"Doesn't Belong"
P.O.V : Ethan Manalo
Sa paaralan maraming nagsasabi na kailangan mo nang mga kaibigan at masuwerte ako na ang mga naging kaibigan ko ay mga kinakatakutan sa aming school ito'y sina AJ,Gab,Frank at ang tinuturing nilang leader si Derek. Ngunit ang maging kaibigan sila ay di madali kailangan kong makisama sa mga masamang gawain nila pero isang gabi di ko na kinayang hayaan ang mga ginagawa nila.
Nang gabing iyon binubugbog nila ang kaklase namin na si Clarence dahil hindi nito ginawa ang mga project namin.
Clarence: Derek nagmamakaawa na ako sa inyo tama na pangako gagawin ko na ang mga projects nyo sa sa susunod.
Derek: Hmm di ba binalaan naman kita kung anong ginagawa ko sa mga di sumusunod sa samin? Kaya A.J iaabot mo na sakin yang baseball bat.
A.J: Yes master !
Clarence: anong gagawin mo?
Derek: pipilayin lang naman kita pero wag kang magalala isa Paa lang naman.
Clarence: Derek maawa ka !
Derek: Gab,Frank hawakan nyo siya!
Ethan: Derek Teka lang bitawan nyo siya guys!
(Nang mabitawan nila si Clarence ay agad itong tumakbo)
Derek: habulin nyo!
(Hinabol Nina Gab at Frank si Clarence)
Derek: ano bang ginagawa mo Ethan?
Ethan: naisip ko lang pano kung magsumbong siya matapos mo siyang saktan lalo na matapos mo siyang pilayin.
Derek: di siya magsusumbong katulong namin ang magulang niya at ang tatay ko ang may-ari ng paaralan na pinapasukan natin na siyang nagpapaaral sa kanya.
Ethan: Kahit na kawawa naman yung tao walang kalaban-laban sayo.
Derek: Wag kang magalala bukas di na siya magiging kawawa dahil ikaw na ang magiging kawawa at yang taong pinagtatanggol mo magugulat kasi wala siyang pakialam sayo at pagnagkapalit kayo ng posisyon di niya gagawin at ginawa mo para sa kanya. Kaya maghanda ka Ethan.
Alam ni Ethan na May binabalak si Derek laban sa kanya kaya kinabukasan ay hindi siya pumasok sa paaralan. Pagsapit ng hapon tumawag si Clarence sa kanya at sinabi ni clarence na kailangan niya ng tulong. Kaagad naman pinuntahan ni Ethan si Clarence at nang makita niya si Clarence ay nakatayo ito at takot na takot "Sorry Ethan walang personal" sinambit ito ni Clarence at bilang May humampas sa ulo ni Ethan na dahilan para mawalan siya nang malay.
Nang nagising si Ethan ay nakatali ang kanyang mga kamay at mga Paa. napaliligiran siya ng mga dati niyang kaibigan pati narin si Clarence ay naroroon.
Derek: Ethan umpisa palang dI ka na kabilang sa amin.