Seven: The Kuya

1178 Words
Back to MJ Valladolid's "SABI ko na sainyo, eh! 'Yung mestisong iyon ang espiya!" singhal ko agad sa mga kasama pagkatapos nitong makabalik galing sa meeting nila ni Bossing Sinag. Kasama sana ako roon kung hindi lang nang-epal iyong lalaki! Totoo naman kasi ang sinasabi ko, siya talaga ang espiya! Sa tinagal tagal ko rito sa HQ, isang beses ko pa lang siya nakita! Ni hindi ko nga alam kung kailan iyan naging member gayong ako na palagi ang kasama rito ni Daddy noon pa. Espiya iyon! Sigurado ako. Mukha niya pa lang, eh. Mukhang mapanlinlang na. "Ang gwapo niya para maging espiya, ha." sagot ni Ligaya, halatang nakikisakay lang sa sinasabi ko na parang biro lang ang mga iyon. "Hindi ako nagbibiro, Ligaya!" inis kong sabi. Paano ba naman, hindi na natigil sa kakatawa ang babae. "Hindi espiya si Agent Sol, Luna." singit ni Lirik na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. "Sigurado ako." Natatawang nagsalita na rin si Agent Sinta. "Sol at Luna, wow." "The Sun and the Moon," gumatong pa si Ligaya. Imbes na makipagsinghalan pa, tumalikod na ako. "Magpapapalit ako ng pangalan, ngayon pa lang. Nandidiri ako." Nagtawanan lang lalo sila, may kung ano ano pang pinagsasabing hindi ko na gusto pang marinig. Pagkalabas ay bumungad sa akin si Agent Malaya kaya napatingin ako agad sa relo ko — alas tres pasado na. "Saan ka galing? Kauuwi mo lang?" Nahihiya itong tumango. "H-Hindi po espiya si Agent Sol." Awtomatikong tumaas ang kilay ko, nakikinig ba siya sa usapan ng may usapan? "Nakaengkwentro namin ang dalawa sa mga miyembro ng The Odds kanina at walang awang pinagpapapatay niya ang mga iyon... kaya sigurado rin po ako. Mabait po siya—" "He's a spy! May traydor bang ilalabas agad ang baho niya sa una?" natahimik siya. Matatalim din ang mga titig ko dahilan para tuluyan na nitong itikom ang mga bibig niya. Maya maya lang noong makaramdam ako ng mabibigat na kamay sa mga balikat ko. "Napakabitter naman nitong bestfriend ko." Bigla na namang sumulpot sila Lirik, Sinta at Ligaya. May mga ngiting baon na naman at mga banat na pang-asar, sigurado. "Oo nga! Akala mo naman 'di ka pinanagutan ng lalaking 'yun!" nagtatangis na ang bagang ko sa sobrang pagtitimpi. "Natakot mo pa ata si Agent Malaya," sabi ni Lirik na hinarap ang nakababatang kaharap. "Sige na, magpahinga ka na. Magpasensyahan mo na lang itong Senior Citizen dito—" "Tangina naman, eh." pinili ko na lang bumalik sa loob at binagsak ang sarili ko sa higaan. Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam kung bakit galit na galit ako sa lalaking iyon. Pero malaki talaga ang hula kong may posibilidad siyang maging espiya kaya papatunayan ko iyon sa mga tao rito. Patutunayan kong tama ang hinala ko. "MJ, hoy! Saan ka pupunta? Baka hanapin ka ni—" "Madali lang ako, Liam!" Hindi ko na narinig ang sumunod pa nitong sinabi dahil malayo na ang natakbo ko. Desidido na ako ngayong araw. Sisimulan ko ng ipakita sa kanilang espiya nga ang Sol na iyan. Pagkarating ko sa Main Campus, doon lang ako halos natauhan na hindi ko nga pala kilala ang lalaki. Well, bukod sa nakakairita nitong mukha ay wala na akong ibang alam — maging ang kurso man lang nito. Great, MJ. Sobrang galing mo. Tatakbo takbo ka tapos ano? "Bwisi—aray! Ano ba?!" dali-dali akong tumayo mula sa pagkakabagsak sa lupa dahil hindi ko namalayan ang babaeng nagtatatakbo papunta sa akin dahilan para magkabungguan kaming dalawa at sabay pa kaming bumagsak sa lupa. Dali-dali ring tumayo ang umiiyak na babae. Teka, umiiyak?! "Anong nangyari sa'yo?" Kung kanina nanggagalaiti na ang boses na ginamit ko sa pagsigaw, mas naging maamo iyon ngayon. Ikaw ba naman makasalubong mo ang babaeng umiiyak hindi na manlambot? Pero imbes na magsalita ay wala akong nakuhang sagot sa babae kundi ang mga hikbi nito. Nanginginig na rin ang mga kamay niya at parang kinakapos na sa hininga. "O-Okay ka lang ba? Gusto mo magpunta sa clinic?" Alright! I knew it, kulang talaga ako sa communication skills. Ni hindi ko man lang maisip kung paano pupwedeng pakalmahin ang babae. "I...I just want my k-kuya," nanginginig pa nitong gagad. Hindi niya rin halos mahawakan ng maayos ang cellphone na inilabas nito para siguro matawagan ang nakatatanda niyang kapatid. "Ako na lang," sabi ko. Hindi ko na inantay na sumagot pa ang babae dahil bigla ko na lang ring hinablot ang cellphone na hawak nito at pinindot ang numerong nandoon. "I'm on my way, Uly. Nasaan ka na—" "Ikaw ang nasaan na? Nakita ko 'yung kapatid mo rito umiiyak, hinahanap ka na. Ano ba? Anong klaseng kuya ka ba?" padaskol akong magsalita, dahilan para matigilan ang lalaki sa kabilang linya. Binalingan kong muli ang babae at tinulungan ko itong makaupo sa isang upuang nasa foodcourt, patuloy pa rin ito sa pag-iyak na parang hindi napapansin ang mga taong nakatingin sakanya. Is she really okay? "Nasa foodcourt kami. Dalian mo na," dagdag ko pa bago tuluyang mawala ang tawag. At walang pinatayan pa ako ng kuya nito? Aba! Ibinalik ko sakanya ang cellphone at pinipilit na kausapin. Sinasagot niya naman kadalasan ang mga tanong ko kaya lang minsan ay nauubusan din ako ng tanong kaya tumutuloy lang ito sa pag-iyak. "Ully—" naputol ang pagsasalita ng lalaking dumating noongg padarag akong tumayo. Sesermunan ko sana dahil sa kabagalan nitong magpunta rito pero ako ata ang mas napipilan. "Ikaw?!" Pero imbes na makipagsagutan pa sa akin, agad nitong binalingan ang kapatid niya. Kinausap niya iyon at mukhang pinapakalma — bagay na hindi ko magawa kanina. Tuloy tuloy lang sila sa ginagawa nang dumating rin ang isang lalaking mukhang kaedaran ng babaeng kapatid ng asungot. "Kuys, anong nangyari?!" agad na nilapitan noon ang babaeng hindi pa rin tumitigil kakaiyak at ilang beses din sinubok na makipag-usap. "Hindi ko nga alam, Dirk. Papunta pa lang ako nagkaganyan na siya, tapos hindi ko pa nakakausap ng maayos." sagot ni asungot. Nag-aalala naman ang mukha noong Dirk na iyon, "Mabuti pa, Kuya Yvo umuwi na kayo. Ako na lang po bahala sa mga prof niya mamaya." Hindi ko na halos namalayan ang mga nangyari, basta ba kumurap na lang ata ako at itong lalaking si Dirk na ang nasa harapan ko. Well, pwede pa rin namang magbaka sakali. Pwedeng hindi ko makuha ang impormasyon sa mismong tao dahil pwede ko rin itong makuha sa mga kaibigan nito. "Hey!" Okay, I suck at this. "Bakit po, Ate?" Hindi ko alam kung talagang magbibiro itong lalaking kaharap ko o talagang tinawag niya akong ate dahil alam nitong mas nakakatanda ako sakanya– Kung bigwasan ko kaya itong animal na ito? "Iyong lalaki kanina, ano bang pangalan no'n?" sabi ko na lang. Kailangan ko talagang habaan pa ang pasensya ko. Tutal ako naman ang may gusto nito. "Ah! Iyon?" tumango lang ako at nag-antay ng sagot niya. "Bakit? Crush mo 'no?" Madrama pa akong napapikit sa narinig. Kung hindi lang ako nakapagpigil baka sinapak ko na ito ng wala sa oras. "Aight. I'm outta here!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD