By Monday ay nagsimula na naman ang klase. Nagsisimula na rin ako sa business plan namin na ipi-present by the end of this semester. Medyo pagod pa ako sa matinding pag-aaral na ginawa ko last week para sa midterm exam kaya hindi pa gaanong nagpa-function ang utak ko para sa new lessons.
Pagkatapos ng klase namin sa first period, lumabas na kami ng classroom para pumasok sa second period. Nagulat ako nang makita ko si Rafael doon na parang naghihintay sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noo kong tanong.
"I'm waiting for you." He smiled.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga classmates namin at ang ibang babae naman ay kinikilig dahil nakakita sila ng gwapong nilalang. Tss.
"I waited for you because I want to apologize. I want to say sorry for the things that I've done last Friday. I didn't mean to do that."
Napabuntonghininga ako. "Sinadya mo man o hindi, ginawa mo pa rin, Rafael."
"That's why I'm saying sorry. Hindi ko talaga sinasadya. You were perfectly gorgeous and hot that night, and then I'm tipsy so I can't control myself to touch and kiss you. I'm sorry."
Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya na parang inoobserbahan kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Believe me, hindi ko talaga sinasadya, Vanessa. Ayokong masira ako sa 'yo lalo na ngayong nagkita na ulit tayo. I'm sorry, okay? I really didn't mean it."
Nagbuntonghininga ako ulit at magsasalita na sana nang makita ko na napaupo siya sa sahig dahil may sumuntok sa kan'ya. Nanlaki ang mata ko dahil doon at tiningnan ko kung sino ang sumuntok sa kan'ya.
"Austin!!!"
"Ang kapal naman ng mukha mong lapitan pa si Vanessa matapos mo siyang bastusin!"
Susuntukin sana siya ulit ni Austin pero mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. "Tama na, Austin!"
Tumayo si Rafael at pinahiran ang gilid ng labi niya na ngayon ay may dugo na. Nakaramdam ako ng sobrang guilt dahil doon.
"Dude, I'm just saying sorry to her for what I did. I didn't mean it."
"And you expect me to believe that, Rafael? Alam kong sinasadya mo 'yon! Kung si Vanessa kaya mong lokohin, ibahin mo ako, dahil kilalang-kilala kita!"
Ngumisi si Rafael. "Hinding-hindi mo siya mapoprotektahan sa akin, lalo na't walang titulo ang kung ano mang meron kayo."
Umigting ang panga ni Austin sa narinig at mas lalong tumalim ang mga titig niya kay Rafael dahil sa narinig. Hindi na siya nagsalita pa para sumagot kaya ako naman ang humarap para ipagtanggol siya.
"Rafael! Ano bang sinasabi mo? He's my best friend and that's enough title!" I shouted.
Humalakhak siya habang nakatingin sa akin bago tumingin kay Austin.
"See, dude? Sa kan'ya na nanggaling." Napatingin ako kay Austin na nakatingin pa rin nang masama sa kan'ya habang gumagalaw ang panga. "Best friend ka lang niya kaya wala kang karapatang pakialaman ang buhay niya."
Hinila ako ni Austin paalis doon. Nilampasan namin si Rafael pero hindi pa man din kami nakakalayo sa kan'ya, nagsalita na 'to. "I will get her, Austin! I will get her without shedding a single sweat! I will get her because I know, soon, that she will need me!"
Bigla akong binitawan ni Austin at mabilis na lumapit kay Rafael, at saka niya ito sinuntok ulit. Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang pagsuntok dito dahil hindi ko inaasahang gagawin niya ulit 'yon.
"Austin, tama na!" sigaw ko habang nangingilid ang mga luha ko.
Lumapit sa akin si Austin at hinila ako paalis doon. Hinatid niya ako sa susunod kong klase nang hindi siya nagsasalita. Nakasalubong pa rin ang mga kilay niya.
"Pumasok ka na, late ka na." seryoso niyang sabi nang nasa tapat na kami ng classroom para sa next class namin.
"H-Hindi mo na siya dapat pinatulan, Austin."
Hanggang ngayon, nangingilid pa rin ang mga luha ko dahil sa nasaksihan kanina. Ramdam ko rin ang panginginig ng kamay ko sa takot dahil nakita ko na ito . . . itong ganitong eksena.
Hindi . . . mas masama ang eksena noon pero natatakot ako dahil alam kong p'wedeng maulit ang bagay na 'yon.
"Let's talk about that later. Pumasok ka na sa klase mo. Go."
Ngumiti siya nang maliit sa akin bago ako tinalikuran at umalis. Napabuntonghininga ako bago pumasok sa classroom.
***
Nang matapos ang klase sa buong araw, nakita kong naghihintay ulit sa labas si Austin pero bakas pa rin ang pagiging seryoso sa kan'ya na parang hindi pa rin nakakalimutan ang nangyari kanina. Nang lumapit ako sa kan'ya, kinuha niya lang sa akin ang bag ko at nagsimula nang maglakad.
Napabuntonghininga ako. "Galit ka ba sa akin?"
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "What? No. Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"
"You were ignoring me the whole day. Pati lunch time, hindi mo rin ako kinakausap masyado."
He heaved a deep sigh. "I'm just thinking about ways to keep you away from that asshole. Ayoko nang nalalapit-lapitan ka ng gagong 'yon. He's no good for you. He'll just get you in trouble."
Umiling ako. "Austin, hindi mo naman maiaalis sa kan'ya 'yon kung talagang gusto niyang malapitan ako. Kaya ko naman ang sarili ko kaya ako na lang ang iiwas sa kan'ya."
His jaw clenched. "No, Vanessa. You're fragile. And I am here to protect you from breaking." He looked away. "And I think . . . I was born to protect you."
I thought I melted when he said that. It made me happy because he has thoughts like that but giving himself that kind of responsibility and obligation is giving me enough feelings that I am a burden to him.
I sighed. "Austin, kaya ko talaga ang sarili ko. Kung talagang wala nang paraan, ako na lang ang iiwas. Tutal, hindi naman habang-buhay na tayong dalawa ang magkasama."
Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa sarili kong naisip.
"Hindi naman natin sigurado kung hanggang kailan tayo magkasama. You may find the girl for you and I might find the guy who's meant for me. Kailangan ko rin protektahan ang sarili ko because I know that, one day, you need to protect someone who's not me."
Napasabunot siya sa sarili niya na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Gan'yan ba talaga ang nasa isip mo, Vanessa? 'Yon ba talaga ang iniisip mo sa lahat ng ginagawa ko para sa 'yo?"
Ngumiti ako. "Yes, because we're best friends, that's why you're protecting me from breaking, right?"
He cursed. "Best friend? Best friend?! f**k those two words, Vanessa! 'Yan lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Lahat ng ginagawa ko para sa 'yo, iniisip mo na ginagawa ko lang lahat ng 'yon dahil obligasyon kong gawin dahil mag-best friend tayo?!"
Hindi ako sumagot. Ni hindi ko magawang tumingin sa kan'ya dahil natatakot ako sa makikita ko sa kan'ya. At natatakot din ako sa nararamdaman ko ngayon.
Tumawa siya na parang isang malaking joke ang mga narinig sa akin. "Damn, Vanessa. Sana nga gano'n lang din ang nasa isip ko, e. Sana nga ganoon lang! Pero hindi! Hindi ganyan lang ang nasa isip ko!"
Mabilis siyang naglakad palayo sa akin habang dala ang mga gamit ko. Naiwan akong nasasaktan dahil sa mga sinabi niya. I almost confirmed his feelings for me--that I'm not just a best friend to him. I almost confirmed that he feels something special towards me . . . and I don't like it. Mali 'yon. Maling-mali.
Pero sana mali ako.
***
Bumalik ako sa room namin sa dorm at nakitang nagbibihis si Louella. Ngumiti siya sa akin.
"Oh, nandito ka na pala! Dumating kanina si Austin, mukhang badtrip. Iniwan lang 'yong gamit mo tapos umalis na."
Nang matapos na siyang magbihis sa harap ko, naupo siya sa tabi ko sa kama. "Ikaw, ha! 'Di mo sinasabing magkakilala pala kayo ni Rafael. Alam mo bang crush ko 'yon before ko makilala si James? Sobrang gwapo niya!"
Ngumiti ako sa kan'ya. "He's handsome but he's no good man."
Kumunot naman ang noo niya. "Mabait 'yon, ano ka ba! Bakit mo naman naisip na masamang tao si Rafael? Mabait 'yon! Galante pa. Kilala ko na siya noon pa dahil magkaklase kami noong elementary tapos noong nagkakilala kami ni James noong high school, nalaman ko na mag-best friend pala sila."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Magkaklase kayo dati? Pero magka-batch kami at second year ka na. Paano nangyari 'yon?"
Napanguso siya sa tanong ko. "Noong grade five kasi kami, bigla na lang siyang hindi pumasok. Sabi ng teacher namin, nagkaproblema daw sa family kaya parang nawalan daw ng focus mag-aral. Sabi raw ng Mama ni Rafael sa teacher namin na hindi na muna mag-aaral si Rafael dahil nawalan daw ng motivation dahil sa family problem. Noong grade six ako, nalaman ko na lang na lumipat na rin siya ng school."
Tumatango-tango ako habang bahagyang nakaawang ang bibig sa mga nalaman.
"Ahh . . . so, nagkaroon ng malaking problema sa pamilya nila dati?"
Tumango siya. "By the way, ano na nga 'yong sinasabi mo na 'he's no good man' kanina? I mean, paano mo nasabi?"
Nagkibit-balikat ako. "Sabi ni Austin noong high school kami, s*x lang daw ang habol niya sa mga babaeng nililigawan niya."
Ngumuso ulit siya na parang nag-isip. "Hmm, hindi naman siguro! Hindi ganoon si Rafael. Yes, it's true na hindi nagtatagal ang isang babae sa kan'ya, and I agreed na wala siyang naging girlfriend na hindi nai-s*x, pero . . . mutual agreement naman ang s*x. Consensual ang mga nagiging s*x niya sa mga babae. Alam kong mabuting tao 'yong si Rafael."
Napabuntonghininga ako. "What do you think are his reasons? Bakit siya gano'n? Is it just his love language or stress-reliever? I don't really know since I haven't really done that."
Ngumuso siya at nag-isip ng ilang saglit, hanggang sa magsalita na siya.
"Paano kung naghahanap lang siya ng babaeng magmamahal sa kan'ya? Feeling ko, naghahanap lang siya ng babaeng mamahalin ang lahat sa kan'ya, e. You know, nagkaproblema sa pamilya. Baka simula noon, may naramdaman siyang kulang sa kan'ya and he thinks that if he found someone who can love him and all his flaws, it may feel the void."
As much as I want to believe Louella from everything she said, hindi ko magawa dahil hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may anger talaga sa side ni Rafael. Austin too but his is very understandable since he wanted to protect me but . . . what about Rafael? Anong galit ang mayroon siya? Anong nagawa ni Austin sa kan'ya?
Umiling ako. "No. Base sa pananalita niya kanina, there is something more, Louella. Hindi ko alam kung ano but I know there is something more . . . evil."
She sighed. "Sabagay. Hindi rin naman kita masisisi. At isa pa, hindi ko rin naman siya gaanong kilala. Sinabi ko lang sa 'yo ang nakikita ko sa kan'ya. Hindi rin ako sigurado sa ibang side niya. Maybe you're right. Baka nga may iba pa siyang reason. Pero 'wag na nating problemahin 'yan. Kung feeling mo talagang masama siyang tao, iwasan mo na lang."
Tumango ako sa kan'ya bilang tugon.
"And isa pa, ngayong college ka na rin tulad ko, marami ka na rin makikilalang mga katulad ni Rafael. Maraming f**k boys d'yan na mas malala pa sa kan'ya at normal na 'yon dito kaya 'wag mo nang isiping masamang tao si Rafael. Kung masamang tao si Rafael dahil ganoon siya, then, three-fourths sa populations ng mga lalaki dito sa HIU ay masamang tao na rin." She chuckled.