"Anong oras ka na naman bang umuwi, bata ka? Aba'y parang puyat na puyat ka ah!"
"Marami ho kasing kustomer sa club, Nay." Nagtimpla ng kape si Justine habang ang Nanay niya ay naghahanda naman ng almusal nila. Nasa maliit na apartment sila sa Malate sa Maynila. Isang labandera ang Nanay niya habang siya ay boy sa isang club na tagaligpit sa mga pinag-inuman ng mga customer.
"O sige, kumain ka na riyan at mahuhuli na ako sa trabaho. Kagagalitan na naman akong tiyak ng amo ko."
"Sige ho, Nay, mag-iingat ho kayo."
Mag-isa siyang kumain sa maliit na mesang plastic na naiwan lang ng dating nakatira sa apartment na iyon. Inaantok na siya dahil alas tres nang nagsara ang club. Pero okay lang. Kahit paano ay malaki-laki ang tip na nalikom niya sa magdamag sa dami ng galanteng parokyano kagabi dahil na rin Biyernes at walang pasok ang karamihan kapag Sabado.
Pagkatapos niyang kumain ay niligpit niya na ang kalat sa kusina. Matutulog siya maghapon dahil mamayang gabi ay puyat na naman siya magdamag. Ganoon naman ang araw-araw niyang gawain.
Dise sais anyos na siya. Hindi niya na itinuloy ang pag-aaral sa kokehiyo dahil hindi na kaya ng Nanay niya ang tuition fee. Mayaman sana ang tatay niya pero dahil katulong lang ang Nanay niya sa mansyon ng mga Sanrio, pinalayas kaagad nang malamang nabutis ito ni Hector Sanrio.
Malaki ang galit niya sa Papa niya. Ilang beses daw silang pinalayas sa bahay ng mga Sanrio tuwing hihingi ng tulong ang Nanay niya noong bata pa siya. Hindi na sana kailangan pang maglaba ng Nanay niya sa kung kani-kanino. At makakapagtapos sana siya sa gusto niyang kurso na maging isang engineer.
"Justine! Justine!" Malakas na kalabog sa pinto ng apartment ang pumutol sa pag-iisip niya sa kalagayan nila ng Nanay niya.
"Bakit ho?" Agad din nyang tanong sa kapitbahay na nangalampag sa pinto niya.
"Ang Nanay mo. Nahimatay sa daan!"
"Ano?!"
Mabilis niyang tinakbo ang maliit na eskinita palabas. Ni hindi niya na naisara ang pinto ng apartment nila. Nakita niyang nakahandusay pa rin ang Nanay niya na pilit ginigising ng ilang taong naroon.
"Nay! Nay! Tulungan niyo ako, itajbo natin siya sa ospital!"
Mabilis namang tumulong ang ilang kalalakihan doon at isinakay sa trisekel ang Nanay niya. Sa emergency room na lang ito nagkamalay. Mababa daw ang dugo nito na kapag hindi naagapan ay baka mauwi sa Leukemia.
Inabot pa sa limang libo ang naging bill nila sa ospital dahil private ang napuntahan nila. Iyon kasi ang pinakamalapit na ospital na nakita niya dahil sa pagkataranta. Mayroon naman siyang naipon kahit paano. Pero paano na ang susunod nilang gastusin?
Hindi na pwedeng maglabada ang Nanay niya. Kailangan niyang akuin ang gastusin sa bahay tulad ng upa, tubig, kuryente, at pagkain nila sa araw-araw.
"Malaking bulas ka naman, bakit hindi mo subukang mag-sideline bilang mananayaw?" suhestyon ni Leo na suma-sideline na bilang dancer sa kabilang club. "Puwede mo nang itago ang edad mo."
Hindi niya alam kung kaya niyang maatim na hahawakan siya ng mga kabaro niya na may pusong babae. Malaki raw magbayad ng mga ito lalo kung mabait kang alaga. Babalik-balikan ka. Habang tumitibay ang sikmura mo ay lumalaki rin ang kita mo.
Sa una ay hindi niya gustong gawin. Pero habang nalulubog siya sa utang dahil kailangan din ng regular na gamot ang Nanay niya ay nagbabago din ang pananaw niya sa buhay. Idagdag pa ang mga kasamahan sa trabaho na palagi siyang binubuyo. Kung kaya nila, bakit hindi niya kaya?
Nagsimula siya sa pagsasayaw lang. Kahit anong pilit ng mga customer na i-table siya ay hindi siya pumapayag. Hanggang isang araw ay naging customer sa club na iyon si Mr. Johnny Thadeo na isang German national. Isa raw itong may-ari ng isang modeling agency. Inaalok siyang sumali sa kompanya nito at subukan kung kaya niya ang pagmo-modelo.
Noong una ay nagpakatanggi-tanggi pa siya. Nakikita niya kung paano ito bilang isang customer sa mga kasamahan niya sa club. Pero nang may isang naging karelasyon ito at sa kalaunan ay nagkaroon ng malaking proyekto sa print ads, nagbago ang pasya niya.
Kalaunan ay kinaibigan muna niya si Mr. Thadeo. Nagpasilaw na rin siya sa alok nitong malaking halaga kapalit ang paglunok sa lahat ng prinsipyo niya sa buhay. Kailangan niyang sumabay sa bawat hamon ng buhay. Ayaw kasi niyang habang buhay na sa club nagtatrabaho. At dahil matagal nang may gusto sa kanya ang mayamang negosyante, itinira siya sa isang malaking apartment kapalit ng pagpayag niya maging karelasyon ito.
Tutol ang Nanay niya sa desisyon niya. Sinubukan pa nitong lapitan ulit ang tatay niya. Pero dahil maraming bodyguards ang bahay nito sa isang exclusive village, ni hindi nakalapit man lang ang Nanay niya. Sa huli ay tinanggap na lang ng ina na ganoon na ang buhay na pinasok niya. At nang akala niya'y maayos na ang kalagayan nilang mag-ina, bigla na lang itong binawian ng buhay dahil sa pagkalala ng sakit nito. May kasama na raw itong depresyon iyon dahil palagi itong tulala bago ito namatay. Iyon ang pinakamasakit na parte ng buhay niya. Mahal na mahal niya ang Nanay niya. Kaya niya kinaya ang lahat ng pagsubok sa buhay niya ay dahil sa ina.
Sa mga panahong iyon ay si Johnny Thadeo ang dumamay sa kanya. He was a generous lover. Wala siyang maipipintas sa kabaitan nito. Sagana siya lahat ng materyal na bagay para makaahon siya sa labis na lungkot at pangungulila sa Nanay niya. Pero ito rin ang nagmulat sa kanya sa maling gawain tulad ng drugs, gambling, at pakikipagtalik sa kapwa niya lalaki. Ito ang una niyang karanasan sa s*x. At dahil agresibo ang German national na ito, pagod lagi ang katawan niya.
Nakalaya lang siya sa anino nito nang magkagusto ulit ito sa isang mas bata sa kanya sa club. At dahil nalulong din ito sa sugal, unti-unti ring bumagsak ang kompanya nito na sinubukan niyang sagipin. Naging assistant kasi siya nito nang mag-quit siya sa pagmo-modelo. Kumalas siya bilang karelasyon nito kalaunan, gayunma'y naging mabuti pa rin silang magkaibigan. Nagpatuloy ang pagiging assistant niya sa mayamang negosyante dahil gusto niyang matutunan ang pagpapatakbo ng isang negosyo.
"Sir Justine, may bisita ho kayo."
Wala siyang alam na appointment niya ngayong araw. Naisip niyang baka para kay Thadeo iyon pero ibinilin na lang na siya ang hanapin. Wala na naman si Thadeo ngayon na marahil ay inumaga na naman sa sugalan. Hindi niya na ito maawat. Kahit ang paggamit nito ng droga ay palala nang palala.
"Papasukin mo." Hindi niya na itinanong kung sino 'yun. Kailangan pa rin naman niyang harapin bawat bisita na dumadating. Bawat negosyanteng nagpupunta sa agency nilang 'yun ay oportunidad para sa kanya.
Pero nagulantang siya kung sino ang nakatayo sa pinto ng opisina niya. Hindi niya maipagkakamali ang taong ito kaninuman. Isinumpa niyang kapag nag-krus ang landas nila ay ipalalasap niya ang lahat ng sakit at paghihirap na dinanas ng Nanay niya.
Tumayo siya at ipinamulsa ang mga kamay para ipinakita ang katatagan. Ngayong mag-isa na lang siya sa buhay at may pera na siya ay hindi niya na ito kailangan.
Matikas ang lalaki. Halata rin ang estado nito sa buhay sa lahat ng mamahaling suot mula ulo hanggang paa.
"Justine..."
"Mr. Hector Sanrio," wika niyang napaka-pormal. "Wala akong natatandaan na humingi ka ng appointment sa sekretarya ni Johnny."
"Kaytagal kitang hinanap."
"Nagpapatawa ka ba?" Doon ay hindi niya na itinago ang sarkastikong tinig. O ang galit na kinikimkim.
"I'm sorry if I came late. Huli na ng malaman ko sa imbestigador na wala na ang Nanay mo."
"Isang taon na siyang patay. Wala nang dahilan para makipagkita ka sa 'kin dahil sukdulan ang galit ko sa 'yo. Umalis ka na."
"You are my son, Justine."
"Wala kang anak, Mr. Sanrio! Nuong buhay ko isa akong Arevalo! Umalis ka na kung hindi tatawag ako ng security."
"I was young when I got her pregnant," patuloy nito na hindi nagpatinag sa pagtataboy niya. "Ipinadala ako sa Amerika ng mga magulang ko at wala akong nagawa. Patawarin mo ako, anak. Gagawin ko ang lahat ngayon para mapatawad mo 'ko at matanggap sa buhay mo."
"Sa tingin mo ganoon lang kadali 'yun? Namatay si Nanay sa depresyon dahil sa pagtataboy niyo sa kanya!" Hindi niya naiwasan ang mapaiyak. Alam niyang may parte sa depresyon nito ay makitang hinayaan niyang pagsamantalahan ni Johnny ang kahirapan nila para mapapayag siya sa lahat ng gusto nito. Nakita ng Nanay niya kung paano siya hinahalikan ni Johnny noon nang labag sa loob niya. Kung paano siya naging sunud-sunuran pati sa paggamit ng droga.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo. At hindi ko na maibabalik ang buhay ng Nanay mo. Pero sana'y mabigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama sa 'yo kahit huli na."
Hindi siya sumagot. Ang nasa isip niya ay ang pagkakataon na gantihan ito ng lahat ng sakit at paghihirap nilang mag-ina.
"Magiging problema mo lang ako sa asawa't mga anak mo."
"Wala akong ibang anak. Ikaw lang, Justine."
Pumalakpak nang palihim ang mga tainga niya. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya.
"Ang asawa niyo?"
"Don't worry about my wife. Kailangan ko ay isang anak na magtataguyod sa lahat ng negosyong ibinilin sa akin ni Papa. I can train you to handle some businesses I put under my name."
"May sarili na rin akong trabaho, Mr. Sanrio." Gusto niyang ipakita na hindi pa niya tinatanggap ang alok nito.
"Gusto mo bang mapasa 'yo ang kompanyang ito? I've heard Mr. Johnny Thadeo is having financial difficulties as of this moment. Puwede ko siyang kausapin na bumalik na lang sa Germany at iwanan ang lahat ng ito sa 'yo."
By the sound of it, his father had gone a thorough investigation about his life. Alam din kaya nito na nagkaroon din sila ng relasyon ni Mr. Thadeo?
"Makakabalik ka sa pag-aaral at mapapaunlad mo pa ang sarili mo," dagdag nitong wika nang mawalan siya ng sasabihin. "You're barely nineteen. You have a big future ahead of you, son."
Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan niya. Ganoon lang kadali para tawagin siyang anak ngayon. Pero hindi niya ito matatawag na Papa o Tatay. Kaya siya makikipaglapit kay Hector Sanrio ay para sirain ang lahat ng makakapagpasaya dito.
Pagsisisihan nito na lumapit pa ito sa kanya at pilit pumasok sa buhay niya.