CHAPTER 4 : ANG PAGKIKITA SA MAJIKA...
Lira POV
Naramdaman ko ang paghila sa akin ni kuya Leo pagkatapos ng sunod sunod na pagsabog. Sa tingin ko ay sa bandang gate iyon. Kitang kita ko ang usok mula sa kinakatayuan ko.
"Lucy."
Napalingon ako sa paligid ko. Sino yun? Parang pamilyar pero wala naman akong nakita na may tumatawag sa akin. Pero sa isip ko lang narinig yun.
"Tara na Lira ihahatid muna kita sa dorm mo. Huwag na huwag ka munang lalabas. Maliwanag ba?" Pag aalalang sabi sa akin ni Kuya Leo.
Napatango na lang ako dahil sa pag iisip ko kung sino yung tumawag sa akin. Napatingin ako sa paligid namin. Abala yung iba sa pag uusisa kung ano ang nangyari. Sure naman ako na walang makakapasok dito na kalaban. Malakas ang barrier na pumapalibot sa academy.
"Ano kaya ang nangyari?" Bigla kong tanong.
"Babalitaan na lang kita. Pinapatawag kaming royals sa head office. Yung bilin ko okay?" Sabi ni kuya at hinalikan niya ang noo ko.
"Okay kuya mag iingat kayo okay?" Sana naman ay walang nakapasok na kalaban. At sana wala ding masaktan.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung tumawag sa pangalan ko na gamit ko sa mundo ng mga mortal. Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko sila kuya Leo at iba pang royals na abala sa pag aawat sa ibang studyante.
Royals ang tawag sa mga anak ng mga maharlika. At kami yun. Oo isa din akong royals dahil ako ang prinsesa ng sacred kingdom. At si Kuya Leo naman ang taga pagmana ng trono ng aming magulang. Hindi ako naiingit kay kuya dahil siya ang susunod na mamumuno sa buong Majika. Sa totoo lang kasi wala akong interes ma pamunuan ang mundong ito. Nakakastress kaya yun. Imagine apat na kaharian ang pamumunuan mo. Kaharian ng apoy , hangin , tubig at lupa at ang nasasakupan nito. Diba ang sakit sa bangs. Hahaha. Saka nararapat lang na si kuya Leo ang maging hari. Dahil siya lang ang prinsipeng kayang kontrolin ang dalawang elemento. Ang apoy at ang tubig. Nasa propesiya na sa angkan daw ni kuya Leo magmumula ang magiging taga pagligtas ng mundong Majika. Diba ang g**o. Eh sa pagkakaalam ko tahimik naman ang mundo namin.
Pero sa bawat kaharian naman ay mga hari at reyna din. Ibig sabihin may mga prinsesa din dun at prinsipe. Ang pamilya lang talaga namin ang pinaka namumuno sa kanila dahil na din sa basbas ng diyos at diyosa ng mundong ito. Napatigil ako sandali. Dalawang beses akong napakurap dahil sa nakita ko.
"Luna?" Bulong ko sa sarili ko.
Si Luna nga! Hindi ako pwedeng magkamali si Luna nga yun. Nakikita siya mula dito kinalalagyan ko. Parang may hinahanap siya. Dali dali akong nag concentrate at nag teleport ako sa likuran niya. Hinila ko agad ang kamay niya papunta sa likod ng dorm namin. Wala kasing tao dun kaya makakapag usap kami. Saka hindi pwede dito ang mortal.
"Sino ka! Bitawan mo ako!" Gulat na tanong niya.
"Ay oo nga pala hindi mo ako makilala." Nasampal ko ang noo ko dahil iba nga pala ang itsura ko dito at sa mortal world.
Pinikit ko ang mata ko at pinilit na ibahin ang kulay ng buhok at mata ko. Mula sa kulay berde kong buhok at mata naging kulay itim ang buhok ko at brown naman ang mata ko. Kailangan ko talagang mag concentrate dahil hindi pa buo ang kapangyarihan ko kaya naman may limitasyon yun. Katulad ng pang teleport isang beses ko lang magagawa yun sa isang araw. Hindi pa kasi kaya ng katawan ko. Kaya todo rin ang pag babantay sa akin ni kuya Leo.
Dumilat ako sabay tingin kay Luna na ngayon ay gulat na gulat..
"Diba sabi ko naman sayo totoo ang magic." Saka ako ngumiti n
"P-paanong?" Wala sa sariling tanong ni Luna sa akin kaya naman napahagikgik na lang ako.
Luna POV
"Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong ko kay Lucy na siyang kinatawa ko.
"Ayan talaga ang una mong tanong sa akin? Nakakapagtampo naman hindi mo man lang ako kakamustahin?" Halatang nagtatampo sa akin si Lucy batay sa boses niya.
"Sorry na. Naguguluhan lang kasi talaga ako eh." Ibig sabihin hindi siya mortal?
"Maging ako ay nagulat kung bakit nandito ka." Seryosong sabi sa akin ni Lucy.
Ngayon ko lang nakitang seryoso siya ng ganito.
"Lucy ----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may sinabi siya.
"Lira. Lira ang totoo kong pangalan. Hindi Lucy. Ginamit ko lang iyon para maitago ang totoo kong katauhan."
Kung ganun Lira pala ang pangalan niya. Kaya pala ganun na lang niya ipagtanggol na totoo pala ang ang mahika. Dahil meron siya neto.
"Pero bakit ka pumunta ng mundo ng mga tao?" Tanong ko.
"Alam mo may pagka chismosa ka din pala no?" Natatawang sabi ni Lucy este Lira pala.
Napakamot na lang ako sa noo ko dahil napagtanto ko na puro tanong na lang ang lumalabas sa bunganga ko.
"Sorry." Napangiti ako dahil masaya ako na makita siya dito. Kahit papano bukod kay Axter ay may kakilala na ako dito.
"Ayos lang. Haha saka namiss ko din ang pagkontra mo tungkol sa magic magic." Natatawang sabi ni Lira at hinawakan niya ang kamay ko.
"Ngayong nandito na ako sa mundong ito kokontra pa ba ako?" Nakangiting sabi ko kay Lira.
"Oo nga pala ako naman ang magtatanong. Anong ginagawa mo dito sa mundo namin? Paano ka nakapasok sa barrier? Kagaya ka ba namin?" Sunod sunod na tanong ni Lira kaya naman napatawa na lang ako. Para kasi siyang batang excited na mabilhan ng bagong laruan kung magtanong.
Pero bago pa ako makasagot. Nagulat na lang ako dahil may malakas na hangin ang naging dahilan para tumalsik ako. Mabuti na lang at nahila ako ni Lira kaya naman hindi ako natumba.
"Ayos ka lang?" May pag aalalang tanong niya sa akin.
"A-ano yun?" Takang tanong ko.
"Kung sino man kayo lumabas kayo! Wag kayong duwag!" Sigaw ni Lira.
"L-Lira." Tawag ko sa kanya dahil may kutob akong hindi maganda dito.
May narinig akong pumalakpak. At may lumabas na tatlong ninjas yung isa may hawak na pamaymay. Sa tingin ko siya ang may gawa nung hangin kanina.
"Sino kayo?" Matapang na tanong ni Lira sa kanila.
"Umalis na tayo." Bulong ko kay Lira baka mapano pa kami dito.
Hindi sa duwag ako. Hindi ko pa kasi alam kung anong merong kapangyarihan ako meron. Baka hindi ko maipagtanggol si Lira. Ayoko na mapahamak siya.
"Hindi Luna ikaw ang tumakbo. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ni Lira sa akin.
"Hindi kung lalaban ka lalaban din ako." Si Lira lang ang kaisa isang kaibigan ko. Kaya hindi ko siya iiwanan.
"Delikado to para sayo. Ayokong masaktan ka dahil kaibigan kita. Ikaw lang ang tumanggap sa akin sa kabila ng kaweirdohan ko sa mundo ng mga tao." Seryosong sabi sa akin ni Lira.
"Ang dradrama niyo. Tsk." Sabi nung babaeng may pamaypaay na hawak.
Nanlaki ang mata ko nung nakita ko na iwinasiwas niya ang oamaypay na hawak niya at ay hangin na lumabas doon.
"Ilag." Sigaw ni Lira.
Nakita ko kung paano kunin ni Lira ang tali niya sa buhok niya at ito ay naging dalawang shuriken. Sabay niya itong hinagis sa mga kalaban pero nasangga lang ito ng babaeng may pamaypay.
"Kunin ang prinsesa." Utos ng tumatayong lider sa dalawang kasama niyang ninja.
Bigla akong kinabahan. Ako ba ang kailangan nila? Pero walang nakakaalam kung sino ako. Pero nagkamali ako nung pinalibutan nila si Lira. Kung ganun si Lira ang pakay nila?
"Lira!" Sigaw ko at lalapitan ko na sana si Lira pero may mahapdi akong naramdaman sa bandang braso ko.
"Luna!" Napalingon sa akin si Lira kaya naman nahuli siya ng isa sa mga ninjas.
"Bitawan niyo si Lira!" Hahakbang pa sana akong muli pero may nagsalita.
"Isang hakbang mo pa sa puso mo na ikaw matatamaan." Sabi nung lider ng mga ninjas.
"Wag sasama na ako wag niyo lang siyang sasaktan." Sabi ni Lira.
"Madali ka naman palang kausap eh. Dalhin na siya." Sabi ulit nung lider.
"Hindi niyo madadala si Lira sa akin muna kayo haharap!" Buong tapang kong sigaw at tumakbo ako papunta kay Lira para sagipin siya.
"Lira wag kang sumama." Sabi ko.
Maaabot ko na sana ang kamay ni Lira pero may parang karayom ang tumama at tumusok sa leeg ko. Kaya ang bracelet lang ni Lira ang nahila ko hindi siya. Nahihilo ako. Parang gustong pumikit ng mata ko.
"Hindi Luna! Gumising ka." Alam ko na sigaw iyon ni Lira.
Pero parang nawalan ako ng lakas. Unti unti akong napaluhod sa lupa hanggang sa naramdaman ko na bumigat ang pakiramdam ko at tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Isang patak ng luha pa ang naramdaman ko sa pisngi ko bago ako nawalan ng malay.
---