ALA UNA pasado na nang matapos sa pag-uusap sila Alexander Chase at Bryle kasabay ng paghahapunan. Ipinakilala siya ng huli sa kapatid nito at maayos naman ang ipinakita nito sa kaniya. Pero napansin lang niya na medyo may pagka-isnabero ito hindi gaya nitong si Bryle. Hindi lang din niya maiwasang isipin, bakit ang ga-gwapo ng mga ito? Matapos nilang magpaalam ni Bryle kay Alexander Chase ay inihatid na siya nito sa guest room daw natutulugan niya. Pagsapit doon ay napa-wow na naman siya sa isip. Maganda ang silid na iyon at napakaaliwalas kahit ganitong gabi, gaya sa mga napapanood niyang silid sa mga hotel sa hollywood movies ang deskripsyon noon. Pero ganunpaman ay hindi wow sa kaniya sa isip na matutulog siya doong mag-isa sa napakaluwang na silid na iyon. Napapanglaw siya, hin

