Chapter 10

2182 Words
Kinabukasan ng umaaga, nakita ko sa labas ng building ng dorm namin si Austin. Hindi ko siya nakausap kahapon mula noong iniwan niya ako dahil hindi rin naman niya ako kino-contact. Ayoko rin naman siyang contact-in dahil baka may marinig na naman akong hindi tama para sa aming dalawa. Tama na 'yung mga sinabi niya kahapon. Tama na 'yong mga pagkakamaling 'yon. "Good morning," bati niya nang makita ako. "Good morning," bati ko pabalik. "Bakit ang aga mo? Mamaya pa ang klase mo, 'di ba?" He smiled. "I want to eat breakfast with you. Okay lang ba?" I chuckled. "Oo naman. Libre mo ba?" "Ang kuripot mo talaga! Oo na. Psh." Nagpunta kami sa café para kumain ng breakfast. Habang kumakain kami, nagsalita siya. "Knock, knock!" Napakunot ako ng noo. "Who's there?" "Saging Mangga." "Saging Mangga, who?" Ngumiti siya at tumikhim. "Tumingin...saging mangga. Magtapat ng nadarama." Natawa ako, hindi dahil nakakatawa ang joke niya, kundi dahil nakakatawa ang itsura niya habang kinakanta 'yon. "Ang corny mo!!!" sabi ko at saka humagalpak ng tawa. Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "Akala ko 'di na ulit kita mapapatawa ng ganyan. Sorry sa kahapon, 'di ko sinasadyang iwanan ka na lang basta doon." Akala ko magso-sorry siya dahil sa nasabi niya. "Wala 'yon, ano ka ba. Maliit na bagay lang naman." Nang matapos kaming kumain ng breakfast, inihatid na niya ako sa first class ko. Siya naman ay sinabing pupunta muna sa library para magpalipas ng oras dahil 9:00 AM pa ang klase niya, pero 6:45 a.m. pa lang kanina, nasa tapat na siya ng dormitory namin. Hindi ko na siya pinaakyat dahil sa third floor pa ang first class ko noong makarating kami do'n. Sinabi kong dumiretso na lang siya sa library para 'di na siya mapagod. Tutal, in fifteen minutes, magsisimula na ang klase ko. Pero napatigil ako sa pag-akyat nang makita ko sa dulo ng hagdanan na nandoon si Rafael. Biglang nawala ang magandang mood ko ngayong umaga. "Hi, Vanessa. Good morning," nakangiting bati niya sa akin. Bakas pa rin ang sugat sa gilid ng labi niya na sanhi ng mga suntok ni Austin. Gusto kong ma-guilty but for some reasons, I always think that he deserves it. "Anong ginagawa mo dito?" Nakikita ko ang ibang estudyanteng dumaraan na napapatingin sa amin. Ang iba nga ngumingiti pa dahil kay Rafael! Kung alam lang nila kung anong klaseng tao talaga 'to, hindi na talaga sila kikiligin--ever! He laughed. "Ang sungit naman. Didn't I tell you before that I want to be friends with you? I remember that day, that's our JS Prom, right?" He smiled again. "And you never come near me again after that, right? So how could you expect me to believe your words again?" Sumilay ang mas magandang ngiti sa labi niya. "So . . . you're disappointed because I never talked to you again after that?" nakangisi niyang tanong. Magsasalita na sana ako pero dinugtungan niya ang sinabi kanina. "Well, I just don't want you to think that I am being fast. You're my greatest crush before and I don't know how to control myself. Ayokong isipin mong nagti-take advantage ako sa 'yo." Hindi ko na pinansin ang paliwanag niya. "What do you need again? Why are you here?" "I just want to see you." "Then you can leave now. You already saw me." Lalampasan ko na sana siya nang hinawakan niya ako sa palapulsuhan para pigilan. "Wait, Vanessa!" "What, Rafael? May klase pa ako." "Galit ka pa rin ba tungkol sa nangyari noong Friday? I already said sorry. Isn't it enough?" "And I said it's already okay. Just don't come near me ever again, right?" Kita ko na nagulat siya sa sinabi ko. "Ano ba ang sinabi sa 'yo ng Johnson na 'yan para magalit ka ng ganito sa akin?" I sighed. "Walang kinalaman si Austin dito. I am the one who's talking about you and he's no longer involved here anymore." "Kahit na paanong pagtatakip pa ang gawin mo sa kan'ya, alam kong marami na siyang nasabi sa 'yo tungkol sa akin. Ano? Sinabi na ba niya sa 'yo na—" "Oo! Okay na?" "And you believed him?" "Of course! He is my best friend and he never lied to me." He smirked. "Someday, you will need my help, Vanessa Anne Madison. And if that happens, you know that I am always available." Bago siya umalis, hinila niya ako at binulungan. "Wala akong gusto na hindi ko nakukuha, Vanessa. And I will get you no matter what happens." After he said that, he kissed me on my lips before leaving me dumbfounded. *** That whole day, hindi ako pinatahimik ng sinabi at ginawa ni Rafael. I've never kissed anyone before and it makes me hate Rafael even more now because he stole my first kiss! Gosh, I really hate that man!!! "Bakit ang tahimik mo? Anong nangyari?" tanong ni Austin nang sinundo niya ako sa last class ko para ihatid sa dorm ko. May klase siya ng 6:00-7:30 PM ngayon kaya mahaba ang vacant niya. Nagikibit-balikat ako. "Wala. I think I'm just . . . stressed?" Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga. Hindi niya p'wedeng malaman 'yong ginawa ni Rafael sa akin. Sigurado akong magwawala na naman 'to sa galit. "Masyado bang maraming requirements?" Tumango na lang ako bilang pagtugon para 'di na humaba ang usapan. Ilang saglit pa, nasa tapat na kami ng girl's dormitory nang mapahinto ako sa paglalakad dahil nakita kong nandoon at nakatayo si Rafae, habang may hawak na isang bouquet of red roses. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Austin dahil nakita kong susugurin na dapat niya si Rafael. Nang makita niya na nandito na kami, ngumiti siya at mabilis na naglakad papalapit sa aming dalawa. "Nandito ka na pala. I was waiting for you here," masayang sabi ni Rafael sa akin na parang 'di niya nakikita si Austin sa tabi ko. "What are you doing here?" tanong ko. "Oh, here . . ." Iniabot niya sa akin ang bouquet of red roses. "I came to give you this." Noong una, hindi ko pinansin ang iniaabot niya sa akin pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang bouquet. Napabuntonghininga na lang ako dahil sa kakulitan niya. "This is my way of saying that I like you." He smiled. "Tigilan mo na si Vanessa, Rafael! Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo siya makukuha!" sigaw ni Austin sa kan'ya, pero nginisihan lang siya ni Rafael. "Never underestimate me, Johnson." Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Anyway, I gotta go. May klase pa ako, e. I just came here to give you that. And expect me to see you more often." He winked at me before he left. Nagbuntonghininga si Austin bago kinuha sa akin ang bouquet of rose at tinapon sa pinakamalapit na basurahan. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. "Sa susunod na puntahan o lapitan ka niya, sabihin mo kaagad sa akin, ha?" Tumango na lang ako bilang tugon sa kan'ya. Inihatid na ulit niya ako sa tapat ng room ko, pero kita ko pa rin na hindi siya mapalagay dahil sa mga ginagawa ni Rafael sa akin. Nagi-guilty tuloy ako kasi, nang dahil sa akin, nagugulo ko ang isip niya. "Pumasok ka na. Mamaya na lang ako aalis kapag nakapasok ka na," he said. Umiling ako. "May problema ka pa." "Wala 'to. 'Wag mo na lang 'tong pansinin." "Austin . . ." Hinawakan ko siya sa braso niya, at nakita ko ang paglambot ng expression niya. "Tell me what you're thinking." Nagbuntonghininga siya bago tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Vanessa, ayokong nakikitang may ibang lalaking lumalapit sa 'yo. Buong buhay ko na kasama kita, hindi ko hinayaang may ibang lumapit sa 'yo. Bawat lalaking sumusubok na lapitan ka, pinagbabantaan ko na kaagad para hindi matuloy ang binabalak nilang panliligaw sa 'yo. But now, now that we grew up, it feels like I'm a failure. Wala akong magawa." I gulped as my forehead creased. "A-Austin, ano bang sinasabi mo? Marami ka nang nagawa para sa akin. Paano kung ito na 'yung oras para . . . para protektahan ko naman ang sarili ko? Paano kung—" "No, Vani. Ayoko. I am not Austin Emmanuel Johnson if I am not protecting you." "Austin, you will always, always be my Austin. Whatever happens, you will always be my Austin Emmanuel--my best friend. Nothing will ever change so stop saying that." Tumalikod siya sa akin at parang sinabunutan ang sarili bago humarap ulit sa akin. "Best friend? Hindi ko 'to ginagawa dahil mag-best friend tayo, Vanessa! Will you please stop saying that? You're insulting me! And it makes me want to do more to prove that you are not just a best friend to me." Hindi ako tanga . . . pero sa mga ganitong pagkakataon, sana tanga at manhid na lang ako para manatiling normal ang lahat. Tumawa ako ng peke. "Ano bang sinasabi mo? Austin, it's . . . it's alright, okay? I can protect myself. Kaya ko siyang iwasan para maprotektahan ang sarili ko." "But that's not enough!" Umiling ako at ngumiti sa kan'ya. "Let's talk about this some other time, Austin. I have lessons to study and you have class later. Go now. I need to rest too. And this argument makes me even more tired." Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob ng dorm namin, dahil kapag hindi ko siya iiwanan doon ay hindi matatapos ang pag-uusap namin. Lumipas ang mga araw, araw-araw pa rin akong ginugulo ni Rafael. Tulad ng sinabi ko, iniiwasan ko na lang. Kinuha ko ang schedule niya sa kakilala ni Austin at sa mga oras na bakante siya ay alam kong pinupuntahan niya ako. Kaya naman sa tuwing may vacant hours siya nagpupunta ako sa isang lugar para magpalipas ng oras. Minsan naman, kapag alam kong naghihintay siya sa akin sa labas ng classroom, nagmamadali akong umalis. Nang sumapit ang Sabado, sinundo ako ni Austin sa bahay para sabay na kaming pumunta sa bahay nila Kyle. Malapit lang naman sa amin ang bahay nila kaya lalakarin na lang namin. Pitong bahay na magkakalayo lang ang layo ng bahay nila sa amin kaya medyo malapit lang. Pagpasok namin doon ay rinig na namin ang malalakas na ingay at tugtugan sa rooftop ng bahay nila. Pumunta kami doon at nakitang marami nang bisita. 7:00 p.m. na rin kasi. Maraming mga alak ang nandoon at ang mga bisita ay halatang nag-e-enjoy sa dami ng inumin at pagkaing nandoon. May party lights pang nasa itaas, nakalagay sa mataas na stand, at may malalakas na tugtugan. Para tuloy akong nasa loob na naman ng bar. 'Di naman binabawal ang ingay dahil maaga pa. Hanggang 11:00 p.m. lang p'wede ang malakas na music na 'yon. Feeling ko talaga, nasa isang bar kami, but it's a better place dahil mga magkaka-kilala ang lahat ng nandito. Open area din kaya hindi masyadong crowded sa pakiramdam. Pero in fairness, sobrang dami niya ring bisita, ah? "Happy birthday, bayaw!" bati ni Austin kay Kyle. "Happy birthday, Kyle!" sabi ko at nakipag-beso sa kan'ya, bago ko iniabot ang regalo naming dalawa ni Austin na set ng necktie. Kailangan niya 'yon dahil maganda ang trabaho niya. "Thank you, Austin and Vani. Maupo na kayo at kumain! Maraming food and drinks d'yan." Naupo kami sa table kasama ang mga kaibigan niyang nakilala ko na rin dahil lagi kong nakikita kahit noon pa. Kasama namin sa table 'yung mga high school friends niya na lagi akong inaasar dahil sa ginawa kong pag-iyak noon nang malaman kong may girlfriend na siya. Hindi ko akalaing maaalala pa nila 'yon. It's been 7 years, my God! "Oh! Nandito na pala 'yung unang fiancée ni Kyle!" sabi ni Kenneth bago humagalpak ng tawa. Nagtawanan na rin ang mga kasama namin sa table dahil hanggang ngayon ay naaalala pa rin nila 'yon. Psh! "Naka-move on na ang taong-bayan sa bagay na 'yon. Kayo, kailan magmu-move on? Ang tagal na n'on!" bulyaw ko sa kanila. "Joke lang. Anyway, ikaw? How are you?" Nagkibit ako ng balikat. "I'm fine. Busy sa school. College, you know?" "Eh, ikaw, Austin? Kumusta ka na?" nakangising tanong ni Cedric. "As usual . . ." Nagkibit pa rin ng balikat, dahilan para mapahagalpak ng tawa ang lahat, and I didn't get what's funny. "Ang bagal mo!" sabi ni Sid bago binato ng lettuce. Tumawa lang si Austin. "I'm not in a rush. Alam ko namang sa akin pa rin ang bagsak niya in the end." "Hindi ka pa rin makakasigurado d'yan," seryosong sabi ni Josh. "Maganda siya at alam kong noon pa lang ay marami nang nagkakagusto d'yan. Matakot ka na ngayong college na kayo dahil wala nang matatakot sa mga pagbabanta mo. Huwag kang magpakampante because she might fall for someone else." Hindi na ako nakialam sa pinag-uusapan nila. Kumain na lang ako ng pagkain na nasa table. I think hindi na ako mao-OP dahil marunong naman na siguro akong uminom. Nakainom na ako ng tatlong shot noong kasama ko si Rafael sa isang bar. At familiar na rin ngayon ang lasa nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD