Chapter 9 - Grand Wedding

3181 Words
Sa loob ng ilang araw na rehearsal nila ay nakagaanan niya ng loob ang binata. Hindi naman talaga ito nuknukan ng kasungitan kundi isang mabait, gentleman at magaling na music teacher. Tinuturuan siya ng mga iba't ibang techniques pagdating sa high and low notes kung saan may bahagi rin na mahina siya roon. Napag-alaman rin niyang dating tumutugtog sa banda ang binata at totoong linya nito ang musika. Minana raw nito ang talento sa musika sa ina niya. Ngunit hindi rin niya naiwasang itanong rito kung bakit tumigil at kinamumuhian nito ang musika mula noon. "Why is it that you hated music so much?" Heto na naman ako. Kakatapos lang nila sa kanilang final rehearsal at tamang nagmemeryenda na lang sila sa veranda ng Music Club. Nagkaroon din siya ng pagkakataong masolo at maitanong rito ang tungkol sa bagay na iyon. "Long story. It's not the right time to talk about." "I'm sorry," simpleng kagat-labi ang ginawa niya. Naku naman! Wala ka na bang ibang itanong Sam? Nag-angat ng tingin ang binata sa kanya. "You can ask me anything. Huwag lang ang bagay na iyon." "Huh? W-wala naman akong nais itanong kundi iyon lang. S-sorry." "Are you sure?" "Y-yes." Meron pa sana. Kung..kung may girlfriend ka na? Kung single ka pa ba at kung na-inlove ka na? Ganern! Sumandal ito sa kinauupuan. "I don't have, Sam." Saglit siyang natigilan habang isusubo pa lang sana ang pancake sa bibig niya. Ano raw? Nag-angat siya ng tingin dito. "Huh?! A-anong sabi mo?" Ngumiti ito. "Ang sabi ko, wala akong girlfriend. I'm still single and yes, I'm already in love but that was two years ago." Mukhang nalaglag ang panga niya sa mga sinabi nito. Bahagyang napakunot ang noo niya sa isang kadahilanan na alam nga nito ang nasa isipan niya. Mariin siyang napatitig sa binata habang ito naman ay mataman siyang pinagmamasdan. Pakiwari niya ay binuhusan siya ng malamig na yelo sa katawan ngunit agad siyang bumawi. "H-hindi ko naman— teka binabasa mo ba ang nasa isipan ko, Apollo?" Muli niyang naalala na kaya nitong basahin ang nasa isipan ng isang mortal. Bahagya siyang nakadama ng pagsisisi kung bakit pa niya naitanong ang personal na bagay na iyon. "Masyado kang maraming iniisip." "Pero—hindi pa rin patas iyon! Hindi ba bawal sa inyo gumamit ng magic kapag hindi kinakailangan? I mean—" pinamulahan siya ng pisngi. "Yeah. But reading other people's mind is not magic. It's a gift. Kailangan naming gawin iyon para sa bawat hinaing ng mga tao at mga saloobin nila. In your case, natural lang iyon dahil kabilang sa kanila. Hindi ko pa nakakalimutang tinawag mo akong tukmol," nagpakawala ito ng isang malalim na ngiti. Ngiting tila inaasar siya ng binata. Napakagat-labi siya. Gusto na niyang malunod sa kahihiyan dito. Pati ba naman iyon nabasa niya? Oh, lupa lamunin mo na ako! Noon niya napagtantong nagiging pabaya na siya sa mga bagay na maaaring maging sanhi ng kanyang kahihiyan. Hindi siya padalos-dalos mag-isip lalo na at hindi rin ordinaryong pamumuhay mayroon siya noon bilang isang spy. Everytime when she feels agitated, she's being vulnerable. She was disconcerted whenever Apollo's presence around. "I read everything in your thoughts. At least ngayon alam kong marami kang gustong malaman tungkol sa akin. Interested," may halong panunudyo ang binata sa kanya. Hindi siya makapag-isip ng stratehiya kung paano niya e-reverse ang natamong kahihiyan mula sa binata. Gayunpaman, pilit pa rin niyang ikinukubli rito ang nararamdaman at maging kalmado. "I had a girlfriend before. She had a wonderful voice like you and you have resemblance. Akala ko noon ay siya na ang itinakda ng lumikha para sa akin. She died from an immortal disease. Na-drain lahat ng inra niya dahil sinagip niya ang aso kong si Skits na nasagasaan. Hindi lahat ng mga imortal ay kayang gawin ang lahat para sa mga taong minamahal nila. Pero ang lumikha na ang nagdesisyon sa bagay na iyon kaya tinanggap ko na rin sa huli. Nakatakda na sa kapalaran niya na mangyari ang aksidenteng iyon. Ngunit hindi rin pala madali kaya hanggang ngayon ay hindi ko muna hinarap ang musika na mas lalong nagpapaalala sa akin sa kanya." Nag-uumpisang magkwento ang binata sa kanya na siya namang ipinagtataka niya. Nakikinita niya sa mga mata nito ang bahagyang kalungkutan. Isa itong imortal subalit may matindi ring pinagdadaanan tulad ng mga normal na tao. Mas lalong naramdaman niya ang guilt sa sarili. "I'm sorry. Dapat pala hindi ko na naitanong pa." "It's okay, Sam. Tapusin mo na ang pagkain mo at ihahatid na kita sa tinutuluyan niyo," pormal na nitong sambit sa kanya. "Sige." Ramdam niya ang kalungkutan sa boses nito kaya naman sinisisi niya ang sarili mula nang umpisa pa lang at kung bakit pa siya naging mapilit sa kagustuhang malaman ang tungkol sa personal na buhay ng binata. Inubos na lang niya ang pagkain at nagpahatid na rito pagkatapos. Sumakay sila sa isang Club Car na mismong si Apollo na ang nagmamaneho nito. Tahimik lang ang binata habang nagmamaneho at siya naman ay itinuon na lamang ang atensiyon sa mga nadaaanan mga magagandang tanawin sa paligid. Binasag nito ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. "Do you have a boyfriend?" "Hmm," sinulyapan niya ang katabi. "O-oo," sabay napalunok siya. Nakatuon pa rin ang mga tingin nito sa daan. "Where is he?" "Nasa Pilipinas. Businessman ang boyfriend ko at...kumakanta rin siya tulad mo." "Alam ba niyang nandito ka at ang tungkol sa katana?" Napahinto ito sa pagmamaneho at noon lang siya tinapunan ng tingin ng binata. Isang tingin na naging dahilan kung bakit ito naging seryosong muli. Ang mga mata nitong laging nagpapaanyaya sa kanya upang doon lang siya maging abala. Umiling siya. "Hindi niya alam ang tungkol doon pero alam niyang nandito ako sa London." "So, hindi mo pa nga sinasabi ang sitwasyon mo. What if..what if your destiny is here? What if——" "What if I am destined to an immortal like you? H-hindi malayong mangyari iyon dahil sa propesiya tulad ng nangyari kina Mitch at Hephaestus. Ang katana ang magdadala sa akin sa tunay ko nitong pabibigyan at iaalay ang aking buhay. Sa totoo lang, marami akong iniisip tungkol sa bagay na iyon. At wala pa akong tamang kasagutan dahil masyado pa akong naguguluhan." "I see," tipid nitong tugon. Napansin niyang naroon na sila sa tinutuluyan nila kaya nagkukumahog na rin siyang bumaba sa Club Car. "Nandito na pala tayo! Thank you, Apollo." Ngumiti lang ito bilang ganti. Tumalikod na siya at hindi na hinintay pa ang kung ano pang itutugon ng binata. Narinig na lang niya ang muling pag-andar ng Club Car. Hindi na lang niya ito nilingon hanggang sa gate ng tinutuluyan nila. Pagkasara niya ng pinto ay marahan siyang nagpakawala ng buntong-hininga at napasandal. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kung anong bitak sa puso niya ang tila naging kulang. Naiisip niya si Apollo lalo na sa mga sinabi nito sakaling itinakda siya isa sa mga White Gods o itinakda rito. Paano ang katipan niyang naghihintay sa pagbabalik niya? Paano na nga ba? Napapailing na lamang siya habang tuluyan ng makapasok sa loob ng Root Valley mansion. Kinabukasan, abala ang lahat sa paghahanda sa araw ng kasal nina Mitch at Hephaestus. Ito ang araw na maka-isang dibdib ng kaibigan niya ang lalaking itinakda para rito sa pangalawang pagkakataon. Tanging mga imbitado lang na imortal ang mga naroon kabilang na ang mga kamag-anak at ilang matataas sa lipunan ng White Society. Naroon din ang mga magulang at iilang kamag-anak ng kaibigan. "Nakita niyo iyon? Ang mga magulang nila na halos kasing-edad lang natin. Hindi sila tumatanda!" "Imortal sila kaya natural lang iyon! Ano pa bang aasahan natin?" "Oo nga naman!" Iyon ang narinig niyang bulong-bulungan ng mga kaibigan niya. Tahimik lang siyang nagmamasid sa buong paligid habang isa-isang pinagmamasdan ang mga bisita. Nasanay na sila sa ganoong set up na maging alerto at kabisaduhin ang bawat naroon at swerte na ring masasabi dahil naging kahabagi sila sa magaganap na okasyon na iyon. It's like a fairytale wedding as the bride and groom requested. Kakaiba sa nakikita niyang fairytale movies. Maraming magaganda at magarang palamuti sa paligid. Ang mga puting bulaklak sa paligid ay namumukadkad na tila buhay na buhay. Sumasabay ang magandang hatid ng pagsikat ng haring araw sa buong lugar. And the wedding ceremony has started. Mula sa paglalakad nila sa red carpet ay hindi niya maiwasang hagilapin ang mga matang iyon. Ayaw naman niyang mag-isip dahil mababasa lang iyon ng mga imortal na naroon. Hindi niya alam kung bakit niya hinahanap ang presensiya nito. Yes. No doubts. Those glimpse of his eyes staring at her while she walks through the aisle. Her heart beats so fast as everything turns equally magical. Ang kabang iyon na pilit niyang kinokontrol sa kaibuturan ng kanyang puso. Shit! Pahamak talaga! Sinikap niyang huwag intindihin ang nararamdaman ngunit masyadong mapagbiro ang tadhana. Mula umpisa ng ceremony ay hindi na inihiwalay ng binata ang paningin nito sa kanya kaya ilang beses rin silang nagkakahulihan ng tingin nito. Paano siya makakaiwas sa anino nito gayong hinahanap naman ng sistema niya ang presensiya ng binata? Matapos ang wedding ceremony ay dumiretso na ang lahat sa reception. Masaya ang lahat ng mga kaibigan niya at sa wakas ay ikinasal na rin si Michelle sa lalaking itinadhana para rito. Nababanaag niya sa mga mata ng mga ito ang lubusang pagmamahalan sa isa't isa. "Are you okay, Sam?" pasimpleng tanong sa kanya ng binata at nasa harapan na sila upang kantahin ang song number niya habang ito ang magpa-piano. "Yeah. I'm okay," pilit ang ngiti niya rito. Kabado siya pero hindi dahilan ng kaba niya ang pagkanta sa maraming tao kundi ang lalaking nasa tabi niya. Imortal ito na nakakaramdam ng damdamin niya ngayon. "Okay. I'll start," umupo ito at nagsimula ng mag-piano. Pinayapa niya ang sarili. Bahagya siyang humugot ng malalim na hininga. Gusto niyang maging perpekto ang kakantahin niya sa harap ng marami at para na rin sa kaibigan niya. And everything was perfect on her angelic voice when she's started to sing. They are all silent while listening the music of soft melody. Tila nahaplos ng magandang boses niya ang mga puso ng mga naroon. Kaya hindi maiwasan ng binata na mapatitig sa kanya habang nagpa-piano at kinakanta niya ang nakakaantig damdamin ng musika. Ilang sandali pa ang lumipas ay natapos rin ang espesyal na handog niya para sa dalawang taong puno ng pagmamahalan sa isa't isa. Nagsitayuan rin ang lahat at pumalakpak. Humahanga ang mga naroon sa ganda ng boses niya na kahit isa lang siyang hamak na mortal ay biniyayaan rin siya ng langit. "Congrats, Sam! They are all amaze with your voice," naunang bumati si Apollo sa kanya. "Huh? H-hindi naman. Thanks. Magaling kasi ang pianista ko." "You're welcome. C'mon. Let's have a sit," niyaya siya nito sa direksiyon kung saan ang mga kaibigan. Inilahad din ng binata ang palad nito upang alalayan siya. "Thanks." Tinanggap na lang niya iyon subalit naroon na naman ang isa sa mga kakaibang damdamin sa tuwing may ganoon gesture ang binata sa kanya. May kung ano ring sparks siyang naramdaman sa pagkakalapat ng kanilang mga palad. Napalunok siya. Ang mga kakaibang damdamin na naranasan niya mula kay Apollo ay hindi niya naranasan sa naging nobyo niya ngayon. Aminado siya sa bagay na iyon. Ayaw man niyang ikumpara ito ngunit iyon ang katotohahan. Tulad ng mga tradisyon na sinusunod ng mga imortal ay nagpasabog ito ng mga talulot ng cherry blossoms tanda na may isang Diyos ang ipinagdiriwang ang araw na ikinasal ito sa isang mortal. Napag-alaman niya ang bagay na iyon sa iba pang may kaunti na ring nalalaman tungkol sa mga tradisyon ng mga hindi nila kauri. Matapos silang makipaghalubilo at kumuha ng iilang litrato sa bagong kasal na kaibigan nagkanya-kanya na sila ng puwesto. Ang mga kaibigan naman niya ay halos bantay-sarado rin ng mga binatang imortal ayon na rin sa naging kasunduan na mapanatili silang ligtas. Bagamat alam ng bawat isa sa kanila na hindi pa sila masyadong sanay kaya't may iilan sa kaniyang mga kaibigan na aloof pa rin sa mga ito. Ilan sa mga ito ay naroon lang sa isang bilugang mesa at nagkukuwentuhan. Bahagyang kumirot ang kanyang sentido sa hindi niya malamang dahilan o marahil ay ilang gabi na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos. Naglakad siya palabas ng reception hall sa mismong Valley Garden kung saan ginanap ang kasal ng kaibigan nang mahagip ng paningin niya sina Hercules at Khorie na tila may hindi pagkakaunawaan. Nag-aaway ba sila? Akma na sana niyang lalapitan ang dalawa nang biglang humarang sa kanyang harapan ang binatang kanina lang ay laman ng kaniyang isipan. Huh?! "Hey!'' "Apollo," nagulat siya sa tinuran ng binata. Bahagya pang nahawi ang ilang hibla ng buhok niya dahil sa ginawa na naman nitong nasa flash mode. "Let's go!" "H-huh? S-saan," sabay silip niya sa kaibigang nagtatalo nga sa hindi niya malamang dahilan. Ayaw naman sana niyang makialam subalit hindi rin maganda na magtatalo pa sila sa mismong araw ng kasal ng kaibigan nila. "Hayaan mo na ang dalawa." "P-pero..." "Let's give them space. Hercules doesn't want anyone to meddle on their dispute.'' Muli niyang sinulyapan ang kaibigan ngunit nailayo na ito ng asawa kaya maaaring tama rin ang sinasabi ni Apollo sa kanya. Away mag-asawa iyon kaya hindi na siya dapat manghimasok pa. Hinayaan na lamang niyang tanging ang dalawa na lang ang dapat magresolba ng buhay nila bilang mag-asawa. In fact, she doesn't know about the real relationship between the two. They are might be a couple in romance or something that her friend Khorie deal with it. Nabanggit man ito ng kaibigan noon ang tungkol sa tunay na relasyon sa asawa nito ngunit hindi siya kumbinsido. Isa na namang dimensiyonal garden ang pinuntahan ng dalawa. Tulad ng Garden Valley, napakalawak nito at napakaganda. Maraming mga bulaklak sa paligid, mga paru-paro at mga puno. Tantiya niyang isa iyong fantasy garden dahil taliwas ang kagandahan nito sa normal na hardin. Nakikita niya ang kumikinang na mga bagay mula sa halaman hanggang sa mga puno at damuhan. Muli na naman siyang namangha at pigil ang hininga sa bawat nasusulyapan ng kanyang mga mata. "N-nasaan tayo, Apollo? Nasa...mundo pa ba tayo ng mga tao?" paninigurado niya. "Dimensional Garden. Isa ito sa mga pintuan na karugtong ng Root Valley. Madalas ang mga imortal God na katulad ko ay dito pumupunta kapag gusto ng payapa at kapag may gustong pag-usapan na mahalaga. O kaya naman ay gustong mapag-isa." "Ang ganda. Mas maganda pa sa nakikita ko sa mga fantasy movies. Marami pa talaga kaming hindi alam sa mundo niyo." Marahan silang naglalakad ng binata at pinagmamasdan ang kapaligiran. Iniangat naman niya ng bahagya ang laylayan ng suot niyang gown upang malaya siyang makapaglakad at makasabay rito. Nagmistula silang ikakasal sa gitna niyon dahil suot rin nito ay isang tuxedo at siya naman ay suot ang bridesmaid gown. Lihim siyang napangiti. Nawala na rin ang sakit ng ulo niya. "And what's that smile for?" Hindi niya namalayang napansin pala ng binata ang lihim niyang pagkakangiti sa sarili. "Huh? W-wala," tanggi niya sabay umiling. Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ni Apollo sa kanya. Maya-maya pa ay may kung anong narinig silang boses ng lalaki at babaeng tila nagtatalo. "A-ano iyon?" "Ssssh," anang binata. Nilagay pa ang daliri nito sa kanyang labi. Hinawakan din nito pagkatapos ang kanyang braso at naglakad sila palapit sa isang Garden Wall na napapalibutan ng puro Vines na halaman. Nahulaan niya kung anong gustong mangyari ng binata. Magtatago sila upang hindi maramdaman ng mga iyon na naroon sila sa paligid. "Lahat na lang ba ng ginagawa ko sa paningin mo ay mali? Anong masama sa pag-inom?" Naulinigan niya ang boses ng kaibigan na si Khorie. "Teka, kilala ko ang boses na iyon ah," sumilip siya sa maliit na siwang ng pader. "Sina Khorie nga at Hercules!" "Hmm. Mukhang LQ," sambit ng binatang katabi niya habang sumisilip din. Pinapakinggan nila ang diskusyunan ng dalawa na nagtatalo nga sa bagay na nangyari kanina sa reception. Nang mga sandaling iyon ay nagkalakas ng loob si Sam na tanungin si Apollo kung may alam ba ito sa totoong relasyon ng kaibigan niya sa kabaro nito. "Apollo." "Hmm?" sumulyap ito sa kanya. "May alam ka ba tungkol sa kanila?" "Why? Your friend did'nt told you about their relationship?" "Ang alam ko lang kasal sila sa isang kapirasong papel lang at isang kasunduan ang namamagitan sa kanilang dalawa. Nagkuwento naman si Khorie tungkol sa bagay na iyon. Minsan kasi ay may pagkamatigas din ang isang iyan." "Hayaan na lang natin na sila mismo ang umamin sa tunay nilang nararamdaman." "Huh? In-love sila sa isa't-isa?" bahagya siyang nagulat sa nasambit ng binata. Mukha bang in-love ang mga ito sa isa't isa eh kulang na nga lang magpatayan itong dalawa. Naririnig pa nila ang nagtataasang boses ng dalawa na para bang ayaw magpaawat. Ayaw magpatalo hanggang ang isa sa kanila ay sumuko rin ngunit tila naramdaman rin ni Hercules ang presensya ng Inra sa paligid kaya't napasigaw ito sa direksiyon nila. "Who's there?!" Naalarma sila. Mukhang mabubuko pa sila sa hindi nila sinasadyang marinig ang pagtatalo ng dalawa. Napasulyap siya kay Apollo upang tanungin kong ano ang gagawin nila gamit ang mga salita sa isipan niya. Apollo? Naririnig mo ba ako? A-anong gagawin natin? Baka sabihing nakikitsismis tayo sa kanila! Namilog pa ang mga mata niya rito. Muling napangiti si Apollo. I hear you, Sam. Mag-ala boses kuliglig ka o kung anong kulisap. Hindi nila tayo mahuhuli. Sigurado ka? Hindi tayo aalis? Hindi siya makapaniwalang iyon ang suhestiyon ng binata sa kanya. Kapag gumamit ako ng vanishing spell, malalaman ni Hercules ang Inra ko. Isa si Hercules na malalakas sa lahi namin. At tulad ng nabanggit ko kanina ay ayaw nitong panghimasukan ang personal nilang buhay mag-asawa. Though, gusto niyang maging proud siya na ipakilala bilang asawa ng kaibigan mo. Lamang ay ayaw ng kaibigan mo dabil kumplikado ang lahat since kilala si Khorie na nobya ng isang business tycoon na si LJ Atkinson. At nasa batas namin iyon na huwag manghimasok sa personal na buhay ng ninumang may matataas na antas sa lipunan naming mga..alam mo na. Mga kakaibang uri. Do what I said, Sam! Bago pa nila tayo mahuli. Sigurado ka talaga, Apollo? Kapag tayo ay nabisto, lagot ka sa akin! Pangiti-ngiti ka pa! Pinandilatan na niya ang binata. Napangiti ito lalo sa kanya. "Get out from the hidden walls or else I'll turn you into ashes!" Muli nilang narinig ang banta ni Hercules. Kailangan niyang umakto ayon sa utos ni Apollo sa kanya dahil oras na mahuli sila ay maaari pa nilang ikapahamak. Kasalanan mo ito, Apollo! Bahala na! "Meow meow meow," marahang sambit niya ngunit paulit-ulit. "Meow meow meow," Sana effective! Napansin niyang pigil ang tawa ni Apollo sa ginawa niya. Aba't! Pinagtatawanan mo pa ako! Ikaw naman! Siniko pa niya ito. "Meee meeee meeee!" Napatutop siya sa bibig gamit ang dalawang kamay niya. Gusto niyang bumunghalit ng tawa dahil kuhang-kuha ng binata ang boses kambing na ginaya nito. Sa gitna ng napakagandang hardin ay may naligaw naisang pusa at kambing. Matatanggap pa niya ang pusa pero kambing hindi niya lubos maisip. Maya-maya pa ay naramdaman nilang kumilos na ang mga ito palayo. Sumilip na rin silang dalawa at nakita nilang wala na nga ang mga ito. Noon lang nagpakawala ng malakas na tawa ang dalawa. Mangingiyak siya sa kakatawa sa ginawa nilang kalokohan ni Apollo. Nakakita siya ng lubos na kasiyahan sa piling ng binata at kahit ito ay ganoon din sa kanya. Ilang sandali pa ay nilisan na nila ang lugar at bumalik na ng reception.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD