"BRIANNE, hunie I'm home," wika niya pagbungad pa lamang niya sa pintuan. "Hun..." tawag ulit niya dito habang humahakbang patungo sa kitchen sa isip na nandoon ito at naghahanda na sa pagluluto ng kanilang hapunan. Alas sais pasado na din paano noon ng hapon. Wala ito doon. Saglit siyang natigilan at nag-isip habang unti-unting bumabangon ang kaba sa dibdib. Inilagay na lang niya basta sa fridge ang mga ibang bitbit na kailangang ilagay doon at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang hagdanan. Dumiretso siya sa kaniyang silid. "Hunie!" tawag ulit niya dito. Nang hindi ito makita sa pagbungad doon ay dumireto siya sa bathroom. Wala din ito doon. Lumabas siya doon at naisip na tawagan ito. Hinagilap ng mga mata niya ang kaniyang cellphone na naalala niyang naiwan kanina pero ang

