Chapter 10

1850 Words
Napag-alaman ni Justine na ang napangasawa nito na si Lolita ay binili lang ng pamilya nito para mapangasawa dahil gustong-gusto ni Hector ang babae noon pa man. Lumalabas pang inakit lang ng Nanay niya si Hector kaya ito nabuntis. Itinaboy ang Nanay niya at pinalayas sa mansyon nang pumayag na ang pamilya ni Lolita na ipakasal ang dalawa. At sa takot ni Hector na malaman ni Lolita ang tungkol sa kanila ng Nanay niya, sa Amerika nagpakasal ang dalawa dahil American citizen din ang Papa niya. Sopistikada ang babae, matapobre, at bagama't may kaya rin sa buhay, hindi sanay na nagtatrabaho. Ni hindi ito nakikialam sa pamamalakad ni Hector sa kompanya. At napansin din niya na hindi magkasundo ang dalawa sa maraming bagay pero sadyang pasensyoso ang Papa niya. Trabaho at bahay lang ang routine ni Hector. Wala itong naging anak kay Lolita kaya't lalong wala itong ibang mapagbalingan ng atensyon. Kuntento na ito sa ganoong buhay, ang mahalaga ay kasama nito si Lolita sa bahay tuwing uuwi ito. Nakahanap si Justine ng paraan para bigyan ng miserableng buhay ang Papa niya. Bata pa si Lolita, nasa trenta y kuatro pa lang. Inalok niya ng trabaho na maging isang modelo na ikinatuwa naman nito. Naging sabik ang babae na sumikat bilang isang modelo. Nawalan ito ng oras sa Papa niya dahil sa maraming projects na ibinigay niya. Naging magkasundo silang dalawa ni Lolita kalaunan dahil sadya niyang kinuha ang loob nito. Magkaaway naman silang palagi ng Papa niya dahil sinasadya niyang kontrahin ito sa lahat ng bagay. Hindi rin siya pumayag na magtrabaho sa canning factory na pag-aari ng Papa niya. Binili niya ang lahat ng mamahaling luho na maisipan niya. Sa lahat ng iyon ay walang ginawa si Hector kung hindi ang maging sunod-sunuran. "Gusto mo bang mag-bar mamaya? May lakad kami ng bagong modelo, baka gusto mong mag-unwind?" tanong niya kay Lolita. Nasa ibang bansa ang Papa niya para sa isang business conference. Ilang beses niya nang napapansin na panay ang dantay ng kamay ni Lolita sa kanya. Ginagantihan niya naman ang pagiging touchy nito pero hindi talaga siya ma-arouse kahit gaano pa ito kaganda. Iba na ang hinahanap ng katawan niya. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas mula nang makawala siya sa relasyon nila ni Johnny Thadeo. Nakapag-aral na siya ng mga short business courses sa tulong ng pera ni Hector, nakabangon na ang modeling agency nila ni Johnny na ngayon ay nabili niya na ang kalahati ng shares gamit pa rin ang pera ni Hector. Nagbago na nang tuluyan ang buhay niya. Pero ang hindi na mabago ngayon ay ang pangangailangang sekswal. Pilit niyang itinatago ang totoo dahil gusto niyang manatili ang paggalang ng mga tao sa kanya. "Kasama ka ba? Baka naman iwanan mo lang ako ulit katulad ng dati?" Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. Isang gwapong modelo ang ka-meeting nila sa bar mamaya. Kinausap niya na si Cedrick na aliwin si Lolita at ikama kung kaya nito. Mahal na mahal ng Papa niya si Lolita. Kapag nangaliwa ang babaeng ito ay masasaktan nang labis ang Papa niya. "Alam mo namang palagi akong maraming trabaho. Pero sigurado akong pupunta ako, baka maaga lang akong umalis." "Hmp... Katulad ka rin ng Papa mo. Puro negosyo na lang ang inaatupag." "Nagrereklamo ka na yata kay Papa? Hindi ka na ba niya nabibigyan ng oras?" "Hindi ako nagrereklamo. But you know that we don't share the same passion, Justine. He is too old fashioned. Ni hindi siya nagpupunta sa bar katulad natin. I find him so boring." "Then, find something fun. Sasabihin ko kay Cedrick na libangin ka." "Cedrick?" Tila nagliwanag ang mata nito pero pilit itinago sa kanya. Napansin niya nang minsan iyon na malagkit ang titig ni Lolita sa bago niyang alaga. "He was constantly asking for your number. Type ka yata nung bago kong modelo," nakangiti niyang wika. "Pero---" "Papa will not know. Syempre, sekreto nating dalawa 'yun..." pabulong niyang wika. Natahimik naman si Lolita bagama't hindi naman tumanggi. Alas dyes nang sunduin niya si Lolita sa bahay ng Papa niya. Naabisuhan niya na si Cedrick kung ano ang gagawin. Siguradong susunod sa kanya ang isang ito dahil malaking proyekto ang kapalit. Wala pang alas dose ng gabi ay marami nang nainom si Lolita na halata ang pagkagusto kay Cedrick. Panay rin ang haplos ng bagong modelo sa hita ng asawa ng Papa niya. Hindi pa siya nakakaalis ay nakita niyang naghalikan na ang dalawa dala na rin ng presensya ng alak. Nakakaramdam na rin siya ng pag-iinit ng katawan. Pero hindi dahil kay Lolita kung hindi dahil kay Cedrick. Habang hinahaplos nito ang hita ni Lolita ay sa kanya malagkit ang mga tingin. Tumayo siya at nagpaalam na aalis na. Kung saan nagtuloy ang dalawa ay hindi niya alam. Nasa parking lot na siya nang may madaanang isang waiter na may kausap sa telepono. Sa pandinig niya'y matindi ang pangangailangan nito sa pera na kailangang maipadala kaagad sa probinsya. "How much do you need?" tanong niya sa waiter na nagulat dahil hindi siya umalis sa tabi nito. "H-ho? M-mga thirty thousand ho... K-kailangan daw ho kasing madala ang kapatid ko sa ospital dahil hindi kayang manganak nang normal." "Huwag mo nang isipin 'yun. Sumama ka sa 'kin at ibibigay ko ang kailangan mo." Siguro ay nakikilala siya ng lalaki dahil madalas din naman siyang nagpupunta sa bar na iyon. Pumayag ito kaagad dahil na rin sa matinding pangangailangan sa pera. Pumasok lang ito sandali sa bar para magpaalam sa supervisor nito. Tahimik lang siyang nag-drive hanggang makahanap ng ATM machine. Hindi naman niya pera ang ipamimigay niya kung hindi kay Hector. "Here's the thirty thousand. Bumalik ka na sa trabaho mo baka masisante ka pa." "Ho? H-hindi ho ba..." Lumingon siya sa waiter na nakatitig lang sa kanya. May kakisigan din ang lalaki dahil isa iyon sa requirements sa bar na iyon. Matipuno na rin ang katawan at tiyak niyang hindi nagkakalayo ang edad sa kanya. "Ano ba ang iniisip mo?" "A-akala ko ho kasi..." Hindi naman nito alam kung ano ang sasabihin. "That I want to have s*x with you?" "O-oho..." "How did you know I'm a homosexual?" "Ako ho ang nag-serve sa inyo kanina. Nakita ko ho ang pagsulyap niyo sa kasama niyo. Hindi naman na ho bago sa aming mga waiter ang ganoon." "Kaya mo ba?" tanong niya na inaasahan nang tatanggi ito dahil hawak naman na nito ang pera. Pero nagulat siya nang tumango ito. "Para ho hindi sayang ang binigay niyo." "Is this some kind of a job to you?" "Naku, hindi ho. First time ko lang ho kung sakali. Pero ang ibang kasamahan ko ho sumasama na sa ibang customer namin na malaking magbigay ng tip. " Na-excite yata ang buong katawan niya sa kaalamang willing ang lalaki na magpagamit sa kanya. Hindi na siya nagsalita nang sumakay siya sa kotse. Nang sumunod ang waiter sa kanya sa loob ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Sa ilang sandali lang ay pinagbibigyan niya na ang pangangailangan ng katawan. Nangako naman ang waiter na walang makakaalam sa lahat ng nangyari. Nagbigay siya ng calling card para pwede siya nitong tawagan kung kailangan ulit nito ng malaking pera. Kinabukasan ay nagpadala naman ng larawan si Cedrick sa kanya ng mga larawan nito habang kasama si Lolita sa kama ng condo nito. Nagtagumpay na siya sa plano niyang saktan si Hector. Kapag nagpatuloy ang relasyon ng dalawa ay tiyak na guguho ang mundo ng Papa niya. "How's your date with Cedrick? Mukhang maganda ang ngiti mo ah," tudyo niya kay Lolita nang dalawin niya ito sa bahay ng Papa niya sa isang exclusive village sa Alabang. "He's so good in bed. Walang-wala siya kay Hector." "Bakit naman? Bata pa naman si Papa. He's what... Forty-two?" "Oh, don't get me wrong. Magaling din naman ang Papa mo. Pero siguro hindi lang wala akong gusto sa kanya noon pa man. Naging faithful naman ako sa kanya sa napakahabang taon." "Ilang taon ka ba nung ikinasal kayo?" "I was eighteen. He was twenty-two. Pero may iba akong boyfriend noon kaya't hindi ko talaga siya pinapansin." "Well... Hindi mo naman kailangang gustuhin si Papa para lang makasama. You can stay married to him but seeing another man, right? Hindi rin naman natin masisiguro kung faithful siya sa 'yo." "Pero kailangang maging lihim ang lahat ng ito, Justine. Baka mapatay ako ng Papa mo kapag nalaman niyang nakikipagkita ako sa ibang lalaki." "Don't worry, I got you. Wala siyang malalaman, basta't huwag kang magpapabuntis." "Oh, sh*t... I forgot to him to wear condom!" "Problema ba 'yun? E di sabihin mo siya ang ama." "That's not possible. Alam na alam ni Hector na hindi ko gustong magkaanak dahil masisira ang figure ko. Lalo na ngayon na ang mukha at katawan ko ang puhunan ko sa trabaho." "What?! Did you mean, Papa always wears condom when you have s*x?" "Of course! Walang proteksyon, walang s*x. At ngayon ay dumadalang na ang pagtatalik namin ng Papa mo dahil lagi na rin akong wala dito sa bahay." Lihim siyang napangiti. Kapag nabuntis si Lolita ng ibang lalaki ay mas malaking dagok sa Papa niya 'yun. At dumating na nga ang pinakahihintay niya. Nagbunga ang ilang ulit na pakikipagtalik ni Lolita kay Cedrick. Pero dahil hindi talaga gusto ni Lolita ang mabuntis, ipinalaglag nito ang bata na naging sanhi naman ng muntikan nitong pagkamatay. Nakita niya kung paanong napaluhod si Hector sa sahig nang aminin ni Lolita na ibang lalaki ang ama ng ipinalaglag nito. Ilang buwan itong hindi nakipagkita sa kanila ni Lolita. Ang sumunod na nabalitaan niya ay nag-file ito sa abogado ng pakikipaghiwalay. Bukod kasi sa kasal ang mga ito sa Amerika ay kasal din ito sa Pilipinas nang umuwi ang dalawa galing sa Amerika. And Lolita refused to grant both. Mawawalan nga naman ito ng sustento dahil iba pa rin ang karangyaang tinamasa nito sa piling ni Hector. Hindi na umuuwi ang Papa niya sa bahay ng mag-asawa. Bagama't may sustento pa ring natatanggap si Lolita, wala na itong pakialam kung ano ang gawin ng asawa. Hinihintay pa rin nito ang resolusyon ng korte sa paghihiwalay ng dalawa. Ipinaglalaban pa rin ni Lolita ang karapatan niya at ang mapatawad siya ng asawa. Sa isang lumang bahay sa Batangas ngayon naglalagi ang Papa niya na pag-aari ng mga magulang nito. Tila nagkaroon ito ulit ng bagong buhay. Noong akala niyang lugmok na ito, nakabangon pala itong muli at ngayon ay sinisikap na lang na masayang mamuhay mag-isa. Patuloy ang pagpapatakbo niya sa modeling agency. Tumigil na rin si Hector na pilitin siyang lumipat sa kompanya nito. Nang mamuhay ito sa Batangas mag-isa ay nawalan ulit siya ng pagkakataon na palasapin sa paghihiganti niya. Wala na rin itong pakialam kay Lolita dahil naghihintay na lang ito ng desisyon ng korte. Sigurado siyang isang araw ay papaboran din ito ng korte kapag pinagana nito ang pera. Pero sana ay matagalan pa. Kailangan niya ulit makahanap ng ibang paraan habang hawak pa niya si Lolita sa kamay niya. Siya ang kumukumbinsi dito na huwag ibigay ang hinihingi nitong annulment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD