Hindi ko mapigil ang mapabungisngis habang kasi nakaupo ako sa couch at pinapanood itong hawak ang cue, sinisipat-sipat nito ang cue ball at ang huling bola ng billiard. Isang oras na ito roon pero hindi pa nito maipasok iyon. Napipikong inilapag na nito iyon. "Suko na?" nakangising tanong ko rito. "Sa 'yo lang ako confident na naka-shoot. Panalo na ako roon." Sagot nito na binitiwan na ang cue, 'yong stick na ginagamit sa billiards. Tumabi ito sa akin saka nagsumiksik ito sa akin. T-shirt lang n'ya ang suot ko. Habang naka-boxer lang ito. Ngiting-ngiti ang loko nang tumitig sa akin. "Confident na naka-shoot na?" tanong ko rito. Mabilis naman itong tumango. "Confident na confident akong pasok sa banga. Gusto mo magpa-check up na tayo, eh." "'Wag muna, alam mo naman ang sit

