Kinabukasan, kinausap sila ng kaibigan nilang sina Jho at Khorie. Nasa sala sila habang nagpapahinga nang araw na iyon. Binigyan sila ng dalawang araw na pahinga ng mga binata dahil may mahalagang inaasikaso ang mga ito. "Nakakita kami ni Khorie ng isang maliit na libro sa lumang kabinet sa pangatlong palapag ng mansiyon na ito. Tingnan niyo!" Pinakita ng kaibigan niyang si Jho ang maliit na librong iyon. Isa-isang binuklat nito ang bawat pahina at kitang-kita niya at ng mga kaibigan ang mga hindi maintindihan lengguahe. "Mapapansin niyo sa halos mga hindi maintindihang sangkap ang mga nariyan, Base rin sa mga guhit nga larawan ay pinag-aaralan rito ang mga medical spell. Nag-research rin ako kagabi tungkol sa mga nakapaloob dito at tinanong ko rin ang kapatid ni Hercules na si Athena

