NAPAMATA si MJ nang pumasok sa mataas at malaking gate ang sasakyan ni Bryle matapos silang silipin ng dalawang guards na nakaduty doon. Umusad pa ng ilang sandali ang kotse nito bago humimpil sa napakalawak na garahe. Sa wakas ay huminto na din sila. Malayo din ang ibinayahe nila at nahihilo na siya, nahiya lamang siyang sabihin kay Bryle na nahihilo siya sa car freshener nito kanina pa. Iniligid niya ang paningin sa labas ng sasakyan. Nasaan sila? Dito ba ito nakatira? Iyan ang mga tanong sa isip niya. Bumaba si Bryle at kaagad siyang ipinagbukas ng pintuan. "Asan tayo?" hindi na niya napigil na tanong kay Bryle nang makababa siya. "Tumawag kase 'yong utol ko, sinabi niya na pakialalayan ang manganganak na niyang asawa, baka kase hatinggabi pa daw siya makarating buhat sa Spain.

