Chapter 08

1753 Words
Habang lumilipas ang oras, nagkukwentuhan lang kaming dalawa. Umalis na kasi si Ivan at ang kasama niyang babae. Si Val naman ay pumunta na sa dance floor kasama rin ang babae niya. Ang dalawa pang lalaking hindi ko na matandaan ay mukhang naghanap na rin ng babaeng magiging willing victim nila. Ngayon ay kaming apat na lang nila Louella ang nandito at mukhang may sarili na silang mundo. They were kissing passionately na parang wala nang bukas! Hindi ba nila p'wedeng gawin 'yon sa private place? "Damn, James! Get a f*****g room and don't do s*x in public. Kadiri!" Tumawa lang ang dalawa bago hinila ni James si Louella saka umalis doon. Now, I'm alone with Rafael, and I don't think that it's a good idea. "Alam mo nagkita na kami ni Austin sa school, e. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang building ng department namin sa mga architecture. Hindi ko naman naisip na doon ka rin nag-aaral kaya nagulat talaga ako nang malamang doon ka rin nag-aaral. I'm so stupid to realize it just now." Humalakhak siya. Binigyan niya ako ng ikatlong shot, and this time, nakakaramdam na ako ng hilo. Ito ba ang sinasabi nilang epekto ng alak na dahilan para mag-enjoy sila? Pakiramdam ko nananaginip lang ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at tumayo siya. "Come on! Let's dance and enjoy the night! Wala naman dito ang best friend mong pakialamero, so might as well enjoy it." Natawa ako sa sinabi niya at nagpatianod sa paghila niya sa akin. Nang nasa gitna na kami ng maraming tao, tumigil siya at sumayaw nang sumayaw sa harap ko. He encouraged me to dance with him pero inilingan ko lang siya. "Why? It's fun!" "I'm dizzy." "That's how you enjoy the night!" Umikot siya papunta sa likod ko habang sumasayaw at humawak sa baywang ko. Bigla ay naramdaman kong kinilabutan ako at lalong nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mga labi niya sa batok ko. Bigla akong humarap sa kan'ya at sinampal siya nang malakas at mabilis na naglakad palabas ng lugar na 'yon. Sumakay ako ng taxi habang sinusuot ang coat ko at nagpahatid sa dorm ko. Tama nga si Austin. Maling idea ang mapalapit sa katulad ni Rafael. Nang makarating ako sa room namin ay mabilis akong naligo para maalis ang amoy ng alak at matanggal kahit papaano ang hilo ko. Pagkatapos, nahiga ako sa kama at ch-in-eck ang cellphone ko. Nakita kong maraming text and missed calls doon si Austin. Tinatanong niya sa texts niya kung nasaan ako at bakit daw hindi ko sinasagot ang tawag niya. Mabilis ko namang i-d-in-ial ang number niya at isang ring lang ay sinagot niya rin. "Hotdog!" bungad niya. "Nasaan ka ba? Wala ka sa room mo, ah? Kanina pa kita tinatawagan. Akala ko ba uuwi tayo?" "Sorry, Austin. P'wede ba tayong magkita ngayon?" Bigla siyang natahimik na para bang nakaramdam ng mali sa akin. "M-May problema ba?" "Basta magkita na lang tayo sa labas. I'll tell you everything." Mabilis kong pinatay ang tawag at lumabas ng dorm. Hinintay ko siya sa labas ng building ng dorm namin. Nakita ko naman si Austin na tumatakbo nang makalabas siya sa building ng dorm nila. Hinihingal na huminto naman siya sa tabi ko. "A-Anong problema, Hotdog?" tanong niya habang hinihingal. Hinila ko siya papunta sa likod ng building ng dorm namin at naupo sa trunk ng punong nakatumba doon na ginawa para maging upuan. Pagkaupo, tinakpan ko ang mukha ko at nagsalita. "I'm sorry, Austin. Sana nagpaalam ako sa 'yo." Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya tumingin ako sa kan'ya. Kita kong naguguluhan siya. "Saan ka ba nanggaling?" Ibinaba ko ang dalawang kamay bago lumingon sa kan'ya. "Isinama ako ni Louella sa TJC57. Birthday daw kasi ng boyfriend niya." "What?! Bakit ka pumupunta sa ganoong klaseng lugar, Vanessa?! Alam mo ba kung ano 'yon?!" Tumango ako. "I'm sorry." Nagbuntonghininga siya. "Then, what happened next?" "I met Rafael there. Then we talked." Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya nang marinig ang pangalan ni Rafael. "Anong ginawa niya sa 'yo?" I gulped. "We just talked at first. Madami siyang tinanong sa akin. Tapos binibigyan niya ako ng shot. Nang makatatlo na ako, nakaramdam na ako ng sobrang hilo. Hinila niya ako papunta sa dance floor. He encouraged me to dance with him pero noong sinabi ko na nahihilo talaga ako, pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang baywang ko. He danced at the back of me and then I felt his lips on my nape." Hindi kaagad nagsalita si Austin, pero kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya na parang any time, manununtok na siya. Gumagalaw rin ang mga panga niya na parang sobrang nagalit siya sa mga narinig mula sa akin. "I'm . . . I'm really sorry, Austin." Hindi siya nagsalita kaagad. Sa halip, hinila niya ako para yakapin. Noong una, nagulat pa ako. Pero napagtanto ko na ito ang kailangan ko. Sobrang natakot ako kanina dahil hindi na ako sanay nang hindi siya kasama, lalo na sa ganoong klase ng lugar. "Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Nangilid ang mga luha ko sa tono ng boses niya. "I was scared. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin, lalo na at wala ka para ipagtanggol ako." Nagbuntonghininga siya pero niyayakap pa rin ako. "Next time, let me know kung saan ka pupunta para masamahan kita, ha? If you want to go to bar or club, let me know. I'll go with you." Tumango ako at naramdaman ko ang unti-unting pag-agos ng luha ko. "I'm really sorry." "It's okay. Wag mo nang uulitin 'yon, ha?" Tumango ako bilang tugon. Sabay kaming umuwi ni Austin sa mga bahay namin kinabukasan. 11:00 p.m. na rin kasi kagabi noong magkasama kami and I don't think na may masasakyan pa kami ng oras na 'yon kaya nagdesisyon kaming gumising na lang ng maaga. Pagkauwi ko, wala naman doon si Mama at Papa kaya napagdesisyunan kong matulog na lang muna. Halos five hours lang din kasi ang naging tulog ko kaya medyo kumikirot ang ulo ko. 11:00 a.m. nang magising ako. Kumain ako ng lunch na p-in-repare ni Manang at pagkatapos ay naligo. Pupunta ako sa bahay nila Austin. Naiinip ako. Wala rin namang new lessons na kailangang i-review dahil katatapos lang ng midterm. Pagkarating ko doon, mabilis akong pinapasok ni Manang. Pagpasok ko naman sa loob ng bahay nila, napakunot ang noo ko nang nakita ko si Kyle na nakaupo sa couch nila, katabi ni Ate Aniya. Wala doon si Austin. Malamang, natutulog din. "Oh, hi, Vanessa!" nakangising bati sa akin ni Kyle. Sinuntok naman siya ni Ate Aniya tapos ay tinawanan. "Anong ginagawa mo dito?" "Whoa! Chill. Bahay 'to ng girlfriend ko and I don't see any problem with that. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Don't tell me, may boyfriend ka dito?" Ngumisi na naman ang gago! "Tigilan mo ako, ha?" Inirapan ko siya at naglakad papunta sa hagdanan. "Wag mo na asarin si Vani at wala naman dito si Austin," sabi ni Ate Aniya. Bwisit talaga 'tong dalawang 'to! Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ni Austin nang magsalita si Kyle. "Siya nga pala! Birthday ko sa Wednesday." Lumingon ako sa kan'ya. "Oh, tapos?" "Ang sungit!" Humagalpak ng tawa si Kyle. "I just want to tell you na sa Saturday ko na gaganapin para maka-attend din kayo. Alam ko namang 'di kayo p'wedeng umalis sa dorm n'yo ng weekdays except for emergency. So, I am expecting you to come. Lalong-lalo na kayo ni Austin. Ako pa ang nag-adjust para sa inyong dalawa, ha?" Humalakhak ulit siya. "K." tanging sabi ko bago tuluyang akyatin ang kwarto ni Austin. Hindi naman talaga ako nagsusungit kay Kyle. Nasanay lang ako dahil palagi niya akong inaasar dahil nga sa pagkakaroon ko ng crush sa kan'ya noong bata pa ako. Parang normal na sa amin na nagsusungit ako sa kan'ya at inaasar naman niya ako. Simula kasi noong nag-second year high school ako, lagi niya na akong inaasar tungkol sa kabataan namin, lalong-lalo na kapag kasama ko si Austin. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ni Austin, pumasok ako doon. Nakita kong nakadapa siya sa kama niya habang nakahubad. Ganiyan talaga siya matulog--laging nakahubad. Nahiga ako sa tabi niya at pinitik ang noo niya. Nakita ko ang biglaang pagmulat ng mata niya at ang OA na "Aray!!!" habang nakahawak sa noo niya kahit na sobrang late na ng reaksiyon niya. "OA ka!" Inirapan ko siya. "Kumain ka na ba?" Ngumiti siya at muling pumikit bago hinigit ako papalapit lalo sa kan'ya. "Ayokong kumain. Dito lang ako," nakangiti niyang sabi. Gago! "Austin . . ." "Hmm?" nakangiti pa rin siya habang nakapikit. "Eat your lunch na kung ayaw mong pitikin ko itlog mo d'yan!" "Go ahead." Ngumisi pa ang gago! "Manyak ka talagang Johnson ka! Gustong-gusto mo naman!!!" Tumawa siya nang malakas. "Ikaw nag-suggest niyan, e. Kapag nagsu-suggest kasi, dapat ginagawa." Natawa na lang ako sa kamanyakan ng hayop na 'to. Hindi ko na magawang ma-offend sa kan'ya dahil masyado na akong sanay sa ugali niya. Likas na rin daw kasi ang pagiging bastos ng bibig ng ibang mga lalaki at hindi mo na maiaalis pa. At isa pa, hindi naman niya ako binabastos. "Bakit pala nandito ka?" tanong niya habang nakapikit. "Wala sila Mama sa bahay, e. Nakakainip doon." "Sana lagi ka na lang naiinip," nakangisi niyang sabi. Lalo niya akong hinigit palapit sa kan'ya. Naaamoy ko naman sa kan'ya ang pabango niya. "Hindi mo ako pinatulog kagabi." Napakunot naman ang noo ko, lalo na nang maramdaman ang pagiging seryoso niya. "What did I do again?" "Hindi ako makatulog sa ikinwento mo sa akin kagabi. Hindi mawala sa isip ko 'yong kinwento mo, e. Lagi kong na-i-imagine. And it makes me want to become a criminal because I want to kill him." Nagbuntonghininga siya. "Tama na nga, tapos na 'yon. 'Wag mo nang isipin 'yon. Move on." Umiling siya bago idinilat ang mga mata. "You can't just tell me to move on, especially when it's you." Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. "When it's . . . all about you." I gulped, trying to calm my heart from the sudden abnormal beating. "Austin, tama na okay? Kalimutan mo na 'yon. And I promise that it will never happen again." Ngumiti siya at niyakap ako habang nakahiga kami. "I promise to do whatever it takes so that your paths will never cross again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD