Chapter 24

1751 Words

Natakot si Georgia sa narinig na kaluskos sa ibaba. Patulog na siya matapos niyang tawagan ang tiyahin ag mga kapatid. Maayos naman ang kalagayan ng mga ito na labis niyang ipinagpasalamat. Pareho kasing matapang ang kapatid niyang iyon at palaban kung kinakailangan. Ewan ba sa kanya kung bakit siya biglang natakot sa lahat ngayon gayung biktima lang naman siya ng kahirapan noon. Kung isisiwalat ang talambuhay niya ay baka maawa pa ang mga tao sa kanya. Pero tama ang desisyon niyang huwag na lang munang magpakita sa mga tao ngayon. Hahayaan niya na lang na si Justine ang umayos ng lahat. Kalilimutan na rin niya ang pag-aartista. Napagtanto niya na hindi niya rin gusto ang ganoon kagulong buhay. Mas masaya ang mamuhay bilang isang ordinaryong tao lang. Hindi tulad ng buhay niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD