Chapter 5 - Curse of the flute

2847 Words
Pilit kong iniisip ang mga bagay na hindi kapani-paniwala sa ngayon. Isa lang akong ordinaryong tao sa ordinaryong mundo na ito na may kumplikadong trabaho at mapagmahal na pamilya. Nakilala ko ang mga kaibigan ko mula noong magkasama kami sa mapanganib na trabaho bilang binabayaran sa mga impormasyong nakalap namin sa ibat't ibang organisasyon. May kanya-kanya kaming layunin sa buhay para sa pamilya subalit mula nang narito kami sa mahiwagang lugar na ito ay kagyat na nagbago ang lahat. Ako si Sam, isang ordinaryong babae na pilit tinatanggap ang katotohanan sa likod ng mahiwagang bagay na ito at sa mundong aking ginagalawan. Akala ko noon ay mga sekretong bagay lang ang aking matutuklasan sa pagpapatakbo ng isang bansa at bahagi nito ngunit ang malaman ang tungkol sa mga taong hindi namin kauri ay siyang gumugulo sa aking isipan. Alam kong hindi lang ako ang naguguluhan sa ngayon. Nagpakawala siya ng mahinang buntong-hininga habang nakatitig siya sa tsuka o handle ng kanyang katana. Maya-maya pa ay isinilid niya ito sa dala-dalang sling bag at umupo siya sa sofa nang makarating siya ng Root Valley kung saan sila tumutuloy kasama ng iba pa. Napagod siya sa paglalakad mula sa Center Valley hanggang sa kinaroroonan ng tinutuluyan nila. Iritable siya sa inasal ng binata kaya naglakad tuloy siya ng wala sa oras. May free shuttle naman. Nungkang lakarin ko ba naman iyon! Medyo malayo pa naman ang kinaroroonan ng Center Valley sa tinutuluyan namin. "Sam! Nandiyan ka na pala." Ang kaibigan niyang si Po na pumasok din sa sala kung saan siya nakaupo. Tulad niya ay kasama niya rin ito roon. "Mukhang pagod na pagod ka. Ay, siyangapala nag-bake ako ng cake. Gusto mo ba? Natutuwa kasi ako sa lugar na ito dahil kumpleto sa gamit at mga ingredients. Sabi naman ni Aphrodite, kung may kulang at kailangan tayo ay ipaalam lang natin sa kanya. Swerte naman natin at hindi nila tayo pinapabayaan." Napansin nitong hindi siya ganoong nakikinig sa kaibigan at malalim ang kanyang iniisip kaya tinapik siya nito sa balikat. "Hoy, Sam! Ayos ka lang ba?" "Huh? Ah, sorry! Ano nga ulit ang sinabi mo?" "Hindi nakikinig 'te," umupo ito sa tabi niya. "Sorry, medyo pagod lang ako. Nilakad ko ang Center Valley patungo rito at namaltos pa ang paa ko." "Huh? Nilakad mo iyon? May shuttle naman bakit hindi ka sumakay? Kapag ganyan ka may problema ka 'no? May problema ka nga ba?" "W-wala naman. Medyo naguguluhan lang ako sa nangyayari. Akalain mo napadpad tayo sa lugar na ito na puno ng mga kakaibang..alam mo na. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala tungkol sa katana na iyon." "Ako nga rin eh wala naman akong pakialam sa kung anong bagay na iyon. Gusto ko ng umuwi at ibigay ang bagay na iyon sa imortal Gods na nararapat para tapos na, ang kaso mukhang hindi ganoon kadali iyon. Hay naku! Baka mamaya maging palaka na lang ako kapag hindi ko nasunod ang propesiya nila." "Hay! Iyon din ang iniisip ko at baka isumpa tayo ng wala sa oras. Mga pilipinong mortal tayo at wala tayong alam sa kung anong propesiya na mayroon sila. Oh siya, bihis lang ako at may rehearsal pa ako mamaya para sa kasal nina Michelle. Iyong cake pala, pahingi ako mamaya ah." "Yeah, sure." Tumayo na siya at iniwan ang kaibigan sa sala. Paano nga kung hindi na kami makabalik ng Pilipinas? Paano kung mali pala ang taong pagbibigyan namin ng katana? Hindi ko naman masisisi si Khorie kong bakit binigay niya ang katana na kahit siya wala rin namang alam tungkol sa bagay na ito. Makaligo na nga. Pumasok na siya sa kanilang kwarto at naabutan pa niya ang mga kaibigan niya roon na abala sa pag-aayos ng kasal ni Michelle kay Hephaestus. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at diri-diretsong pumasok na siya sa loob ng banyo at naligo. Samantala, sa isang parte ng Green Valley hindi kalayuan sa Music Club may isang guest na may edad na lalaki roon ang tumutugtog gamit ang plauta. Nakaupo sa isang bench at malayang tinutugtog nito ang musikang napakagandang pakinggan sa mga dumadaang guest. May isang british national na babaeng guest ang huminto sa tapat ng matanda at matamang nakikinig sa musika nito. Sige lang binibini, makinig ka lang! Lumapit ka at pakinggan mo ang musika ng kamatayan! Anang matandang lalaki sa isipan nito. Patuloy ito sa pagtugtog hanggang sa ang nilalabas na bawat nota ng musika ay isang Dark Spell na bumabalot sa katauhan ng babaeng nakikinig sa kanyang pagtugtog. "Eliciunt Animam!" Sambit nito sa mahinang boses. Napaigik na lang ang babae nang higupin nito ang kanyang kaluluwa mula sa plauta saka hindi na ito makagalaw at biglang natumba. Ang mga mata nito ay halos puti na lang ang nakikita na tila ba wala ng buhay. Ang matanda ay nabalutan rin ng itim na mahika sa buo niyang katawan. Huminto ito sa pagtugtog at tumayo. "Sisimulan ko ang paghahasik ng lagim sa paraisong lugar na ito. Akala siguro ng mga nilalang na ito ay hindi ako makakalusot sa ginawa nilang shield spell ang makapangyarihang Dark Fyli na katulad ko! Hindi man ako nagtagumpay noong una pero sa pagkakataong ito magtatagumpay ako!" Nanlilisik ang mga mata nito at nagpakawala ng isang nakakarimarim na ngiti. Mabilis rin itong nawala sa paligid upang makapang-biktima sa iba pang mortal. Habang hinihintay ni Sam ang text ni Apollo sa kanya, nagkakayayaan muna silang magkakaibigan na mamasyal muna sa buong paligid nang hapon na iyon. Hindi pa gaanong nakapamasyal sila noong una marahil ay may pinagdadaanan silang magkakaibigan nitong mga nakaraang araw. Kahit tirik ang sikat ng araw ay ayos lang dahil ang bansang iyon ay nakakaranas ng malamig na klima. "Sobrang ganda! At ang daming foreigner! Jingky kumuha ka na ng isa," si Anna. "Naku, Anna ikaw na lang! Ayoko at baka dudugo lang ilong ko kapag nagka-jowa ako ng isa." "Eh di paturo ka ng English!" "Kanino? Kay mamang kano? Huwag na. Baka ma waray ko pa siya! At saka may Harris na ako. Isa-isa lang mo na." "Asus, Jingky! Kung alam lang ni Harris kung kani-kanino ka lang nakikipag-date," singit ni Jho. "Asus, Jho! Friends ko lang ang mga iyon at isa pa ikaw itong mag-jowa na dahil wala ka pa kahit isa." "No need. Kaya kong mabuhay mag-isa sa mundo kahit wala akong boyfriend!" "Wee. Di nga?" Sabay tawanan ang mga ito. Nagpapalitan lang ang mga ito ng biruan sa isa't isa samantalang siya ay mataman lang nakikinig sa mga ito at nakikitawa. Namalayan niyang biglang nag-vibrate ang phone niya sa bulsa kaya naman kinuha niya ito. Nabasa niya ang mensaheng nanggaling mula sa binata na kanina pa niya hinihintay. I'm here at the Music Club. From the Center Valley of where you are right now, turn left! Alam niya kung nasaan ako? Bakit pa ako nagtataka for sure alam niya kung nasaan kami. "Girls! Mauna muna ako ah! Kailangan ko munang mag-rehearsal doon sa solo ko for Michelle's wedding," paalam niya sa mga ito. "Ako na lang kakanta, Sam! Sintonado kaya ang boses mo," pagmamalaki ni Jho. "Jho, huwag ka ng umeksena! Mamasyal na muna kayo at puntahan ko muna ang masungit kong pianista!" "Oo nga naman huwag ka ng umeksena, Jho. Baka masira mo lang ang kasal nina Mitch at Hephaestus. Teka, sino pala iyong tinutukoy mong masungit na pianista? Si Apollo?" napatuon ang tingin ni Lea sa kanya. "Oo, siya nga. Sino pa nga ba? Kung si Jingky ay maluwag ang turnilyo minsan, ang isang iyon naman ay may sapak. Sinusungitan ako ng tukmol na iyon at saka suplado," naiinis na naman siyang maalala ang eksena kanina. "Talaga ba? Akala ko ba ang mga Diyos ay magaling makisama sa mga mortal na tulad natin. Mukha namang mabait ang isang iyon," si Khale. "Eh di sungitan mo rin! Kung ako niyan baka nakipagdigma na ako sa kanya. Hindi porkit Diyos sila ay ganyan ang magiging trato nila sa mga katulad nating mga mortal. Saka, hindi sila pwedeng gumamit ng charm sa mga mortal na tulad natin unless kung kinakailangan," si Jona. "Tama si Jona. Huwag kayong mag-alala, kukuha ako ng kopya ng rules and regulation nila pagdating sa bagay na iyon. Sabihan mo lang kami kapag dehado ka sa mga imortal na iyan, Sam. O kahit sino sa atin," seryosong wika ni Khorie. "Kay Hercules ka ba hihingi?" Seryosong tanong niya sa kaibigang nagbigay sa kanila ng katana at ang kaibigan rin niyang ito ay may asawa ng isang imortal na nabanggit niya. "Oo." "Sige. Saka na ulit natin pag-usapan ang bagay na iyan pagkatapos ng kasal ni Mitch. Mauna na pala ako. See you later, girls!" Nagpaalam na siya nang tuluyan. "Take care, Sam!" Sabay-sabay na wika ng mga kaibigan niya. "Ingat si pareng Apollo sa iyo," sigaw ng kaibigan niyang si Jingky sa kanya. "Anong pareng Apollo," tanong ni Po kay Jingky. "Ina-advance ko na. Syempre, kapag nagkaanak sina Mitch at Hesophagus kumpare na kami!" "Hephaestus!!" Pagtatama ng mga kaibigan niya. Natatawa na lamang siya nang marinig pa rin niya ang mga diskusyunan ng mga ito habang siya ay papalayo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maitama ni Jingky ang pangalan ni Hephaestus! Puro na naman siya kalokohan! Saglit na nag-reply siya sa binata at ipinaalam niyang papunta na siya. Mula sa Center Valley ay naglakad siya patungo sa sinasabi nito subalit naagaw ng pansin niya ang matandang nagpa-plauta sa isang bench habang ito ay nakaupo roon. May iilang guests din ang napapadaan sa gawing iyon ngunit siya lamang ang tanging nakapansin sa magandang musika ng matanda. Kawawa naman si tatay! Mapakinggan nga ang musika niya. Lumapit siya rito. Okay naman at maganda ang musika. Oh, sadyang ako lang ang nakaka-appreciate ng sining niya. Hindi maiwasan ng dalagang makinig sa musika marahil at isa ito sa kinahihiligan niya. Huminto ang matanda sa pagtugtog nang mapansin nitong nakatuon siya rito. "Ako ay nalulungkot. Ikaw lang ang tanging nakarinig ng maganda kong musika," anito. "Ah, baka po hindi sila masyadong aware sa musika mo, 'tay! Alam niyo po hilig ko rin ang musika. Maganda ang plauta niyo 'tay. Maaari ko po bang malaman kung saan po ninyo ito nabili?" "Binigay lang ito ng dating musikero kong kaibigan. Gusto mo ba, hija?" "H-hindi po at naitanong ko lang," sabay umiling siya. "Kunin mo na. Matanda na ako saka wala naman akong pwedeng pagbigyan nito at pauwi na rin ako maya-maya. Sige kunin mo na, hija!" Inaalok nito ang plauta sa kanya. "Seryoso kayo, 'tay?" Hindi siya makapaniwalang ibibigay sa kanya iyon ng libre. "Oo naman. Kunin mo na ito," pilit nitong inaabot sa kanya ang bagay na iyon. "S-sige po. Salamat po, 'tay!" Masaya niyang inabot mula rito ang plauta. Hinimas-himas pa niya ito at talagang maganda ang pagkakagawa. "Ah, 'tay kanino—" Natigilan siya nang mawala na ang matanda sa kinauupuan nito. "S-saan kaya ang matandang iyon pumunta? Weird," ilang saglit lang ay naramdaman niya ang kakaibang takot sa sarili kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na hangin sa paligid. Naku! Baka multo iyong kausap ko! Nagmamadaling nilisan niya ang kinaroroonan. Labis ang pagtataka niya sa pangyayari subalit nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa makita niya ang nasabing Music Club na tinutukoy ng binatang si Apollo. Nakapaskil sa labas ang pangalan ng Club kaya't pumasok siya sa loob. Naroon lang din sa bungad ang front desk at tinungo niya ang kinaroroonan ng receptionist. Pinoy ito tantiya niya base na rin sa kulay nito at hugis ng mukha. Madalas OFW ang mga empleyado sa lugar na iyon at isa iyon sa impormasyong napag-alaman niya mula sa mga kaibigan na sinimulang pinag-aralan na rin ang lugar. "Good Afternoon, ma'am!" Nakangiting bati nito sa kanya. "Good Afternoon! Ahm, nandito ba si Apollo?" "Apollo?" nakakunot ang noo ng receptionist sa tanong niyang iyon. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa babaeng kaharap. "You're late!" Napatingin siya sa pinagmulan ng boses na iyon. Pati ang babae sa front desk ay napalingon rin sa lalaking nakatayo hindi kalayuan. Pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib at hayun na naman ang walang emosyon nitong mukha na madalas nitong pinapakita sa kanya mula noong una nilang pagtatagpo sa reception ng Green Valley Hotel. Si Apollo. "Wala po tayong oras na pinag-usapan, sir," pormal niyang tugon. Kaka-text mo lang sa akin 'di ba? Tsinelasin kita diyan eh! Hindi niya pinahalata ang pagngingitngit sa sarili. "May shuttle naman hindi ka nagpahatid," nagsalubong na naman ang kilay ng binata. "Sorry, sir. Sana po binanggit niyo rin sa text niyo na kapag nag-turn left ako ay sumakay ako ng shuttle," pagdidiin niya sa huling sinabi. Sinusungitan mo ako eh 'di sungitan din kita! "Whatever. Let's go," sabay tumalikod na ito. Sumunod naman siya rito at napapailing. Nagsusungit na naman! Ka-buwanan! Bigla siyang natigilan. Naalala niya ang sinabi ni Mitch na kaya nitong basahin ang isipan nilang mga mortal. Oh, s**t! I almost forgot! Nasapo niya ang noo nang maalala ang bagay na iyon. Sa dami-dami na niyang nasabi sa isipan niya marahil ay nababasa na iyon ng binata. Anak ng tipaklong naman talaga! Pumasok sila sa isang napakagandang Music Room kung saan naroon ang iba't ibang musical instrument na nasa ayos ang pagkakalagay. Halatang magara ang nasa loob ng kwarto at malawak ang sakop nito. Idagdag pa ang tahimik at magandang ambiance ng paligid. "Okay. Do you have already a song to sing?" Nagsalita ang binata pagkapasok agad nila sa loob at lumapit sa kinaroroonan ng malaking piano. "Yes. A thousand years. Iyon ang request ng bride," nilapag niya ang gamit sa couch malapit sa piano kasama ang kanina pa niya bitbit na plauta. "That flute is yours?" "Huh? Y-yes," hindi na niya sinabi na bigay lang iyon ng matanda kanina. Bakit pa? "Ang alin?" "Huh?" Muli siyang napalingon sa binata. "Nothing. Sige. Umpisahan na natin." Nilapag nito sa harapan ng piano ang music book. Siya naman ay pumuwesto na sa kanang bahagi ng binata. Her feelings started being so strange again. She can't control the emotions of her heart that beats as fast as every time she laid her eyes of an immortal man near to her. And she starts singing the song while Apollo starting to play the piano. Noong una maayos pa at nakakasabay pa siya subalit nang malapit na sila sa chorus ay bigla siyang pumiyok. Napahinto tuloy ang binata sa pagtipa ng piano. "S-sorry," paumanhin niya. "You're nervous. You need to keep yourself in calm and I don't want to do this over and over again," pagsusungit ulit nito. "Sorry na nga hindi ba? Hindi pwedeng magkamali?" Sinalubong niya ang malalim nitong tingin. "Okay. Again. Control your emotion! Dahil kung kinakabahan ka at hindi mo kayang kantahin iyan sa harap ng maraming tao ayokong mapahiya." "Yes, sir!" "Apollo!" "Yes, sir!" Pang-aasar niya rito. "Are you trying to infuriate me?" "No, sir!" Unti-unti niyang kinukuyom ang kamao. "Then, don't called me sir," bigla itong napatayo at tinaasan siya ng boses ng binata. Saglit na nabigla at natigilan si Sam. Ito ang unang beses na may nagagalit sa kanya nang husto sa kaunting pagkakamali lamang. At hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang pagtrato ng binata sa kanya gayong wala naman siyang ginagawang mali rito. Nanghina ang tuhod niya at pakiramdam niya hindi na niya kayang bastusin siya ng kahit sino kahit pa imortal ito. Kaya naman ay matapang niyang sinagot ang binatang hindi na nagbago ang pagtingin sa kanya sa simula pa lang. "Well, kung ganito lang naman na sisigawan mo ako, mag-piyano ka na lang mag-isa mo," kinuha niya ang mga gamit na nasa couch at malalaki ang hakbang palabas ng music room. "Stay here, Sam!" Utos ng binata na hindi pa rin humuhupa ang tensiyon nito. Lumingon siya rito. "No! I won't stay! Maghahanap na lang ako ng magpapiyano para sa akin! Hindi lang ikaw magaling sa mundong ito! I don't even owe you anything, so don't yell or shout as if you're my boss," pasigaw niyang sabi saka muling tumalikod at mabilis naglakad papalayo. Hindi na niya naiwasan ang magalit dito ng sobra dahil sa pinakita nitong magaspang na trato sa kanya. Wala naman siyang kasalanan para magalit ito. Mortal siya oo pero ang hamakin ng isang nilalang na may kapangyarihan tulad ni Apollo, hindi na iyon tama. At hindi iyon gawain ng isang Diyos na tulad niya! "Sam! Sam! Stay here!" Narinig na lang nito ang pagsigaw ng binata sa pangalan niya subalit ni hindi niya nagawang lumingon at diri-diretso siyang lumabas. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa nagpupuyos niyang damdamin at pinahiran ang mga luhang iyon ng palad niya. Kahit mga magulang ko hindi ako sinisigawan pero ang lalaking iyon ay may malaking frustration sa buhay! Bwisit siya! Sa kanyang mabilis na paglalakad ay nakarating siya sa isang malaking puno sa dulo ng Green Valley. Pinagsisipa niya ito sa pag-asang maibsan man lang ang sama ng loob na nararamdaman niya. "Bwisit ka! Wala akong kasalanan sa'yo! Kung may problema ka sa mundo huwag mo akong idamay," nakalimang sipa na siya sa puno saka siya tumigil. Kung nakapagsalita lang ang puno kanina pa ito umaaray sa lakas ng sipa na ginawa niya. Hindi pa rin niya binitawan ang kanina pa hawak-hawak na plauta. Saglit siyang natigilan at tumitig roon. Noong tumugtog si tatay ay naramdaman ko ang kasiyahan. Sana maibsan mo ang nagpupuyos kong damdamin. Marahan siyang umupo siya sa lilim ng puno at payapang inaayos ang sarili para tumugtog subalit hindi niya alam ang nakaambang panganib oras na magsimulang lumabas ang mga nota ng musika. Bukod pa roon, ang kinaroroonan niya ay ang dulong bahagi ng Green Valley. Ang Dark Forest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD