Chapter Thirty-One

1260 Words

NANLAKI ang mga mata ni MJ nang makita sa labas ng company ang nakaparadang sasakyan ni Bryle.  Hapon na noon at tapos na ang oras ng trabaho kaya naman dapat ay mag-a-out na siya para makauwi na ng maaga dahil magku-commute lamang siya at dadaan pa sa palengke para mamili ng mga sangkap sa putaheng ipapaluto niya sa kanilang landlady. Sapo ang bibig ay natatarantang napalakad siya pabalik sa loob imbes na i-punch ang company ID niya para sa pag-out. Kumakabog ang dibdib niya at kagyat na nanlamig ang kaniyang mga palad pati na din ang mga talampakan. Hindi niya inaasahan na pupunta ito doon. Kaya heto at hindi din niya alam kung anong gagawin o kung paano ito haharapin pagkatapos nang nangyari noong nagdaang gabi. Bakit kaya? Ano'ng ginagawa niya dito? Iyan ang mga tanong sa isip n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD