--6--
NICOLE'S POV
"Wala na kayong magawang maayos?! Revise niyo lahat yan!" I slammed the pile of folders in front of my engineers. "I want your revised designs by tomorrow afternoon."
Lumabas ako ng conference room. Deretso ako sa office ko. malakas ko ring isinara ang pinto.
"Holy s**t! Muntik na ako dun." That's Noah. "Grabe ka kanina. Maayos naman ang mga designs nila. Bakit mo nireject lahat?"
Hindi ako umimik. Kasunod rin pala niya sina Chen at Rachel.
"Pinsan, bakit ang-init ng ulo mo?"
"Pwedeng umalis kayo dito? Hindi kayo nakakatulong." Utos ko sa mga ito. "Oras ng trabaho. Go to your stations."
"Fine." Sagot ni Chen. "Basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang kami."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Binuksan ko ang laptop ko. WAla akong gagawin. Binuksan ko lang para isipin nilang busy ako at wala akong oras sa mga kabullshittan na sasabihin nila.
My phone vibrated. It's a message from Jacob.
Cob: Coffee?
Me: Brewed.
Cob: ok. See you at the roof top.
Nagpadala din ako ng message kay Jelo na i-hack niya ang cctv para hindi makita ang pag-akyat naming ni Jacob sa rooftop.
Isinara ko na ang laptop saka sumandal sa swivel chair. Hay! Ilang araw kong tinitiis na hindi humingi ng update tungkol kay Rica. She wants to be a mistress, so be it.
---
Sa rooftop. Tanaw ang kabuuan ng siyudad. Katahimikan na kailangan ko para kalmahin ang isip ko.
"You're too rude this morning. Baka maubusan tayo ng architects sa ugali mo." Paalala ni Jacob pagkaabot niya sa akin ng ng kape.
"None of your business."
"It has something to do with the company so it is also my business. So come on spill it out. Anong problema?"
Umiling ako. "I'm just stressed out with work."
"Sa akin ka pa magsisinungaling? We're not friends but I know you're tough with work. Minsan na kitang nakitang ganito. At alam kong emosyon ang problema mo. That's your weakness."
"Stalker."
"Hindi ko naman kasalanan kung narinig kitang nagsisisigaw sa soccerfield. So who's the lucky woman this time?"
He knows. He's a total asshole but he knows how to keep confidential matters.
"Wala. I just f****d up with things. That's all."
"Bahala ka." May inabot siya sa aking box. "Happy advance valentine's day."
"kakasimula pa lang ng Pebrero ah. "Binuksan ko ang box. "Bullets talaga?"
Ngumiti siya. "You won't appreciate flowers and chocolates. You might need those."
"Wala akong gift sayo."
"No need. Hindi naman bagay sayo ang sweet e. so Cheers? We need to go back to work."
Nagcheers kami saka binottoms up ang kape. God of coffee! Angsarap!
"Kung sino man yang nagpapasakit ng ulo mo? Swerte niya. Isang Nicole Perreras ang nag-aaksaya ng oras para sa kanya. Why don't you confess to her?"
"Confession is a sign of defeat." Maiksing sagot ko sa kanya.
He crumpled the paper cup. "At ang isang Nicole Perreras ay naghihintay na ma-fall sa kanya ang babae hanggang sa siya na ang magconfess. Tama ba?"
"It happens most of the time."
Pero wala akong ineentertain like going across the line is not my things. Both men and women. I have no time for a relationship. Serious relationship.
"Taas ng ego. Hindi ko maabot. Balik na nga tayo sa trabaho."
"Mauna ka na. Dito na muna ako."
He left. I just can't take this s**t anymore! Humingi ako kay Jelo ng ilang updates kay Rica. She sent some photos. Almost everyday magkasama sila. Soon, matatapos rin ang masasayang araw nilang dalawa.
Very soon.
--oo—
"So may nagsumbong sa inyo." Walang emosyon kong tugon kay tito matapos niya akong pagsabihan sa inasal ko sa meeting kahapon. "Hindi ko babawiin ang desisyon ko tito. I flared up but I swear hindi rin maganda ang mga proposals nila. You know me better tito."
"Alam ko hija pero can you please manage your temper? Baka magkaroon ka ng maraming kaalitan sa kompanya pag palagi kang ganyan."
"Sorry. I'll try next time."
"Take the day off muna hija. Nandun naman sina Chen. You've been working so hard. Magrelax ka muna."
Ayoko! The more I will think of Rica. Parang naghysterical ang mga neurons ko sa sinabi ni tito.
"Ayoko... magtatrabaho ako tito."
"No. Banned ka sa building sa araw na to so wala kang choice."
"Tito naman." Nayayamot ko nang sabi sa kanya. "Huwag naman ganito."
Tumayo na siya. "take care hija. Go on a date or anything."
Tito! Wala po akong idi-date!
--
"Anong bumabagabag sayo? Kanina pa malalim ang iniisip mo."
Napaangat ako ng tingin kay Chloe. Dito na ako nagpunta kaysa matempt pa akong puntahan si Rica.
"Huh? Wala naman. Pagod lang sa trabaho to."
"Ah. Hindi sa nanghihimasok ako ha? Pero parang ganun na rin."Alanganin nitong pasabi. "Pakiramdam ko may mabigat kang dinadalang problema."
"Ganito talaga siguro kapag malaking responsibilidad ang nakalagay sa balikat mo."
May nagbuzzer naman. "Sandali. Buksan ko lang."sabi niya habang nagpupunas ng kamay.
"Ako na lang." I stood and went to the door. Sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. And to my f*****g dismay. Sina Rica at ang mga bata. Yung taong pinakaayaw kong makita!
Huminga ako nang malalim bago ko sila pinagbuksan.
Pagkakita pa lang sa akin ni Karlo ay lumapas ang ngiti nito. Pero binawin rin niya agad ito. Ganun din si Katrina na nakatungo lang.
"Pasok kayo." Hindi ko tinapunan ng tingin si Rica. Sa mga bata lang nakatuon ang pansin ko. Dumeretso naman siya sa kusina.
"Boss, iwan ko muna ang mga bata ha? Wala kasi silang pasok. Wala silang kasama sa bahay."rinig kong sabi ni Rica. "Babalikan ko sila mamayang 4:00."
"Wala ba talaga silang pasok? Halos araw-araw na lang yan."
"Foundation week yata nila sa susunod na linggo. E hindi naman sila kasama sa mga activities. Hindi rin sila nagkaklase kaya hindi ko na pinapasok."
Chineck ni Rica ang bag ng dalawa.
"Kuts, magpalit kayo ng damit mamaya pag pawisan na ha?"
Tumango si Karlo.
"Huwag kayong masyadong makulit dito." Bumaling siya sa akin. "Long time no see Perreras."
Tumango lang ako. "Yeah. Busy kasi."
Nang makaalis siya ay sinubukan kong kausapin ang mga bata pero malayo naman ang loob nila sa akin. Lalo si Karlo. Nagsosolve lang siya sa worksheet na prinint ni Chloe.
"Parekoy, hindi mo ba ako kakausapin?"
Tinalikuran niya ako. Bumaling naman ako kay Katrina. Tulad ni Karlo ay nagsosolve din siya sa worksheet.
"Ok. So I get it. May tampo kayo. Pag-usapan naman natin to."
Tumakbo ang dalawa patungo sa guest room. Yung kwarto na tinutulugan namin kapag dito kami nagpapalipas ng gabi.
"Hindi ka na raw kasi dumadalaw sa kanila kaya nagtatampo na. At si Lauren naman, ayaw sa dalawa kaya kusa na silang lumalayo sayo. Baka daw pareho lang kayo ni Lauren kaya hindi mo na sila dinadalaw."
Napabuntong hininga ako. "May mga problema akong inaayos ngayon. Madalas ba silang iwan ni Rica dito?"
Tumango si Chloe. "Mukhang mahihirapan nga daw si Rica na maampon ang dalawa, sabi ni Nikee e."
Mahirap talaga dahil una sa lahat wala siyang asawa. At hindi pa legal ang LGBT adoption sa Pilipinas.
"Unless mag-asawa siya."
"Impossible yan. Dahil nakipagbalikan siya kay Lauren." Napatigil siya.
"Lauren?" pagmaang-mangan ko naman. "May asawa na yon diba?"
She sighed ang nodded. "Pero mahal niya e."
So nagkwento na si Chloe ng mga bagay na alam niya kung bakit nakipagbalikan si Rica.
"Matagal nang naninirahang mag-isa dito si Rica. Nasa Baguio kasi ang mga magulang niya at may kanya-kanya ng pamilya. Si Lauren lang ang naging sandalan niya. Naging close na rin siya sa pamilya ni Lauren."
Nakwento na niya yan sa akin noon bilang si ColdRighter.
"Nung naghiwalay sila pakiramdam niya wala na siyang patutunguhan. Kay Lauren na lang kasi umikot ang mundo niya noon. She sees herself growing old with Lauren. Pero, just like any other fairytale, a princess searches for a prince. So did Lauren."
"Pero bakit ba sila nagbalikan? Wala bang ibang nanligaw kay Rica?"
"Meron. Not sure kung manliligaw. Masekreto kasi yung babaeng yon. Pero nabanggit niya minsan na kung yung taong nagpapangiti lang sa kanya ay lagi niyang nakakasama baka matagal na niyang napalaya ang sarili niya." pagkukwento ni Chloe. "Gusto ko na nga ring matauhan si Rica e kaso sa nakikita ko ngayon ayokong mawala yung saya sa kanya."
"Pero mali pa rin..."
"Pero matigas ang ulo niya. Suyuin mo na yung dalawa. Namimiss ka na ng mga yan."
Pumasok na ako sa kwarto. Ganun pa rin naman ang ginagawa nila. Nakatutok sa kanya-kanyang worksheets.
"Kids, mag-usap tayo. Ngayon na." I said in authoritative voice.
"Bakit ka po galit? Para kang si Ate Lauren." Naiiyak na sabi ni Katrina. "Ayaw niyo na rin sa amin?"
Hay! Ilang araw pa lang naman ang lumipas na hindi ko dinadalaw ang mga ito mabigat na ang tampo sa akin.
Naupo ako sa kama. "Naging busy lang ako kaya hindi ko kayo nadadalaw. Huwag naman kayong magtampo." Pinisil ko ang pisngi ng dalawa. "May problema kasi ako sa trabaho ko."
"Ganyan din ang laging sinasabi ni ate Rica kaya niya kami iniiwan dito kay tita Chloe. Busy kayo lagi sa trabaho niyo." Pagrarason ni Karlo. "Ayaw sa amin ni Ate Lauren. Nag-aaway silang dalawa dahil sa amin."
"Kapag nag-aaway sila takpan niyo ang mga tainga niyo ha? Hayaan niyo at kakausapin ko si Rica."
Pinunasan ni Katrina ang mga luha niya. "Huwag na po. Iiyak lang siya kapag iiwan siya ni ate Lauren."
"Mamasyal na lang tayo. Iligpit niyo na lang yan."
--
Dumaan kami sa hospital para dalawin ang nanay nila. She's not getting better. At nararamdaman na rin niya na dahan-dahan na siyang ginugupo ng karamdaman niya.
"Makulit ba tong mga anak ko?"
"Nay naman!" nakapameywang na sabi ni Karlo. "Binata na ako. Hindi na ako makulit."
"Anong binata ang sinabi mo. Hindi ka pa nga natutuli e." natatawang tugon ni Nanay Choleng.
Humalukipkip si Karlo. "Magpapatuli na ako bukas!"
Hay naku! Nagmamadaling magbinata. Minabuti kong dito na lang kami kaysa mamasyal. Nanonod ako ng videos habang yung dalawa naman ay nakasampa sa kama habang nakikipagkwentuhan sa nanay nila. Traditional family. Masaya na sa simpleng kwentuhan lang.
Naggugupit rin sila ng mga laser paper para gawing valentine's cards. Ibibigay daw nila sa mga teachers nila.
"Paglaki ko gusto kong maging doctor. Maggagamot ako nang hindi Malaki ang bayad."pagyayabang ni Karlo.
"E kung wala na lang bayad?" sabad ni Katrina.
"Kuting, paano tayo mabubuhay kung hindi nila ako babayaran?"sagot naman nito. "Konting bayad lang pambili ng bigas at ulam."
Pati si nanay Choleng natatawa na rin sa idea ng anak niya.
"e ikaw hija? Anong gusto mong maging paglaki mo?" baling ni nanay Choleng kay Katrina?
Nagkibit-balikat si Katrina. "Artista. Kakanta ako tapos makikita mo ako sa tv nay."
"Anong gusto mo paglaki mo nak?"
"Kapag architect ka na magiging proud ako sayo."
"Samahan mo akong magmartsa sa graduation ko nanay! Sayo ko isasabit ang mga medals ko. Para sayo lahat yon!"
"Ipagluluto mo ako palagi ng paboritong kong sinigang na hipon kapag uuwi ako galing trabaho nay."
"Sayo lahat ang unang sweldo ko! Papamanicure tayo kay Aleng Loleng. Papakulot din kita."
Namimiss ko si nanay. Kung buhay lang siguro siya ay ipagyayabang niya ako sa mga kumare niya. Baka nga lagi pa niya akong hatiran ng baon sa trabaho e. Hay! Pinigil ko ang pagtulo ng mga luha ko. Huwag kang iiyak Nicole! Hindi pwedeng umiyak!
Nang dumating ang caregiver ay pinakiusapan ko siyang samahan ang mga bata sa malapit na 7 eleven. Ako na muna ang nagbantay habang kinukuhanan ng dugo si Nanay CHoleng para sa laboratory check-up niya.
Iniiwas ko ang tingin ko dahil napapangiwi na si Nanay Choleng nang nakailang beses nang turok ng karayom. Ganitong-ganito si nanay noon. May mga pagkakataon pa ngang humihiling siyang tigilan na ang paggamot sa kanya.
Nang umalis ang mga nurse ay inalalayan ko si nanay Choleng para makaupo nang mas maayos.
"Pasensya ka na. Anglaki na naming abala sayo."
"Wala po yon. Magpalakas po kayo." Tugon ko sa kanya. "Ang sabi ng teacher ni Karlo ay makakatanggap daw siya ng medal sa March."
Napangiti siya. "Yang batang yan e tamad naman talaga pero nang makilala kayo ay gusto nang mag-aral mabuti. Para daw pag may trabaho na siya e mabayaran niya ang mga ginagastos niyo sa pagpapagamot ko."
"Wala naman kayong utang."
Humigpit ang hawak ni Nanay Choleng sa kamay ko. "Hija, kapag dumating ang araw na mawala ako sa mundo maari bang ihabilin ko sa iyo ang mga anak ko? Kakapalan ko na ang mukha ko hija. Ayokong mamuhay sila na isang kahig, isang tuka."
"Huwag kayong mag-iisip ng ganyan. Malakas kaya kayo. Lumalaban ang katawan niyo sa sakit niyo."
Mapait na ngiti ang tinugon niya sa akin. "Nanghihina na ako hija. Nararamdaman ko iyon." Pinisil niya ang kamay ko. "Parang awa mo na hija. Gusto kong mapabuti ang kinabukasan ng mga bata. Kung kailangan kong pumirma ng katibayan na ibibigay ko sa inyo ang mga anak ko gagawin ko hija. Parang –awa mo na."
"Hindi niyo na po kailangang gawin ito. Dahil gumagawa na po ako ng paraang legal para sa pag-ampon sa mga bata. Kung hindi man payagan ng korte si Rica at ako mismo na ang aampon sa kanila."
Umaliwalas ang mukha ni Nay Choleng. "Maraming salamat hija. Malaking utang na loob ko ito sa iyo."
---
Dinala ko ang mga bata sa ZciaRa's. Nagrereklamo si Karlo dahil masakit na daw ang pisngi niya sa kakapisil ng mga tauhan ni Ate Zcia. Ang kaso imbes na kumain, gusto pa ng dalawa na tumulong sa pagseserve.
Pinagbigyan ko na rin sila dahil mapilit talaga. Lumilingon pa siya sa akin kapag binibigyan siya ng tip ng ilang costumers.
"Cute sila no?" si ate Zcia.
"Makulit din. Tingnan mo ate ayaw nang kumain."
"Madiskarte lang. Kumusta na pala ang nanay nila?"
"Hindi maganda ang lagay ate." Ikinwento ko na sa kanya ang naging pag-uusap namin ni nanay Choleng.
"Pero diba may tumatayong guardian nila? Yung kaibigan ni Chloe?"
Tumango ako. "Pero mahihirapan siya sa pag-ampon dahil wala siyang asawa. At hindi sapat ang kinikita niya para masuportahan sila."
"De tulungan mo. Anong ginagawa ng mga koneksyon niyo diba? Fake weddings? Annulment after. Maraming paraan."
"Pag-iisipan ko."
8:00 na. Kailangan ko nang ihatid ang mga bata. Mag-take out na lang kami ng dinner. Pinatawag ko na sila sa isang waiter.
"Tita Zcia, pwede po ba akong sumayd-line dito kapag walang pasok o pag bakasyon?" masiglang sabi ni Karlo. "Sige na po magsisipag po ako."
"Karlo, angbata mo pa para magtrabaho." Saway ko sa kanya.
"Sige na please. Para may pera kami ni Kuts. Mag-iipon kami para sa gamot ni nanay."
"Oo nga po ate." Sang-ayon ni Katrina sa kuya. "Pandagdag din po sa gamot yon."
"Hindi pwede." Deretsahang sagot ko.
"Sige." Napalingon ako kay ate Zcia. "Pero, ang gagawin niyo lang magpa-paint. Tuturuan ko kayo. Nakikita niyo yang mga nakasabit at yung putting wall dun?"
Nilingon naman ng dalawa ang tinuro ni ate Zcia. Saka sila tumango-tango.
"Pupunuin natin ng drawings yan. Babayaran ko pa kayo. Okay ba yon?"
"Sige po! Magaling po kaming magdumi ng pader! Diba marekoy?"
Magdumi ng pader. Magdumi ng upuan. Magdumi ng kotse! Magaling silang magvandal kasama ng mga barkada niya!
Inilahad ni ate Zcia ang kanang kamay niya. "So deal?"
At gaya ng nakagawian ni Karlo, dinuraan niya ang kanang kamay niya saka nakipagkamay kay ate Zcia. Hahaha! Epic yung mukha ni ate. Nandidiri na ewan.
--
RICA's POV
Mag-aalas diyes na nang may bumusina. Si Nicole na siguro yan. Nagmadali akong lumabas para makasiguro. Siya nga. Binilisan ko ang lakad para buksan ang gate.
Si Kuts ang nagbitbit ng mga bags nilang magkapatid. Karga-karga kasi ni Nicole si kuting. Nakatulog na sa byahe.
"Pasensya na. Nag-enjoy nag mga to sa Zciaras at traffic din."
"Okay lang. okay lang." binuksan ko ang pinto para sa kanila.
"Ate Kumain ka na? may dala kaming pagkain. Libre to kasi nagsirbi kami sa restoran." Masayang sabi ni KUts bitbit ang mga paperbags na may logo ng ZciaRa's
"Hindi pa. hinihintay ko nga kayo e." pagsisinungaling ko para hindi naman sumama ang loob niya. Dito nagdinner si Lauren kasi. Pinagluto niya ako. "Ako na ang maghahain niyan. Magpalit ka na muna."
Iginiya ko si Nicole sa kwarto ng mga bata. Maingat niyang inihiga si Kuting saka kinumutan.
"Alis na ako..." paalam niya agad.
"Angbilis naman. Kumain ka muna."
"Sa bahay na." nilampasan niya ako.
Inihatid ko siya sa may gate. "Namimiss ka ng mga bata. Pwede mo bang dalasan ang pagdalaw sa kanila?"
"Subukan ko." angdry niyang kausap! Saan ba pinaglihi tong babaeng to? Sa El nino? Sumakay na rin siya sa kotse. Bumusina saka tuluyang umalis.
Hay! May mas boboring pa palang kausap kaysa kay Chloe.
Naratnan ko si Kuts na nakadukdok sa mesa. Hay naku! Nakatulugan ang pagkain. Niyugyog ko siya hanggang magising.
"Kuts, kain muna."
"Hmm.opo..."
Opo pero hindi naman nagmulat. Nakadukdok pa rin.
"Kuts, kakain k ba o matutulog?"
"Kakain habang natutulog."
Hahaha! Bata ka!
"Oh siya punta ka na sa kwarto. Bukas ka na kumain. O gisingin mo ako kapag nagugutom ka na."
Nagpangalumbaba siya. "Pero hindi ka pa kumakain. Kain ka muna ate tapos matutulog na tayo."
Hay! Busog pa ako Kuts! Pero iispin niya nagsinungaling ako kaya kumain na lang ulit ako.
"Kuts, pupunta tayo sa Baguio."
Napatingin siya sa akin. "Kailan po?"
"Ngayong Sabado. Uuwi tayo ng Lunes. Birthday ng nanay ko e. Wala rin kayong kasama dito."
"Kasama si Ate Lauren?"
Tumango ako.
"E ate mag-aaway lang kayo kung kasama kami. Ayaw niya sa amin. Huwag na lang. Dito na lang kami ni Kuting."
"Hindi kami nag-aaway. Hindi naman sa ayaw niya sa inyo."
"weeeh? Ayoko pa rin. Kay ate Nicole na lang kami para mabisita namin si nanay."
"Nakakatampo na ha. Bakit parang mas gusto niyo si Nicole?"
Nag-abot ang kilay niya. "Kasi ate dinadala niya kami kay nanay. E si ate Lauren? Inaaway kami. Kaya mas gusto ko si Ate Nicole."
Hay! Mahirap pakiusapan si Lauren pagdating sa usapang pag-ampon ko sa dalawa. Nagseselos siya sa mga ito. Halos napapabayaan ko na nga sina Kuts kapag nandito siya.
--00—
Dumating ang Biyernes ng tanghali. Kay Chloe ko ulit dinala ang mga bata.
"Birthday ba talaga ng nanay mo?" may halong paghihinalang tanong ni Chloe. "Kasi sa pagkakaalam ko Rica, hindi ka malapit sa mga magulang mo at hindi ka umuuwi kahit may okasyon."
"Birthday niya. Gusto niyang umuwi ako kahit ngayon lang."
"Pero bakit kasama si Lauren? Hindi mo ba kayang mag-isa?"
"E lam mo na? Baguio yon. Layo-layo muna sa toxic ng kamaynilaan."
"Lam mo Siliman? Habang maaga pa at hindi ka pa baon na baon sa relasyon nay an umahon ka na. May asawa si Lauren. Ikaw ang talo diyan sa kahit anong pilit kong pag-intindi."
Paulit-ulit nalang tong ganitong pag-uusap e. Hindi ko na siya inimik.
Umalis na ako. Hinihintay lang kasi ako ni Lauren sa baba.
--00—
Alfonso Tabora, Baguio City.
Late na karami nakarating kagabi. Imbes na magpahinga ay tumulong si Lauren sa paghahanda ng mga iluluto. Pinakilala ko siya bilang bestfriend ko. Ano pa nga ba? Ganun naman talaga dapat. Pero iba makatingin si Marjorie, kapatid ko sa ina. Kailangan kong maging mas maingat dahil reyna ng kataklesahan yan. Tangina mas taklesa sa akin.
"uy may problema? Naninibago sa weather?" untag ni Lauren sa akin. "Mahal ka nun wag mong iisipin." Ngiti pa niya.
"Baliw. Wala. Iniisip ko lang yon mga trabaho ko." pagrarason ko. "Tutulong na lang ako dun."
Labag talaga sa loob ko ang pagpunta dito kaya kung anu-ano na lang ang ginagawa kong pagtulong para hindi ako kausapin ng kahit sino dito.
Pare-pareho lang ang itatanong e.
Kailan ka mag-aasawa?
Bakit wala ka pang boyfriend?
Tapos kapag sasabihin ko ang totoo na babae ang gusto ko papaulanan ako ng maraming follow up questions. Tangina. Parang obligasyon ko na magpaliwanag sa kanila.
"Magpahinga ka rin." Si nanay yan. "Hayaan mo na sila diyan."
"Okay lang naman." Sagot ko. "Anong oras na rin para maihanda na tong hapag."
Tumutulong kasi ako sa pagsosort ng mga plato, kutsara. Traditional catering ang tawag nila dito. Mga gamit sa kusina na hiniram sa mga kamag-anak. Mga nakakatanda din ang nagsisilbing caterers. Meron pa palang ganito.
"Rics!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Pamilyar ang mukha ng lalaking to. Kumaway-kaway pa siya.
"Long time no see honeybunch!"
Tangina! Honeybunch! Iisang lalaki lang ang tumatawag sa akin ng ganun!
"Benjie?!"
"yeah yeah yeah!" nagtaas-baba pa siya ng kilay. "Your one and only. Zup magurl?" nag-apir kami.
Gago talaga to e. Since high school ganito na kataas ang bilib niya sa sarili. At makapag ang mukha niyang ipagsigawa noon na isa daw ako sa mga chics niya! haha! Gago talaga.
"oh kumusta ang seaman? Marami ng anak?"
Tumawa lang siya. "Wala. Yung pangarap ko kasing babae, nalihis. Lam mo na?"
Napalakas ang tawa ko. "Gago! Hanggang ngayon ba naman? Ako pa rin?!"
"Yes! Oo naman!"
At dahil dumating si Benjie, nabawasan ang boredom ko! Angdami niyang baon na kwento. Nahagip ng tingin ko si Lauren na nag-aabot na ang kilay.
"Tara pakilala kita sa kaibigan ko." hinila ko si Benjie.
Hindi na niya ako nahintay talaga. Siya na ang nagpakilala sa sarili niya. Inilahad niya agad ang kamay niya.
"Hi. Ako pala si Benjie. Pers lab ni Rica."
Confused na tumingin sa akin si Lauren.
"Joke." Natawang sabi ni Benjie. "Pers lab ko siya. haha! Ano pala ang pangalan mo?"
"Lauren."Sagot ni Lauren. Saglit itong nakipagkamay kay Benjie. "Hindi ka niya naikukwento."
Napakamot sa ulo si Benjie. "ganun talaga kapag tinitreasue. Binabaon sa limot. Haha! Para kapag naalala niya may interes na. dina honeybunch?" umakbay pa ang gago e.
Siniko ko nga. "Baliw! Mamaya maisyu pa tayo dito. Awayin pa ako ng mga chics mo."
Tatawa-tawa ako pero feeling ko may giyera mamaya! Tingin pa lang ni Lauren parang malalagutan na ako ng hininga! Putang inang Benjie kasi anglakas ng hangin!
Nagsidatingan na ang mga bisita. At mga BUESETA! Hindi pa nga ako tinatantanan ni Benjie.
"Gago ka. Buntot ka nang buntot."
"Sinusubukan lang kitang saluhin pre. Kanina pa kayo pinagbubulungan ng mga pinsan mo. Kalma lang."
Hay! Pero sana diba? Sinabihan naman niya ako?! Hindi yung bigla-bigla siyang aakbay. Kakaratehin ko to e!
Nasa kanan ko si Lauren. Nasa kaliwa naman si Benjie. Nakikipagkwentuhan kami sa mga pinsan ko na halos kaedad ko rin.
"Hanggang ngayon pala e ikaw pa rin ang gusto nitong si Benjie." Sabi ni Teddy. "Bakit hindi mo pa sagutin? Angtagal nang nag-iipon nito ha?"
"Bro, hindi naman ako nag-aapura."sabad ni Benjie. "Diba honey? Pero kung gusto mo bukas sagutin mo na ako?"
"Baliw. Marami kang babae. Sure ako jan. gusto ko kaya ako lang babae mo." Pagsakay ko naman sa trip niya.
"Wala tol! Naimbestigahan ka na! Ilan na ba ang panganay mo?" pang-aasar pa ng isang pinsan ko sa kanya.
"Kailangan na nating umalis." Bulong sa akin ni Lauren.
"Huh? Pero maaga pa." tugon ko sa kanya. 1:00 pa lang. ang usapan ay bandang hapon kami aalis para tumuloy sa hotel. Dito kasi matutulog ang mga kapatid ni nanay hindi na ako komportable kapag nagkaganun.
"Bahala ka. Iwan kita dito."
Anak ng! walk out queen na naman siya! Nag-excuse na arin ako sa mga pinsan ko. Sinundan ko siya sa kwarto.
"Walk out talaga?!"
"So ano? Mag-aaway tayo dito? Umalis na lang tayo kaysa masagad mo ang pasensya ko. harap-harapan Rica nilalandi mo yung si Benjie!"
"Sinusubukan na nga nung tao na maging front natin. Tapos pag-iisipan mo pa siya ng ganyan?"
"Wala akong pakialam! Umalis na tayo. Baka hindi ko pa matantiya yang lalaki mo."
Ay wow! Lalaki agad! Kung ipipilit kong mag-stay pa kami baka mas humaba pa ang pag-aaway namin. Kay nanay lang ako nagpaalam.
"Mainitin ang ulo ng girlfriend mo. Ayaw ko siya para sa'yo."
"Hindi ko siya girlfriend." Sagot ko naman. "At kung girlfriend ko man siya wala na rin naman kayong pakialam dun dahil ako ang makikisama sa kanya."
Bumuntong hininga si nanay. "pasensya ka na. nag-aalala lang ako sayo."
Tumango na lang ako.
--
Nasa hotel na kami. Hindi pa rin niya ako iniimik. Deretso siya sa shower. Ako naman ay nakatuon sa phone ko. Kinakamusta ko ang mga bata. Nilagay ko na sa side table ang phone nang makalabas ng banyo si Lauren.
"Malamig na ba ang ulo mo? Pwede na akong magpaliwanag?"
Naupo siya sa may kama. "Sorry. Nagselos kasi ako kanina. Masyado kayong close."
"Hay. Okay. Maliligo lang din ako. Magpahinga ka na."
Patungo na ako sa banyo nang niyakap niya ako. Hinalik-halikan pa niya ako sa balikat. "Sorry kanina...."
Hinarap ko siya. "Okay na. Huwag mo nang isipin yon. Anglagkit ko oh. Huwag ka munang yumakap."
Pero imbes na bitawan ako ay unti-unti niya akong itinutulak habang hinahalikan ang labi ko patungo sa banyo.
"Ren..."saway ko sa kanya nang mailayo ko konti ang katawan ko. "Maliligo muna ako."
"Pwede namang gawin natin nang sabay."inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Gusto ko subukan natin yung bagong binili ko."saka niya kinagat ang punong tainga ko.
Napapikit ako! Itinapat niya ako sa shower. Siniil niya ang mga labi ko. Marubdob. Mapusok. Naghahanap ng tugon!
Ginagap niya ang pisngi ko. "Mahal kita... Ayokong makipagkita ka pa dun sa Benjie na yon..." hinalikan ulit niya ako. Gumanti na rin ako sa bawat halik at kiwit ng labi niya. Mapaghanap na halik!
Sa makailang beses na naming ginawa ito ay memoryado na ng mga kamay ko ang bawat kiliti niya. Kabisado na rin niya kung paano ako painitin! Kung paano gisingin ang init sa katawan ko. Mainit ang palad niyang dumadapo sa palad ko.
Eksperto na siya sa pagtanggal ng mga saplot ko. Napangiti siya nang makita niya ang mga markang iniwan niya sa may dibdib ko nung nakaraang nagtalik kami.
Hinalikan niya ulit ito saka muling umakyat sa lee gang paghalik niya. Sinubukan ko siyang hapitin para magpalit kami ng pwesto pero naghina ako nang dinilaan niya ang labi ko.
"Ssssh..." parusa mo to sa pambabalewala sa akin kanina. Siya lagi ang nagkokontrol. Siya ang nagdidikta ng tempo.
Tumalikod siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko saka inihaplos sa may dibdib niya. Bahagya ko itong hinimas habang hinalikan ko ang balikat niya. Parang sumisingaw ang tubig na nanggagaling sa shower dahil sa init ng aming tagpo!
Mas diniinan ko pa ang pagcaress sa dibdib niya nang humihigpit ang kamay niya sa hita ko.
"Babe..." daing niya.
Pinagapang ko ang kanang kamay ko sa may puson niya hanggang marating ang aking pakay. Her warm piece if triangle.
I played with her folds teasing her clit. Her moans are all over the bathroom. Patuloy ang kaliwang kamay ko sa pagcaress sa dibdib niya. Patuloy ako sa paglalaro sa clit niya. She reached my Right hand and suck my fingers before facing me.
"May kukunin lang ako..." pagkasabi nito ay hinalikan niya ako sa labi.
Lumabas siya ng banyo. Nilakasan ko ang tubig. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang iniisip niya. hindi nga nagtagal ay bumalik siya. f**k!
Nakangiti pa siyang hawak-hawak ang isang strap on! Tangina!
"Seryoso?" hindi ko makapaniwalang bungad sa kanya.
Mapang-akit ang ngiti niya. "Yes babe. Daba sabi ko sayo gusto kong subukan natin ang ganito? Hintayin kita sa kama."
Masuyo niya akong hinalikan bago siya lumabas.
Shit! Hindi na bago sa kin ang ganitong mga s*x toys. Dahil simula nung nagbalikan kami mas gusto daw niyang gumamit ng dildos. Pero unang beses tong strap on.
Hindi ko na inabalang tingnan ang sarili ko sa salamin. Hindi na rin ako nagtuwalya. Punyeta. Lumalawit-lawit tong keming habang naglalakad ako.
Kumot na lang ang nakabalot kay Lauren. Sumampa ako sa kamay. Tinanggal niya ang kumot kaya tumambad sa akin ang kanyang hubad na katawan. Lumuhod ako sa may tuhod niya habang nilalaro-laro niya ang kanyang kaselanan.
Pinahiran ko ng lubricant ang d***o saka dahan-dahang ipinasok sa kanya. Napapikit siya kaya natigilan ako.
"Go..tuloy mo lang..."
Kumapit siya sa akin nang naipasok ko ang kabuuan ng d***o. I thrust fast and hard. Dahil ganito ang gusto niya. Napapapikit siya sa ginagawa ko. Nararamdaman ko ang pagdiin ng kapit niya sa likod ko. I am pleasuring her yet I don't feel the satisfaction.
Pumaibabaw siya sa akin. Isinuporta niya ang mga kamay niya sa aking balikat habang gumagalaw ang kanyang balakang. Rinig ang paglabas pasok ng d***o sa kanyang kaselanan kasabay ng mga daing nararamdaman siguro niyang sarap.
Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Nakapikit siya habang patuloy sa pag-indayog sa musikang siguro ay siya na lang ang nakakaunawa.
Bumilis ang kanyang pag-indayog. Nagpapasalamat ako at hindi ganun kaliwanag ang ilaw dahil hindi niya nakikita ang pagtulo ng mga luha ako.
Ako pa rin kaya ang iniisip niya kapag ginagawa namin to? O ang asawa niya dahil nasubukan niya na ang makipagtalik sa lalaki?
Humilig siya sa akin. "I love you..."
"I love you too..." tugon ko. saka siya hinalikan sa noo. "Magpahinga ka na. maliligo lang ulit ako."
Hindi na siya umimik. Bagsak ang balikat kong pumasok ulit sa banyo. Tinanggal ko ang strap on saka binilibag. Muli akong tumutok sa shower. Tangina! Babae ako Lauren! Dapat daliri ang ginagamit ko sayo hindi ang mga putanginang s*x toy na yon!
Paglabas ko ng banyo ay rinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng phone niya. nasa ibabaw lang naman iyong ng mesa. Maraming missed calls si Menard. Inoff ko ang data saka ko binuksan ang message nito.
Menard:
Mahal, may problema sa kompanya. Kailangang magbawas ng empleyado. Minalas kami ng kuya mo. Uuwi muna kami para makapag-apply sa ibang kompanya.
Putangina!
---End of Chapter 6---