Nakatulugan ko na ang stress na dulot nang nangyari kanina sa The Alpha's Foodie. Nang magising ako ay tumambad sa aking ang lalaking titig na titig sa akin ngayon. Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Pero hindi naitago ang takot na mukhang ako na naman ang dahilan. "A-re you okay?" paos pa ang tinig na tanong ko rito. "Y-eah, I'm fine." "No, you're not. I know you, Abram. Kung may problema sabihin mo sa akin agad." "Nagkausap kami ng Mommy mo. Dadalhin ka raw n'ya sa America. Ilalayo ka n'ya sa akin." Mariin akong napapikit dahil sa sinabi nito. Kaya naman pala. "Hindi naman ako sasama sa kanya." "Pero hindi natin alam kung ano ang kaya n'yang magawa. Nakausap ko na ang Kuya Cayde mo. Willing ka bang magpa-kidnap sa akin?" natigilan ako. Waring huminto ng ilang segundo ang pa

