--5--
Nicole's POV
"Colonel! Pang-ilang dosena na to! Tama na!"
Hindi ako nagpapigil kay Jelo. Nagbasag na ako ng apat na dosena ng plato dito sa rooftop. Halo-halong inis na ang nararamdaman ko kaya mas minabuti kong ibuhos dito ang galit ko.
"Pakialamera ka din kasi. Kung hindi mo sana binasa yung mga palitan nila ng messages de hindi ka mapapraning. Ano? Masakit no?!"
Binato ko sa gawi niya ang hawak-hawak kong plato. Mabilis ang reflexes niya kaya nakaiwas siya.
"Kung wala kang matinong sasabihin, itikom mo yang bibig mo."
"O makitid ang utak mo ngayon?!" pagsalungat na naman niya. "Sinasabi ko to bilang kaibigan! Saka kailangan mo pa bang siraan sa trabaho si Menard?"
"Kung mawawalan siya mg trabaho, uuwi siya sa Pilipinas. Mababantayan niya ang asawa niyang malandi. Gets mo ba ang gusto kong mangyari?"
"Pero inisip mo ba ang epekto sa pamilya niya? Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Grabe Nicole! Imbes na manipulahin mo ang buhay ng iba lumaban ka ng patas. Huwag puro pera ang ginagamit mo. "
Kaya na ako nag-ipon para magawa ko ang gusto ko. Maprotektahan ang mga importanteng tao sa akin. Nilapitan ko siya. Kinwelyuhan ko sa inis ko. Nakuha pa niyang makipagtitigan sa akin.
"Ano? Masakit kasi totoo?" Umismid siya. "Hindi ako titigil sa pagtulong sayo pero tulungan mo din ang sarili mo. Huwag kang magtago sa likod ng mga pera mo."
Binitawan ko na siya saka ko dinampot ang phone ko. "Idispose mo yung phone ni Rica. Tuloy ang plano. I want Menard out of his work as soon as possible."
Naglakad na ako papalayo. At araw araw sa loob ng halos tatlong linggo pinagdadala ko si Jelo ng mga plato o baso o kahit anong babasagin dito sa rooftop.
Pumunta pa siya sa opisina kinabukasan nun. para tanungin kung sa kotse niya naiwan yung phone niya. Nagsinungaling ako. Hindi naglalagay ng passcode sa phone si Rica. Nabasa ko lahat ng palitan nila ng messages. Pati mga pictures nila. s**t! Pumayag talaga siyang maging kabit ni Lauren.
At bilang si RacerKnight, hindi ko rin nirereplayan ang mga messages niya hanggat hindi siya nagcoconfess na nakipagbalikan siya kay Lauren.
Nasa elevator ako. Nagpakabusy ako sa phone ko. Prey tagged me in a photo captured last December. Nung tumambay kami sa Railey's Cradle. Hindi ko ineexpect na darating sina Rica that time. Uminom ako nang marami para hindi ako gaanong kabahan sa presence niya. Thank God she's too busy with Nikee kaya hindi ako gaanong nabigyan ng pansin.
I untagged myself. Just for the reason that I am very pissed with Rica's shitty decision. How can she be so cool with being a mistress?
--0—
Sinalubong ako nina Klein at Kevin. Hindi na daw sila nakatulog nang sinabi ni ate Prime na iti-treat ko sila ng movie at ice cream. Inaanak ko tong mga to e. Binisita nila ako sa opisina pero busy nung araw na yun kaya heto bumabawi si ninang.
"Aalis na tayo tita ninang?" tanong ni Kevin. "Bakit ikaw lang? wala si ninong Jacob?"
"Busy siya e. saka na siguro siya sasama."
Sumimangot si Klein. "Always kayo hindi magkasama kapag ipapasyal kami. Hindi kayo friends?"
Nagpaalam na sila kay ate Prime. Umiiyak si Eiyh-gee kasi hindi siya pwedeng sumama. Hindi ko na kaya ang tatlo naman na bata. Lalo at makukulit pa tong kambal.
"Tita Ninang, why are adults too busy? Si mommy busy. Sina tita busy. Pwdeng hindi na kami maggrow?" tanong ni Klein. "you are all tired na pag umuuwi."
"Hindi naman pwede yun. Kailangan magwork para may pera. Para may pambili ng pagkain at makapag-aral kayo." Pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Tita, kain tayo sa food court. Yung maraming bata."requested Kevin.
Food court na maraming bata. Saan naman yon?
"Yung arcade tita ninang. Katabi kasi nun food court." Pagkaklaro niya. "Gusto ko yung barbeque pero ayokong maglaro."
"Ikaw Klein?"
"Same. We just want to spend time with you tita. Busy mo kasi. Kayo ni ninong Cob."
"Gusto niyo puntahan natin si Cob?"
"Nope. Let's just have barbeque ninang."
"Gusto niyo ma-meet yung new friends ko? Kids sila. Like you makukulit din."
"OHHHHKKKEEEEEYYYY..."sabay na sagot nila.
May time pa naman kami. Namimis ko na rin si makulit na Karlo.
--
"What are we doing here tita Ninang?" kakapark ko lang ng kotse. Nasa Macario Lopez Elementary Shool kami.
"Angdaming bata!" tuwang-tuwang sabi ni Kevin. "Pwede kaming makipaglaro sa kanila?"
"Hindi niyo naman sila kilala. Paano kayo makikipaglaro? May susunduin lang tayo dito."
Hawak-hawak ko sila sa magkabilang kamay habang patungo kami sa classroom nina Karlo. Nagwawalis na siya kasama ng iba niyang kaklase nang makita kami. Itinaas niya ang kanang kamay niya na parang sinasabing saglit lang.
Yung kambal nawili na sa kakasilip sa mga classrooms. Takbo pa sila nang takbo. Hay! Buti at uwian na rin e kung hindi makakagalitan ang mga to. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Karlo bitbit ang bag niya.
"O bakit napatid yang bag mo?"
"Wala po ito ate. Yung mga kaklase ko kasi pinaglaruan nila. Inaagaw ko kaya naputol."
"Yyyyeeeeyyyyy! Tita Ninang! Look! May spider!"
Ano ba naman tong mga to! Tuwang-tuwa sila sa gagamba na nasa lagayan ng posporo.
"Saan niyo nakuha yan?"tanong ko. Amazed na amazed sa gagamba na pinagapang-gapang pa sa palad ni Klein.
"Binili dun sa bata."pagbibida ni Kevin.
"Magkano niyo binili yan?" nakapameywang na tanong ni Karlo.
"200. Yung pera namin e." sagot ni Kevin. "Tita bili pa tayo ng ganito. May 200 pa ako."
"Sinong bata? Yun?" turo ni Karlo sa batang mata na tuwang-tuwa sa 200 pesos.
Tumango ang kamabl.
Napabuntong hininga si Karlo. Binitawan niya ang bag niya saka kinuha ang gagamba at ibinalik sa kahon ng posporo. Nang malapitan niya yung bata ay parang pinagsasabihan pa niya ito tapos itinuro ang kinatatayuan namin. Maya-maya ay binalik nung bata yung 200. May hinugot naman sa bulsa si Karlo saka niya binigay dito.
"Oh..." binigay niya kay Kevin yung gagamba. "sampung pesos lang yan." Dinampot niya uli ang bag niya. "Anong ginagawa niyo pala dito marekoy?"
"Susunduin kayo ni Katrina. Kain tayo sa labas?"
NAgtaas-baba na naman nang paulit-ulit ang kilay niya. "Gusto ko yang marekoy. Tara na po. Sunduin na natin si Kuting."
--
Dinala ko sila sa Jollibee. Asikasong-asikaso ni Karlo ang kapatid niya. Pinaghihimay niya ng chicken. Yung kambal naman parang na-amaze sa dalawa.
"how old are you?"tanong ni Kevin kay Karlo.
"Ha? Hindi pa ako matanda. Old ka diyan."sagot nito bago sumubo ng spaghetti.
Hahaha! Karlo naman e!
"Kuya, ilang taon ka na daw." Malumanay na sabi ni Kuting. "Sabi mo marunong ka nang mag-ingles..."
"Jinojoke ko lang siya no."Pagyayabang ni Karlo. "Ano. Ay am it yers uld." Mabagal na sagot nito. "sabi sayo magaling na akong mag-ingles e. maiintindihan ko na yung XMEN."
"Sige na. Kumain ka na."
Hindi inubos ni KArlo yung buger. Ibinabalot niya yung kalahati.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Klein. "Bakit hindi mo ubusin?"
"Ito?" turo niya sa half burger. "Ano kasi ibibigay ko dun sa nagtitinda ng sampagita. Tropa ko yun e. BIgay ko mamaya. Malapit lang sa dito yung pwesto niya."
Ganun din ang ginawa ni Katrina sa kalahating burger.
"Ate kailan kaya uuwi si nanay?" biglang tanong ni Karlo. "Miss na kasi namin siya. Card day na namin sa Friday. Mataas daw grade ko sa Math. Gusto ko marinig ni nanay yun na sabihin ni maam e."
"Dalawin natin bukas. Gusto niyo?"
"Bawal daw ang bata sa hospital e." malungkot na sabi nito. Naiiyak na rin siya. "Baka parang si tatay hindi na rin siya babalik."
"Kausapin ko si Rica. Tapos dalawin natin si Nanay Choleng."
--
Nakarating na kami sa apartment ni Rica. Inabot na kami ng 7:30 dahil nag-enjoy pa sina Karlo sa arcade. Itong kambal parang ayaw pang pauwiin si Karlo e.
"Marekoy, salamat sa paghatid. Pasok muna kayo."
Hay. Balak ko sana ay tawagan na lang siya para ipagpaalam ang mga bata. Pero itong si Karlo, parang gustong marinig sa dalawang tainga niya ang magiging reaksyon ni Rica e.
Tumingin ako sa kambal. Anglapad ng ngiti nila. "Please tita ninang?" pakiusap ni Klei. "Pretty please?"
Ano pa nga ba? Ni-lock ko muna ang kotse bago ko sila sinundang apat. Bitbit ng kambal yung ibang pinamili. Malakas naman ang boses ni Karlo na tinatawag si Rica.
"Ate Rica! Nandito na po kami!"
Bahagya akong natigilan nang pagpasok ko ay nasa sala si Lauren. Nagkatitigan kami ng ilang Segundo pero binawi ko rin agad. Tsk.
"Oh kumusta nag pamamasyal Kuts? Busog ka na naman siguro?" masiglang pangangamusta ni Rica. "Hindi ba sila makulit?" baling niya sa akin.
Umiling ako. "The usual."
"Ah nga pala. Si Lauren. Kaibigan ko." ngumiti si Lauren. "balikan ko lang yung niluluto ko."paalam ni Rica.
Inilahad ko ang kanang kamay ko. "Nicole Perreras, President of SEACoM. Nice to meet you." I said in a poker face. Nakapagsinungaling pa tuloy ako nang wala sa oras.
"Lauren... Rica's girlfriend."saka niya tinanggap ang kamay ko. May attitude! Territorial huh?
Sandali kaming nagkamay. Marahan kong inilapit ang katawan ko sa kanya. She must be expecting a slight hug or beso but I leant closer into her right ear.
"Don't give me that s**t. I know you're married." Bineso ko siya saka ako ngumiti. Isang nakaplaster na ngiting sanay nasanay kong ibigay sa mga kliyente namin. "Nice to meet you Lauren."
Parang naubusan ng dugo ang mukha niya. Putlang-putla pero nakikipagsukatan pa rin ng tingin sa akin.
Bumaling na ako sa mga bata. Not cool to make a scene in our first meeting. Maybe next time. "Kids! We need to go home. Baka magagalit na si Ate Prime. May pasok pa kayo bukas."
"Pero tita ninang, nag-eenjoy pa kami."
They are helping Karlo ang Katrina with their assignments. Pagkarating kasi nila inilatag na nila sa sahig ang mga notesbook nung dalawa.
"Marekoy..." may pag-aalalang tingin sa akin ni Karlo.
Hay! Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Pinuntahan ko si Rica sa kusina. Inihahanda niya ang hapag-kainan.
"Uy gutom na? Pasensya nasa dinner ha? Puro gulay. Hindi ako prepared e. hindi ako nainform." Biro pa nito.
"Isasama ko sa hospital sina Karlo at Katrina bukas." Walang kagatol-gatol na sabi ko dito.
Natigil siya sa paglalagay ng kubyertos sa bawat plato saka napatingin sa akin. "Kinulit ka na naman ni Karlo?"
Tumango ako.
"Baka masaktan yun bata. Baka hindi niya kayanin ang makikita niya."
"Come on! " I frustratedly hit the table. Isinuporta ko dito ang mga kamay ko. "Hanggang kailan mo pagtatakpan ang mga ganitong bagay?! Una yung sa tatay nila. Alam niya Rica. Hindi mo kailangang pagmukhaing mabait ang mga gagong tulad niya. Huwag mong ipagkait sa kanila ang katotohanan Rica! Dahil masasaktan at masasaktan sila!"
Yung kondisyon ng nanay nila kasi ay palala na nang palala. Hindi ka kayang idaan sa gamot. Naapektuhan na ang kanyang atay at kidney.
Nung nakausap ko si Nanay Choleng, hiniling niyang huwag na siyang makitang naghihirap nina Karlo pero anong magagawa ko? Iyong bata na ang nakiusap. At kahit ganun ang hiling ni nanay Choleng nababanaag ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot na hindi niya nakakapiling ang mga anak niya.
"May problema ba dito? Bakit kayo nagsisigawan?" That b***h Lauren just interrupted. "Rica?"
"Dadaanan ko sila bukas sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ko lang saka tumalikod. "Kambal, uuwi na tayo. Ayokong makagalitan ni ate Prime." Bumaling ako kay Karlo na inumpisahan nang iligpit ang mga notebooks niya. "Dadalawin natin si nanay choleng bukas. Maaga kayo ha? Sunduin ko kayo."
--
Dumating ang umaga. Pagdating ko sa apartment, nag-aalmusal silang apat sa may terrace. Nandito pa talaga si Lauren. Hay! Bahay-bahayan pala ang trip nila e.
"Good morning." Bati ko sa mga ito.
"Mag-agahan ka muna. Gusto mong magkape?"alok ni Rica. "Kaso hindi pangmayaman ang kape namin."
"Ate, hindi naman maarte si marekoy." Sabad ni Karlo. "Kumakain pa nga yan ng pisbol e. Teka pagtitimpla ko muna siya."
Masiglang nagtimpla si Karlo. Sinasabayan pa niya ng pagkanta. Kape lang naman okay na ako lalo at nakakawalang gana tong kaharap ko. Si Lauren na pinaghihimay pa ni Rica ng hipon. Prinsiseta!
"Marekoy, hindi ka magkakanin?"
Umiling ako. "Kumain na ako sa bahay. Kape lang okay na ako."
"Ah! Pandesal at margarine. Okay lang po ate?"sabi ni Katrina. Kumuha siya ng pandesal saka nilagyan ng margarine.
"Lagyan mo ng asukal kaunti."request ko sa kanya.
Nahahagip ng tingin ko ang pag-oobserba ni Lauren sa akin. Wala akong pakialam! As if hindi siya nag-eexist. Mali. As if hindi sila nag-eexist ni Rica.
--
Nang matapos kumain ang mga bata ay nagsipasok na sila ng bahay para gumayak. Ganun din si Rica para ipaghanda sila ng maisusuot.
"Ginagamit mo ba ang mga bata para mapalapit kay Rica?"
Kung ibuhos ko kaya sa kanya tong kape?
"Excuse me? Are you trying to point out something?"
"Bingi ka ba? Tinatanong kita kung ginagamit mo ang mga bata para mapalapit sa girlfriend ko." pagtataray na naman niya.
Huminga ako nang malalim. Pasalamat ka talaga dahil ayaw kong makita ng mga bata kung paano uminit ang ulo ko.
"Una sa lahat, hindi ako yung manggagamit dito. Ask yourself. LDR SUCK RIGHT? " sabi ko sa malumanay na pananalita. And s**t! Anghirap maging kalmado sa ganitong sitwasyon. "at pwede ba? Huwag mong isiping lahat ng lalapit sa kanya ay aahasin siya. Ngayon pang malakas lumingkis ang nakahuli sa kanya." I said in sarcasm. Dumampot ako ng pandesal. "Don't worry. Hindi ko kayo papakialaman. I have my own s**t to mind. Siguraduhin mo lang na hindi mo iiwan si Rica kapag nagkabistuhan na kayo dahil hindi mo alam kung gaano ako kalinis gumanti."
I feel victorious seeing her face turned pale. Sige! Ako ang hamunin mong malandi ka. Hindi ka na nakontento sa asawa mo. Hindi pa ako tapos! Hindi pwedeng hindi ko siya mabueset sa araw na to! Inaya ko si Rica na sumama sa hospital. Iirap-irap tong si Lauren e,hindi ko nga nilalandi tong si Rica! Wala sa hinagap ko ang maging flirty! Damn!
"Hindi naman ako ang kumopkop sa mga anak niya. I think it is better na ikaw ang magdala sa mga bata dun." Pagpapaliwanag ko.
"May lakad tayo uy. Baka nakakalimutan mo." Parang tropa lang na paalala ni Lauren sa kanya.
"Kung gusto mong maging foster parents ng mga bata, marapat lang na lagi kang nakaalalay sa kanila lalo sa ganitong sitwasyon. Unless you want to them to end up in orphanage dahil walang kamag-anak ang may gustong umampon sa kanila."
Napakamot siya sa ulo niya. "Sa hapon na lang tayo umalis Ren. Importante din kasi sa akin tong mga batang to. Yung mga kamag-anak nila e mga walang kwentang tao din. Baka ikapahamak pa nila."
Now you're thinking Rica. I did some background check on the possible relatives of Karlo and Katrina who might adopt them. Lahat sila mga walang maayos na trabaho at hikahos din sa buhay. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng dalawang to kung sa kanila sila mapupunta?
"Saglit lang. gagayak lang ako." Inis na sumunod sa kanya si Lauren.
Nauna naman na kami sa kotse. Tahimik ang dalawa.
"Mapanis ang laway niyo ha."biro ko sa mga ito. "Kinakabahan kayo?"
Tumango si Karlo. "Marekoy, bakit parang galit sayo si Ate GG?"
"Parang hindi naman. Baka pagod lang siya."
Shit na pagod yan! Nagbahay-bahayan kaya napagod.
--
Chinecheck ko ang makina ng kotse nang lumabas ng gate sina Rica.
"Mauna na kayo sa hospital. Ihahatid ko lang muna si Lauren."
"May kotse ka ba?" I know I'm so rude to her but I don't really give a damn. But I try to sound like joking. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"
"Uber."sagot niya. "Hindi uso yun sa rich kids no?" sabi nito na kinakaway-kaway pa sa harapan ko ang phone niya. "Oh Uber is layp.oh oh..."
"Okay then. I'll just bring the kids in SAECoM first. May urgent meeting ako ng 10:00. See you na lang sa hospital by lunch. Anyways, dumating na rin yung caregiver na hi-nire ni Nikee." I said authoritatively. Gusto ko lang naman ipamukha dito sa kasama niya na mas angat ako sa kanya in so many aspects.
"Sige. Kuts, huwag kayong makulit dun ha? Maging magalang kayo sa mga tao dun."
Nag-okay sign naman si Karlo.
"Mauna na kami."sabi ko bago sumakay ng kotse.
Sana mawalan ng signal yang phone niya para maurat sila sa kakahintay.
--
SAECoM.
Pulang pula ang pisngi ng dalawang bata dahil pinanggigilan sila nina Chen at Ethan. Naguguluhan pa ang mga ito dahil nasa kanila ang pansin ng bawat nakakasalubong namin. Hawak-hawak ko pa sila sa magkabilang kamay e.
"Magandang umaga po!" bati ni Karlo sa bawat nakakasalubong. Nasobrang ang pagiging magalang.
Nagtaka din tuloy si Jacob nang pati siya ay binati nito.
"Magandang umaga din." Nagtangka itong hawakan si Karlo sa ulo pero pinigilan siya ng bata.
"Hep Hep! Do not Tats! Mahal ang gel sir! Tig-tres sa tindahan ni aleng mona. Huwag mong guguluhin yan." Haha! Nangungunot pa ang noo nito habang inilalayo ang kamay ni Jacob.
"Ganun ba? Bigyan kita ng pambili." Humuhugot ito sa bulsa.
Humalukipkip si Karlo. "Hindi naman ako nanlilimos."
Nagsukatan pa talaga sila ng tingin e. Alam ko namang patola lang tong si Jacob. Haha! Sapukin ko to mamaya.
"Excuse us. Mauna na kami. Ipapasyal ko sa iba't-ibang department ang mga bata."
Binigyan ko ng authority si Chen na mag-take over sa meeting. It wasn't that serious problem so she can handle it.
Sa ngayon, gusto ko munang mag-unwind kasama ng mga to. Instant celebrity sila dahil kasama nila ang isa sa mga youngest bosses ng isang Malaki at tanyag na kompanya.
"Paglaki ko Marekoy dito din ako magtatrabaho."
"Ako din." Panggagaya ni Katrina. "Mag-aaral akong mabuti. Ikaw din kuya."
"Huh? E magjajanitor lang naman ako dito. Hindi na kailangan mag-aral dun diba?" saka ito bumunghalit nang tawa.
Diyos ko! Kung araw-araw kong makakasama tong si Karlo baka maubusan na ako ng listahan ng mga kalokohan niya.
--
PAsado alas-dose na, walang Rica na nagpakita o tumawag man lang. Nakakapang-init ng ulo! Kinukulit na ako ni Karlo kaya minabuti kung pumunta na kami sa hospital. Alas dos na nang makarating kami.
Pinagsuot ko ng surgery mask ang dalawa. Nanatili ako sa nurses' station para na rin kumustahin ang pagmonitor kay manang Choleng at upang magkaroon ng sapat na panahon ang mag-iina.
Isang humahangos at pawis na pawis na Rica ang tumambad sa harapan ko matapos kong kausapin ang head nurse.
"Nakatulog ako. Sorry. Sorry. Yung mga bata?"
Nakatulog? Ang sabi ihahatid lang, pero nakitulog pa. Bahala ka sa buhay mo.
"Kasama ang nanay nila." Walang emosyon kong sagot dito.
Bahala nga siya!
RICA'S POV
Grabe! Hirap paliwanagan ni Lauren! Pati si Nicole pagseselosan e ilang beses ko nang sinabi na tinutulungan lang niya si Nanay Choleng. Pagkarating ko naman nagrequest pa siyang ipagluto ko siya ng tanghalian.
Grabe! Naglilihi yata siya. Kakaiba talaga yon kapag nagselos pati mga bata! Hindi ko naman daw kamag-anak sina Kuts bakit kailangan kong kupkupin.
Dinaan pa ako sa pag-iyak kaya hindi ako nakaalis agad. Ang ending, nakaidlip na rin ako. Hay naku! Mahal ko e! ano pa nga ba magagawa ko.
Lakad takbo ako pagdating sa hospital. Naabutan ko si Nicole sa may nurses' station.
"Nakatulog ako. Sorry. Sorry. Yung mga bata?" humahangos kong sabi dito. s**t! Parang akong nag-500 meter run!
"Kasama ang nanay nila." Ay wow! May attitude ang pagsagot.
"Angtaray mo Miss. Tara na puntahan na natin sila."
"Hayaan mong makasama nila ang nanay nila."
Naupo siya sa may plastic na mahabang upuan. Humalukipkip. Sumandal at pumikit. So ano? Ganito na lang ang habang hinihintay sina Karlo? Mapapanis ang laway ko nito! Kailangan ko ng kausap.
"Uy Ms. President."
"hmm."
"Bakit ka masungit?"
"Bakit? Kailangan ba hindi?" sagot niya nang nakapikit. "Sabi ni Doc, baka hanggang tatlong buwan na lang si nanay choleng. Kailangan niyong dalasan ang pagdalaw dito."
"Paano tatanggapin ng mga bata to."
"Alam na ni Karlo na hindi na babalik ang tatay nila. Hindi ka na mahihirapan na ipaliwanag sa kanya ang kalagayan ni Nanay Choleng dahil mature na si Karlo. Malawak ang pang-unawa niya."
Nabalot na ulit kami ng katahimikan. Tutok na ako sa cellphone ko dahil kachat ko si Lauren. Tulog kasi siya nung umalis ako kaya heto world war na naman.
Ren: Oh kasama mo si Miss Putla?
Me: May pangalan si Nicole. Ilang beses ko namang sinabi sayo na kaibigan siya. Bakit ganyan ka mag-isip?
Ren: Dahil masyado kang malapit sa kanya. Dito ka umuwi mamaya.
Me: Dadalhin ko ang mga bata.
Ren: Hindi. Ikaw lang. May mga kamag-anak naman ang mga yan. Uuwi ka dito o hindi kita kakausapin hanggang bukas.
Hay! Paano ba to? Ah! Baka pwede kay Chloe. Naghanap muna ako ng malakas na signal para Matawagan siya.
(Uy...)
>>>Boss..
(oh? Bakit?)
>>>Pwedeng diyan muna sa inyo sina Kuts? Nagtatampo kasi si Lauren. Aamuhin ko lang...
(Lakas ah! Alam mo? Kung ako ang judge? Hindi ko ibibigay sayo ang karapatan sa mga bata. Inuuna mo ang pagiging kabit e...)
>>>Angsakit mo magsalita ah....
(Totoo naman... ewan ko sayo... sige dalhin mo sila dito...)
>>>Tnx boss! Lab yu na talaga...
(ok...)
Binabaan na nga ako ng tawag. Alam ko naman kontra siya sa pagbalik ko kay Lauren pero kaibigan niya ako kay sinusuportahan na lang niya kung ang magpapasaya sa akin.
Bumalik na rin ako sa kinaroonan ni Nicole. Nakapikit pa rin siya. Iba talaga ang kutis ng mga yayamanin. Malayo pa lang parang nagliliwanag na e. Yung kutis ko kailangan pa ng fluorescent light e.
Lumabas na ang mga bata. Mugto ang mata nilang dalawa. Ako naman ang sumunod na pumasok sa kwarto habang inaalo sila ni Miss Porcelana.
--
Palabas na kami ng hospital.
"Marekoy kelan ka ulit dadalaw sa bahay?"
"Ewan. Busy na ako e. Bakit?"
"wala naman. Uuwi na ba tayo ate Rica?" baling niya sa akin. Nirereplyan ko pa lang si Lauren.
"Ha? Ano. Dun muna kayo kay Chloe. May kailangan akong ayusin sa office e. overtime daw sabi ni Maam Jewel." Pagsisinungaling ko sa mga ito.
Ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa. "E kung kay Marekoy na lang kami? Diba kuts? Sumasakit pisngi ko ate Ate Nikee e."
Ahy! Haha. Kasi nanggigigil si Nikee sa kanya e.
"Nakakahiya na kay Nicole. Maghapon na niya kayong inalagaan." Pero sa isip-isip ko sana pumayag siya kasi malayo na yung condo nina Nikee. Hahaba pa ang listhan ko ng kasalanan kay Lauren kapag dun ko pa sila ihahatid.
"MArekoy,"hinila-hila ni Kuts ang braso ni Nicole. "Magagalit ba yung boyfriend mo?"
"anong boyfriend?" kunot noong tanong ni Nicole.
"yung kwan..yung sa opisina. Magagalit ba yon sa amin?"
"Ayaw niya din sa amin?" mahinang sabi ni Kuting.
Nagui-guilty ako. Minsan na kasi nila kaming naabutang nagtatalo ni Lauren e.
"Walang magagalit. Gusto niyo ba makilala ang mga magulang ko?"
"Opo naman!" masiglang sabi ni KUts. "POgi din yon parang ikaw siguro marekoy. Anong itatawag ko sa kanya? Don? Senior?"
"Lolo."sagot ni Nicole. BInigay niya kay KUts ang susi ng kotse. "Hanapin mo yung kotse natin jan. Patunugin mo yung alarm."
Nagtatakbo ang mga bata para hanapin yung kotse.
"Nagseselos na yata ako." May halong biro kong sa kanya. "Kuhang-kuha mo ang loob ng mga bata ah."
"Na-busy ka siguro kaya pakiramdam nila hindi mo na sila gusto. Sila na ang lumalayo sayo."
"Busy lang sa trabaho. Para din naman sa kanila yun e. Diba kailangan stable ang monthly income? Para maampon ko sila?"
"Kailangan mo ng asawa para mabigay sayo ang rights."
"Tutulungan daw ako ni Maam Nikee."
Nahanap na nung dalawa ang kotse. Nakasakay na rin sila.
"Ate! Tara na. Hatid ka na naming sa trabaho mo!" excited na sabi ni Kuts habang nakaupo sa drivers seat na kunwari ay nagmamaneho.
"Young man! Where's the key?" mataray na sabi ni Nicole sabay lahat ng kanang kamay niya.
"To naman si MArekoy. Nerbyoso. Ito na po oh." Hinugot niya mula sa bulsa niya ang susi saka iniabot kay Nicole bago nagkukumahog na lumipat sa likuran.
"Hatid ka na namin."Baling ni Nicole sa akin.
"Magcommute na lang ako."tanggi ko sa kanya. "Kuts, kuting behave kayo dun ha? Huwag niyong kulitin si Madam Porselana. Baka umitim to." Bumaling ako sa kanya. "Salamat. Bawi ako next time. Magluluto ako ng masarap ng chop suey."
"Ok. Pero siguro matagal na yun. Marami akong trabaho sa SAECoM e. Sulitin ko na rin oras kasama tong dalawa. Mamimiss ko sila."
Mamimiss pero poker face? Kakaiba talaga to sa kanilang friendships e. Siya na siguro yung may pinakamisteryosong pagkatao. Parang sinasabi niyang masaya siya pero walang emosyon naman.
--
Naghihintay na ako nang taxi. Nagriring ang phone ko. Messenger. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil si RacerKnight ang tumatawag. Ilang linggo niya ako sini-seenzoned ah! Buti napatawag to. Papaandaran ko nga ng pagtatampo.
Tumikhim ako bago sinagot ang tawag niya.
>>>Hello... Buti naalala mo pa ba ako....sinubukan ko talaga ang best ko para sa mapagtampong boses.
(Hey... Makinig ka sa sasabihin ko. Huling beses ko nang tatawag to. I know you're back with her. Hinintay ko lang na sabihin mo sa akin. But seems wala kang balak. You deserve more than being her mistress.)
>>>Uy.. teka...
(Let me finish. Hahayaan na kita pero kapag umiyak ka na naman wala kang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili mo dahil pumayag ka na naman maging option niya. You disappointed me again. Hindi mo na nahintay na magpakilala ako sayo.)
>>>Wow ha! HIhintayin ko talaga?
E de salubungin ko na lang din siya ng inis.
>>>Alam mo nakakainis ka rin e. ILang taon na ba tayong laging magkausap? Ne mukha mo hindi ko alam. Sa totoo lang natatakot na ako sayo e. Alam mo ang lahat tungkol sa akin. Tapos ikaw? Ano? Anino? Rich Kid? Binibili mo ba ang pakikipagkaibigan ko sayo?
Hindi siya umimik.
>>>See? Guilty? Atleast si Lauren kilala ko. Hindi tulad mo boses lang...
(Kaya pumayag kang maging kabit? Wow! Wala na bang ibang nagmamahal sayo? Bakit kailangan mong pumatol sa may asawa?! Hindi mo na naman ginagamit ang utak mo!)
>>> Tangina! Nakakapagod kayong kausap ni Viera. Hindi niyo man lang ako suportahan. Bakit pa ba ako nakikipag-argumento sayo e ano lang ba kita?
(Pasensya na. Wala nga pala. Sige. Ingat ka. Bye.)
Binabaan na niya ako ng tawag. Pagkasakay ko ng Taxi inopen ko ang message niya.
RacerKnight: SANA MASAYA KA NA. PAKISUNOG NA LANG YUNG LIBRO. WALA NA RING KWENTA YON. SEE YOU IN ANOTHER LIFE.
Me: k.
Kung sesermunan lang niya ako sa desisyon ko mas mabuti na tong matapos na ang komunikasyon namin.
Mahal ko si Lauren. Sapat na yon para balikan ko siya.
--end of chapter 5--