The cold wind surroundings suddenly blow into her. Her hair swayed. She put her fingertips into the hole of the flute, close her eyes, and a deep breath to start the melody. The music was fine, soft, and composure. Kahit papaano sa musikang iyon ay naibsan ang kaninang naririnig niyang masasakit na salita mula sa binata. Sometimes the break in her heart is like the hole in the flute. It's the place where the music comes through. She never noticed the magical thing that came from the sounds of the flute until it turns to a dark and creepy spell.
Samantala, nag-aalala na ang mga kaibigan ni Sam kaya napasugod ang mga ito sa Villa kung saan tanging mga binata lamang ang maaaring makapasok doon.
"Oh, mukhang pupunta kayo sa gyera," bungad ni Demeter sa mga ito.
"Si Aphrodite?" bahagyang hinihingal pa si Jho.
"I'm here. May problema ba?" May bitbit itong isang baso ng orange juice.
"Aphrodite! Iyong kaibigan namin si Sam, hindi na namin siya nakita mula pa kanina. Ang sabi niya kanina noong maghiwalay kami ay may rehearsal sila ni..." Pilit inaalala ni Jho kung sino ang lalaking iyon. Minsan may oagkaulyanin na ito sa dami ng iniisip.
"Kester," tugon ni Jona.
"Hindi! Si Apollo iyon," si Lea.
Nagtatalo pa ang mga ito sa pangalan ng binatang pianista ni Sam.
"Kester o Apollo, iisa lang iyon! Talaga itong mga ito," si Anna.
Sa pagtatalo ng mga ito ay hindi maiwasang mainis si Ares lalo na at iritable ito sa mga maiingay tulad nila.
"Pwede bang tumahimik muna kayo?" Dumadagundong ang boses nito sa buong paligid.
Natahimik silang lahat.
"Don't yell," sita ni Aphrodite kay Ares saka bumaling ito sa mga babae. "Girls, baka naman kasama lang siya ni Apollo. Sam will be alright if she's with him."
"I called her many times but her phone is out of reach," Naupo si Po sa couch saka binuksan ang dala-dala nitong laptop.
"Nahanap na ba si Sam?" Dumating din doon si Mitch kasama ang fianceé nitong si Hephaestus.
"Hindi ko mahanap si Apollo. I tried to contact him through mind spell pero hindi siya sumasagot. Wala na rin sila sa Music Club. Ang sabi sa akin ng receptionist ay mabilis na tumakbo si Sam palabas habang hinahabol ito ni Apollo."
"We need to find her and Apollo," si Persius.
Naroon na rin ang iba pang mga binata.
"You have an ability to find them, right? Bakit hindi niyo magawang hagilapin ang kabaro niyo?" Nag-aalalang wika ni Jho. "Paano na lang kung may masamang nangyari sa kaibigan namin?" bahagyang nagtaaas na rin ng boses ang dalaga.
"Hey," pigil ni Zeus rito. "We have restrictions on using our ability. Apollo doesn't give us a sign spell to help him whenever he faces a kind of danger at this moment. Kung nasa panganib sila ni Sam dapat kanina pa namin iyon alam. Does it make sense to you?" Ma-autoridad na tugon ni Zeus sa dalaga.
"Relax," pumagitna si Dionysus sa dalawa dahil mukhang mag-uumpisa na namang magpalitan ng salita ang mga ito. "Inutusan ko na ang mga IIA na hanapin sila."
"IIA?" Napatanong si Khale.
"Immortal Intelligent Angels," tugon ni Achilles sa dalaga.
"I see."
"Guys, wait! Nata-tract ko na si Sam!"
Napatingin ang lahat kay Po na may ginagawa sa laptop nito.
"Nakita ko na ang location niya," agad nitong ini-harap sa lahat ang hawak na laptop.
Lumapit si Zeus. "Wait," pinagmasdan nitong maigi ang nasa screen. "May transmeter device kayong nilagay sa isa't isa?"
"Yes. Para kahit saan man kami naroroon ay malalaman namin ang kinaroroonan ng bawat isa. Kailangan rin naming protektahan ang bawat isa sa lugar niyo lalo na at hindi namin kauri ang mga ang nilalang dito."
"Actually, ang mga gamit namin ay may basbas ni Anchises dati nang subaybayan namin si Zifir," paliwanag ni Khorie.
"Okay. Ang location niya ay nasa pagitan ng Dark Forest at Green Valley. Masama ito," napapailing si Zeus.
"It's my fault," iniluwa ng hangin si Apollo sa kinaroroonan ng mga ito. "Hindi kami nag-kaintindihan kanina sa Music Club kaya nasigawan ko siya but, it's not my intention to——"
"What?" Naputol ni Aphrodite ang pagsasalita ni Apollo. "I told you everyone to be nice with them," galit na wika rin ng dalaga. "Kapag napahamak ang isa kanila, mas lalong mapapahamak tayong lahat! My God," nasapo nito ang noo at nag-aalala sa sitwasyon.
Mga ilang segundo rin ang namayaning katahimikan sa pagitan nilang lahat. Alam nilang oras na magalit ang dalagang imortal ay hindi na sila nagsasalita pa. Akma na sanang aalis si Khorie ngunit mabilis rin itong pinigilan ng asawang si Hercules.
"Where are you going?"
"I'll find her."
"No! Stay here. Ayokong pati ikaw ay mapahamak," isang malalim ang pinukol nito sa asawa. Bumaling si Hercules sa mga naroon. "Let's find her. Aphrodite and Hephaestus, please stay here while we are searching Sam at the Dark Forest. Ipaubaya niyo na sa amin ito."
Iyon lamang ang sinabi ni Hercules at kanya-kanya ng nawala ang mga binatang imortal gamit ang vanishing spell ng mga ito. Ilang sandali pa ay naiwan na lang ang mga babae roon kasama nina Aphrodite at Hephaestus upang bantayan sila sa anumang panganib.
"Si Apollo ang pianista niya sa kakantahing solo ni Sam. Baka nagkaroon na naman ng hindi pagkakaintindihan sila kaya nagkairingan. Matagal ng sinasabi ni Sam na sinusungitan siya ni Apollo. Bakit ba ganoon ang isang iyon? Parang hindi siya Diyos kung magalit sa mortal na tulad namin," mainit pa rin ang ulo ni Jho.
"I'm sorry. Hindi ko alam ang bagay na iyon. Sinabihan ko na maging mabuti sa inyo at itabi ang anumang temper. Lately, napapansin ko na ang kakaibang ugali ni Apollo na hindi naman usual sa kanya. Siguro may malalim lang siyang dahilan," paghingi ng paumanhin ni Aphrodite.
Tumutol si Anna. "But it's not like that. Kung moody siya huwag naman kaming pagtripan. I know that we have different temper but as immortal like him, he should control it. Kapag may nangyaring masama kay Sam, patawarin sana ako ng lumikha."
"Girls, ako na ang humihingi ng paumanhin para sa kabaro ko," wika ni Hephaestus sa lahat. "The truth is, Sam is a resemblance of Apollo's ex-girlfriend. She was died a severe immortal disease. Na-drain ang inra niya nang sagipin niya ang buhay ng isang aso. Ibinigay niya ang sarili nitong buhay upang ma-revive ito. Tatlong taon siyang naghirap at hindi ito matanggap. Hindi na pwedeng ibalik sa dati ang buhay nito ayon na rin sa batas na kapag ang isang anghel na nagbuwis ng buhay para sa ibang nilalang ay tuluyan na itong maglaho. Aabutin pa ng limang daang taon bago ito ma-reincarnate. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na siya muling humahawak pa ng instrument. Mukha kasalanan ko ito. Ako ang nagpumilit sa kanya tumugtog para sa kasal ko."
"Hindi naman siguro kasalanan ni Sam ang nangyari kahit pa kamukha niya ang ex-girlfriend nito. Unfair naman iyon," wika ni Po.
"Oo nga. Kung hindi pa siya naka-move on hanggang ngayon ay huwag naman sana niyang ibunton ang galit sa kaibigan namin. Wala siyang pinagkaiba sa aming mga mortal. May mga ganyang ugali ang mga tao kapag hindi nito na-kontrol ang sariling pagdadalamhati," dugtong naman ni Lea.
"Kailangan ma-settle ito, Hephaestus. Ayaw naming magkaroon ng hidwaan sa pagitan naming mga mortal at sa kabaro mo. May mga temper din kaming hindi kayang kontrolin," si Khorie.
"Alright. I'll talk to him."
Panandaliang katahimikan ang namagitan sa mga ito ngunit binasag iyon ng kaibigang si Po. Nagulat ito nang may kung anong narinig na nakakahindik na boses mula kay Sam.
"Guys, will you please listen to the sound. Ang tracker device namin ay may voice recorder at may na-record akong hindi maganda," mabilis na pinindot ni Po ang volume ng laptop niya.
Mula roon ay may kung anong hindi maintindihan na boses. Animo'y kadiliman ma bumabalot sa paligid ng kaibigan.
"Naloka na," mabilis na tumalikod si Hephaestus at gumamit ng mind spell. Nagbigay siya ng babala sa mga kabaro.
"Anong nangyari? Nasa panganib si Sam?" tanong ni Khale. "At nakakatakot naman ang boses na iyan."
"Girls, kumalma kayo. Naroon na ang grupo nina Zeus para iligtas siya. Let's trust them," pagbibigay ginhawa sa kalooban ni Aphrodite sa kanila.
Sa kinaroroonan naman ni Sam, biglang umihip ang malakas na hangin na siyang dahilan kung kaya't natigil ang pagtugtog niya sa plauta. Hindi niya mawari ang kakaibang nararamdaman sa paligid na unti-unting nagkaroon ng kakaibang enerhiya.
"Anong——"
Nabigla siya. Naalarma. Nagpalinga-linga siya paligid na halos tangayin na siya sa sobrang lakas ng hangin. Napakapit siya nang husto sa ugat ng puno kung saan siya nakaupo kanina. The dry leaves around were forming into whirlwind until the dark energy appeared. Hinigop nito ang hawak niyang plauta na siyang ikinagulat din niya at nabitiwan niya ito. She was shocked by then! She wanted to shout and ask for help from any immortals around but the dark surroundings covered the Dark Forest. No one else could hear her succors because of the Dark spell blocked her voice.
God! Help me! Anas niya.
Takot na takot siya sa paligid at kadiliman. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin sa sandaling iyon gayong natulos na rin siya sa kanyang kinaroroonan.
"Venit creaturae. Da mihi Katana. Et anima in me est."
Isang nakakatakot na boses ang nagpatayo ng kanyang balahibo nang nabuo sa kawalan ang dark energy na iyon. Isang nilalang na hindi pa niya nakita sa buong buhay niya.
"Huh," mas lalo siyang napasandal sa puno. My God! A-anong klaseng halimaw siya?
"Venit creaturae. Da mihi katana. Et anima in me est."
Paulit-ulit na wika ng nakakarimarim boses na iyon.
Hindi ko maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya!
Isang nakakatakot na imahe ng tao na naglabas ng mahabang baston na kahoy at may kapangyarihang kulay pula sa dulo nito na nakahandang kumawala upang mapasailalim siya sa dark spell. Ang halimaw na iyon ay isang Dark Fyli. Dark Fyli ang tawag sa mga nilalang na hayok sa kapangyarihan ng itim at nagnanais na mapasakamay nila ang mga kapangyarihan na mayroon ang mga Diyos. Katulad ng mga imortal ay muli rin silang nabigyan ng pagkakataon mabuhay sa mundo subalit ang mga uri nila ay hindi pinahihintulutan ng lumikha na mamuhay at manatili sa mundo ng mga tao. Masyadong mapanganib ang kanilang lahi kaya naman ay nakakulong ang mga tulad nila sa Dark world. Gayunpaman, gumagawa pa rin sila ng mga paraan upang makisalamuha sa mga mortal para sa kanilang layunin tulad ng nilalang na kaharap ng dalagang si Sam. Ang Dark Fyli na ito ay naisalarawan na nila Michelle na nakaharap at nakalaban na rin nila. Si Zifir. Ang halimaw na hindi matapos-tapos ang buhay at hanggang ngayon ay naghahasik pa rin ng kadiliman
"Quod dare nisi finem! Exsugent animam suam!"
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil unti-unti na ring papalapit ang halimaw sa direksiyon niya. She knows that she never had a chance even she fought him through her mortal skills. She closed her eyes deeply.
Diyos ko! Ikaw na po ang bahala sa akin! Nananalig ako sa inyo at naniniwala. Sumainyo po ang kapangyarihan ng kabutihan at iligtas ako!
Kasabay ng kanyang pananalangin ang kaba at takot sa nilalang, naririnig na niya ang bawat pintig ng kanyang puso. Maya-maya pa ay muli siyang nakarinig ng isang sigaw. Isang salitang mahika na lubos niyang hindi maunawaan.
"Procul recesserunt ab eo! Ad tenebras mundi!"
Isang malakas na spell ang bumalot sa kapaligiran nang sandaling binigkas ng isang lalaki ang katagang iyon. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon subalit nanatili pa rin siyang nakapikit.
"Y-you? Curse you!!"
The Dark Fyli devilish voice and his creepy scream around.
"Hindi ako papayag na saktan mo siya! Ite vedete," nagngangalit na sambit ni Apollo rito.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayahan mo! Plenam Potestatem tenebris! Hah!"
Muling nagpakawala ng Dark spell si Zifir na noon mas lalo pang lumakas ang enerhiya sa sandatang baston na hawak ngunit balewala pa rin. Nang hindi nito matinag ang binatang imortal saka nito pinatunog ang plauta na noon ay nasa kamay na nito. Isang tunog ng musika ng kamatayan.
"Aaaahhh!!!" Napasigaw si Sam at pilit tinatakpan ang tenga sa nakamamatay na tunog ng plauta.
Naalarma ang binata kaya napalingon ito sa kinaroroonan ni Sam. "Scutum speculum!"
Gumawa ito ng sheild upang maprotektahan ang dalaga dulot ng nakakamamatay na musika ni Zifir.
"Strepito!"
Mula sa kanang kamay ni Apollo, mas lalong pinalakas pa ng binata ang kanyang kapangyarihan hanggang unti-unting natatalo nito ang depensa ng kalaban. Sa isang iglap lang ay napaatras niya si Zifir. Bumuka ang isang malaki at itim na butas na siyang dahilan kung bakit nahigop ito roon at bumalik sa kung saan man ito nanggaling. Unti-unting umaliwalas ang paligid at bumalik ito sa dating kaanyuan habang si Sam ay nasaksihan ay muling nagmulat ng kanyang paningin upang alamin ang nangyayari sa paligid. Ang takot niya sa sarili ay naibsan lalo na ngayong nakatuon ang tingin niya sa lalaking hindi niya akalaing magliligtas sa kanya sa kapahamakan.
His white and gold dazzling suit which predominant among everything. An immortal knight that saves her life into perdition. Ito ang unang beses na nakita niya ang isa pang katauhan ni Apollo. Ang lalaking minsan naging dahilan kung bakit siya naroon at kamuntikan na rin niyang ikapahamak. Ngunit sa pagkakataong iyon ay pinairal pa rin niya ang maaaring maging tama. Marahang lumapit ito sa kinaroroonan niya.
"S-sam..." May halong pag-aalala ang boses nito.
"A-apollo..."
"Don't be afraid, Sam. You're safe."
Napatitig siya sa mga mata ng binata hanggang unti-unti rin itong nagbago ng anyo at bumalik sa dati bilang isang normal. Marahan nitong ginagap ang kamay niyang napakapit pa rin sa ugat ng puno.
"I hope you to feel better."
Napuna niya ang puting liwanang sa kamay ni Apollo habang ito ay nakahawak sa palad niya. Isang napakagaan na pakiramdam ang naranasan niya ngayon na ramdam niyang dumadaloy ito sa kanyang mga ugat. Ang matinding takot niya kanina ay napalitan na ngayon ng isang matinding kaginhawaan. Habang ang mga mata ng binata ay nanatiling nakakatitig sa mga mata niya at ang damdamin niyang wari ay nagpapahiwatig na naman ng kakaiba sa tuwing naglalapat ang kanilang paningin.
"Let's go. Nag-aalala na sila sa'yo. Sa susunod, huwag ka ng tumanggap ng mga bagay na galing sa mga tao na hindi mo kilala. Okay?"
Tumango na lamang siya tanda ng kanyang pagsang-ayon.
"Alright."
Ilang sandali pa ay nilisan na nila ang dark forest habang hawak ng binata ang kanyang kamay. Hinayaan na lamang muna niya ang ganoong pakiramdam hangga't hindi rin niya nakukumpirma sa sarili kung ano at para saan ba ang lahat ng iyon. Mula noon ay tahimik na lamang silang dalawa ni Apollo habang pabalik ng Villa ngunit nasalubong na nila ang mga kabaro nito.
"Good thing your safe," wika ni Zeus saka bumaling kay Sam. "Are you okay?"
Tumango siya. "Okay lang ako." Full force?
"She's okay," sabay nagpakawala ng ibig sabihing ngiti si Anchises.
Naalala niya agad na hanggang ngayon ay hawak ng binata ang kamay niya kaya pasimple niyang binawi ito. Ayaw niyang haluan ng kung anong ibig sabihin ang tinuran sa kanya.
"Nagbalik si Zifir," si Dionysus. "Hindi talaga titigil ang mga taga Dark World sa paghahasik nito ng lagim. Kailangan na natin ng dobleng seguridad sa forcefield."
"Sino si Zifir?" tanong niya.
"Si Zifir ang nakalaban na namin noon at ginulo ang buhay ng mga kaibigan mo. Mag-ingat ka sa kanya. Kung may nararamdaman kang kakaiba sa paligid. Tawagin mo na agad si Apollo since siya ang makakatulong sa'yo," wika ni Hercules. "Tara na. Nag-aalala na ang mga kaibigan mo sa Villa."
Muli silang naglaho lahat at bumalik na sa Villa kung saan naroon ang iba pa.