"ANONG label n'yo?" Napatingin si MJ kay Alexander Chase nang bigla ay marinig buhat dito ang tanong na iyan. Nakatingin ito sa kaniya sa rearview mirror. Nakaupo ito sa passenger seat sa tabi ng driver nito, habang siya naman ay doon sa backseat. Tumawag daw dito si Bryle at ipinakisuyo na ihatid na muna siya nito sapagkat may aasikasuhin daw munang importanteng bagay si Bryle nang araw na iyon. Tanghali na noon at gusto niyang mainis kay Bryle. Bakit hindi na lang sa kaniya nito sinabi ng diretso na hindi na siya nito mababalikan? Eh 'di sana kanina pa siya umalis kahit commute lamang. Hanggang alas onse lamang paano ang kuhanan ng leave form sa company at hindi na siya aabot. Tiyak na makakagalitan siya sa trabaho niya. Hataw pa naman sila sa loob ng linggong ito dahil may hinaha

