Chapter 7 - Apologize date

2858 Words
Root Valley Ang lugar na ito ay isang malaking mansiyon na kung saan hindi ipinagbabawal ang paggamit ng kahit anong uri ng mahika o kapangyarihan. Lugar kung saan maraming dimensional rooms na pwedeng puntahan ng mga imortal. Dito rin sila madalas nagsasanay at hinahasa ang kakayahan ng mga kakaibang nilalang. Narito rin sa lugar na ito ang tinatawag nilang society na kabilang sa mga pintuang naroon sa loob. Naging pansamantalang tahanan rin ito ng kaibigan niyang si Mitch at tanging ang lugar lang ang pinaka-safe kaya sila naroon. Napag-alaman rin ng sorceress na si Andromeda ang tungkol sa nangyari kay Sam kaya naman pinatawag ang lahat upang mapag-usapan. "Nakapasok na naman sa perimeter ng Green Valley ang taga Dark world na si Zifir at buhay siya," anang Sorceress. "Wait, ibig bang sabihin nito ay humina na ang forcefield natin," si Persius. "Hindi pa natin alam ang bagay na iyan. Ipapasuri ko sa ibang taga society ang tungkol sa bagay na iyan. Sa ngayon huwag niyong hahayaang mapahamak ang mga carrier sa kahit na sinong nilalang," tukoy ng sorceress sa mga babaeng may hawak na katana. "Kung ganoon, kailangan talaga ng dobleng ingat! We need to secure our land from them. All guests who will enter within the perimeter of Green Valley will undergo my standard operating procedure," si Dionysus. "Indeed, young prince. Nalaman na natin na buhay ang mga Dark Gods at isang banta iyon sa ating lipunan. Alam nating tinutulungan nila si Zifir upang makuha ang katana at handa muling mag-aklas ng digmaan," tugon ni Andromeda. "War? Pero kung tutuusin wala silang magiging laban sa amin," pagmamalaki ni Ares. "Huwag kang pakakasiguro, Ares! Dahil oras na makuha nila kahit isa man sa mga carrier ay baka magsisisi ka sa sinabi mo. Makapangyarihan ang mga katana na hawak nila at kapag napag-aralan nila ang mga forbidden black magic noon ay baka katapusan na nating lahat. Ngayon pa lang ay nag-aalala ako dahil buhay ang mga ancient Dark Gods na sina Lijon at Zarck," napasulyap si Andromeda sa mga dalagang naroon. "Miss Sorceress, ano ang mga Dark Gods? Ito ba iyong kabaliktaran nilang mga makapangyarihang Diyos na nabuhay din sa panahong ito at malalakas," hindi na napigilan ng isa sa mga carrier na si Jingky ang magtanong tungkol sa pinag-uusapan ng mga ito. "Ang mga dark Gods ay nabuhay sa sinaunang panahon na naghahasik at nagnanais ng kapangyarihan ng kadiliman sa mundo. Kilala rin sila sa tawag na Black Gods. Gusto rin nila mapasakamay ang kapangyarihan ng mga White Gods! May mga Dark Angels na nagsisilbi sa mga ito. Merong labindalawang Dark Gods ang nabuhay noon kasabay ng mga White Gods. Kung na-reincarnate man ang mga White Gods sa kasalukuyan ay ganoon din sila. Nakita na namin sila noong nasa Dark Facility kami dahil nahuli kami ni Zifir," paliwanag ni Khorie. "Nakilala niyo naman sila?" tanong ni Khale. "Nakahalf-mask sila. Ang dalawa sa mga ito ay sina Lijon at Zarck. Dalawa sa mga ancient Dark Gods na nakaligtas sa pagsabog ng mundo nila tulad ni Miss Andromeda. Ang isa doon ay tumulong sa amin ni Khorie na labanan ang mga halimaw na Dark Caster noon sa greenfields. Nagtataka pa ako doon kung bakit niya kami tinulungan gayong kasabwat siya sa mga ito," pagsasalaysay ni Jho. "Napag-alaman pa namin na ang dalawang Dark Gods na ito ay hinahanap ang anak nilang mga babae na na-divert sa mundong ito. Maaaring ang mga anak nila ay maging banta sa lipunan niyo o maaaring maging kakampi," dugtong ni Khorie. "Ipagpanalangin nating hindi. Sana buhay pa sila at nasa mabubuting mga kamay," wika ni Andromeda. "We are looking on them. Sa ngayon ay mag-focus tayo sa problema natin kay Zifir at kung paano mahuhulog sa ating mga kamay ang halimaw na ito," wika ni Zeus sa lahat. "Isa lang nasa isip ko. You will undergo on a training as what we suppose to do. After ng wedding nina Hephaestus at Mitch." "Mas magandang idea iyon kahit wala kami ay kaya niyong ipagtanggol ang mga sarili niyo. Alam namin bihasa kayo sa self-defense tulad ng martial arts. At gumagamit din kayo ng new technology weapons but it's not enough," napatitig si Apollo sa kanya. Mula noong niligtas siya ng binata ay mas lalo niyang naramdaman ang mga kakaiba nitong tingin sa kanya. Agad rin siyang nagbawi ng tingin at itinuon sa iba baka mahalata nito ang damdamin na pilit niyang itinatago rito. Strange! Kailangan niyang ipakita rito na hindi mahalaga sa kanya ang anumang damdamin lalo na at ayaw niyang magkaroon ng kasalanan. Habang maaga pa ay kailangan na niyang supilin ang anumang bagay na manghihimasok sa kanyang damdamin. "Good idea. Tutal, handa naman kaming turuan kayo. Mas makabubuting malaman niyo ang mga bawat mahika ng hawak niyong mga katana bago niyo ito ipagkaloob sa tunay nitong may-ari. Ipapakita ko na rin ang laman ng scroll upang malaman ng mga carrier ang kaakibat na kapangyarihan ng mga flaming blades," pagsang-ayon ni Persius. "Persius is right, girls. Sa ayaw at sa gusto niyo ay magsasanay kayo kasama ang mga imortal na ito. Hindi iyong puro kalokohan lang ang alam niyo," si Zeus. "Kasama sa buhay iyon. Kung masyado namang seryoso tatanda tayo ng mas maaga niyan," pamimilosopo ni Jho "We will not grow old! We are immortals remember?" "Oo nga pala, hindi pala kayo tumatanda! Cursed that immortal words," bulong ni Jho sa huling linyang sinabi. "I heard that!" Hayun na naman ang sagutan ng dalawang sina Jho at Zeus. Sa bawat pagtatagpo nila ay tila ba isang digmaang walang magpapaapi. Nagtatapatan sa mga kakayahang sila lamang ang nakakaintindi. Napapailing si Sam sa tuwing nagkakasagutan ang dalawa. "Anyway, magbubukas din ako ng pag-aaral niyo tungkol sa magic spell. Tuturuan ko kayo kung paano mag-cast ng spells," dagdag na suhestiyon ni Andromeda. Alam na nitong hahaba na naman ang diskusyusnan ng dalawa kung hindi nito puputulin. "Huh? Seryoso? Tuturuan niyo kaming gumawa ng spell at mag-magic? Sabagay ay iyon naman talaga ang napag-usapan noong umpisa," namamanghang sambit ni Po. "P-paano? Eh, mortal lang kami. Wala kaming kakayahan na mag-magic," si Jona. "Ahh...girls. Mukhang posible iyon dahil naturuan ako ni Hephaestus kung paano," singit ni Mitch. Ang kaibigan nilang umibig sa isang imortal tulad ni Hephaestus at ilang araw na lang ay ikakasal na itong muli. "At nakapag-training na rin kami kay Miss Andromeda." "Tama siya. Malalaman niyo iyan sa training," dugtong ni Hephaestus. "You need to do that. Dahil kung hindi niyo gagawin ito maaaring malagay sa panganib ang inyong buhay pati na rin ang mundong ito. Kaya niyo bang makita ang mga tao sa mundong ito na kadiliman ang maghahari?" "Syempre hindi,"sabay-sabay nilang tugon. "Good. Mabuti at nagkakaintindihan tayo. We will start the training after the wedding," deklara ni Zeus. Mukhang nakuha sila sa charm na mayroon si Zeus at kahit si Jho ay hindi na rin umalma pa. Ang pangungumbinsi ng binata sa mga carrier o ducentibus na dadaan sa training ay malaki ang maitutulong nito sa pagtuklas sa iba pang kakayahan at kapangyarihan ng katana. At para na rin makatulong ito sa mga panganib na darating sa kanilang landas. Hindi na mababago ang tadhana nila ngayong mag-uumpisa na silang alamin ang buhay ng mga ito bilang mga kakaibang nilalang. Haharapin na nila ang totoong pagsubok sa buhay na taliwas sa ordinaryong pakikibaka nila. My goodness! Mukhang mas lalong lalala pa ang sitwasyon. Hindi ko na ata kakayanin ito. I like adventure pero hindi ganitong klase pakikipagsapalaran. Jusko! "Sam!" Narinig niya ang pamilyar na boses na iyon matapos silang mag-usap lahat sa loob ng isa sa mga kwarto sa Root Valley. Kakalabas lang niya kasabay ng iba pa. Lumingon siya sa kinaroroonan nito. Sa maraming beses at pagkakataon, muli na naman niyang nasulyapan ang mukha ng taong gumulo sa tahimik niyang mundo. "Y-yes," nasa harapan na naman niya ang lalaking nagligtas sa kanya sa Dark Forest at dahilan kung bakit siya napunta roon. Hindi pa siya nakapagpasalamat dito sa ginawa nito para sa kanya kahit na may hindi sila pagkakaunawaan. At kahit pinakitaan pa siya ng magaspang nitong ugali noong una ay nararapat lang na ibigay niya ang bagay na iyon. "I'm sorry of what happened earlier. I won't do that again. I promised," humingi agad ng paumanhin ang binata sa kanya. "It's okay. Alam ko naman na ayaw mo talagang tumugtog ng piano para sa solo ko kaya sasabihin ko na lang kay Mitch na hahanap na lang kami. Or I'll ask my friend. Hindi na ako mamimilit na gawin mo iyon at salamat sa pagkakaligtas mo sa akin kanina dahil kung hindi mo ako naabutan doon marahil ay katapusan ko na. Mauna na ako," pormal niyang wika rito at akma na sana siyang aalis nang pigilan siya nito. "Sam," malambing nitong wika sabay hinawakan nito ang kanang braso niya. "I'm sorry. Actually, gusto ko ang musika...noon pero may mga bagay na nangyari kaya kinamumuhian ko na ito kahit ang paggamit ng instrumento. I admit, noong una ayoko pero dahil kay Hephaestus na ikakasal na sa kaibigan mo ginusto ko rin naman. I'm sorry. Muntik ka pang mapahamak dahil sa kapabayaan ko." Napatingin siya noong una sa pagkakahawak nito sa braso niya hanggang sa dumako ang tingin niya sa binata at sa mga matang iyon. Gusto niyang ibahagi rito na kung ayaw niya sa mga bagay na kinamumuhian nito ay huwag na siyang mandamay pa ng mga tulad niyang mortal. Gusto niyang ipabatid rito na may damdamin ang mga mortal at nasasaktan din. "Ang musika ay kasama sa buhay ng isang nilalang. Kahit sino alam iyon musikero man o hindi. Kung gusto mo talagang mag-piano para sa akin, okay no problem. Alam mo, musika lang ang isa sa mga alam kong bumubuhay sa sistema ko lalo na kapag ako ay nalulungkot at isa rin ito sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Sana naman huwag ka ng magsungit sa susunod. Nagkakamali din ang mga singer." "I know. I'm sorry," bahagya itong ngumiti. That was the first time he saw Apollo smiled at her. Hindi niya tuloy naiwasang kabahan nang dahil sa simpleng ngiting iyon. Mas lalong nagulumihanan ang kanyang traydor na puso. "Hey! Gusto mo ako na ang kumanta? Maganda ang boses ko," untag ni Jho sa kanilang dalawa. Naroon na pala ito kasabay ng binatang si Zeus at ang kaibigan niyang may makahulugang ngiti sa labi. Agad niyang binawi ang braso mula sa pagkakahawak ng binata. Pakiramdam niya matutunaw siya sa init na hatid ng palad nito. "Oh, really? You're a singer too," bumaling si Apollo sa dalagang kasama ni Zeus. "Yes! Pero hindi lang kasi ako na-discover syempre dahil ayoko sa showbiz," pagmamalaki nito. "Really? Mapakinggan nga boses mo minsan," na-amaze naman si Apollo rito. "Sure, libre pa! May autograph signing ka pa!" "Naku, Jho! Nevermind. Kilabutan ka sa sinasabi mo," saway niya sa kaibigang signal number three na naman ang pagmamalaki sa tinatagong talento sa pagkanta. Pero alam naman niyang nagbibiro lang ito kaya minsan gusto na lamang niyang sakyan. "You're right, Sam. Malakas lang talaga ang self-confident ng kaibigan mo. Buti na lang tahimik siya," singit ni Zeus na kabaliktaran naman sa sinabi nito. "Totoo iyan! Tahimik lang talaga siya Zeus," bumaling siya sa kaibigan. "Jho, tahimik ka lang daw sabi ni Zeus. Huwag ka na lang daw kumanta. Parang awa mo na!" "Sus! Mga insecure kayo sa boses ko! Tabi," dumaan ito sa gitna nila ni Apollo at nagmartsa palabas. Naiwan na lang silang nagkatinginan. Napapailing na lang din si Zeus na sinundan ang kaibigan niya. Habang napangiti na lamang silang dalawa ni Apollo na naiwan na roon. Hindi niya maiwasang isiping ang dalawang iyon ay may kung anong pagkakaunawaan na hindi nila alam dahil ni minsan ay hindi naman nagkukuwento ang kaibigan niya tungkol sa personal nitong buhay. Sabay na rin silang lumabas ng Root Valley at niyaya siya nitong kumain sa Center Valley. Nagtungo sila sa isang sikat na restaurant doon na halos mga kilala sa lipunan, prominente o taga-palasyo ang kumakain. Luxury restaurant na may masasarap na lutong pagkain sa iba't ibang cuisine. Iyon din ang restaurant na kinainan nina Mitch kasama si Anchises habang nagpapanggap. "Kumain ka lang ng kumain. Madami pa akong order," anang binata sa kanya. "Ibang klase ka rin pa lang mang-treat. Is it apologize date?" Nalula siya sa mga pagkaing nakahain sa harapan niya at alam niyang masasarap ang mga iyon. Nawala sa isip niya ang salitang diet. "Kulang pa iyan. I am really sorry about earlier. Ilang beses ko ng sinabi iyon pero gustong ulit-ulitin." Napatingin siya rito. Alam niyang sincere si Apollo sa paghingi nito ng sorry sa kanya. "Granted na. Bayad ka na rin sa pagligtas sa akin. Ngayon ko lang napagtantong may tinatago ka rin pa lang kabaitan. Alam mo, bagay sa'yo ang ganyang aura. Hindi salubong ang kilay, hindi nakakatakot ang tingin at ngumingiti," napakagat-labi siya sa pagiging prangka niya. Hindi niya alam kung tama nga bang sabihin niya iyon gayong noon lang sila nagkabati. Natawa ito. "Then, I'll do it everyday." Natawa rin siya. "Talaga lang ha." Marami silang napagkwentuhan at napag-alaman niyang masaya pala ito kausap. Kabaliktaran sa pinakita nitong ugali noong una. Hindi na niya itinanong kung bakit ito nagkaganoon at hindi pa nararapat. Natagpuan niya ang sarili na masaya rito. "Grabe, hindi pa rin bumaba ang kinain ko kahit na naglakad na tayo mula Center Valley hanggang dito sa Root Valley. Thanks for the treat, Apollo." Nasa tapat na sila ng malaking pintuan ng mansiyon. Sinamahan siya nitong maglakad hanggang roon at upang maihatid na rin. "You're welcome," napatitig na naman ito sa kanya. Muli na naman siyang nakadama ng pagkailang sa tuwing nakatitig ito sa kanya. "May dumi ba ako sa mukha?" Umiling ito. "Nothing. Naalala ko lang noong lumabas kayo ng mga kaibigan mo rito at nakatitig ka sa rooftop." "At nagalit ka sa akin dahil napaka-careless ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa taong naroon sa tuktok at biglang nawala. Malalaglag sa puso ang makakita ng ganoon," hindi na niya kayang iwasan ang malalim nitong tingin sa kanya. "It was me. I'm sorry for that." "Ah, so it's you. Sa susunod na magsusungit ka pa sa akin ay hindi ko na ibibigay sa'yo ang katana mo," banta niya. Subalit nawala ang masayahing ekspresyon sa mukha nito noong mabanggit ang bagay na iyon kaya agad siyang nagbawi. "Biro lang. Sa'yo iyon at hindi naman sa akin." "So, ako nga talaga ang pagbibigyan mo sa bagay na iyon." "Mismo. Oh siya, papasok na ako sa loob at para makapagpahinga. Malalim na ang gabi. Bukas na lang natin ituloy ang------" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla na lang siya nitong niyakap ng mahigpit. Isang yakap na nagpapahiwatig ng matagal na namiss ang isa't isa. Nagulat siya sa reaksiyon nito at napamulagat siya. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. "Apollo," mahina niyang sambit. Matapos niyang banggitin ang pangalan nito ay bigla siya nitong binitawan at mabilis na humingi ng paumanhin. "I'm s-sorry. I didn't mean to do that. I'm leaving," hindi ito mapakaling tumalikod na sa kanya at biglang naglaho. Naiwan siya roon habang nagtataka sa ikinikilos nito. Abot-abot ang kaba niya sa dibdib saka siya nagmamadaling pumasok sa loob. Wala lang iyon, Sam. Walang ibig sabihin iyon. Chill ka lang. Tila nakakita siya ng multo nang pabagsak niyang isarado ang pinto ng kwartong tinutuluyan nila ng magkakaibigan. Gulat din napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya. "Sam? Anong nangyari sa'yo?" takang tanong ni Po sa kanya. "W-wala. Magbibihis na ako." "Niyaya ka lang kumain sa labas ni Apollo ay nagkakaganyan ka na. Putlang-putla ka kaya," napansin ni Lea ang hitsura niya. "O-okay lang ako," dumiritso siya ng closet at nagtungo ng banyo. Ilang sandali ang nakalipas ay nasa ibabaw na siya ng kama niya at nagpapatuyo na lang ng mamasa-masa pa niyang buhok. Magkatapatan ang kamilang mga kama para iisa lang ang kanilang malawak na kwarto. May balcony sa dulo at may karugtong din na sala kabila. Ang iba ay nagpapaantok na lang habang hawak ang cellphone. "Alam mo Sam, may kinuwento pala si Hephaestus sa amin tungkol sa nangyari sa'yo sa Dark Forest," binasag ni Jona ang katahimikan nilang lahat. "Na ano?" "Na kaya pala nagkaganoon si Apolo ay resemblance mo pala ang ex niyang namayapa na dahil sa pagsagip sa buhay ng isang aso. Take note, isang imortal ang ex niya. Isang member ng IIA before." "IIA?" "Oo. Intellegent Immortal Angels." "Yes. Jona is right. Kaya siguro dahil masungit siya lately dahil naalala niya ang ex niya sa mukha mo," dugtong ni Khale na nakikinig lang habang may hawak na cellphone. "Pero sinabi na namin na hindi mo naman fault iyon kay Hephaestus at kakausapin niya ito," dugtong din ni Jingky. "Kaya siguro niyaya kang makipag-date ni pareng Apollo dahil magso-sorry siya." Ngayon niya napagtanto kung bakit siya nito biglang niyakap kanina dahil kamukha niya ang dati nitong minamahal. Hindi niya alam ngunit may kunting kirot siyang nararamdaman sa puso niya. "Okay naman na kayo ngayon?" tanong ni Anna. Tumango siya. "Okay na kami." "Mabuti naman at okay na. So, siya na ang mag-pyano sa'yo sa solo mo?" "Oo, Po." "Good. And we are ready to hear your angelic voice on the wedding day," masayang wika ni Po sa kanya. Napapaisip pa rin siya sa nangyari kaninang pagyakap ng binata nito sa kanya. Why did you do that, Apollo? Binigyan mo na naman ako ng benefits of the doubt. Kung kamukha ko man siya ay magkaiba pa rin kami. Hindi ako dapat maging attached sa'yo dahil masyadong complicated ang lahat sa pagitan nating dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD