Muli na naman silang nagtungo sa Dimensional Room upang mag-ensayo. Sa pagkakataong iyon ay may nakahanda ng field course at may isang mesa na may nakahandang bow and arrows. "Ito ang pangalawang training natin. As I said last night, you will use bow and arrows. Ang field na nakikita mo ay ang magiging training ground mo rin. Once na pumasok ka sa linyang nasa lupa ay mag-iiba ang anyo nito. Magiging hologram ang buong paligid. May mga halimaw ka na makakalaban at kailangan mo silang tapusin sa loob ng sampung minuto." "Okay," sabay tumango siya. "Kunin mo na ang archer at mag-umpisa na tayo," turo nito sa lamesa. Lumapit siya sa kinaroroonan ng sandatang gagamitin niya. Kinuha niya ang lagayan ng mga arrows at itinali sa katawan niya saka isang bow. Sa hitsura pa lang ng sandata ni

