Chapter 6: The Clash

2164 Words
Bagong umaga, bagong buhay, bagong matitirahan, bagong adjustment ngunit bagong feelings rin ba? Yan ang katanungan na pilit niyang sinasagot kagabi. Ngayon na magkasama na sila sa iisang bubong. Kaya niya bang maalis ang nararamdaman niya para rito? Naghamon pa siya ng bet ngunit mananalo kaya siya? Kaya niya bang alisin ito sa buhay niya lalo na may chance na lagi na silang magkasama at magkakilala. May bahagi sa kanyang puso na gusto niya ngunit may bahagi rin sa utak niya na huwag na dahil panigurado luha lang ang aabutin niya kahit in the first place hindi siya ang tipo nito. 'Pinamukha nga saken ng hambog  na lalakeng yun eh tss.' Umingos siya sa naisip at ipinilig ang kanyang ulo. 'Bahala na si Batman. Mangyari na ang mangyari basta siya ayaw niya ng umasa pa. Tss.' *Tok* *Tok* *Tok* "Hannah gising ka na ba?" malambing na tanong sa kanya ni Tita Nina. Nandito pa kasi siya sa higaan niya at hindi pa bumabangon. Di kasi niya feel. Pumasok ito at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Good morning pretty. Gising ka na pala hahaha." "Ay Tita hehehe. Good morning rin po." at bumangon na. 'Nakakahiya hindi pa ako nag-sisipilyo.' Lumapit ito sa kanya ngunit pinigilan niya ito. "Ay Tita." "Bakit?" tanong nito. "Ahm hehehe. Hindi pa po kasi ako nagsisipilyo. Nakakahiya." at tinikom ang bibig. 'Baka naamoy niya hininga ko. Mabaho pa naman huhuhu.' Tumawa ito at lumapit pa rin sa kanya at umupo. "Ok lang yan. Gusto ko sanang gisingin ka para pumasok ka na sa school niyo. Diba dun ka rin sa school ni Zachary nag-aaral. So dali, at sabay na kayong pumasok." sabi nito at pumalakpak pa ng dalawang beses at hinila na siya patayo. Wala na siyang nagawa at nagpatinaod na lang hanggang sa pinasok siya nito sa loob ng banyo pero bago ito umalis may pahabol pa itong sinabi." Enjoy your first breakfast later hahaha." at lumabas na. 'Ano raw?!?!' tanging masasabi niya na lamang. ---------- Hindi siya prepared sa nakikita niya. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa kaharap ng upuan niya ngayon. Si Zachary na nakasando lang ang suot ngayon na kumakain ng breakfast nila. 'Shet busog na ata ako. Mala-ulam kasi ang kaharap ko ngayon. Pwede ng kainin. Yummy hahaha.' Iwinasiwas niya ang ulo niya sa naiisip niya. Nagiging maharot na siya tss. "Stupid na nga, crazy pa, weird pa tss." bulong nito ngunit sapat na sa kanya upang  marinig niya ito. ' Hayup talaga na lalakeng to. Sinisira lagi ang pantasya niya rito. Wala na talagang ibang ginawa kundi asarin at buwisitin ang araw niya tss. Hindi siya magpapatalo rito eesh.' "E-ehem. What a jerk!" pagpaparinig niya rito. Lumingon naman ito sa kanya ngunit binigyan niya lang ito ng insosenteng look. "Stupid crazy girl." paulit pa nito but this time medyo napalakas na ang boses nito. Binigyan niya naman ng matalim na titig ito ngunit ngumisi lang ito sa kanya. 'Crazy my a*s' at walang sabi-sabing tinapakan niya ang paa nito sa ibabaw ng lamesa na naging dahilan upang sumigaw ito sa sakit. "WHAT THE F*CK". Nagulat naman ang lahat sa hapag kainan except siya habang tarantang tiningnan ang lalake. "Zachary your cursing" sermon sa kanya ng ama nito ngunit hindi ito nakinig at patuloy lang sa pagmumura. "Bakit anak? Ok ka lang? " alalang tanong ng ina nito rito. "Ouch bwisit." sagot lang nito habang hinihimas ang tinamaan nya habang binibigyan siya ng masamang tingin. She smiled and blink her eyes upang asarin pa ito. 'Hahaha, one point for you girl.' Huminga naman ito ng malalim at padabig na tumayo. "Nothing, meron lang naman Goliath na tumapak sa paa ko." sabi nito habang nakatingin sa kanya ng masama. "Ha?" yan lang ang tanging ng magulang nito pati na rin ang kapatid at ama niya. "Aishh. I have to go. Mas lalo lang akong mababaliw kapag tumagal pa ako rito." walang gana nitong sabi at pumunta na sa taas upang magbihis. "Hannah. Hannah. Sundan mo na rin dali. Magbihis ka na rin para sabay kayo papasok. Lah cge na." 'Uyy sabay kami hahaha. Gusto ko yan para maasar ko pa. Wahaha kala niya ha. Hindi ako lumalaban. Hmm tignan natin.' ------ "Uyy grabe wait mo naman ako aishh." habol hiningang sigaw ko rito pero patuloy pa rin ito sa paglalakad. Napapagod na rin siya dahil ang laki ng hakbang nito kaysa sa kanya tss. 'Disadvantage nga naman ng maliit oo.' "Oyy sabi ng hintayin mo ako eh. Hoyy tigil sabi eh." Ngunit mukhang wala pa rin itong  naririnig kaya humugot muna siya ng hininga at pinikit ang mata. 'Talagang ayaw mo ha.' "HAMBOG NA MOKONG NA WALANG MODO." sigaw niya na halos lumabas na ang lalamunan niya. Kasi naman mukhang walang balak pansinin ng hayup na ito siya. Tumigil naman ito at masamang tingin na humarap sa kanya. "What did you say?" he asked. ' Hayss buti naman pinansin na ako essh.' She crossed her arms around her chest at tinaasan niya ito ng kilay habang naglalakad papunta sa pwesto nito. "Bakit? Gusto mo bang ulitin ko ulit?" tanong niya nang nasa harap niya ito. "Don't talk to me and don't follow me okay. Ayokong makita ng mga schoolmates natin na magkasama tayo." sabi nito. Asar na tiningnan niya ito ngunit ngumisi rin. "Bakit? Takot ka bang isipin ng lahat na magjowa tayo ha?" ngiti-ngiting tanong niya rito ngunit sa loob-looban niya ay kinikilig na ang mga kalamnam niya. "Ayoko lang masira ang reputasyon ko. Remember I don't like a stupid girl like you. Hindi kita type. Wag kang feelingera. " Napintig ang tenga niya at umusok na rin ang ilong sa sinabi nito. Talagang lagi na lang pinamumukha nito na ganoon siya. Bwisit talaga. "I'm not stupid, you rascal jerk. Matalino ka lang pero ugali pwee. Tsee. As for your information, hindi kagwapo. Feelingero ka rin. "sabi niya at nagmartsa na siya upang iwan na ito. Bahala na yun sa buhay niya tss. Makarma sana sa daan aishh. Di ata nag-aral yon ng GMRC noong elementary eh. Walang manners and right conduct. Eeshh " Talaga ba? Pero nakalagay sa love letter mo na in love na inlove ka sa akin. Ano yun kalokohan lang at pinagtritripan mo lang ako?" tanong nito. Huminto siya sa paglalakad at tumingin rito. She looked at her sharply to his eyes. "Yes, trip lang yon. Huwag mo masyadong dibdibin ang mga sinabi ko doon. Bakit gusto mo bang totohanin natin?" pang-aasar niya rito at ngumisi Gumanti naman ito ng nakakaasar na tingin at lumapit sa kanya. "Dream on lady. Assumera ka talaga. As if namang papatulan kita." at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Hmm. Sa height ang liit tapos ang balakang mukhang match stick. And then the.." binitin pa nito ang sasabihin ng nag-landing ang mata nito sa wait... dibdib niya. Agad niya naman tinakpan ng dalawang kamay ang dibdib niya at sinamaan ng tingin. 'Hayup to...' " MANYAK! p*****t! BABOY! HINDI KA TALAGA TINURUAN NOONG BATA KA PA NG MAGANDANG ASAL HA! AKALA KO AROGANTENG WALANG MODONG LALAKE KA LANG. YUN PALA MAY PAGKA-BASTOS KA RIN PALA." singhal niya rito habang binibigyan pa rin ng matalim at masamang tingin. ' Bwisit na manyak to. Dibdib ko pa talaga. Aaminin ko na hindi kalakihan ang akin pero aisshh kahit na arghh!!' Mukhang wala itong narinig at ngumisi lang ito sa kanya. 'Aba't. Pigilan niyo ako pigilan niyo ako. Masasapak ko na talaga itong lalakeng to.' "Maka-react ka akala mo ginahasa kita. Oa lang tsaka ano naman kung tiningnan ko ang dibdib mo? Wala namang laman. Flat." sabi nito dahilan upang mas lalong sumama ang tingin niya at nararamdaman niya ng nasa utak niya lahat ng dugo niya. "Yang walang preno mong bibig. Wala na ba talagang magandang sasabihin yan? Kasi kung oo. Puputulin ko na yan. Halika dito at pumunta tayo sa simbahan para mabendisyonan yang bibig mo ng agua bendita. " at hinawakan niya ito ng mahigpit sa braso at kinaladkad dahilan upang mapadaing ito sa sakit ngunit tumawa rin ng mahina. " Chill lady, patsansing ka lang eh. Sabihin mo lang at ibibigay ko naman ang gusto mo. Hindi mo na ako kailangan pang hilahin." at kinindatan pa siya ng loko. 'Kainis! Kainis wag siyang lumalandi ng ganyan. Naapektuhan ako argh!! Ay no Hannah, wag may deal kayo remember?' aniya niya sa isip. " Argh bahala ka diyan. Madapa ka sana. " inis na sabi niya rito at binitawan na ito at nagmamadaling umalis habang nakasimangot. Tss. ' Bahala siya diyan. ' Si Zachary naman ay tatawa- tawa na lang sa inasal nito. Gustong-gusto niya talagang asarin ito dahil nakakatawa ang itsura lalo na kapag galit. Halos hindi na maipinta ang itsura nito sa sobrang sama ang tingin sa kanya. 'Asar talo lang eh tss.' Hahakbang na sana ulit siya upang sumunod na rito ngunit napatigil siya ng may mapansin siyang lalake na nagtatago sa may mabulaklak na lugar at tinitignan nito si..... Hannah? Sa itsura nito mukhang maayos naman ngunit ang kilos mukhang may masamang binabalak. Kumunoot-noo siya habang pinagmamasdan ito. Nang pakiramdam nito na may nakatingin sa kanya ay lumingon ito sa gawi niya ngunit nag-iwas rin agad at tumalikod sabay lakad ng parang walang nangyari. 'So who's that f**k*ng boy?' aniya niya sa isip. ------- "Hannah" masayang tawag sa kanya ni Chibs at Naomi. Panigurado magtatanong na naman to kung saan siya nakatira tss. "Hannah, saan ka nakatira?" tanong sa kanya ni Chibs. Oh diba, sabi ko na eh. "Ha? Diyan diyan lang. Sa malapit, sa malayo." bored niyang sabi at naglalaro na lang ng games sa phone niya. Malayang nagpaparty ang mga kaklase niya ngayon kasi absent daw ang next teacher nila kaya vacant ngayon ang one hour and thirty minutes nila. " Ha? Anong diyan diyan lang tapos sa malapit at sa malayo? Ako ba ay pinagloloko mo?" iritadong tanong ni Chibs sa kanya. "Bakit ayaw mong sabihin samin?" katwiran naman ni Naomi. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga ito. Hindi nila pwedeng malaman na nakatira kasama ang mokong na yon pero kaibigan niya ito eh. Wala namang masama kung sasabihin niya. "Guys pwede bang samahan niyo muna ako sa cr. Pwede ba?" Tumango na lang ang dalawa kaya tumayo na sila at naglakad papunta sa cr. Nang nandoon na sila ay good thing walang tao kaya ni-lock niya agad ang pintuan at hinarap ang mga ito. "Guys hindi kayo maniniwala pero..." pabitin na sabi niya at kinagat ang labi. Nagdadalawang isip siya kung tama ba ang gagawin niya o hinde. "Pero ano?" sabay na tanong ng dalawa at seryosong tinititigan siya. "Pero..." dagdag niya "Ano nga?" di na makapaghintay na sigaw ni Chibs kaya napasagot na siya. "I'm living with the same roof with him." pag-amin niya sa mabilisang pagsalita. Nakanganga lang sa kanya ang dalawa at maya-maya sinamaan siya ng tingin. "Umayos ka Hannah Avery. Hindi na kami natutuwa." sabi sa kanya Naomi. "Okay. Okay. Chill guys ito na." at huminga siya ng malalim bago at pumikit. "I am living under the same roof with him." ulit niya kanina. Mas lalong namang kumunoot-noo ang dalawa. "With who?" "Who?" Lumakad muna siya papunta sa harap ng salamin kaya nakatalikod siya sa mga ito bago nagsalita. "With Zachary Zanford." at tiningnan ang mga itsura nito sa repleksyon. Di makapagsalita ang dalawa sa narinig at mukhang timang na di maipinta ang mga itsura nito habang nakatitig sa repleksyon ng salamin. Gusto niyang matawa sa inasal ng mga ito kaya humarap na siya. Nang makabawi na ang isa sa kanila ay bigla na lang itong humalakhak at sumabay na rin ang isa. 'Sabi ko na eh tss.' "Hannah, naka-drugs ka ba?" tanong sa kanya ni Naomi. "May hotline ako sa mental hospital. Gusto mo tawagan ko na?" dagdag pa ni Chibs. "Naluwagan na ata ang turnilyo sa utak kaya ganyan na yan." sabi ni Naomi kay Chibs at nag-apir pa ang dalawa habang sapo ang kanilang tiyan. Umiiyak na nga ang mga ito sa tawa eh. "Geez. Alam ko ng mangyayari to kaya bahala kayo kung ayaw niyong maniwala o hinde tss." wala sa mood niyang sabi at nilagpasan na ito upang buksan na ang pintuan at lumabas. Sumunod naman agad sa kanya ang dalawa ngunit nasa likod lang niya na tatawa-tawa pa rin. "Hahaha. Yan na ata ang pinaka-magandang joke mo Hannah. Hahaha." sabi ni Chibs sa kanya. "May move-on pang nalalaman pero mukhang di naman. Nagdeday-dream pa rin hahaha." pang-aalaska ni Naomi sa kanya. "Malala ka na Hannah, inom ka na lang ng gamot para sa katinuan mukhang nasa ibang mundo ka pa ata eh wahahaha." dagdag pa ni Chibs at nagtawanan na naman ang dalawa. 'Tss. Bahala kayo diyan. Sooner or later baka matunganga pa kayo sa makikita niyo.' aniya niya sa isip ngunit huminto rin siya ng may maisip na hindi niya pa nasasabi rito kaya naman humarap siya sa dalawa. Napahinto naman ang mga ito at natatawang tumingin sa kanya. "Oh bakit?" tanong sa kanya ni Chibs. "May dagdag pa?" natatawang tanong ni Chibs sa kanya. She just roll her eyes to them before she speaks. "Yes, gusto ko lang idagdag na wag niyong sasabihin sa iba ang mga sinabi ko ha. You know ayokong nagagalit." sabi niya at tumalikod na ulit dito. Tumawa nama ulit ang dalawa na iniisip nito na nababaliw na siya kaya naman mas binilisan niya pa ang lakad upang iwan na ang mga ito ngunit hindi pa siya nakakalayo ng sumigaw si Chibs. " Don't worry Hannah kaming dalawa lang na bestfriends mo ang nakaka-alam na nababaliw ka na." sigaw ni Chibs at humalakhak na naman ang dalawa. Tss. 'Hmm. Nababaliw? Let's see.' aniya niya sa isip at napangisi.  A/N: See you in the next chapter :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD