CHAPTER 3 : WELCOME TO DEVRON ACADEMY...
Luna POV
"Saan ba tayo pupunta?" Kanina ko pa ito tanong kay Axter pero hindi man lang niya ako sinasagot. Para bang may malalim siyang iniisip.
"May balak ka bang masama sa akin?"
Tanong ko sa kanya gamit ang aking isip at palihim akong napangiti dahil sa wakas nakatingin na siya sa akin. Tla nagulat pa nga siya sa aking tinanong.
"Kahit kailanman ay wala akong balak na masama sa iyo mahal na prinsesa." Sabi ni Axter sa akin.
"Patawad kung hindi kita sinasagot kanina. Nadala lang ako ng iniisip ko." Dagdag ni Axter.
"Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina ka pa kasi balisa." Tanong ko sa kanya. Para kahit paano ay makatulong man lang ako.
"Wala wag mo na intindihin iyon. May pabor sana ako sayo mahal na prinsesa." Seryosong sabi sa akin ni Axter.
Napaayos ako ng harap sa kanya nagi sumagot.
"Ano ba iyon? Basta kaya ko."
"Nais ko sana na huwag mo ipagsabi kahit kanino na ikaw ang prinsesa ng White Clan. Nakikiusap ako sayo mahal na prinsesa." Pakiusap sa akin ni Axter.
"Pero bakit?" Tanong ko sa kanya at tumuloy na ako sa paglalakad. Naramdaman ko din na sumunod siya sa akin.
"Mapanganib kapag nalaman nilang buhay pa ang prinsesa at taga pagbantay ng apat na bato ng White Clan." Kahit naguguluhan ay hindi na ako nagtanong pa.
"Devron Academy." Sambit ko.
Nasa harap kami ng isang malaking gintong gate at sa loob nun natatanaw ko na may mala palasyong gusali.
"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Axter habang nililibot ang tingin ko sa buong paligid.
"Nasa Devron Academy tayo. Paaralan ng mga kagaya natin. Ito lamang ang alam ko na lugar na magiging ligtas tayo dahil may barrier ito."
Nakakamangha naman. May ganito pa lang lugar dito. Kung sabagay nasa ibang mundo nga pala ako. Sa mundong akala ko noon hindi totoo. Pero nung simula pa lang kasama na pala ako ditkanya.
"Halika na mahal na prinsesa." Aya sa akin ni Axter at nagsimula na siyang maglakad.
Napatingin ako kay Axter at hindi ko siya sinundan. Kaya naman nagtataka siyang napalingon sa akin.
"May problema ba mahal na prinsesa?" Tanong niya sa akin.
"Napaisip lang ako Axter. Diba ayaw mong malaman ng iba na ako ang prinsesa ng White Clan?" Pagkukumpirma ko kay Axter.
"Tama kayo mahal na prinsesa." Sagot niya sa tanong ko.
"Kung ganun tigilan mo na yung pagtawag sa akin ng mahal na prinsesa. Baka mamaya magtaka sila kung bakit mo ako tinatawag ng ganun." Napangiti si Axter pagkatapos ko iyon banggitin.
"Anak nga kayo ni Master Morgan. Masusunod po." Sabi niya at muli siyang ngumiti.
Sa loob ko ay nasiyahan ako sa narinig ko. Nakakalungkot lamang at hindi ko na matandaan ang mukha ng aking mahal na ina at ama. Pero alam ko naman na binabantayan nila ako.
Naglakad na kami ulit ni Axter. Mapuno ang paligid. May mga nagbabantay ding fairy sa pinto at may mga goblin na nag inspeksiyon sa bag na dala namin. Ang mga fairy naman ang tumingin sa aming kasuotan. Talagang mahigpit sila. Dahil maski ang aming sapatos ay pinahubad pa sa amin. Nang matapos na ang ginawa nilang pagtingin sa amin ay pinapasok na nila kami.
"Nag uumpisa na ba ang klase?" Tanong ko dahil nakikita ko na madaming studyante ang naglipana sa buong paligid.
Yung iba nag eensayo ng combat. Yung iba ng kanilang magic. Yung iba naghahabulan at nagkwekwentuhan. Mabuti na lang at hindi nila napapansin ang pagdating namin ni Axter.
"Hindi ako makapaniwala na makakapag aral ako dito." Natutuwang sabi ko habang tinitignan ang paligid.
Hindi man halata sa akin na sobrang saya ko dahil hindi naman ako showy pero hindi ko maipagkakaila na natutuwa ako dahil makakapag aral ako dito.
"Simula pa noong ipinanganak ka nakaplano nang dito ka mag aral." Seryosong sabi ni Axter.
"T-talaga?" Mangha na tanong ko kay Axter habang nakatingin sa kanya kaya hindi ko napansin na may mabubunggo na pala ako.
"S-sorry." Sabi ko saka ko pinulot at inabot sa kanya yung libro na nahulog.
"Okay lang kasalanan ko din naman." Sabi niya at inabot niya yung libro niya.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ko ang buhok ko dahil natatakpan nito ang mukha ko. Nasa harapan ko pa din siya pero hindi ko natignan ang mukha niya dahil tinawag na ako ni Axter.
"Tara na baka madami pa tayong gagawin." Sabi ni Axter at hinila ako.
"Ayos ka lang ba mahal na prinsesa." Bulong sa akin ni Axter.
Hindi na ako nakasagot dahil nagulat ako. May tumatawag sa pangalan ko.
"L-luna?! Luna!"
"P-paanong?!" Bulong ko at lilingon sana ako kaso hinila na ako ulit ni Axter.
"Wag kang lilingon baka mamaya kalaban yan."
"Lunaaaaa!" Tawag sa aking muli.
Binilisan namin ang paglalakad. At sa wakas hindi ko na narinig na tinatawag niya ako. Sino kaya iyon? Bakit kaya niya alam ang pangalan ko? Kalaban kaya siya?
Lira POV
"Lira! Ano ba yang ginagawa mo? Saka bakit ka sumisigaw?" Tanong sa akin ni kuya Leo.
"Wala parang nakita ko lang kasi yung isa sa mga kaibigan ko sa mortal world." Dismayado kong sagot kay kuya kasi hindi ko na makita si Luna.
"Sabi mo nga kaibigan mo sa mortal world so bakit mo dito makikita?" Pagsusungit sa akin ni kuya.
Lagot! Alam ko na kung saan pupunta ito. Ang daldal mo kasi Lira eh.
"Totoo namang nakita ko siya eh. W-wait kuya! Aray huhuhuhu." Paano ba naman kinaladkad ako at hinila ang tenga ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag na wag ka nang pupunta sa mortal world! Ang kulit mo talaga!" Pagalit na sabi ni kuya kaya napapout ako.
"Huhuhu kuya sorry na." Sabi ko sabay yakap kay kuya. "di ko na uulitin." Dugtong ko at nagpuppy eyes ako kay kuya.
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo Lira. May kasalanan ka pa sa akin." Buti naman binitawan na ako ni kuya.
Sorry na nga kuya eh. Promise magbebehave na ako." Pag puppy eyes ko kay kuya.
Nakita ko na napabuntong hininga si kuya at ngumiti sa akin. Sabi na eh hindi ako matitiis ni kuya eh.
"Fine. Basta ipromise mo na hindi ka na ulit tatakas. Okay?" Sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko.
"Yes kuya I promise." Nakangiti kong sabi kay kuya.
"Hanap ka nga pala ni Jeremiah." Sabi ni kuya at sinundot ang tagiliran ko na tila nang aasar.
"Kuya naman eh." Pakiramdam ko namumula na ako.
"Oh bakit wala naman akong sinasabi ah namumula ka na agad." Natatawang sabi ni kuya Leo sa akin.
Paano alam niya kasing crush ko ang kababata kong si Jeremiah. Naglakad na kami ni kuya Leo kasi ihahatid niya ako sa klase ko. Sa laglalakad namin inaasar niya pa din ako tungkol kay Jeremiah. Pero hindi ko maalis sa isip ko yung nakita ko kanina.
Sigurado ako na si Luna yun. Pero anong ginagawa niya dito? Saka alam ko naman na hindi yun naniniwala sa mga magic eh. Nagagalit pa yun sa akin kasi ang hilig ko sa mga librong may magic. Kaya lang naman ako napadpad sa mundo ng mortal dahil napag alamanan ko na may mga libro doon na ang topic ay may mga magic din. At napagtripan ko na doon na lang muna mag aral. Kahit na tutol sila sa desisyon ko. Hanggang sa naging pabalik balik ako dito sa wizard landia at sa mundo ng mga mortal. At doon ko nga nakilala si Luna na hate na hate ang magic.
Nag iillusyon nga lang ba ako kanina?
Luna POV
Kanina pa patingin tingin sa akin si Axter. Kaya naaasiwa tuloy ako ngayon.
"May dumi ba ako sa mukha?" Sabi ko habang tuloy tuloy ang lakad at tingin. Tila nagulat siya sa sinabi ko.
"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo eh." Sabi ni Axter.
"Nagtataka lang ako kasi ngayon lang naman ako nakapunta dito bakit may nakakaalam ng pangalan ko." Pag iisip ko.
"Huwag mo na isipin yun. Baka naman nagkamali siya ng sinabing pangalan." Napaisip ako sa sinabi ni Axter pero napailing din ako.
"Hindi. Mukhang sigurado siya sa pangalang binanggit niya. Narinig mo naman diba ilang beses niya binanggit yung pangalan ko." Sabi ko.
"Sa ngayon mag ingat na lang muna tayo. Hanggat walang nakakaalam dito kung sino ka ba talaga. Ligtas ka."
Napatango ako sa sinabi ni Axter. Tama siya dapat maging maingat ako. Di ko alam kung may nga masasamang wizard din ba na nagpapanggap dito.
Isang pagsabog ang nagpatigil sa aming lahat. Nakarinig kami ng sigawan sa may bandang unahan ng paaralan. Dahil sa gulat ko ay may pangalan akong nabanggit sa isipan ko.
Hindi ko alam kung bakit pero siya lang naman ang kakilala ko na mahilig sa magic. At matutuwa yun kapag nalaman niya na totoo nga ang magic. Pero imposible kayang nandito siya?
"Lucy."
---