"SI ETHAN?" Narinig ni Brianne na tanong ni Bryle sa kaniya habang nasa biyahe na sila. Sinulyapan niya ito sa rearview mirror. "Tumawag s'ya kanina at sinabi na mali-late sa pagsundo sa akin. Baka naman nakabalik na ako bago pa siya dumating," tugon niya habang nakatuon na ang mga mata sa kalsada. Tiningnan siya nito, tinitigan. Pero dahil abala siya sa pagmamaneho ay hindi niya ito napapansin, ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya. "I-airplane mode mo ang phone mo, okay lang ba sa 'yo?" kapagkuwan ay tanong ni Bryle kaya napasulyap ulit siya rito sa rearview mirror. "Pero. . ." wika niya na nabitin mismo nang maisip na gawin na lang ang sinasabi nito. Kinapa niya sa kaniyang purse ang cellphone at iniabot dito iyon. "Please!?" siya sa nakikiusap na tono. Napatingin pa ito sandali s

