--4--
FIX YOU FOUR
Nicole's POV
>>>Salamat Manong Ope. Kung ano po ang gusto niya sundin niyo na lang.
(Sige hija. Naku! Ikaw talagang bata ka. Alam ba ni Sir Zandro tong mga pinaggagawa mo?
>>>Opo. Huwag kayong mag-alala manong hindi ko po ito ikakapahamak. Huwag niyo pong mababanggit kay Jasmine ito ha?
(Makakasa ka hija. Ang sa akin lang bakit hindi ka magpakilala sa kanya?)
>>>Malapit na po. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob..
(Ikaw talagang bata kaya mong harapin iba't-ibang mayayamang na tao sa Pilipinas pero isang babae lang nababahag na ang buntot mo.)
Si Manong naman nakuha pang mang-asar. Si manong ope ang tagasundo at hatid namin ni Jasmine sa school noon. Nung umalis kami ni Jasmine ng Pilipinas nagresign na rin siya para mas matutukan ang pamilya niya. Pero nito lang nakaraang buwan, hi-nire ko siya para may susundo o maghahatid kay Rica.
Napakwento na nga lang ako sa kanya dahil natuwa daw siyang may iba akong pinaglalaanan ng panahon ko bukod sa trabaho at kay Jasmine.
Hay Rica! Kung pwede ko lang pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon gagawin ko. Kung hindi rin sampung beses na malandi yung ex niya, bakit siya makikipagbalikan kay Rica e may asawa na siya. Namimiss niya pa pano kapag pumayag siya.
Nagcheck ako ng email ko. Dumating na yung files na pinapasearch ko kay Jelo.
Master, hindi mo naman siguro siya ipapatanggal sa trabaho no? Hehe. Lahat ng kailangan mo nandiyan na. Good luck Boss Sarhento!
I click on the attached files. Work experiences ni Menard Montez. Yung asawa ni Lauren. Mechanical engineer but he ended up as safety engineer in Jeda . Very satisfactory ang mga ratings niya. Scroll, scroll, Scroll.
Hay! This man is working hard yet his wife is doing s**t!
"Nicniclove, hindi ka pa magpapahinga?" that's my sister in her pajama;s hugging her pillow. "Sleep na ako sa room mo ha?"
Tumango ako.
"Ano kasi yan?" isinara ko ang laptop nang papalapit na siya.
"May ni-review lang na proposal for tita Julia. Pasok ka na sa room. Iligpit ko lang to."
"Bilisan mo ha. Maaga pa tayo bukas."
Balik trabaho na ulit. Kapag nandito kami sa Singapore good as ordinary employee kami. Kapag nasa Pilipinas, kami ang boss. It was never a problem with our boss here, work experience ang nirarason namin na pwede naming gamitin pag nagsettle na kami sa Pilipinas. But the real score is, may iniiwasan si Jasmine at kailangan ko siyang samahan.
--
Lumipas ang mga araw at linggo. Natotoxic ako sa trabaho. Natotoxic pa ako sa mga babaeng dini-date ng kapatid ko. God! Bagay na bagay sa kanya ang scent na ipinangalan sa kanya ng Ocean Drift! Flirty Moon!
I'm also bothered with the updates Jelo is sending me. Madalas magkasama sila Rica at Lauren. Hindi ka talaga nag-iisip Rica!
And the family is facing another problem. Nabuntis ng kuya ni Jasmine si Louise. Gusto nina tito na si Jasmine ang ipakasal sa kanya. Gusto ko rin naman yon dahil hindi na iba sa pamilya si Louise. Nauubusan na kami ni Nikee ng paraan para pumayag si Jasmine until I thought of using tita Julia.
Ang plano ay magpapanggap siyang may sakit sa puso upang mapilitan si Jasmine. But it turned put she really has a heart disease! I wasn't expecting it kasi mukhang wala namang iniindi si tita. Hay. Kaya heto nasa Pilipinas ulit kami.
"Ang-init potek naman!" reklamo ni Jasmine. "San punta?"
"Magrereport na ako sa SAECoM." Sagot ko sa kanya habang nagsusuklay sa harap ng malaking salamin. "Maraming iniwang trabaho si Jasper. Kailangang maghabol baka magpull out ang mga kliyente."
"Sipag-sipag. Sayo na ang shares ko sa kompanya ate. Ayoko dun."
"Ewan ko sayo. Gumayak ka na. dalawin mo si Louise."
"E tinatamad ako."
"Sige. Ipapa-freeze ko lahat ng bank accounts mo. You know I can do that." Pagbabanta ko sa kanya.
"e kainis ka! Lagi mo ako pinablack mail!" nayayamot siyang nagtungo sa cr.
Rereklamo pa e susunod din naman! Hay! Siguradong busy weeks na ang sasalubong sa akin. Sa ilang araw ko dito hindi pa ako nakakapunta kay Rica. Not like magpapakita ako sa kanya. Magbabaka-sakali lang ako na makita siya sa apartment or sa work niya. I have my ways but I don't have enough time now.
Nag-aagahan na sina Tito Zandro sa garden. Kumuha lang ako ng tinapay.
"Manang pakilagay sa tumbler yung kape ko. dalawahin mo na ha?"
Sumunod naman agad si manang.
"Hindi ka namgbibreakfast?" tanong ni tita. "Maaga pa naman. At ikaw ang boss dun hindi mo kailangang pumasok ng ganito kaagad."
"Representative niyo lang ako tita. Hindi natin alam ang takbo ng isip ng mga tao dun baka mamaya pagtsismisan pa nila ako."
"Magdidinner tayo sa labas mamayang gabi ha?" sabi ni tito. "May ipapakilala ako sayo hija."
"Okay po." Dumating na rin si Manang dala-dala ang dalawang tumblers ko. "Basta tito business lang yan ha? No extra curricular activities."
Nakangiting tumango si tito. "For sure magugustuhan mo to hija."
Bumeso na ako sa kanila. "Mauna na ako. See you tonight."
Isinukbit ko na ang bag ko.
"Hija! Hinay hinay sa pagdadrive! Muntik mo nang masagi yung police patrol nung nakaraan!" pahabol ni tito.
Nag-aapura ako nung araw na yon kasi. Muntik lang naman atleast hindi natuloy. Pero nakita sa CCTV kaya nakarinig din ako ng pangaral kay tito.
Bago ko ini-start ang kotse nagpadala muna ako ng message kay Rica.
Me: HOW ARE YOU? GOOD MORNING!
Kumunot ang noo ko sa natanggap kong reply.
Rica: Sino ka bakit ka laging nagtetext sa girlfriend ko?
WTH?! Messenger. Sa messenger ko siya tatawagan. f**k! Sino kaya yung nagreply. Could it be Lauren?
Habang nasa byahe tawag lang ako nang tawag sa messenger pero hindi niya sinasagot. Nakakapang-init ka ng ulo Rica! Ilang linggo lang ba yung hindi kami nag-uusap? Seenzoned ako sa kanya palagi. Gustuhin ko mang kulitin ay hindi ko kayang gawin dahil wala ako sa lugar.
But I know someone na pwedeng makausap about her. Si Viera. Raver23 ang username niya sa LiveRead. Maybe she knows something about what's going on.
"Sis, are you with us? Lutang ka yata. That's new." Pansin sa akin ni Chen.
I'm having a meeting with the second generation of SAECoM's Shareholders. Magkakakilala naman na kami. Ngayon lang ang pormal na meeting bilang mga kinatawan ng mga magulang nila.
Nicolette Chen, Ethan, Noah and Jacob.
"May mga perang nawawala sa kompanya."Paninimula ni Jacob. "We better start from that."
"kami na ang bahala dun."Sagot ko. "All you need to do is to be at Jasper's side until malaman natin kung ano talaga ang plano niya. Considering his activities these past few months, hindi na ako magugulat kung biglang niyang iki-claim ang rights niya sa company and we all know that would bring chaos to SAECoM's status."
"Gaano ka kasigurado na may masamang balak si Jasper sa company?" pagkontra sa akin ni Jacob.
"Alam kong bestfriend mo siya pero alam mo din kung anu-ano ang mga bisyo niya bukod sa pagbuntis sa exes ni Jassy."walang emosyon ko sagot dito. "Ngayon kung walang pagmamahal sa kompanya na pinaghirapan ng daddy mo you are free to leave this room. Baka magtraydor ka pa sa amin, hindi na kita matatantiya."
"You and your confidence." Ismid na sagot niya.
"No Cob. Me and my intelligence." Tatlong beses kong itinuro ang sentido ko. "So are you still with this plan or what?"
"Go on..."
"Kung pumalpak man tayo si Jacob na ang traydor."Natatawang sabi ni Noah. "Joke lang dude." Natatawang baling nito kay Jacob. "Galingan mo ang pag-arte."
Halos dalawang oras ang paglalatag ko ng plano. Sumasakit na ulo ko! Bumalik ako sa office. Shoot! Umabot nasa 50 ang missed calls! Nothing from Rica so why bother check on them?
A message from Viera ruined my day!
Viera: Nahihiya daw siyang magkwento sayo. Lumalabas pa rin siya kasama si Lauren. Mahal daw kasi niya.
Tinawagan ko si Viera. Agad naman niyang sinagot.
>>>Sila na ba ulit?
(Hindi ko alam. Simula nung sinabi niyang malapit nasiyang bumigay sa gusto ni Lauren hindi ko na siya kinausap. Ayoko ng idea na maging kabit siya.)
>>>Dapat pinigilan mo.
(Ginawa ko! BIlang kaibigan niya sa tingin mo gusto ko tong nangyayari sa kanya? Nagiging dependent na naman siya kay Lauren.
>>>Hay! Okay. Thanks. I'll visit you soon. Busy lang sa work.
(Okay. Sana sooner. Weird feeling tong nakikipag-usap ako sa hindi ko alam ang mukha. Kung hindi lang tungkol kay Rica hindi kita kakausapin.)
>>>Okay.
Kung hindi rin dahil kay Rica hindi ako magsasayang ng oras na hanapin siya.
--
Nasa elevator na ako. Pasara na ito nang naiharang ni Jacob ang braso niya sa pinto kaya nakasakay pa siya.
"Coffee?" alok niya. "parang pinagbagsakan ka ng langit ang lupa e."
"I'm on a hurry."
"You are always on a hurry. How about fifteens? Just fifteen minutes para mabawasan yang bad mood mo?"
"Alam mo namang hindi tayo pwedeng makita na magkasama nang madalas. You're putting our plans in trouble here."
"Okay? Sorry? You just look so worried. Paano ka makikipagkompitensya sa akin ng 100% kung may iniisip kang iba? Madali kitang matatalo niyan."
Bumukas na ang pinto kaya naglayo na kami. Magulo talaga ang isip ko ngayon. Trying to be as calm as I can. Hoooh! Hirap! Text ko na lang si Jelo. Kailangan kong ilabas tong init ng ulo ko!
"Rooftop. Bring 3 dozens."
Jelo: angdami naman!
Me: I'll be back in 3 hours. I'm expecting 3 dozens and 6 cans of beer.
I have a meeting in an hour. Isang importanteng kliyente na hindi ako makapaniwalang humingi ng schedule sa SAECoM. Si Mr. Haruki Tobio, CEO ng LiveRead.
Magpapatayo sila ng building dito for future plans of doing LiRe Virtual reality bale dito sa Pilipnas ang magiging head quarters ng LiRe OnLine Asia. Imagine from a site na puro stories lang magkakaroon ng virtual reality something. I didn't go into the details muna pero for sure parang mga online games yun na may ranking ang bawat author. For now they are in a small office five blocks away from ours. So this is it! Sana mai-close ko ang kontratang to.
Pagpasok ko ng conference napatigil ako dahil nakita ko ang idol ko! Si Jewel! At katabi niya si Rica! Oh my s**t! f**k? Anong ginagawa ni Jelo dito? At Si Viera din. Siyempre kilala ko na siya. I had Jelo do some investigations about Raver23.
"We are lucky to have here with us Miss Nicole Perreras of SAECoM. Company nila ang napili ko na humawak sa LiREOA head quarters. Please take your seat Ms. Perreras."
I am so caught off guard! Naupo ako sa tabi ni Miss Jewel. Malamig ang kamay kong inilahad ang kamay ko sa kanya.
"Nice to meet you maam." Magalang kong bati sa kanila.
"My pleasure to meet the you..."
Tiningan ko nang masama si Jelo pero nagpoker face lang siya. Nagvivbrate ang phone ko. for sure si Jelo ito. Tsk. Sabi na nga ba.
SO CLOSE TO BABYLABS >:)
Bueset! Rica is taking down notes. I can't even concentrate! f**k! Thera are about 40 persons here. Siguro sila ang mga starting authors base na rin sa mga nameplates nila. Kasama rin si Rica? God Knows she deserved this.
We had ten minutes break. I thought I can take a breather but Miss Jewel got me off guard again. Ambush interview. And worse? Si Rica ang inatasan niyang mag-interview sa akin! Do I look good? Do I look intelligent?
"Kaibigan kayo nina Maam Nikee diba?"
"Do you really need to be that corteous?" I asked in my usual poker face. "Do I look that old? Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad natin."
"Ano kasi magagalit yon si Miss Jewel kapag bastos ako sa iniinterview ko." pagrarason niya. "So balik na tayo sa topic. Kumusta ang pagbabalik ninyo sa PIlipinas?"
The whole time na iniinterview niya ako hindi ako tumitingin sa kanya. I keep myseld busy with my phone. Inunahan ko naman na siya na nagmumulti tasking ako madalas. But this time, umiiwas lang akong tumitig sa kanya.
Pero hindi ko nagawa ng matagal dahil nagkatinginan kami.
"What?" Medyo masungit kong tanong sa kanya.
"ah wala. Nagagandahan lang ako sa mga mata mo."
Napataas ang kilay ko. Naalala ko yung sinend kong crop image ng mata ko sa kanya. Impossible namang makilala niya ako dahil lang dun? Inirapan ko nga siya para hindi na humaba ang usapan.
"May tanong ka pa ba?"
"Yup. LiRe user ka ba?"
"No. Wala akong oras."
"Noted."
Sina Jelo at Viera ang bubuo ng team para sa LiReOA software. Kaya pala anglapad ng ngiti ng gago e. magagamit niya ang pagkahumaling niya sa pagdevelop ng software.
Halos lahat dito excited maliban kay Rica na parang wala lang yung ganitong level up ng LiRe samantalang matagal na niyang naimagine ang ganito. Mga what ifs niya sa LiRe noon.
--
Tapos na ang meeting. Maiiwan sina Jelo. Hindi pa tumatayo si Rica. She's busy with her phone. Trying to call someone but she looks annoyed.
"May kotse ka?"
"Wala. Hay. Kainis. Angtagal sagutin. Magtataxi na nga lang ako." Inis niyang nilagay sa bag niya ang phone.
"Kung same way tayo, isasabay na kita. Baka sabihin mo kay Nikee nakilala mo ang pinakamasungit niyang kaibigan."
"Talaga? Sige. Tipid-tipid pamasahe din. Saka what are prens of Nikee are for diba? De libre the prens of Chloe."
Hindi na lang ako nagreact. Anghyper talaga nito pero kita naman sa mga mata niya na hindi siya masaya.
"Kakausapin ko lang si Mr. Tobio saglit."paalam ko sa kanya. "Iwan ko lang tong gamit ko."
Just my way para hindi siya umalis. Baka biglang magtext kung sino man yung hinihintay niya e. Para-paraang simple muna.
--
See? Hindi siya nakaalis. Kahit inabot ako ng 30 minutes sa office ni Mr. Tobio. We just agreed on some issues. Humingi ako ng 10 slots sa LiReOA para sa mga software engineers na kilala ko. This is a bigtime project so why not invest for SAECoM's Benefits naman. Another multi-million project closed by no other than Nicole Perreras!
Tinext ko si Jacob just to let him know about this. He just replied with OK.
Haha! That guys is really pissed off.
"Sorry. Natagal. Tara na?"
"Lesgo.Lesgo. magkape tayo. Pinaghintay mo ako ng matagal. Buti na lang sanay akong maghintay e."
"Huh?" pagmamaang-maangan ko sa hugot niya.
"Wala. Sabi ko hindi lahat ng matalino sa math magaling sa hugot."
"Whatever. You talk like we're close friend e ngayon lang tayo nagkakilala personally."
"Sa dami ng kwento nina Maam Nikee tungkol sa inyong frenship overload feeling ko close na tayo. Ganito oh." Pinakita niya ang kaliwang kamay niya. "Ikaw to." Turo niya sa hinalalaki niya. "Ako naman to." Baliw to. Siya daw yung hinliliit!
"Close nga. "isinukbit ko na ang bag ko. hindi ko na nilingon si Jelo dahil nararamdaman kong abot tainga ang ngiting pang-aasar lang niya.
Hindi nga ako nagkamali. Nagmessage pa siya.
"Aircondition.Air freshener. Good music. Husky voice.-goodluck sarhento!"
Baliw talaga!
--
Pagkasakay niya ng kotse napansin agad niya ang lotion sa harapan. Minsan ginagamit ko nang airfresher to e.
"May ganito rin si Maam. Pero Autumns Hope yung sa kanya. Ano tong gamit mo?"nagtanong pa talaga pero nababasa naman yung pangalan. "Victorious Gen. lakas maka-dominant ng pangalan ah. Palaban.Kayo talaga ang nagtimpla ng amoy nito?"
Tumango ako.
"Alin ang mas mabenta?"
"Flirty Moon."
"AH yung kay Jasmine yon diba?"
Tumango ulit ako. Angdaldal niya? Pati mga walwal nights ni Nikee kinwento na.
"Bi ka rin? O Les?"
Umiling ako. "Straight." Pagsisinungaling ko.
"Oh... so kahit kasa-kasama mo mga bi hindi ka nabend?"
"no."
"Hindi napapanis ang laway mo? Ako kasi tuyo na lalamunan ko sa kakadaldal e."
"Sinabi ko bang magdaldal ka?" I said without even looking at her. SO this is how it feels to be with Rica who is not damn wasted and drunk. Para siyang hindi nauubusan ng ikukwento. "May tubig diyan kung tuyo na ang lalamunan mo."
"Tama nga si Prey. Hindi ka mahilig sa kwentuhan. Hay. Mananahimik na lang ako."
Mananahimik daw pero heto na naman siya. Naglalaftrip sa mga pinapanood niyang videos. Ganito pala to kabaliw e. kanina tumatawa, ngayon naman nagpupunas ng luha niya.
"Grabe to. One sided love lang. tapos nagparaya siya."
Nag-red ang traffic light kaya tiningnan ko yung sinasabi niya.
"kaya siguro one sided yung love kasi one sided din yung hairstyle niya." komento ko na ikinatawa naman niya. may kasama pang mura.
"Tangina! Yung sense of humor mo rin e. hahaha! Oo nga no? pero pota bakit ako noon? Hindi one sided ang buhok ko pero one sided lang yung love life ko?"
Ewan ko sayo. Lahat na lang ikokonek sa sariling love life.
"Ewan. I don't know your story."sagot ko na lang.
Natulala na naman siya. Itinuon na lang ang pansin sa labas. Maya't-maya ko siyang tinatanong sa direksyon kahit alam ko naman na.
--
Pagkababa ni Rica at sinalubong siya nina Karlo at Katrina. Nakita na ako ni Karlo.
"Ate!" nagningning ang mga mata niyang tawag sa akin.
I glared at him to shut his mouth. Kumunot ang noo niya. Tinaas ko naman siya ng kilay.
Nagpameywang pa siya tapos taas-baba ang kilay nang makailang beses. Bahagya akong yumuko saka pinatong ang kanang kamay sa ulo niya.
"Ikaw siguro yung Karlo na kinukwento ni Nikee."
"Ate Rica! Sino siya?"
"Mamaya ka na magtanong. Pasok muna tayo sa bahay. Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa ate. Wala si tatay e."
Nasa terrace na ang mga bag ng dalawang bata.
"Dito na kayo matulog. Binabantayan ng tatay niyo si nanay niyo sa hospital. Bawal ang bata dun."bumaling sa akin si Rica. "Kain ka na rin dito. Bayad sa paghatid mo sa akin."
"Humihingi ba ako ng kapalit?"
"Naku ate ganda! Masarap magluto ng chopsuey si ate Rica. Makakalimutan mo ang pangalan mo."
"Hindi magandang idea na makalimutan ko ang pangalan ko." tugon ko dito. Pero natatawa na ako sa pagyayabang niya e. "Pero sige. Titikman ko."
"Kayong dalawa dun kayo sa sala. Gumawa na kayo ng assignments niyo."
"Need help?" tanong ko dito nangi nilabas niya ang mga ingredients ng chopsuey,"You're lying to them, right?"
Tiningnan niya ako.
"Come on. I know when a person is lying. I meet different kinds of people. And from what I witness kanina pinagtatakpan mo lang ang tatay nila."
Bumuntong hininga siya. "Kumuha ako ng magbabantay sa nanay nila. Baka kasi makasagap pa ng sakit sa hospital yang dalawang yan. Yung walanghiyang tatay nila inabandona sila nung malamang may cancer yung asawa niya. Buti na lang tumutulong si Maam Nikee sa paghahanap ng susuporta sa gastusin ni manang choleng. Kung hindi baka matagal na silang naulila sa ina."
"Maybe I can help."
"Salamat kung ganun."
"Ate Ganda! Yung pon niyo may tumatawag po!" boses ni Karlo yan.
"Pakidala na lang dito..." pakiusap ko sa kanya.
"Ayoko po hawakan! Mas mahal pa to sa buhay ko e!"
Haha! Diyos ko siyang bata siya! Naghihiwa pa naman ako ng karne.
"Ako na lang." Mabilis na kinuha ni Rica ang phone ko.
She swipe the answer icon and put the phone near my left ear.
(Nicniclove! Saan ka na?)
>>>Somewhere. Bakit?
(kainis naman e! Umuwi ka na. Sige na. bored na ako dito.)
>>>Busy ako Jassy. May problema ba?
(Nilalagnat ako. Malaking problema to diba?)
>>>Magtake ka ng gamot. Give me an hour. Uuwi na ako.
(okay. Pasalubong huh?)
"thanks. Naglalambing si Jassy. May sakit e."sabi ko dito nang nilapang niya sa mesa ang phone ko. "tapusin ko lang to. Aalis na rin ako."
"Close kayo no?"
"Very."naghugas na ako ng kamay. "Pano? I'll go ahead. Paki-message na lang ako sa details bout their mother. Tingnan ko kung ano ang magagawa ko."
"Okay. Ihahatid na kita sa gate."
"Hindi na. si Karlo na lang maghahatid sa akin diba Kuts?" baling ko dito. Nakaupo na kasi siya sa mesa. Taas-baba na naman ang mga kilay niya habang kaylapad ng ngiti. "Tara na." tinulungan ko siyang bumaba ng mesa. Marunong umakyat pabebe sa pagbaba.
Sisipol-sipol siya habang patungo kami sa gate.
"Oh anong problema mo?" tanong ko dito.
Naglakad siya nang paatra para makaharap niya ako. "Marekoy, angsama ng tingin mo sa akin kanina. Akala ko matutunaw na ako oh..."
"Buo ka pa naman."
Umayos na siya ng paglakad."Dalasan mo ang pagdalaw dito marekoy para hindi yung ate gg ang nakakasama namin. Mainit dugo nun sa akin e."
"GG?"
Pinuksan niya ang gate. "Opo. Ate Galonggong. Si Ate Lauren Ayaw ng galonggong na ulam e. pinaghirapan pa naman ni ate Rica yun.. Laging masungit kapag nandito. Parang kumakain ng isang kilong ampalaya palagi e."
Iunlock ko na ang kotse. "tingnan ko ha? Marami din kasi akong trabaho."
Humalukipkip siya. "Pero babalik ka Marekoy ha? Turuan mo kaming mag-english ni Kuting para maintindihan namin yung mga pinapanood ni ate Rica. Puro kasi English. Yung xmen..ganun... nahihirapan ako."
"Sige."
"Magpromise ka." Dinuraan niya ang kanang kamay niya.
God! That Saliva-Handshake naman!
"Promise..." Ginaya ko na nga din! Dinuraan ko nang kaunti ang kanang kamay ko. pinagrub ang mga kamay ko saka kami nagshake hands. Tapos niyakap niya ako sabay tapik nang tatlong beses sa likod ko.
"Ingat ka Mare Koy!"
Tinapik ko rin siya sa likod. "Bye...Bye..."
Kunot ang noo niya nang kumalas ako sa yakap. "Balik ka po ha? Huwag mong gayahin si tatay. Hindi na kami binalikan."
"Alam mo?"
Tumango siya. "Kaya huwag mo pong babaliin yung pangako mo." Naiiyak nitong sabi.
Pinunasan ko ang mga luha niya. hay Naku Rica! Alam na ni Kuts na pinagtatakpan mo ang tatay niya e.
"Tahan na. Promise babalik ako. Sige na, pasok ka na dun."
Naglakad na siya papasok ng gate. Hinintay ko siyang makapasok muna ng bahay bago ako sumakay sa kotse. Hay! Bakit kailangan niyang danasin ang ganitong pagsubok sa murang edad?
May nagriring dito. Hindi naman ganito ang ringtone ko. Phone ni Rica! Nang icheck ko kung sino yung tumatawag, image caller ni Lauren ang nagfaflash.
Baby Calling...
Itapon ko to e! baby pang nalalaman. Kinansel ko at inoff ang phone niya.
--End of Chapter 4---