"BRYLE..." untag sa kaniya ni Kean na siyang nagpabalik sa kaniya sa huwisyo. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong nito sa kaniya sabay dampot sa braso niya upang mabitawan niya ang bubog na nasa kaniyang kamay. Napatunghay siya sa sariling kamay na noon ay nagdurugo na pala ng hindi niya namamalayan. Napailing si Kean at kinuha ang mga bubog sa kaniyang kamay. "Ang sabi ko linisin, hindi lamukusin." napapailing na sabi nito. Hindi siya nagsalita. "Napanood mo ba ang news sa TV? Laman ng mga balita si Zayne ngayon, pati na din ang ilan sa mga matataas na taong konektado sa kaniya. May nakakasa pang operation sila Dad para sa iba pa." pantay ang tonong sabi nito habang maingat na iniipon ang mga piraso ng bubog. "Proud ako sa'yo at kay Detective Ethan dahil sa inyong kahusayan," sabi niya dit

