"M-arvin?" gulat na ani ko nang makita ang lalaki na naka-park sa entrance ng The Alpha's Town ang sasakyan. Nakaupo ito sa hood ng kotse nito. Malawak ang ngiti na kumaway ito sa akin. Inutusan ko ang driver na ihinto sa tabi ang sasakyan. Saka ako mabilis na bumaba at lumapit dito. "What are you doing here?" takang tanong ko rito. "Well, available pa naman ang bakanteng pwesto sa restaurant mo, 'di ba? Pwede na ba akong pumasok?" simpatiko ang ngiti sa labi ng lalaki. Minsan na rin naman nagkaroon ng spark ang ngiting iyon sa akin. Noong time na pasuko na ako kay Abram. Pero ngayon, balik doon sa dati na dating. No sparks, too plain. "M-arvin?" "Okay na ang business ko. Balik na sa operation. Pwede na ulit akong mag-stay rito. Ampunin mo naman ako, please?" pa-cute pang ani nito. "

