"NAPANO pala 'yang mga nasa mukha mo? Kanina ko pa napapansin 'yan nahihiya lang akong itanong sa'yo kase baka isipin mo, pakialamera ako." hindi na ni MJ napigil na puna sa mukha ni Bryle. "Wala 'yan, medyo napasubo lang ng kunti sa gulo." manipis ang ngiting sabi nito. Pumapasok din pala ito sa gulo? Iyan ang naisip niya pero hindi na niya isina-tinig pa. Abala ito sa paglalaro ng candy crush sa cellphone niya, hindi nga niya inaasahan na hihiramin nito ang cellphone niya para subukan iyon. Soda crush, divine. Sabi sa laro. "Oh MJ, crush daw oh. . ." nakatawang sabi ni Bryle sa kaniya habang nakatuon pa din ang mga mata sa screen ng cellphone niya. 'Crush ka d'yan, ayaw mo ngang mag-crushback.' sa loob-loob niya. Sinimangutan niya ito kahit hindi naman ito nakatingin sa kaniya.

