Dimensional Training
Madilim! Puno ng mga nagbabagang apoy ang paligid, nagwawalang halimaw sa gitna ng kadiliman at isang lalaking nakatayong hubad-baro ang matapang na humarap dito. Pawisan na rin ito at bakas sa mukha ang pagnanais na tapusin ang naturang nilalang.
Paulit-ulit kong ginagawa ito upang mahasa ko pa ang aking kakayahan sa pakikipaglaban dahil hindi normal ang mundong aking ginagalawan. This is part of my life and training so far. Mula noong hindi na ako humawak pa ng musical instrument ay isa na ito sa pinagkakaabalahan ko. Ang magsanay ng mabuti at maging malakas tulad ng ibang mga kabaro ko. Well, aside from that, I was living with my family in peace, harmony, and hide our real identity from mortals. When having a business and deal with different people around the world, my life is different from the character of one of the Olympus God named Apollo. We are the same by name but not the character itself. Pero ang makipaglaban sa isang halimaw na nasa harapan ko...ibang usapan na ito!
Umangat ang binata mula sa kinatatayuan niya patungo sa mataas na bahagi at inilabas niya ang bow and arrow na tinutok rin niya sa kalaban. Isang malakas na sandatang ginagamit niya kung saan bihasa siya rito.
At dito na natatapos ang kalbaryo mo, halimaw!
Sambit ng isipan niya bago niya bitawan ang palaso na may malakas na enerhiya patungo sa halimaw na nakabuka na ang malaki nitong bibig upang maglabas rin ng malakas nitong enerhiya patungo sa kanya.
Ang sumunod na nangyari ay narinig na lamang ng binata ang malakas na hiyaw ng halimaw na iyon bago ito sumabog sa matinding puwersang natamo mula sa palaso nito. Dahan-dahan si Apollong bumaba sa lupa at nawala rin ang hawak-hawak niyang sandata sa kamay.
"Amazing!"
Napalingon siya sa likuran niya nang may isang babaeng pumapalakpak papalapit sa direksiyon niya. Naningkit ang kanyang paningin dito at kunot-noong tumitig sa dalaga.
"Alright. No one else can defeat you."
Nagbago ang imahe ng buong paligid at bumalik ito sa dating kaanyuan. Isang Hologram training lang iyon na madalas ginagamit ng mga imortal upang makapag-ensayo. Isang simple at malawak na kwarto na lamang ang naturang paligid. Hinarap niya ang kapatid na si Artemis. Well, they are siblings but not twins as the Greek Mythology history said.
"What are you doing here?" tanong nito saka napakunot ang noo niya habang dinampot ang tuwalya at pinunasan ang katawang pawisan. Isinuot din nito ang t-shirt na itim na nasa gawing kaliwa. Nakapatong ito sa isang bilugang mesa na may pandalawahang upuan.
"I was looking at you a while ago. Today is the wedding rehearsal of Hephaestus and Michelle. Don't you have a plan to come? Ikaw na lang wala sa grupo. Well, kuya Ares isn't there too pero kaya ng hagilapin iyon ng kapatid niya."
"I know. Am I belong to entourage? Hindi naman siguro kaya okay— "
"What?!" bulalas ng kaniyang kapatid. "Are you sick? Of course, you are! Ikaw ang bestman ni kuya Hephaestus natural kasama ka sa entourage! Espesyal ang okasyon na ito kaya dapat hindi mo iyon ipinagsawalang bahala! For immortal like us, weddings are the most important things happened in our life!"
"s**t! Oo nga pala," biglang naalala ng binata ang bagay na iyon. Nag-flash ito na kay bilis at dinaanan lang ang kapatid palabas ng pinto ng dimensional training.
Nahawi ang iilang buhok ng kapatid niya na siyang dahilan kung bakit medyo iritable ito. Narinig na lamang ng binata sa kanyang isipan ang pagngingitngit ng kapatid pero alam niyang sanay na ito sa kanya. Normal na sa kanila ang ganoong eksena lalo na at hindi sila ordinaryong tao. Malimit lang naman dahil ipinagbabawal ang paggamit ng magic, charm, inner power o anumang pwedeng itawag doon kapag kaharap nila ay mga normal na nilalang. May batas silang sinusunod ayon na rin sa kaligtasan ng nakararami.
Sa Root Valley naman ay kinakabisa ni Sam ang kakantahin niya. May bitbit pa siyang papel para masaulo niya ito. Ang totoo niyan ay saulado na niya ang kanta kaya lang naninigurado siya dahil ayaw din niyang mapahiya. Maraming dadalo at halos ay mga hindi nila kauri.
"Ayan na ba ang kakantahin mo?" tanong ni Jona sa kanya habang hinihintay na lang ang iba pa upang sabay ng magtungo sa rehearsal ng kasal nina Mitch at Hephaestus.
"Oo. Kaso kinakabahan ako. Hindi pa kasi kami nagkausap ng pianista kong si Apollo. Halos ang dadalo ay mga imortal at tayo lang hindi bukod sa mga magulang at piling kamag-anak ni Mitch."
"Kaya mo iyan. Sus, ikaw pa. Wala kang bilib sa sarili mo?"
"Meron naman kaso lang hindi ako mapakali. Bahala na nga," hindi talaga siya mapakali lalo na at hindi maganda ang unang pagtatagpo nila ng binatang si Apollo.
Nakita nilang pababa na ang mga kaibigan mula sa second floor at nakahanda na rin upang mag-umpisa sila.
"Nandito na pala kayo. Sina Jho at Khorie ay dumiritso na roon," wika ni Po sa kanila. "Let's go," yaya na nito.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Garden Valley kung saan ang rehearsal area. Marami ang mga naroon at lalong-lalo na ang mga kasama sa entourage. Masaya naman silang sinalubong ng kaibigan si Mitch at kasama nito ang wedding coordinator. Pumuwesto na sila kung saan itinuro ng coordinator ang dapat nilang magiging linya.
Hindi ko mahagilap ang tukmol na iyon ah. May balak ba siyang maging pianista ko at hindi man lang nag-approach. Bahala siya. Marunong naman sina Jingky, Lea at Khorie gumamit ng instrument kaya sila na lang ang pakikisuyuan ko kung sakali.
Ang wedding rehearsal nila ay katulad lang din ng mga normal na tao. Simpleng lalakad ang mga kasali sa entourage hanggang sa mag-meet na ang groom at bride. Ang pagkakaalam niya ay bestman ni Hephaestus si Apollo ngunit wala ito. Kanina pa hinahagilap ng paningin niya ang binata ngunit wala ito sa paligid.
Bakit ko ba hinahanap ang isang iyon? Mag-concentrate ka nga, Sam.
Pinagalitan pa niya ang sarili.
"Hinahanap mo siya?" tanong ni Jingky na katabi lang niya sa hilira ng mga bridesmaid.
Napalingon siya rito. "Huh? Ano ba iyang pinagsasabi mo?"
"Sus, kunwari ka pa. Kanina ko pa napapansin iyang mga mata mo na may hinahanap. Si pareng Apollo ba?"
Bahagya niyang hinila ang braso nito tanda na tumigil. "Jingky, huwag ka ngang dumaldal at maririnig ka ng mga iyan. Saka hindi ko siya hinahanap. May tinitingnan lang ako."
"Talaga? Kaya pala ang mga maya mo nakatingin sa mga abay na lalaki," asar nito sa kanya.
"Tigil-tigilan mo ako at baka tsinelasin kita," banta niya ngunit nakangiti naman siya.
Natawa na naman ang kaibigan niya saka ibinaling muli ang atensiyon sa nagaganap. Hindi niya maaaring sabihin ng direkta ang tunay na laman ng kanyang isipan dahil ayaw niyang mabigyan iyon ng kahulugan. Isa pa, ilang araw na rin naging maligalig ang puso niya mula noong makatuntong sila sa lugar na iyon.
Ilang sandali pa ay natapos na ang rehearsal ngunit hindi pa rin sumipot ang binata. Nais na sana niyang siya na lang ang mag-approach at baka nakalimutan nito. Nagliligpit na ang ilang mga staff roon at siya naman ay naroon sa kanyang grupo. Narinig na lamang nila ang anunsiyo ng dalagang si Aphrodite.
"Guys! We will continue the rehearsal tomorrow. Let's call it a day," pahayag nito saka nagpasalamat na rin sa iba pang mga dumalo.
"Good job everyone and thanks for coming," dugtong naman ni Hephaestus.
Kahit pa hindi maganda ang nakasaad sa propesiya, kailangan pa rin nilang magpatuloy sa buhay. Lamang, oras na dumating ang itinakdang panahon, kailangan nilang tanggapin ang katotohanan sa likod na mapait nilang kapalaran.
"Hep, maybe Apollo will attend the rehearsal even once. Your wedding will be in a few days and your getting married again," wika ni Persius.
"Yeah. Don't worry, I'll talk to him later."
Nilapitan at tinapik sa balikat nila si Hephaestus kasunod ng iba pa.
"Bro, I'll go ahead too. Marami pa akong gagawin sa office," naunang tumalikod si Zeus.
"Okay. Thanks again."
Nagpaalam na rin ang iba para sa kanya-kanya nilang normal na gawain. Ilang sandali pa, habang abala sa pagliligpit ang ibang mga tauhan doon ay siya namang pagsulpot ni Apollo. Naabutan nito ang dalagang si Aphrodite roon na abala sa pagmamando.
"Guys! I'm here! Tapos na ba?"
Napatingin ang mga ito kay Apollo lalo na ang masamang tingin ng dalagang si Aphrodite.
"What do you think? Kanina pa tapos! Saan ka ba kasi nagsusuot, Apollo?" Halatang inis ang dalaga.
"Sorry ahm..may ginagawa kasi ako. Alam niyo na..practice."
"Practice? Bukas sumali ka na at baka magtatampo na ako sa'yo niyan. Ikaw pa naman itong laging nagsasabing kapag nag-asawa na ako ay susuportahan mo ako," may halong pagtatampo ang tono ng boses ni Hephaestus sa kanya.
"Sorry, bro. Don't worry, bukas aagahan ko na."
"I'm glad to hear that," singit ni Aphrodite. "Anyway, you will do piano because one of the bride friends singing solo in the reception after the wedding ceremony. At wag kang tatanggi dahil late ka at hindi ka uma-attend kaya parusa mo iyan!"
"What?" Nakakunot ang noo niya. "P-pero— "
"No but's and if's, Kester Apollo!" madiin ang mga salitang iyon ni Aphrodite.
Wala itong nagawa kundi napailing na lang sa dalaga. Hindi ito makatanggi lalo na at malaki ang respeto ng mga imortal Gods kay Aphrodite. Pinag-uusapan na rin nila ang iba pang detalye ng kasal.
Habang si Sam naman ay tatalikod na sana ngunit may tumawag sa pangalan niya di kalayuan. Naningkit pa ang mga mata niya nang lumingon sa kinaroroonan ng boses na iyon dahil sa sinag ng araw na direktang tumama sa paningin niya. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya makilala ang umagaw sa kanyang atensiyon. Si Aphrodite. Natanaw rin niya si Hephaestus na kasalukuyang kausap ang isang binata na laman ng kanyang isipan kanina at hinahanap din niya. Kinawayan siya ni Aphrodite tanda na kailangan niyang lumapit sa direksiyon na kinaroroonan ng mga ito. Nagtataka man siya kung bakit subalit marahan lamang siyang naglakad palapit sa mga ito.
"Yes," aniya nang makalapit na siya.
"Sam, please coordinate with Apollo about your solo," bumaling ito sa binata. Apollo, ikaw na ang bahala kay Sam at aalis na ako," nagmamadaling sambit ni Aphrodite sa kanila saka tuluyang tumalikod at umalis.
"Bro, take care of Sam. Marami pa kaming aasikasuhin ni Mitch," sabay tinapik ni Hephaestus ang binata at sumunod na ring umalis.
Nagtataka siya kung bakit nagmamadaling umalis ang mga ito subalit naisip na rin niyang masydong abala ang mga ito sa normal nitong mga buhay kahit pa lingid sa kaalaman ng lahat ang mga lahing pinaggalingang ng mga ito. Nang makalayo ang mga ito ay saka nagsalita si Apollo sa kanya.
"Wala akong magagawa kapag utos na ni Aphrodite," sabay natuon ang tingin nito sa kanya.
Tama ba ang narinig ko? Sa tono pa lang ng boses niya ay tila ayaw niyang gawin iyon.
Sinalubong niya ang tingin nito kahit na may kaunting naramdaman siyang distraction sa hindi niya malamang dahilan.
"So, you're Sam. Honestly, I don't have a plan to do that but for the sake of my best friends wedding, I'll do it! Anyway, we will talk later."
Walang bakas na emosyon ang mukha nito at tila ba pinag-aaralan lang ang magiging reaksiyon niya. His eyes are intimidating and she can't help herself out of it. His rounded steel-grey eyes meet her gaze as they standing surrounded by the beautiful flowers, green grass bermuda and some of the trees dancing in the wind.
"Do you understand me," on his cold voice.
"Yeah," on her undertone of voice.
"Okay," he used his flash charm away from her in an instant.
"T-teka—" Nawala na bigla ang lalaki sa harapan niya matapos sabihin iyon. "Paano ko siya makakausap eh wala naman akong contact sa kanya. Hindi ko rin alam ang bahay niya rito. Kamote siya! Sabagay, imortal siya at kaya niyang gumawa ng paraan kung paano kami mag-uusap! Pambihirang buhay ito," napapailing na lamang siya at malalaki ang hakbang niyang nilisan ang lugar.
Whatever! Kahit siya ang pagbibigyan ko ng katana at matupad ang tadhana na mangyayari sa amin ng mga kaibigan ko, still gusto ko pa rin baguhin iyon. Paano na lang ang boyfriend ko? Mas gugustuhin ko pang magka-boyfriend ng totoong tao!
Pagmamaktol niya. Naglalakad na siya pabalik sa tinutuluyan nila pansamantala.
Anong klaseng panaginip ang lahat ng ito at bakit kami napadpad dito? Milenyal na ngayon at nauso pa ang mga Greek ek ek na iyan! Hay kaloka!
"Araaaaay!"
Mabilis siyang bumalanse dahilan ng pagkakabangga niya sa kung saan. Nakatungo siya sa daang binabagtas niya kaya hindi niya alintana ang matigas na bagay sa harapan kaya bumangga siya rito.
Anong—— napaangat siya ng tingin. Tao? Hawak niya ang ilong nasaktan sa pagkakabangga sa kung saan malapad na bahagi ng katawan nito.
"Kayo talagang mga mortal, andami niyo pang iniisip hindi pa kayo tumitingin sa dinadaanan niyo kaya kayo laging napapahamak," may paninisi ang tono ng boses nito.
"Aba! Malay ko bang andiyan ka? Eh, ikaw itong imortal siguro naman nakita mo na ako hindi ka na lang umiwas!" Hindi siya nakatiis na tumaas ang tono ng boses niya. Sa lahat ng ayaw niya ay hamakin siya ng isang imortal tulad ng binatang kaharap niya ngayon.
"Whatever. I'll text you later kung saan tayo mag-eensayo."
"Text? Do you know my number?" Nagtataka siya habang himas-himas ang kanyang ilong.
"I'll text you as I said. And...patingnan mo na lang kay Hermes ang ilong mo baka maimpeksiyon iyan."
"Okay lang ang ilong ko!" Nabawasan lang ng kaunti. Nagtaka pa siya noong sinabi nitong aalis na subalit naroon pa rin ito sa harapan niya at bahagyang nakamasid lang sa ginagawa niyang paghihimas sa kanyang mumunting ilong. "Oh, akala ko ba aalis ka na?"
He was stared deeply into her and she doesn't know why her heart beats as fast as his flashes.
"Nothing. Iniisip ko lang kung maganda nga ba ang boses mo. Sayang naman ang pag-piano ko kung hindi."
Aba't------
Nagpigil si Sam. "Sir, hindi naman siguto ako kukunin ng bride at groom na kumanta sa kasal nila kung hindi maayos ang boses ko. Nakakahiya naman ata iyon sa mga kauri niyo at ayoko rin po na pagtawanan," taas noong sabi niya.
"I'm just letting you know that I don't want a kind of mortify," hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. "And don't call me sir. I'm Apollo."
"I know right, sir. It's not a compromise to call you by your ancient name, right? Don't worry, hindi ko kayo bibigyan ng kahihiyan. And just tell me if you don't want to do this because I have a lot of friends to do piano. I'll ask Jingky, Lea or Khorie to do it for me."
"I'll do piano for you. And if ever you won't call me by my ancient name, I swear-----"
"So? Is that a threat? I'm not afraid of you. Kung ganito pa lang tayo at hindi pa nag-uumpisa ay huwag na nating ituloy ang solo ko," matapang niyang hindi inaalis ang tingin sa binata.
"We will start our practice later," isang malalim na tingin ang pinukol nito sa kanya.
Ilang sandali pa ay mabilis itong nawala sa paningin niya. Nahawi rin ang mga iilang hibla ng buhok niya sa ginawa nitong flash spell o kakayahang maging mabilis pa sa speed of light.
Ang buhok ko! Ibang klase rin ang lalaking iyon! He's an immortal God but he doesn't have any concern of a mortal woman like me. Talaga bang Diyos ang isang iyon? Parang galit sa mundo ang mokong na iyon. Sayang, gwapo pa naman sana siya pero—wala—mukhang suplado ang tukmol na iyon! Makabalik na nga ng Root Valley!
Pagngingitngit niya. Nagmamadali na siyang naglakad papalayo roon at baka bigla na namang lumitaw ang binata sa direksiyon niya.
Habang si Apollo naman ay nakatanaw lang sa dalaga hindi kalayuan. Nakatuntong ito sa malaking sanga sa mataas na bahagi ng puno at nasundan na lang nito ng tingin si Sam. Malalim ang mga tingin nito habang papalayo ito sa kanya.
"Tukmol pala ha," sambit nito saka nilisan ang lugar.