Pasado alas otso ng umaga nang mag-almusal sila sa tinutuluyan nilang mansiyon sa Root Valley. Nakahain na ang kanilang mga pagkain at kanya-kanyang upo na ang mga kaibigan niya kasama siya. Mabuti na lamang at mababait ang mga staff roon na ayon sa sorceress na si Andromeda ay nasa mababang uri ng mga nilalang tulad nila. Hindi naman sila pinapabayaan pagdating sa pagkain at iba pang mga needs nila na personal.
"Sa susunod na araw na ang kasal nina Mitch. Mamaya naman ay ihahatid na iyong mga damit natin para sukatin at kung may adjustment," wika ni Po sa lahat habang kumakain na ito sa hapag.
"Wala naman sigurong problema iyon dahil tingin ko perfect naman ang mga sukat nila sa atin. You know already, they are immortals. At madali na nilang maayos kung sakaling may problema," saad ni Anna.
"Ilibs ka na Anna sa mga kakayahan nila ah. Kung ako matutong mag-magic ay lodi mo na rin ako," nakangiting sambit ni Jingky.
"Tigil-tigilan mo ako. Lahat tayo ay matututo niyan," sagot ni Anna.
"Ikaw Sam, may practice kayo ni Apollo mamayang hapon hindi ba? Perfect niyo na agad para relax na tayo bukas," sita ni Jona sa kanya.
"Yes, ma'am. Actually, magaling ang piyanista ko kaya for sure perfect iyan," aniya. Mukhang ine-expect ng lahat ang pagkanta niya sa kasal nina Mitch.
Madami namang magaling kumanta sa amin dito. Ako pa talaga. Pero okay lang at least exposure.
"Aba, aba! Kumakain pa lang kayo ngayon? Ang mga boses niyo hanggang labasan ng Root Valley," sita ni Jho na kakarating lang sa hapag.
Bahagya nga silang maiingay dahil wala namang ibang mga naroroon kundi sila lang. Mangilan-ngilan lang naman ang katiwala sa mansiyon at si Andromeda naman ay hindi nila madalas nakakasama roon.
"Ikaw pala iyan. Halika rito Jho at sumabay ka na sa amin," yaya ni Khale.
"Thank you pero kumain na ako. Dumaan lang ako at baka may gustong sumama sa inyo sa Valley Ranch. For sure hindi niyo pa napuntahan iyon," nagbabasakali si Jho na may sumama.
"Valley Ranch ng ano?" tanong ni Jingky.
"Kabayo. Bibisitahin ko lang iyong kabayo ko," tugon ni Jho.
"Ah, iyong bigay ni Zeus? Ikaw Jho ha. May hindi ka talaga sinasabi sa amin. Kayo ba ni papa Zeus?" tukso ni Jingky sa kanya.
"Baliw. Nalipasan ka na naman siguro ng agahan," pilit ang ngiti ni Jho.
"Kumakain na nga ako."
Napapailing siya ngunit gusto rin niyang malaman mula rito ang katotohanan tungkol sa dalawa. Iba ang mga ikinikilos ng mga ito na tila ba may kaugnayan ang kaibigan sa binatang si Zeus.
"Sabihin ko na tutal laman iyan ng mga isipan niyo. Nakatira ako sa bahay ni Zeus pansamantala simula noong nagkandalitsi-litsi ang takbo ng buhay namin dito. Mga isang buwan na siguro ang nakalipas. Wala eh. Napilitan na ako since libre naman. Ang mahal ng hotel accommodation at kung dito naman ako sa Root Valley ay mag-isa lang ako," napilitan na rin magsabi si Jho.
Lahat ng mga kaibigan niya ay napatingin kay Jho. Hindi nila inakalang ito na mismo ang magkukuwento sa kanila gayong isa ito sa masyadong malihim tungkol sa personal nitong buhay.
"Wow," hindi makapaniwala si Lea. "Nakatira ka sa bahay niya ngayon? Ang swerte mo. Si Zeus na isa sa mga kabaro ni Hephaestus na sinalo lahat ang biyaya ng langit," napatigil pa ang bibig nito na may kagat na kutsara.
"Yes. Suwerte na kung suwerte pero para sa akin ay malas na iyon. Alam kong maraming nagtataka sa inyo kung bakit kami close. Oh, kung iyon ba ang tamang tawag doon. Zeus was my ex-boyfriend. Mahabang kuwento kung paano basta nag-end up ang relationship namin sa hindi akmang panahon lalo na sinabayan pa ng tadhana natin. We are trying to fix our relationship but as of now, I want to stay as where we are right now," pagsasalaysay nito.
"Kaya pala ganoong na lang ang closeness niyong dalawa lalo na kapag nagbabangayan kayo," hindi rin makapaniwala si Anna.
"Sad naman. Bakit kayo naghiwalay? At alam mo na ba noon na hindi natin siya kauri? Ilang months or year lang naging kayo?" sunod-sunod na tanong ni Khale.
Hinila ni Jho ang isang bakanteng upuan at doon sinimulan ang kwento nito. Habang nakikinig siya at ang iba pa ay nalulungkot din siya para sa kaibigan. Alam niyang si Jho ang tipong matapang na babae ngunit naging sawi rin pala sa usaping pampuso. Kahit napapangiti ito sa harap nila ay may tinatago rin pala itong kalungkutan.
Lahat naman tayo ay may kalungkutan. Iba-iba nga lang.
Matapos malaman nila ang kuwento nito ay nagpasya na itong umalis ngunit pinigilan niya dahil gusto niyang sumama rito. Hindi rin makasama si Khorie na laging kadikit nito dahil may inaalagaang aso. Pagkalabas naman nila ay humabol naman si Jingky na gusto rin makita ang Valley Ranch.
Lulan ng isang puting shuttle na maramihan ang sakay ay sumakay silang tatlo roon kasabay ng iilang britong lalaki na sa tingin nila ay mga empleyado roon. Dumadaan lamang ang mga shuttle sa tapat ng Root Valley at may bente kwatrong oras na serbisyo ito sa lahat.
Aabutin ng labinlimang minuto ang byahe patungong Valley Ranch dahil sa napakalawak ng Green Valley. Dumaan pa ang sinasakyan nila sa maraming mga bulaklak na tanim at sa ibang greenfields. Nasa gawing kanluran ang Valley Ranch mula Center Valley kaya kaya na-eenjoy naman nila habang nasa biyahe. Tinatayang halos isang buong siyudad ang naturang lugar kung sa lawak ang pag-uusapan. Hindi pa kasama roon ang ekta-ektaryang lupain ng mga gulay, prutas at mga puno.
"Here we are at Valley Ranch," wika ng briton na driver.
Kanya-kanya namang silang nagsibabaan kasama ng mga iba pang sakay roon. Bumungad din sa kanila ang malaking karatula ng pangalan nito. Pagpasok nila sa loob ay masisilayan na agad ang mga iba't ibang mga uri ng kabayo at ang malinis nitong kapaligiran. Hindi niya alam kung bakit hindi sila pinagbabawalang makarating doon gayong tila bawal ang mga bisita tulad nila.
"Alam na ni Zeus na darating tayo kaya hindi makasita ang mga tao rito," saad ni Jho.
Mukhang nabasa nito ang laman ng isipan niya. "Oh, I see."
"Akala ko nga ginamitan ng mahika," biro ni Jingky sabay ngumiti.
Heto na naman ang kaibigan ko at mag-uumpisa na naman.
Lihim siyang napangiti sa kaibigan.
Nakarating sila sa may kuwadra at tinawag ni Jho ang isang lalaking sa tingin niya ay pinoy ito. Agad din naman itong tumakbo papalapit sa kanila.
"Magandang umaga mga hija. Sakto lang ang dating niyo at kakaligo lang ni sir Marion si Bolt. Halina kayo sa likuran," sabay turo ni Mang Simon sa daan.
"Mang Simon, andiyan si Marion? Akala ko may gagawin siya kaya hindi siya makasama," tanong ng kaibigan niya.
"Tinawagan niya ako kanina na paliguan si Bolt kaso bigla naman siyang sumulpot."
"Talaga nga naman," napapailing na sambit ni Jho.
"Baka naman gusto ni Zeus na makita mong malinis ang kabayo mo. At saka, hindi pala binabanggit ang ancient name niya rito?"
"Tayo lang at mga kamag-anak nila ang nakakaalam sa pangalan nilang iyon."
Ah, kaya pala.
Iyon ang narinig niya sa usapan ng dalawa niyang kaibigan. Nakarating sila sa likuran at bumungad sa kanila ang hubad-baro na lalaking si Zeus. Nakapantalon lang ito na nakatupi ang dulo ng maong na suot. Tumambad din sa kanila ang pagiging hot ng binata. Nakakita na siya ng mga hubad na lalaki ngunit ang nasa harapan nila ay ibang-iba sa mga iyon. He has a perfect masculine body figure and has a kind of attraction that could any women feel obsessed.
Gosh! Tama nga si Lea na sinalo na lahat ng biyaya ng langit.
"Akala ko ba busy ka?" sarkastikong wika ni Jho nang naroon na sila.
Iniabot ng isang lalaki ang tuwalya nito nito at nagpahid ng basang katawan si Zeus bago ito bumaling sa kanila. Pinapatuyo na lang ang isang pony na kakatapos lang paliguan.
"He's dirty," Zeus said.
Napaismid si Jho. "Nandiyan naman ang mga tauhan mo."
"She's yours. Alangan namang hindi ko rin alagaan. Baka makarinig pa ako ng kung anu-ano sa'yo," ni hindi man lang ito ngumingiti sa kanila.
Sana'y naman silang seryoso lagi ang binata at hindi pa niya nakitang ngumiti ito. Noon lang din niya napansing hindi rin ito maselan sa gawaing rancho.
"Hindi kasi nakaka-appreciate si Jho, Zeus. Alam mo na naman iyan. Dapat pasalamat nga siya pinaliguan mo si Turnilyo," tila gumagatong pa si Jingky.
"Anong turnilyo?" tanong niya sabay napatingin sila sa kaibigan. Ano na namang klaseng sapi ang mayroon itong kaibigan ko?
"Kayo naman. Tinagalog ko lang iyong Bolt."
"Ay naku," sabay nasapo niya ang noo.
"Ay, Jingky. Tumigil ka nga," sita rin ni Jho ngunit napangiti naman sa huli. "Ginawa mo namang isang bagay ang kabayo ko."
"Peace," sabay nag-sign peace ito sa kamay.
"Look who's here."
Napalingon silang lahat sa nagsalitang iyon sa likuran nila. Nakita nila ang dalawang binatang sakay ng mga kabayo nito. Ang isa ay ang doktor na si Hermes at ang isa naman ay ang binatang laman ng isipan niya noong isang gabi. Sa pagkakataong iyon ay nagtama pa ang kanilang paningin ngunit hindi siya makaiwas. Bumaba ang mga ito roon at hinarap sila.
"Nandito ba kayo para mangabayo?" tanong ni Hermes. Isa sa mga kabaro nilang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi at lalo lang lumitaw ang dalawang biloy nito sa pisngi.
"Tiningnan lang namin si Bolt," tugon ni Jho.
"Eh, kung gusto naming mangabayo ay may dapat ipapahiram kayong kabayo sa amin," humirit ang kaibigan niyang si Jimgky.
"Yeah, sure. Mabibilis ang mga kabayo namin dito lalo na kapag babae ang sakay," pilyong ngiti ni Hermes sa kanila.
"Make sure na marunong kayo kung hindi ay ipapahulog ko kayo sa kabayo," banta ni Zeus sabay may inutusan ito na ilabas ang tatlong kabayo sa kuwadra. Nakapagsuot na rin ito ng t-shirt.
Humarap si Jingky sa kanila. "Game ba kayo?"
"Game na game," tugon ni Jho.
"Seryoso kayong dalawa?"
"You don't know how to ride a horse?"
Napalingon siya kay Apollo na hindi man lang tinatanggal ang tingin nito sa kanya. "A-alam ko. Hindi naman siguro imortal ang mga kabayo niyo rito," pag-aalangan niya.
"Sort of," bahagya lang itong ngumiti sa kanya.
Inilabas ng tatlong lalaki ang tatlong kabayong kulay chestnut. Makikita sa mga kabayo ang matitikas nitong tindig at magandang pangangatawan dahil alagang-alaga. Hindi naman bago sa kanya at sa mga kaibigan niya ang sumakay dahil parte ng pagiging spy nila ang matuto sa anumang larangan ng sports. Kasama iyon sa training nila.
"Girls, meet our babies. This is Chucky, Jigsaw and Pluto," pagpapakilala ni Hermes. "Pumili na kayo."
"Teka, pangalan ng mga sikat na villain killers iyon ah. Mukhang mapapasubo kami sa mga kabayo niyo," aniya.
"Killer nga ang mga kabayong ito. Pero exciting," nagpatiuna na si Jingky kasunod si Jho.
"Sam, halika na. Minsan lang ang may libreng sakay," yaya ni Jho sa kanya.
Sumunod naman siya sa mga ito at pinili ang huling kabayong si Pluto. Bago pa man siya sumampa ay hinimas-himas muna niya ang noo ng kabayo. Isa iyon sa paraan niya upang maging mabuti ang pakikisama ng kabayo sa kanya. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan niya sa mga kabayo nito. Hindi na sila nagpatulong sa mga ito at kanya-kanyang hawak na lang ng mga renda.
Pinatakbo nila ang mga kabayo ayon sa tamang bilis lang habang ang tatlong binata ay nakasunod lamang sa kanila. Isang malawak na parang ang tinakbuhan ng mga kabayo nila habang nakikita ang kagandahang ng berdeng paligid.
"Parang gusto kong bilisan," wika ni Jho sa kanila.
"Ako rin," tugon ni Jingky.
Ano?
Napalingon siya dalawa.
"Hiya!"
Sabay pa ang dalawa saka pinabilis ang takbo ng kanilang mga kabayo.
Ano ito karera?
Naririnig niya ang mga yabag ng kabayong paparating sa likuran niya saka lumagpas ito. Kitang-kita rin niya ang pag-uunahan ng dalawang binatang sina Zeus at Hermes na sinundan ang mga kaibigan.
Aba, di man lang ako na-inform na pabilisan pala ito. Bahala kayo diyan. Dito lang ako habang nag-eenjoy sa magandang tanawin.
Malawak ang ngiti niya nang saktong napalingon siya sa kaliwang bahagi ngunit ang mukha ng binatang si Apollo ang nasilayan niya. Naroon na pala ito sa tabi niya na napakunot din ang noo sa kanya.
"What's that smile for?"
Agad na napawi ang ngiti niya rito. "Huh? W-wala! Ahm, masaya lang kasi napakaganda ng paligid. Medyo nakaharang ka nga ng kunti," pagdadahilan niya. Ano ka ba naman Sam?
Tiningnan lang siya nito nang malalim saka minaniobra ang kabayo. "Hiya!"
Sinundan lang niya ang tingin ng binatang mabilis na nakalayo sa kanya. "Galit ba siya?"
Hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa at sumunod sa mga kasamahang mabibilis ang takbo. Mabuti na lang at mabilis din tumakbo si Pluto hanggang sa nakarating siya sa bahagi ng burol kung saan naroon na ang mga kasamang naghihintay. Nakasakay pa rin ang mga ito sa kani-kanilang mga kabayo.
"Ang bagal mo," anang kaibigan niyang si Jingky nang makarating siya sa gawi ng mga ito.
"Wala namang karera," sabay napatingin siya sa iba habang seryoso ang mga tingin sa malayo.
Sinundan niya ang kanina pa umaagaw sa atensiyon ng mga ito dahil ilang segundo rin ang kanilang pananahimik at nang masilayan niya ang napakagandang view ay tila hindi rin siya makapagsalita. Isang malawak na karagatan ang natatanaw niya na kakulay ng bughaw na kalangitan at kumikinang ang crystal nitong tubig dahilan ng pagtama ng haring araw.
God! This is how nature looks like.
Hindi niya napigilang humanga sa biyaya ng kalikasan.
Ilang minuto pa ay kumilos na ang iba pa upang lisanin ang lugar hanggang sa naramdaman na lang niyang siya at ang binata na lang ang naiwan. Ninanamnam muna niya ang senaryo at ang preskong hangin sa paligid.
"Amaze," untag ng binata sa kanyang pananahimik.
Tumango lang siya ngunit hindi ito nilingon.
"We spend our time here at least once a week," pagkukuwento ng binata. "Masarap sa pakiramdam ang ganitong senaryo sa araw-araw."
"Ang swerte niyo. Blessings ito mula sa kalikasan at sana ay araw-araw ko itong masisilayan."
"Even at my house, I saw the glimpse of the ocean every morning."
Noon lang niya ito nilingon. "Talaga?"
"Yeah," saka ito sumulyap sa kanya.
"Kung ako ang may bahay malapit sa karagatan ay sa balcony na ako matutulog," gusto niyang idaan sa biro ang lahat dahil sa hindi na niya makayanan ang titig ng binata.
Apollo is a handsome man. His massive look steel-grey eyes, his long thick eyelashes, his kissable lips, his brush up hair and masculine figure makes him more attractive. Wala na siyang mailarawan pa rito dahil nasa binata na ang lahat ng pisikal na kaanyuan ng isang lalaki. Simple lang suot nito ngunit hindi naman iyon kabawasan sa imahe nitong taglay.
"Let's go," sabay inikot na nito ang kabayo pabalik. "Don't forget our singing practice later."
"Okay," nagbawi agad siya ng tingin dito.
"Mabuti ang nakabisa mo na agad si Pluto ko."
Minaniobra rin niya ang kabayo pabalik tulad bg binata. "Kabayo mo si Pluto?"
"Yeah. He's one of my favorite aside from Venus."
"Venus?"
"My horse name," sabay himas nito sa kabayong sakay.
"Oh, I see. Hindi naman siguro villain killer ang kabayo mo."
"Hindi. Kaso ayaw nito sa mga babae kahit babae rin siya. Masungit siya."
"Oh," marahan niyang inilapit si Pluto kay Venus. "Masubukan nga," hinimas niya ito nang makalapit ang kabayo niya sa alaga nito. "Sa akin ka lang mabait ha," aniya habang patuloy lang siya sa ginagawang panghimas dito.
Ilang segundo lang ay inilapit ng kabayong si Venus ang mukha nito sa kamay ni Sam na tila umaamo. Natutuwa naman ang dalaga dahil hindi siya nito sinungitan tulad ng inaakala niya. Mahilig din siya sa mga hayop at mahal niya ang kalikasan. Ilang beses na siyang sumama sa mga youth activities noong nasa field pa siya. Ilang sandali pa ay nilisan na nila ang lugar at muling bumalik ng rancho.
Alas kuwatro ng hapon nang magsimula silang muli ng binata sa pag-eensayo. Tulad ng dati ay nasa loob ng Music Club sila at gamit na nila ang isa pang studio room doon habang nagpa-piano ang binata. Hindi naman sila nabigo sa kanilang pag-eensayo dahil nagawa nila itong maging maayos. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya kabado.
"Nice," bati ng binata sa kanya matapos ang pangatlong ulit nilang pag-eensayo. "I'm sure, magugustuhan ng mga bisita ang performance mo."
"Magaling kang magturo," tugon niya saka siya umupo sa bakanteng silya malapit sa piano. "Alam mo, sayang iyong talent mo. Pwede mong ituro sa iba ang nalalaman mo."
"I'm the Director of Music Industries in G&A International. We sell musical instrument, build our own music studios and we have band and solo group talents. We also support those people who love music but can't afford to build their own because of poverty. Narinig mo na siguro iyong 'Heart of Music Icons'. Kami ang mga nasa likod ng pagsikat ng iilang Music Icon sa buong mundo."
"Wow," muli siyang napahanga rito. "Ikaw ang nasa likod ng mga pag-unlad ng mga mahihirap na singer and songwriter. Narinig ko nga iyan. Hindi nga lang pinapasabi sa publiko ang founder niyan. Ang alam ko lang ay may managing director ito na taga-Holywood."
"I don't want to spread my name to become a popular to everyone. Masaya na akong nakatulong. Deserve din iyan ng mga tao at ako bilang isang Diyos ng sining ay tinutupad ko lang ang kanilang mga pangarap."
"At least, ginagampanan mo ang pagiging Diyos mo sa aming lahat."
"Yeah. At lahat ng mga may kakayahang umawit ay naririnig ko lalo na sa mga taong desidido sa buhay. Iyong iba naman na nahihiya sa talento nila ay gumagawa ako ng paraan. May mga nilalang akong ipinapadala upang huwag silang sumuko."
"Pero ikaw mismo ang sumuko sa paggamit ng mga instrument."
Napasulyap siya rito at siya rin nagtama ang kanilang paningin. Seryoso ang binatang nakatitig sa kanya wari'y pinagmamasdan siyang maigi. Alam niyang natigilan ito nang banggitin niya ang tungkol sa paghawak nito ng instrumento gayong tumutulong naman ito sa mga mortal upang magbigay ng payo o landas sa tamang tatahakin. Bahagyang nagsisi siya kung bakit pa niya ito nabanggit.
Nanahimik na sana ako. Bakit ba lumabas iyon sa bibig ko.
Narinig na lang niya ang mahinang buntong-hininga ng binata. "I'm trying but I can't. Sariwa pa sa akin ang lahat," marahan itong tumayo. "I think were done today. See you by tomorrow morning for final practice."
"Ah, okay. Babalik na lang ako rito," tumayo na rin siya upang makapagpaalam na. "Mauna na ako," hindi siya makatingin dito ng diritso saka siya naglakad palabas ng music room.
Hindi na niya hinintay na tawagin siya ng binata at malalaki na ang mga hakbang palabas. Nagsisisi tuloy siya sa sarili dahil sa ginawa niyang iyon. Ayaw naman niyang mapilitan ang binata na magkuwento sa bagay na iyon ngunit nangyari na.
Kung bakit pa kasi naitanong ko iyon. Ano na lang kayang sasabihin niya? Gusto kong malaman ang totoo? Well, sa kabilang bahagi ng utak ko ay oo. Sa susunod nga at mag-iingat na ako sa mga tanong ko.
Pagdating naman niya sa Root Valley ay nagkagulo ang mga kaibigan sa kwarto nila. Suot-suot ng mga ito ang kulay royal blue na long dress para sa mga brides maid. Dali-dali agad ang mga itong ipasukat sa kanya ang kanyang damit upang matingnan kung sakto lang ito.
"Wow," napapalakpak pa si Jingky nang makita siyang sakto lang ang damit sa kanya. "Sabi na nga at perfect ang mga sukat."
Napatingin siya sa salamin. Pinasadahan niya ang sarili mula ulo hanggang paa at litaw na litaw ang kagandahan nila lalo na at back less type iyon.
"Perfect iyong mga damit natin at may mahabang slit pa. Can't wait to walk through the aisle," excited na si Jona.
"Me too," dugtong ni Khale.
Masaya siya nang mga sandaling iyon ngunit sa loob-loob niya ay naroon pa rin ang pag-aalinlangan sa tadhanang nakaatang sa mga palad nila. Hating-gabi na at hindi pa rin siya makatulog. Binuksan niya ang pinto sa balcony at saka isinara. Tinungo niya ang railings at dumungaw sa payapang gabi. Tumingala siya sa maliwanag na langit. May mga nakikita siyang bituin sa tabi nito. Nalulungkot siya dahil kanina pa niya tinatawagan ang nobyo ngunit hindi na talaga niya ito makuntak.
Nalulungkot nga ba ako dahil hindi ko na siya makuntak o sa mga nangyayari? Sana maging payapa na ang puso ko.
Marahan siyang pumikit saka nagsimulang kumanta. Alam niyang ito lang ang tanging makakapagpagaan sa kanyang kalooban. Nagsimula na ang pagbuo ng isang magandang musika mula sa kanyang magandang tinig na naririnig sa bawat palagid. Alam niyang isang magical mansion ang tinutuluyan nila at maaaring marinig iyon ng bawat nilalang na naroon.
Samantala sa bahay ni Apollo, nasa balcony ang binata at naririnig niya ang magandang awit na iyon. Alam niya kung kanino nanggaling ito. Nakapikit ang binata habang nanunuot sa kanyang puso ang bawat lyrics nito ngunit may isa pa siyang boses na naririnig na nagkataong pareho pa ang kanilang kinakanta. May hawak itong gitara at akma lang tunog nito sa kantang iyon.
Sa bahay naman hindi kalayuan kay Apollo ay natagpuan niya ang naggigitarang iyon. Nakaupo ito sa railings ng balcony habang kumakanta rin ngunit may mga luhang pumapatak. Alam niyang malungkot ang taong iyon tulad ng isa pang boses na nagmumula sa Root Valley.
Bumuo siya ng puting inra sa kanang kamay. He spread the magical inra through air and follow the voices that full of sadness. He wanted to make them feeling better as part of his duty as a deity.