"Matibay kaya itong papag?" takang tinignan ko si Abram. Ang kilay ay talagang umangat nang makita ko sa mukha nito ang curiosity nito. "What do you mean?" ani ko rito. Nakaayos na Ang foam. May sapin na rin, pati ang unan at kumot ay naroon na. "I'm just checking. Baka kasi magtaka si Manang Neneth kapag na sira." "Bakit naman masisira?" ani ko rito. "Come on, baby. Alam mo na 'yon." Waring may nais ipahiwatig na ani nito na kumindat pa sa akin. Napabungisngis ako nang ma-gets ang tinutukoy nito. "Sira, hindi tayo makakagawa n'yan. Kita mo naman na dikit-dikit ang bahay rito." "I don't care." Biglang pagsusungit nito. Nagulat na lang ako nang walang kahirap-hirap na kinuha nito ang foam. Nahulog pa ang unan sa ginawa nito. "What are you doing?" sumunod ako nang lumabas ito s

