PINAPASOK agad ng landlady si Bryle nang tumawag siya sa gate. Iniabot niya ang bitbit niya para dito na siyang mas nagpaluwang sa ngiti nito. "Naku salamat dito Sir Bryle," sabi nito sa masiglang tono. "and'yan po si MJ halos kakauwi lang din niya, nag-try daw siyang kumuha ng leave form pero parang wala atang nakuha kase malamya ang hitsura," dagdag pa nito. 'Patay!' sa loob-loob niya. Napurwesiyo na naman niya ang dalaga. "Sige po aakyat na po ako, salamat." wika niya na sinabayan ng paglakad papasok at tinungo ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid nila MJ. Tahimik at walang tao sa hallway dahil siguro nasa trabaho pa ang mga tao doon. Kaagad siyang kumatok sa pintuan ng kuwarto nila MJ nang sumapit siya doon. "MJ." tawag niya dito habang kumakato

