"Good morning, Carmel." Nakangiting bumungad si Hector isang umaga sa opisina niya. Tatlong araw siyang nasa Singapore pero gabi-gabi siyang nanonood ng bagong teleserye ni Georgia. Kahit mga fashion magazine ngayon sa hotel na pinupuntahan ay binubulatlat niya. Nagbabakasakali na may isang larawan doon si Georgia na nag-e-endorso ng produkto. "Good morning, sir! Aba... Parang ang ganda ng ngiti natin ah..." Sumunod sa kanya ang sekretarya dala ang ballpen at papel nito. "Anong schedule ko ngayon. Carmel?" "May meeting ho kayo ng alas dyes kay Mr. De Guzman at ala una kay Mr. Siman. Alas tres ho sa Marketing Department at alas sais... Hmmm... Wala na ho. Puwedeng-pwede na ho kayong makipag-dinner date," nakangiting sagot ni Carmel. Lumapad din ang ngiti niya. "Hindi mo ba nakalimutan

