Chapter 16

1820 Words

Kanina pa umuusok ang telepono ni Justine dahil ayaw tumigil ni Lolita nang katatawag. Nakukulitan na siya sa asawa ng Papa niya. At hindi pa man niya naiisip kung sasagutin na ang telepono ay bigla nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Bumulaga doon si Lolita na at ang sekretarya niyang hinabol ito pero tiyak na hindi na napigilan. "S-sir... Ayaw hong papigil ni ma'am..." "Okay lang, ako na ang bahala," wika naman niya sa sekretarya. Matalim ang tingin na ipinukol ni Lolita sa tauhan niya bago ito lumabas. "Alam mong hindi ka basta basta dapat nagpupunta dito kapag wala tayong appointment, Lolita." "Then, talk to me, Justine. You're not answering my calls since last week. Ano ba ang plano mo sa career ko?" Lumakad ito palapit sa kanya pero hindi ito umupo sa receiving chair.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD