Prologue
Madilim ang paligid at tahimik ang daang nilalakaran ni Hannah sa di malaman kung siya papatungo. Walang bahay, walang tao ni aso at pusa ay walang dumadaan. Tanging siya lang ang nagsisilbing ilaw. Parang spotlight na sa kanya nakatutok. Hindi niya alam kung bakit.
"Tulong... tulungan niyo ako please. May tao ba diyan? Tulong huhuhu." sigaw niya at nagsimulang tumulo ang kanyang luha at yinakap ang sarili sa lamig. Wala siyang jacket o sweater na pambalot man lang upang uminit ang kanyang katawan.
"Tulooongg!!" sigaw niya ulit. Halos limampung minuto pa siyang sumisigaw upang humingi ng tulong kahit napapaos na ngunit wala pa ring sumaklolo sa kanya. Nanginginig na siya sa takot at ginaw sa lamig ng simoy ng hangin. Nang mapagod na siya ay kusa na siyang tumigil at umupo sa cemento ng daan habang umiiyak.
Yinakap niya ang kanyang mga paa at yumukong umiyak. "Tulong huhuhu... tulong" bulong niya.
Maya-maya bigla na lang may nagpatong ng mainit na bagay sa kanyang katawan. Nag-angat siya ng tingin upang tignan ang bagay na iyon. "Jac-cket? " bulong niya.
Ini-angat niya lalo ang ulo niya upang tingnan kung sino iyon at laking gulat niya na mapag-sino ang nagbigay. Dali-dali siyang tumayo at inayos ang sarili bago tumingin ulit rito. Tulad rin niya, ito lang rin ang naiilawan kaya nakikita niya ito.
"Z-zachary ikaw pala yan" nahihiya niyang sabi. "Maraming salamat at tinulungan mo ako. My hero." at matamis na ngumiti rito.
Wala itong reaksyon na tumitig sa kanya sandali at tinalikuran na lamang siya. Nagsimula itong maglakad at inilagay ang mga kamay nito sa magkabilaang bulsa ng pants bago magsalita nang hindi tumitingin sa kanya.
"Let's go. I don't want to stay a little longer with a stupid girl like you." he coldly said.
Her sweet smile disappears and turned into a frown. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Akala ko pa naman nagbago na. Tss. Arogante pa rin. Argh!! Nakakainis. Pano ko ba nagustuhan ito? Aishh"
Sa sobrang sama ng loob niya. Inis na sinundan niya ito at pasimpleng sinusuntok suntok ang likod nito na hindi naman tumatama sa katawan ng lalake.
"Nakakainis. Nakakainis pa-sweet na aroganteng lalake. Argh! Stupid? Ako? Porket matalino siya. Aish! Argh! Rascal horrible jerk." inis na sabi niya ngunit mahina lang upang hindi nito marinig.
He stopped and looked at her with still cold expression in his face. "Are you saying something?"
She also stopped walking and shook her head but deep inside she wants to explode. "N-nothing just continue walking. I want to go home now. Natatakot na ako." sabi niya. Oh ha! Marunong rin siyang magsalita ng English no. Basic nga lang hahaha.
Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Iniwas niya ang kanyang tingin. Naaasiwa siya sa paraang pagtitig nito sa kanya. At the same time nahihiya rin siya. Feeling niya pa nangangamatis na ang pisngi niya.
'Wag naman sana huhuhu. Nakakahiya kapag nakita niya. Jusko. ' sa loob loob niya.
"B-bakit? May problema ba? Wala naman akong sinasabi ah." palusot niya nang hindi makatingin rito.
'Shet huhuhu wag mo akong titigan ng ganyan. Iisipin ko na talagang gusto mo ako hahaha.' pasimpleng hagikgik niya sa loob-looban.
Tinititigan pa rin siya nito at maya-maya inilang hakbang nito ang pagitan nila at tumayo sa harap niya. At dahil matangkad ito at siya naman ay hanggang balikat lang ng lalake. Muntikan ng tumama ang matitipuno nitong dibdib sa mukha niya.
'Sayang' sa isip niya.
"O-oh b-bakit?" utal na tanong niya at tumingin sa mukha nito at tinititigan. Gwapo talaga ito kung titignan. White skin, narrower facial shape, darker eyebrows, darker lashes, higher cheekbones, prominent lower jaw, and chin. No receding brows, thinner lids, no wrinkles, and most of it kissable lips.
She simply licked her lips while mesmerizing his face. Swerte naman ang babaeng magugutuhan nito. At sobrang swerte pa ng babaeng yon kapag natikman nito ang halik ni Zachary. Hayss.
"Do you want to kiss me?" he asked coldly. She stilled and blink twice as she processing his words. Ilang minuto siyang walang kibo bago nagsalita.
"A-ano?" utal na tanong niya.
"I said......... do you want to kiss me? I know you do. I saw you l*****g your lips while staring mine." Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at tumungangang tumingin rito.
'Nakita nito. Waahh lupa kainin niyo na ako please sobrang nakakahiya waahhh!'
Gusto niyang magwala sa iyak ngunit hindi niya magawa.
" Hannah" sabi nito at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
Wala siyang sinabi at nakatitig lamang habang naghihintay ng sasabihin nito. Unti-unti, nilapit ni Zachary ang mukha nito sa kanya habang siya naman ay hindi iniiwas ang tingin rito.
'Ayan na . Ayan na hahalikan niya na ako'. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinintay na halikan siya nito.
'Ayan na ........ Ayan na......' excited na sabi niya sa isip niya
Ilang inches na lamang at hahalikan na siya ng.....
*Krriingg*
"RECESS TIME" masayang sigaw ng lahat sa klase. Tila biglang nagising si Hannah sa sigaw ng mga ito at umupo ng maayos at pinunasan ang tumutulong laway niya.
"Do you have any questions class?" professor Maria asked.
Bored na umiling lang lahat at nagkanya-kanyang ligpit ng gamit. Hindi ito mga gamit na libro at notebook kundi kagamitang hindi pang-classroom kagaya ng gitara, bola, make-up at iba pa. Hindi rin nakikinig ang mga ito sa kanilang guro habang nagtuturo ngunit parang ok lang sa professor ang kanilang ginagawa. At kaya panghuli sila sa sectioning ng klase dahil hindi pag-aaral ang kanilang inaatupag kundi pangkasiyahan lamang.
"Really, ok then good luck to your mock exam next week. I hope makikita ko na talaga sa bulletin board ang matataas na scores niyo. Jusko lagi na lang mababa ang Section D. Kailan ba kayo titino ha? Kailan ba kayo mag-aaral ng mabuti. Even you." sabay turo kay Hannah na mukhang inaantok pa rin at nakatingin lang sa kawalan at dine-day dream pa rin si Zachary.
'Aishh!! Sayang andun na eh. Maghahalikan na kami.' malungkot na bulong niya.
" Pstt!! Psstt!!. Hannah. Hannah. Back to earth Hannah. Tinatawag ka ni Ma'am Maria uyy." sabi ni Naomi habang sinisiko siya.
Tila biglang nawala ang antok niya at bumalik sa katinuan. Bumaling siya sa professor niya na ngayon ay umuusok na ang ilong habang nakatingin sa kanya. Tumayo siya at yumuko.
" S-sorry Ma'am." paumanhin niya.
"Ano yan natutulog ka habang nagtuturo ako kanina. Cguro nananaginip ka naman kasama si Zachary no? Aissh!!. " nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito. Matagal na nilang alam ang nararamdaman niya tungkol kay Zachary kaya sanay na siya sa ganitong asaran. Well except lang sa lalakeng yon dahil hindi pa nito alam na gusto siya nito at mas lalong hindi pa siya kilala. Saklap diba? Well, sino ba naman siya para mapansin nito. Isang estudyanteng mahilig mag-day dream ng kung ano ano kasama nito.
"I'm sorry Ma'am hindi ko na po uulitin. Hindi ko na po tutulugan ang klase niyo. Promise." at nag-promise sign pa siya.
"The heck, that motherfucker. Bakit ba sa lahat ng napaginipan mo. Yung lalakeng yelo pa. Aisshh!! Bakit di na lang ako Hannah waaahhh." singit na sabi ni Giro at nagwala sa sariling lamesa. Agad naman nilapitan ng mga kaibigan nito ang lalake ngunit patuloy pa rin ito sa pagwawala.
'Aishh'. She gives him a disgusting look at hindi na lang pinansin ang sinabi nito.
" Stop will you Mr. Hernandez. Isa ka rin, di ka rin nag-aaral ng mabuti. Aishh, all of you magpakatino-tino na kayong lahat. Alalahanin niyo, graduating na kayo. Next year, college na kayo at mas matindi pa ang labanan pagdating niyo roon kaya umayos-ayos kayo ha. Naiintindihan niyo?"
Hindi sumagot ang lahat at nag-kanya kanya pa rin ng ginagawa." NAIINTINDIHAN NIYO? " sigaw ni Ms. Maria.
Nagulat naman lahat sa biglaang pagsigaw nito at umayos ng upo bago tumango." YES, MA'AM" sabay na sabi nila. Tiningnan lang ito ng guro nang pataas- baba look bago nagsalita.
"Good, now enjoy your recess. Goodbye" sabi nito at kinuha ang mga gamit bago lumabas.
"Hayss... ni hindi man lang ako natakot sa sinabi ni Ma'am kanina. Sa halip natuwa pa ako. Hahaha." tumatawa na sabi ni Chibs. Ang matabang kaibigan ni Hannah.
"Correct. Isa pa pinangaral niya lang tayo na magpakatino na. Nakakatuwa diba. Pero tss parang di ko pa feel mag-aral ng mabuti." malungkot na sabi naman ni Naomi. Ang nerd na kaibigan niya. Hindi dahil nagbabasa ito ng educational books kundi comics at online books ang pinag-aabalahan nito. May eyeglasses rin ito kaya parang nerd tignan.
" Correct again. Hayss. Yah! Hannah let's go to the canteen. Marami daw bagong foods dun. I'm so excited waahhh yesss!!" masayang sabi ni Chibs.
"Hahaha kahit kailan ka talaga. Tara na." sabi niya sa dalawa. Tumango lang ang mga ito at nagligpit na sila ng gamit bago pumunta ng canteen.
Nang nandoon na sila ay nag-order na sila agad ng mga pagkain at umupo sa favorite spot sa dulo ng canteen.
"Yesss. Yummy!! spicy delicious chicken burger with matching choco-strawberry ice cream. Hmm." at inamoy-amoy pa ito ni Chibs bago nilantakan.
Siya naman ay ganon din ang in-order niya. 'Hmm ang sarap nga.' matapos tikman ang ice cream.
"Hmm. Da best talaga itong canteen natin. Ito talaga ang hinding-hindi ko makakalimutan pagka-graduate natin." sabi ni Naomi habang kumakain ng burger.
Nag-thumbs up silang dalawa ni Chibs habang magiliw na kinakain ang pagkain nila. Nang malapit na silang matapos ay biglang nagsalita si Naomi.
"Btw. Hannah. I heard na lilipat na raw kayo sa bagong bahay niyo." sabi ni Naomi habang ngumunguya.
Ngumiti siya rito at tumango at tinapos ang panghuling scoop ng ice cream niya. "Yes, kakatapos lang na finishing kahapon. So bale ililipat na lang namin ang mga gamit namin bukas. Sabado naman kaya pwede rin kayong pumunta." masayang sabi niya.
"Talaga?" excited naman na sabi ng dalawa.
Masayang tumango siya rito at pumalakpak naman si Chibs. "Yes yes yes yes yes yes!! Excited na akong makita ang bahay niyo. Cguradong maganda yun waaahh."
"Correct ka diyan super excited rin ako yiee hahaha." at pumalakpak rin si Naomi. Nagtatawanan pa sila nang biglang may sumingit.
"Hello, Hannah" bored na bati ng tao nang dumaan ito. Tiningnan ito ni Hannah at sinundan ng tingin ang nagsalita. Napagtantong niyang si Lexin lang pala na sikat sa school ang bumati sa kanya.
"Sinabi niya bang hello?" tanong ni Chibs sa kanya habang tumitingin sa babae.
"Oo, hello raw Hannah pero ang weird bigla ka niyang binati. Eesh." sabi ni Naomi.
Tiningnan naman ni Hannah si Lexin at nakita niya itong naglagay ng sampung-piso sa coffee vending machine ngunit ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang baso ng kape ang lumalabas rito.
" Huh? Bakit? B-bakit walang lumalabas? " sabi nito at pinipindot ang mocha coffee ngunit wala pa rin.
Huminga siya ng malalim at tumayo. "Hoy Hannah san ka pupunta?" tanong ni Chibs.
Hindi niya ito pinansin at tiningnan ang mga nagbabanda sa paligid. Mga kaibigan ito ni Giro at tila naiintindihan naman nila ang gusto niyang iparating at nagsimulang tumugtog ng action song.
Naglakad siya papunta kay Lexin at humarap sa coffee vending machine. Inilapit niya ang kanyang tenga at sinubukang toktokin ito. Ngumiti siya, umurong siya ng kaunti at ini-stretch ang ulo side to side pati na rin ang kamay niya at balikat. At walang sabi-sabi buong lakas niyang pinukpok ang taas ng coffee vending machine na naging dahilan upang lumabas ang baso at pinuno ang kape.
"IYAAAHHHH" sigaw niya.
Napanganga ang lahat ng mga nakakita. Humiyaw naman ang mga kaibigan ni Giro.
"Yown, nadale mo Hannah woohh" sigaw ng isang kaibigan ni Giro.
Tumingin siya kay Lexin at ngumisi. Kinuha niya ang kape nito at inilahad. "Here's your mocha coffee young lady." magalang na sabi niya.
Nakanganga pa rin ito habang di makapaniwala sa nagawa niya. Ilang sandali pa bago ito nakabawi at kinuha ang kape sa kamay niya. Ngumiti lang siya rito at isiniksik ang mga kamay niya sa bulsa ng coat niya bago bumalik sa upuan.
"Ang galing mo don." pambobola ni Naomi.
"Oo nga." sang-ayon naman ni Chibs.
She just flipped her hair on them and then laughs.
"Ah. Ah-e-ehem." pagpaparinig ni Lexin at kunwaring umuubo pa. Bumaling naman siya rito. Naka-upo na ito sa tabi ng table nila kasama ang mga kaibigan nito ngunit nakatalikod sa kanya.
"T-thank you." mahinang sabi nito.
"Welcome." masayang tugon naman niya.
"Lexin, alam mo ba na nasa top 1 na naman si Zachary sa last exam natin." kinikilig na sabi ng kaibigan ni Lexin rito.
Masayang tumango ito sa kaibigan. "Correct. Balita ko, hindi raw nagrereview yon sa klase nila. Sadyang gifted lang talaga ng talino." kinikilig na sabi ni Lexin.
"Yeah, sanaol no. Hayss. Top 1 ng fourth year batch tapos anak pa ng may-ari ng school. Lahat na nandito." pagde-day dream ng isa.
"Yes, matalino na nga gwapo pa. Jackpot talaga magugustuhan ng lalakeng yon. Hayy. Yun nga lang suplado." day-dream rin ng isang kaibigan ni Lexin.
"Eesh, eh ano naman kung suplado at least lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalake na kay Zachary na lahat. Hmp. I will do everything to make him love me . Makikita niyo." determimado na sabi ni Lexin.
Sa kabilang lamesa naman ay nakikinig lang si Hannah sa mga usapan nito.
" Narinig mo yon Hannah. Gagawin niya daw lahat para mapasa-kanya si Zachary. Anong gagawin mo? " pabulong na sabi ni Chibs sa kanya ngunit sapat na iyon para di marinig sa kabilang lamesa.
" Oo nga Hannah mukhang determinado talaga oh. Tignan mo." dagdag pa ni Naomi habang tinitignan si Lexin na ngumingisi sa mga kaibigan nito.
Malungkot na bumuntong-hininga siya. 'Talaga, kahit saang corner ka ng school pupunta. Walang bukambibig ang mga kababaihan na hindi pinag-uusapan si Zachary Zanford hayss. Andami niya talagang ka-competensya rito.'
"Eh ano nga ba magagawa ko. Peymus ng school yang si Zachary. May magkakagusto talaga rito. Hayss. Di bale at least happy ako na nag-top na naman siya hahaha. And I know sakin pa rin ang bagsak niya hahaha" and she give them an evil smile.
Nagkatinginan naman ang dalawa at curious na tumingin rito. "What do you mean?" tanong nila.
"Ganito kasi yun. Nanaginip ako na nasa isang madalim at malamig na lugar. Umiiyak ako at humihingi ng tulong ngunit walang sumasagot. Tapos biglang dumating si Zachary at binigay niya sa akin iyong jacket niya tapos ano.." pabitin niyang sabi.
"tapos ano.." tanong ni Chibs habang matiim na hinihintay ang sasabihin ni Hannah.
"Tapos.. Tapos.. Hahalikan niya sana ako waaaahhh. Oh diba nakakakilig." kinikilig na sabi ni Hannah sabay hampas pa sa mga ito. Napa-face palm naman ang dalawa.
"Hayyy nako Hannah kahit kailan ka talaga. Kinilig ka na dun eh hahalikan ka palang di pa dumampi ang labi niyo. Tss akala ko kung ano na. Tss." at itinaas baba pa ang mga mata nito.
"Hahahaha. Oh ito ice cream ko ubusin mo na yan para bumalik ka na sa realidad mukhang wala pa eh. Back to earth Hannah." sabi ni Naomi at inilapit naman ang kutsara nito na may lamang ice cream sa kanya at pilit na sinusubuan.
"Yah. Ayoko na. Wahahaha busog na ako. Eww yaahh tama na." tawa niya habang umiiwas.
Maya-maya pa at nakarinig sila ng tili at hiyawan sa taas ng hagdanan. Tiningnan niya ito.
His cold prince charming was coming down the stairs and he would have turn left to go down again but he stopped and walked in his direction. She avoided his gaze immediately.
'Bakit yun? Pupunta ba siya sa pwesto ko? Anong gagawin koo..? Huhuhu'
He went in front of the coffee vending machine and put a ten-peso coin but the same as Lexin. No plastic cup is coming out either.
"Hi handsome, do you want to drink my coffee instead? Don't worry I just drank a little. Btw. I'm Lexin."? And showed her tag name on her coat. Lexin --- Joy --- Chua. "Hmm. I learned that my mother was a friend of yours. Pretty right. "
Zachary just give her a glimpse of sight and ignored her. He still pressing the mocha coffee button but nothing happens.
"Uh! Wait sira ulit.? " curious na tanong ni Lexin at binalingan si Hannah na hindi pa rin tumitingin sa direksyon ni Zachary.
" Hannah! Mighty Hannah!" sigaw na tawag ni Lexin sa kanya. She stilled at umayos ng upo. Dahan-dahang tumingin sa direksyon ng mga ito si Hannah
'OMYGHAD ANONG GAGAWIN KO?'
She said confounded.
"Hannah. Come here. Gawin mo to. Sira ulit oh. Hannah. Mighty Hannah." sigaw ulit ni Lexin.
Pasimpleng lumunok muna siya bago dahan-dahang tumayo at naglakad ng nakayuko. Narinig niyang nagsimula ulit tumugtog ang banda ng action song.
Nang nasa harap na siya ng mga ito. Biglang hinila ni Lexin si Zachary sa tabi.
"Gawin mo ulit yan." sabi ni Lexin. Lumunok ulit siya at dahan-dahan inilapit niya ang kanyang tenga at tinoktok ito.
Nang ok na ay lumayo siya ng kaunti at inistretch ulit ang ulo niya side to side, kamay at balikat bago wala sabi sabing buong lakas na pinukpok niya ang taas ng coffee vending machine.
Naghiyawan ulit ang mga tumutugtog at pasimple niyang tiningnan si Zachary na nakangangang tumingin sa kanya. Iniwas niya ang kanyang tingin rito.
'OMYGHAD NAKAKAHIYA TALAGA. LUPA KAININ NIYO NA AKO PLEASE HUHUHU' naiiyak na sabi niya sa kanyang sarili.
Kinuha ni Lexin ang kape ni Zachary at inilahad ito rito. "Your coffee." masayang sabi ni Lexin sa lalake.
Ilang sandali pa at bumalik sa katinuan si Zachary at walang imik na kinuha nito ang kape at tumalikod sabay umalis. Sumunod naman rito si Lexin pero bago ito umalis ay binigyan siya nito ng malupit na rolling eyes. Agad naman siyang nilapitan ng dalawang kaibigan niya.
"That was really cool. Two points whoo. For sure naimpress mo na si Zachary. Waahh. Sanaol." masayang kinikilig na sabi ni Chibs.
"Correct. If I were you mag-confess ka ng nararamdaman mo kay Zachary." sang-ayon naman na sabi ni Naomi.
"Talaga?" sabi niya rito at tumango naman ang dalawa. Napaisip naman si Hannah sandali. Hmm Mukhang tama ito. "Paano naman?" tanong niya.
"Eh di bigyan mo ng love letter. Doon ilagay mo lahat lahat ng nararamdaman mo kay Zachary. For sure magugustuhan non. Wag mo ng idelay, gragraduate na tayo. Gawin mo ng fulfilling ang high school life mo ok." advice ni Chibs sa kanya.
"Correct ka na naman diyan. " sang-ayon ni Naomi at nag-apir pa ang dalawa.
'Hmm mukhang tama talaga ang dalawang to. Tama!! Bukas na bukas gagawa ako ng love letter at sa Monday ibibigay ko na sa kanya . Yes! Todo na to.'
Pero..... I need his help first......
Her Father.