"YVONNE John Funtelar, Agent Sol... Bicol University College of Law, twenty-three—"
"Luna."
"Bossing!"
Halos paliparin ko ang mga papel na nasa harapan sa sobrang gulat. Bwisit naman, oh! Ito na nga ba ang sinasabi ko, malakas na ang kutob kong mahuhuli ako itinuloy ko pa.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi pa bumabalik sa ayos ang mga mata ko. Nanlalaki pa rin ang mga iyon lalo pa at wala akong choice kundi ang magpaliwanag kay Boss.
"Ah, ano... kasi, n-naghahanap ako ng scratch! Oo, tama. Scratch paper, boss. May assignment lang sa school," sabi ko habang patuloy na nagkakamot sa ulo. Lumusot ka naman, please!
"Naghahanap ka ng scratch sa Agent Informations?" nakangisi niyang tanong kaya napalunok na lang ako.
"Teka, boss. Tinatawag ako—"
"Nino?"
"Ng kalikasan! Bye, goodnight!"
Nagdere-deretso ako sa banyo. Sa totoo lang, hindi naman talaga. Palusot ko lang para makaalis na. Hotseat!
Pagkaraan ng ilang minuto, minabuti ko namg bumalik sa kwarto. Palilipasin ko muna kay Bossing Sinag ang nangyari. Panigurado, tatlong araw lang limot na niya iyon.
Yvonne John... hulaan ko, mama neto Yvonne. Tatay niya, John.
Natatawa ako sa sarili nang binalingan ko ang tulog na tulog ng si Ligaya. We actually don't know each other. Ang alam ko lang, siya si Ligaya. Ganoon rin kay Sinta. Well, ganoon naman talaga siguro rito. Nagkataon lang na magkaklase kami ng kutong lupang Lirik kaya nagkakilala.
But I wonder kung ano talaga ang pangalan nila. Nakakatawa rin ba katulad ng kay Yvonne?
Nakatulog ako ng may ganoong iniisip. Mukhang napasarap din ang tulog kaya as usual, late na naman kinaumagahan.
Pagdating ko sa campus, nandoon na ang mayabang na si Lirik na ngumingisi ngisi pa dahil nalate ako.
Pwede niya naman akong gisingin, di ba?
Sa huli, wala akong ginawa kundi samaan siya ng tingin at maghanap ng upuang malayo rito. Kinunsumo ko lang ang oras sa pag-iisip, hindi tungkol sa lesson kundi sa Yvonne John na iyon.
Malaki ang duda kong siya ang espiya ng The Odds – hindi! Hindi lang iyon basta duda dahil sigurado ako. Siguradong sigurado ako.
Napangisi ako kaagad sa naisip pero napangiwi naman sa akin ang teacher kong saktong sakto pang tumingin sa akin.
"Oh, MJ. Mukhang may isasagot ka ata sa tanong ko, eh. Kitang kita ko pagkislap ng mata mo," sabi nito agad. "Sige na nga, tayo ka na."
Talaga nga naman, oh! Anong kislap sa mata? Ako ata ang kikislapan ng kung ano rito dahil maski tanong niya ay hindi ko alam.
"Ah... Ma'am, naiihi po kasi ako. Kaya ako kinikilig," nagmamadaling sabi ko at mas piniling mag-excuse na lang at hayaang magtawanan ang mga blockmates ko.
Atleast nakalusot!
Hindi ko naman talaga gustong sumagot! Talagang malas ata ako ngayong araw. Gusto ko na lang umuwi!
Wednesday ngayon, at iyon lang ata ang iswinerte ko. Paborito ko kasing araw ang miyerkules dahil isa lang ang subject namin.
Binibigyan talaga ako ng pagkakataong maimbestigahan ang espiyang iyon.
Alas nuebe ng umaga, nasa college of Law na ako. Tiis tiis ko lang ang init dahil sa mas may importante akong kailangang pagtuunan ng pansin.
"'Di mo naman ako pinahihirapan, Yvonne." napahagikhik ako sa sarili dahil wala pang ilang minuto ay nakita ko na siya agad. Seryosong seryoso ang mukha nito at nakakunot pa ang noo. Mukhang badtrip na naman ang loko, ha. Pinagalitan kaya siya ng boss niya sa The Odds?
Tahimik ko lang siyang sinundan. Napansin kong bumaba siya at nagtungo sa building kung nasaan marahil ang kapatid niya. Mabilis akong kumilos, kampante na ako dahil noon pa man ay napractice ko na ang mga ganito. Napractice ko nang magmanman sa kung sino.
Kaya kumbaga, sisiw na lang.
Nakikita ko na ngayon ang lalaki na hawak na ang bag ng babae niyang kapatid. Hindi ko nakuha ang pangalan nito lalo na dahil paniguradong hindi naman iyon na itala sa opisina. Mukhang hindi rin naman kasali sa ADU ang babae.
Pagkalabas niya sa kwartong pinasukan ay nakabuntot na sakanya ang nakahabatang kapatid. Mula rito, kitang kita ko ang mabilis n paggalaw ng mga balikat nito maging ang paghawak nito sa mukha.
Malabong tumatawa ang dalaga, nakabusangot kasi ang kuya niya kaya nakumpirma kong umiiyak na naman ito.
Pero bakit siya umiiyak?
Bullied?
Siguro hindi. Dahil kung nabubully, baka napatay na agad ng Yvonne na ito ang kung sino mang poncio pilatong mananakit sa kapatid niya.
Nakakapagtaka lang. Tuwing nakikita ko ang dalaga ay lagi itong umiiyak. Mabuti rin pa lang may kuya siya. Atleast, may matatakbuhan.
Ganoon kaya ang pakiramdam noon? Ganoon kaya ang pakiramdam ng may kuya? Mararamdaman mong hindi ka nag-iisa? Iyon bang palagi kang may matatakbuhan at may mapagkukwentuhan?
Bago pa umabot kung saan saan ang pag-iisip ko, minabuti kong mas pagtuunan ng pansin ang dalawa. Naglalakad na ito papalayo at wala akong choice kundi sumunod.
Tuluyan itong lumabas sa campus at nakasunod lang ako hanggang makapasok ang dalawa sa 7/11. Noong una, nag-alangan ako agad. Maliit lang ang lugar at malaki ang posibilidad na mapansin ako ng espiyang iyon.
But I'll take the risk.
Agad kong kinuha ang sumbrero ko sa bag at isinuot iyon. Kung pwede nga lang na maging pangharang ko iyon sa mukha ay ginawa ko na. Kaya lang, masyadong maliit.
Nag-antay muna ako ng limang minuto bago tuluyang pumasok. At sa sobrang malas ko, muntik ko pang mabangga si Yvonne pagkapasok dahil nakapila na pala ito sa cashier. Isa lang ang bantay kaya medyo humahaba na ang pila.
Nagmamadali akong nagtungo sa pasilyo ng crackers at hinigit muna ang hiningang kanina ko pa halos hindi maramdaman.
Can someone explain to me kung bakit kinakabahan ako kapag malapit ang lalaking iyon sa akin?!
Mula rito, kitang kita ko pa rin ang kilos nung Yvonne na iyon. May hawak na siyang dalawang ice cream. Mukhang iyon ang comfort food ng kapatid niya, ah.
Sa nakikita ay hindi ko mapigilang mag-isip. Paano kaya kung may kuya rin ako? I am very sure he can take care of me too. Mas papahalagahan namin ang isa't isa lalo pa't kami na lang dalawa ang magkasama.
Napairap ako sa kawalan at saka tumalikod nang marealize kung gaano ka-awkward na tinititigan ko sila kahit sa p*****a sa ice cream.
Really, MJ?
"You feeling better?" rinig kong sabi ni Yvonne sa kapatid.
Humalakhak naman ang babae bago nagsalita, "You know I am. Seriously, thank you kuya."
Gusto ko na sanang lumingon ulit pero nakaramdam ako ng kung ano sa loob ko. Mukhang masarap rin sa pakiramdam na may kuya. Well, atleast kung mayroon man ako... I will never be alone.
May kuya na, may instant bestfriend pa.
I wonder how it feels like.
Doon pa lang ay halos mawalan na ako ng gana dahil sa kung ano-anong pag-iisip. Nang lingunin kong muli ang dalawa, ganoon na lang ang gulat ko nang hindi na ito mamataan sa inuupuan.
Lintek! Inuuna ko kasi ang pagdadrama ko, eh.
Padarag kong binitawan ang chips na bibilhin sana at saka dumeretso na lang palabas. Natanaw ko pa ang likuran ng dalawa na papasok sa Gate 2 ng BU kaya mas lalo kong dinalian. I swear to whoever! Kapag naiwala ko ang dalawa ay parang sinayang ko lang ang araw ko at pinagpod ko lang ang mga paa ko kakasunod — wala rin pala akong mapapala.
Tumatakbo takbo na ako pagkapasok ko sa campus. Nang makakita ako ng maliit na upuan ay tuluyan akong nagpahinga.
"Bwisit! Nawala ko na ata!" dismayado kong sigaw.
"Sino? Ako?"
Sa gulat ay hindi ko napigilan ang mga kamay ko at awtomatiko ko iyong pinaghahahampas sa kung sino man ang nagsalita mula sa likuran ko.
Bato lang ako ng bato ng suntok at sampal pero lahat ng iyon ay nadedepensahan niya. Lahat ay nasasalag niya.
Nang mapagod ay mabilis akong huminto. Doon ko lang natanaw ang nakakairitang mukha ng espiya.
"Bakit? Miss mo 'ko?"
Gusto kong masuka sa totoo lang. Bukod pala sa pagiging espiya ay may espesyal talent pa pala siya — magyabang.
"Sinusundan mo ba ako?"
"Disgusting! Bakit ko gagawin 'yun?" pagbabalik ko sakanya ng tanong. Namewang na rin ako at saka napabaling ng tingin sa babaeng sumulpot.
"To fed up your stupid pride. May gusto kang patunayan," sabi nito pagkatapos ay tumaas ang sulok ng labi. "Si Tatay na mismo ang nagtanggol sakin. Hindi ka ba nahihiya?"
Muling umingkas ang kamao ko. Kung kanina, hindi ko masyadong inayos ang pagsuntok... baka sa pagkakataon ngayon ay mapatulog ko na iyong mayabang!
"Tatay's blind," kaswal kong sabi na para bang siguradong sigurado ako roon. Pagnarinig ko ni Boss siguradong hindi na naman ako papalabasin sa HQ ng isang araw.
Batas na sa ADU na gawing sekreto ang samahan. Para na rin hindi agad matunton ng mga kaaway at para na rin hindi magawang matakot ng mga estudyante. So, tuwing may mga pagkakataong ganito ay tatay ang tawag namin sakanya.
"You know what? Sinasayang mo lang ang oras mo. If you want to take the guys down, sila ang hanapin mo! Hindi 'yung susundan mo pa—"
"Hindi nga kita sinusundan, airhead!"
"What?!" nag-alab kaagad ang mga mata ni Yvonne. Napikon ko na ata. Hindi ata nito gusto ang tinatawag niya ng kung ano-ano. Naalala ko kasi nung tinawag ko siyang kupal noong Ball halos magdabog pa siya.
Hahakbang na sana ako palayo nang tawagin ako ng kapatid ng espiya. Mukhang wala itong kaalam alam sa pinag-aawayan namin dahil mukha siyang inosenteng inosente. Malayong malayo sa awra ng kapatid nitong kampon ata ni Satanas.
Lihim akong napahagikgik aa mga naiisip. Idagdag mo pang nanlilisik ang mga mata ni Yvonne sa akin.
"Uuwi ka na po ba? Join us! It would be fun," sabi nitong kulang na lang ay pumalakpak.
Fun? Mama niya fun.