bumalik sa resort na yun. Minsan ay nakakapunta pa naman ako ng Sogod pero hindi na ako dun natutulog.
Hindi ko alam kung multo o engkanto ba ang nagpaparamdam sakin dun. Hindi ko rin lubos maunawaan kung bakit may mga tao talagang lapitin ng mga kakaibang nilalang katulad ko.
Sa tingin nyo po?